Chapter 8

Chapter 8

Tatlong Prinsipe

Time has never been the healer, but the killer.

Ngayong bumalik ako sa mundo ng mga bampira, tanging paghihintay na lamang ba ang maaari kong gawin? Sinubukan kong gumawa ng paraan sa mundo ng mga tao pero oras ang matindi kong kalaban.

Walang kahit isang itinakdang babae ang handang pumasok sa mundong ito na siyang maaaring tumulong sa akin. Umalis ako sa mundong itong nag-iisa at bumalik ako ritong nag-iisa muli.

Mahirap kalaban ang oras.

Nanatili kami ng reyna sa silid aklatan habang nalilito pa rin ako sa mga sinasabi niya.

Kung hindi buhangin ang kapangyarihan ng anak ni Danna, sino ang bampirang nagtungo sa mundo ng mga tao para kagatin ako? Hindi ba at sinabi niyang isa siyang Gazellian?

Sinong dapat kong paniwalaan? Sinalubong na naman ba ako ng kasinungalangan at mga katanungan ng mundong ito?

Posible kayang hindi lang ang anak ni Danna ang anak ng hari sa labas? Posible kayang panibagong Gazellian ang bampirang kumagat sa akin?

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.

"Kinagat? May kumagat sa 'yong bampira?"

"Sapilitan niya akong kinagat at pansamantala niyang tinanggal ang aking paningin sa pamamagitan ng kanyang buhangin. Hindi ko nakita ang kanyang mukha, Mahal na Reyna..."

Napahawak ang reyna sa lamesa upang kumuha ng suporta. "B-Buhangin?"

"Hindi ko na maintidihan. Bakit kailangan niya pang tumawid sa mundo ng mga tao para lamang kagatin ako?"

Pansin ko na rin ang kalituhan sa mga mata ng reyna.

"Mahigpit na siyang umiiwas sa kahit sinong bampirang nagmula sa kahariang ito. Minsan ko lang siya naabutan sa loob ng emperyo at saglit ko lang siyang nakausap, wala akong alam na dahilan kung bakit ka niya kailangang kagatin, Claret. Buhangin? Sigurado ka ba talaga na iyon ang kapangyarihan niya?"

"Sigurado. Ginamit niya ito sa akin. Sinabi niya rin sa akin na isa siyang Ga--" Itinigil ko ang dapat kong sasabihin. Hindi magandang bigyan ko na ikasasama ng loob ang reyna lalo na kung hindi ako lubos na sigurado sa anumang sasabihin ko.

"Na isa siyang Gazellian?" Natigilan ako sa sinabi ng reyna. Gusto kong tanggalin sa isipan ng reyna ang kung anumang iniisip ko ngayon. Siguradong higit na naman siyang masasaktan.

"Mahal na Reyna, posible kaya na dalawa ang kapangyarihang meron ang anak ni Danna? He can manipulate the sand and time. Hindi ba at ganito ang kapangyarihan ni Danna?"

Umiling ang reyna. "Alam kong oras lamang ang kapangyarihan ng anak ni Thaddeus kay Danna, Claret." Mapait na sagot niya.

"Nalilito ako. Sinabi n'yo sa akin na halos magkasing edad sina Zen at ang anak ni Danna pero papaano mangyayari iyon? Buong akala ko ay mas matanda pa siya kay Dastan..."

"Hindi ba at pareho nating alam na totoong minahal ng aking hari si Danna? Minahal siya ni Thaddeus kahit hindi sila itinakda sa isa't isa. Alam kong mahal na mahal ako ni Thaddeus pero alam ko rin na minahal niya si Danna at hindi iyon nais masaktan."

"K-Kung ganoon..."

Tumango ang reyna sa akin na parang nababasa na niya ang nasa isip ko. "Hindi pa magawang tuluyang bitawan ni Thaddeus si Danna kahit nakilala niya na ako. Mahal niya pa rin si Danna."

Mahigpit na akong umiling sa sinabi niya.

