Walang Forever
Sawa na ba kayong marinig ang salitang "WALANG FOREVER?" Ako rin sawang-sawa na pero anong magagawa ko kung wala naman talagang forever. Imagine ang saya-saya namin ng boyfriend ko tapos biglang iiwanan niya lang ako sa ere. Nagsumpaan pa kaming siya ang forever ko at ako ang forever niya tapos biglang goodbye forever na. Sakit bes, kasing sakit nang sugat na nilagyan ng asin.
Nakakakita ako ng lovers sa facebook, lintek ang sweet pa nila. Halos hindi mapaghiwalay ang mukha dahil dikit na dikit sa isa't isa. May nakalagay pa na hashtag road to forever. Letse! Maghihiwalay din kayo. Kung mag-asawa nga naghihiwalay pa, kayo pa kayang magjowa lang. Kung kami nga ng pinakamamahal kong boyfriend naghiwalay, kayo pa kaya. Oo na ako na bitter. Anong magagawa ko? Mahal ko e kaso nga wala nga kasing forever. Bigti na bes.
Napanood mo na ba ang advertisement ng Jollibee? Kung hindi pa, well huli ka na sa chika. Kung oo naman, o 'di ba? Pak na pak na wala talagang forever. Ang masakit pa roon, na-friend zone si kuya. Nakuha pang best man sa kasal ng babaeng pinakamamahal niya. Ouch lang as in ouch na ouch, tagos hanggang blood vessels mo. E mabagal kasi. Hindi kaagad duma-moves kaya ayon, hindi pa man nagsisimulang manligaw goodbye lovelife na. Ay naku! 'Di na kasi uso ang torpe sa panahon ngayon, new generation na tayo mga pre. So all in all, ang ending, move on na.
Sabi ko noon, may forever sa piling ko. May forever sa amin ng boyfriend ko kasi naman going strong and kickin' ang relationship namin hanggang sa tumagal kami ng 6 months. Unti-unting nagbago ang lahat, we are not we are used to be. He changed a lot. Hindi na siya yung katulad ng dati na magcha-chat kapag hindi pa ako nagcha-chat. 'Yong sweet sa sarili niyang paraan. Hindi niya na ako tinatawag na "ma" which is his endearment to me. Nakakatawa! Siya ang pumili ng tawagan namin na 'yon kasi 'yon daw ang tawagan ng parents niya. Alam ko sasabihin niya na kasi nagbago ako dahil hindi na ako yung sweet, dahil hindi na ako 'yong gaya ng dati na laging nangungulit sa kaniya. Pero masisisi niya ba ako? Siya mismo nagsabi na ayaw niya ng sweet, at alam kong minsan naiirita na rin siya sa kakulitan ko. Hindi porket siya ang laging unang bumabati sa akin tuwing monthsary namin is nakalimutan ko na 'yon. I tried making efforts kahit sa simpleng pamamaraan lang, videos, letters, etc., but in the end it all failed. Wala naman akong pinagsisisihan kasi after all naging masaya naman ako sa relationship namin, 'yon nga lang it didn't work out well. Ganoon talaga, mayroon kasing mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhanang magsama nang panghabang-buhay. Kasi nga, walang forever 'di ba nga? Kaya 'yang mga naniniwalang may forever better think thousand times kasi nga wala, wala, wala! Damay-damay na 'to. Kung wala kaming forever ng boyfriend ko dapat kayo rin para fair bwahahaha! Joke! Ang sama ko na masyado. Nagmumukha na akong kontrabida chuva ek ek sa pagiging bitter ko.
Pero despite the fact na walang forever, eto na nga at natagpuan ng friend ko ang ka-forever niya after her failed relationships. His long lost love came back, they have seen again each other in facebook and ayon na, duma-moves na ang lolo niyo at napasagot ulit ang kaniyang first love, bongga 'di ba? Kabog ang loveteam sa generations ngayon. They were going strong today at nagkakasundo naman sila kahit paano. I've seen their efforts para sa isa't isa and I find it amazing. Amazing? Kasi bihira na lang sa mag-jowa ngayon ang ma-effort. Karamihan kasi basta may pera at tumuntong ang monthsary, bigay gifts lang, kaen sa labas, pasyal dito, pasyal do'n at ang ultimate combo motmot ever na hindi na ata mawawala sa panahon ngayon, as in wow, ano 'yon pangtanggal ulaw na ngayon gano'n?
So back to the topic, kahit walang forever ay hindi pa rin talaga mawawala ang mga taong sobrang nagmamahalan at pinaglalaban na tatagal sila habang buhay. Jusko akala mo naman ang tagal na nila ng jowa nila kung makahirit ng "FOR A LIFETIME KAMI." Haller! 2 months pa lang kayo. Para sa mga lalaki, hindi pa inuugat ang mga paa niyo sa kakahintay sa napakatagal na pag-aayos ng babae sa harap ng salamin. Hindi niyo pa nae-experience ng bongga ang todo kapraningan ng mga babae. Para sa mga girls naman, hindi niyo pa nararamdaman ang unti-unting pagbabago ng lalaki sa inyo. Hindi niyo pa nakikita ang other side of the door nila. In short, hindi niyo pa nararanasang makita ang totoong ugali ng isa't isa under the same roof. My Golly why, walang taong walang sikreto. Lahat ng mga ka-loveteam niyo sa umpisa lang 'yan magagaling parang pinsan ko lang 'yan na sa umpisa lang minamahal ang kaniyang laruan, pagtagal, gugutay-gutayin na. Kaya ang ending, maraming sawi, maring naiiwang luhaan habang ang nang-iwan nagpapakasaya sa piling ng kanilang new labidabs, kung hindi ba naman mga gago. Sorry for the word, pero may mga ganoon talagang tao e. After kang iwan at pagsawaan, party-party na sa new lovelife nila. Hindi ko naman nilalahat, pero karamihan talaga. Kaunti na lang sa panahon ngayon ang kayang panindigan ang salitang forever.
But when you think it more clearly, mayroon naman talagang forever e. Hindi mo man siya nakikita ay lagi lang siyang nandiyan at patuloy na minamahal ka beyond sacrifices and consequences. You know naman siguro kung sino ang tinutukoy ko. Of course none other than the Creator, our Savior, the One up above who save us from our sins. Kahit na napakalupit natin sa kaniya dahil sa araw-araw nating paggawa ng kasalanan nandiyan pa rin siya para sa atin. Kahit na hindi man lang tayo naglalaan ng isa hanggang dalawang oras para alalahanin siya ay patuloy pa rin siya sa paggabay sa atin para lang ilayo tayo sa kapahamakan. Maaaring kinukwestiyon niyo na bakit ibinibigay niya tayo sa mga maling tao? The answer is simply because, He wants us to learn from our own decision. Kahit naman na Siya ang gumagawa ng kapalaran natin ay tayo pa rin naman ang nagdedesisyon para sa ating mga sarili hindi ang ibang tao.
Let us summarize the whole content, oo marahil walang forever sa amin ng boyfriend ko dahil nasaktan ako at umiyak, nagmukmok at kulang na lang magbigti, same with all of your failed relationships pero still, magsisilbi lang itong lesson learned na magiging sandigan natin to move forward para mas maging matatag tayo sa ating mga susunod na relationships, 'yon kung meron pang magtiyatiyaga pa sa'yo hahaha just kidding aside. Syempre lahat naman ay magkakaroon ng ka-forever nila. Siguro hindi pa nga lang dumarating ang para sa iyo, for now kapit ka sa akit, kumapit ka sa akin, hindi kita bibitawaaaaannnn! Hahaha! Hola babush!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top