"Imposibleng mangyari iyon, Mahal na Reyna. Walang makakatalo sa pagmamahal ng dalawang bampirang itinakda sa isa't isa. Sa sandaling nagtagpo na ang dalawang itinakdang bampira, mawawala na ang atraksyon nila sa ibang bampira. Ang isa't isa na lamang ang magiging mundo n'yo, sinabi rin iyon sa akin ni Danna. Mahal na mahal ka ng hari.." Lumapit na ako sa reyna at naupo ako sa tabi niya. Bahagya kong hinawakan ang kanyang kamay.

"Iniwan niya si Danna para sa inyo, Mahal na Reyna.." Mahinang sabi ko.

"Ramdam ko ang pagmamahal ng hari sa akin, Claret, at wala akong masasabi roon. Alam kong mahal na mahal ako ni Thaddeus pero hindi nito mabubura na may babaeng nauna sa akin, may unang babaeng nagpaibig sa kanya. Alam kong bago sila tuluyang naghiwalay at tanggapin ni Danna na para akin ang hari, may huling nangyari sa pagitan nilang dalawa..."

At ang bampirang hinahanap ko ang siyang bunga niyon.

"Mahal na Reyna.."

"Kahit ako ang nasa katayuan ni Danna, Claret, hindi ko hahayaang magkahiwalay kami ni Thaddeus na hindi ako muling mapapasailalim sa kanyang mga halik at haplos. Hindi ako papayag na walang batang mabubuo bago niya ako tuluyang iwan..."

Kumuyom ang mga kamay ko.

Talaga bang ganito ang epekto ng mga lalaking Gazellian? Halos mabaliw ang kahit sinong babaeng napapasailalim sa kanila. Simula sa kanilang amang hari, kay Dastan, maging si Zen na kilala sa bawat sulok ng iba't ibang emperyo. Pati na rin sina Finn, Evan, Caleb at maging si Casper.

"Mahal na Reyna..." Tinanggal na reyna ang kamay kong napatong sa kamay niya at siya mismo ang humawak sa akin.

"Posibleng magkaibang tao ang anak ni Danna at ang bampirang sinasabi mo. Hindi ko nagustuhan ang pagtungo niya sa mundo ng mga tao para lamang kagatin ka. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa mga balitang ibinahagi mo..."

"Mahal na Reyna, nasisigurado kong anak siya ni Danna. Siya mismo ang nagsabi nito sa akin. Sinabi niya sa akin na isa siyang Gazellian. Dalawa ang kapangyarihan niya, oras at mga buhangin."

Nang sabay namin siyang maramdaman ni Lola inakala kong hindi iyon pamilyar sa akin, pero nang mas lumapit ako sa kanya tila matagal ko nang kilala ang presensiya niya. Dahil ba nakasama ko nang matagal ang kanyang ina?

"Claret, listen to me. Nasaksihan ko ang paggamit niya ng kapagyarihan, imposibleng buhangin ang kapangyarihan niya." Giit sa akin ng reyna.

"Mahal na Reyna, sinasabi mo ba na may iba pang Gazellian bukod sa anak ni Danna?" Ito na ang naisip ko kanina na ayaw kong tanggapin at paniwalaan. Alam kong hindi lang ang reyna ang lubos na masasaktan sa kaalamang ito, maging ang magkakapatid na Gazellian.

"Ano ang magagawa ko, Claret? Hindi ako ang unang babae. Ako lang ang panghuli. Panghuli at muling naiwan..." Sa bawat bitaw ng salita ng reyna, ramdam ko ang kirot ng nararansan niya.

Gusto ko nang sumigaw at sabihing bakit ang lalandi ng mga lalaking Gazellian?!

Hinaplos ng reyna ang pisngi ko. "Swerte ka, Claret. Ikaw ang unang minahal ni Zen. Mahal na mahal ka ng anak ko. Huwag mo sana siyang bibiguin. Huwag mong bibiguin ang anak ko. Napakaganda mong bampira at posibleng maraming mga prinsipe ang nakamata sa 'yo. Malakas ang pakiramdam ko na isa na rito ang lalaking may kakayahang gamitin ang buhangin. Huwag na huwag mong ipagpapalit sa iba ang anak ko, hija, nakikiusap ako..."

Tumulo ang luha ko.

"Paano ko po mapapalitan si Zen? Imposible na po itong mangyari Mahal na Reyna, mahal na mahal ko po ang Prinsipe ng mga Nyebe. Wala kahit sinong prinsipe ang muling magpapatibok nito, Mahal na Reyna..." Itinuro ko ang dibdib ko.

"Tanging ang anak n'yo lang. Si Zen lang po, Mahal na Reyna..." Muli niya akong niyakap.

"Tulungan n'yo po ako. Ginawa ko na po lahat ng makakaya ko para muling maibalik si Zen sa mundong ito pero wala na akong mahanap na paraan. Ilang taon na po akong nangungulila sa kanya. Mahal na Reyna, nagmamakaawa po ako tulungan nyo po akong maibalik si Zen..."

"Claret, hija..."

"Kahit anong paraan, handa ko na po itong gawin..."

"Nakipag-usap na ako kay Leon tungkol sa bagay na ito." Humiwalay ako ng pagkakayakap sa reyna sa narinig ko.

"Si Lolo?"

"Minsan na rin namin napag-usapan ang anak ni Danna at nasabi ko na kay Leon ang kapangyarihan niya. Sinabi niya sa akin na posibleng matuto rin ang anak ni Danna katulad ng sa kapangyarihang ng kanyang ina." Saglit akong nabuhayan sa sinabi niya.

"Sinasabi mo ba sa akin, Mahal na Reyna, na maaari akong matulungan ng anak ni Danna?"

Parang kahapon lang nang sabihin sa akin ng reyna ng mga sirena na hanapin ko si Danna at ngayong bumalik akong muli sa mundong ito, mukhang may importanteng bampira na naman akong hahanapin.

Pero sa pagkakatong ito, ako ang lubos na nangangailangan ng tulong.

"Nag-aalinlangan pa ako kung sasabihin ko ito o hindi sa 'yo, Claret. Sinisisi ng anak ni Danna ang buong Parsua lalo na ang Sartorias sa pagkawala ng kanyang ina, maaaring isang magandang patibong ang kanyang kapangyarihan para— " Bahagyang sumulyap sa akin ag reyna.

"P-Para? Kung nagawa kong pakisamahan si Danna noon, sigurado akong magagawa ko rin ito sa kanyang anak." Hinaplos ng reyna ang mahaba kong buhok.

Ngayong nakakita na ako ng maliit na pagkakataon na maibabalik ko ang aking prinsipe, hindi ko na ito pakakawalan.

"Claret, iba ang epekto mo sa mga lalaking bampira. Higit ka pang maganda sa mga ipinanganak nang ganap na bampira. Posibleng isa ang anak ni Danna sa mga nabihag mo, lalo na at alam nilang lahat na wala ang aking anak sa tabi mo..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng reyna.

"Ilang taon na po akong wala sa mundong ito, papaano pa ako maaalala ng mga bampira? Wala akong natatandaang magandang ginawa sa pananatili ko sa mundong ito, dahil pawang pagsalungat lamang sa batas at paniniwala ang aking ginawa." Hindi ko iyon itatanggi.

"Hindi mo nalalaman ang angking kagandahan mo Claret, iba ang ganda ng mga babaeng nagmumula sa salamin ng asul na apoy. Marami nang henerasyon ang mga itinakdang babae, pero natatangi ka, Claret. Ikaw ang pinakaangat sa kanilang lahat. Hinigitan mo pa ang kagandahan ni Olivia." Napatitig lang ako sa reyna.

Kung dati ay halos magwala ang puso ko kapag may pumupuri sa kagandahan ko, ngayon ay wala akong maramdamang galak sa sinabi ng reyna.

"Wala rin silang mapapala sa akin. Si Zen ang mahal ko at kahit ilang bampira pa ang mabihag sa sinasabi n'yong kagandahang meron ako, walang mababago sa akin. Ang Prinsipe ng mga Nyebe lamang ang lalaking mamahalin ko." Madiing sabi ko sa reyna.

"Pinagkakatiwalaan kita, Claret. Pero natatakot ako sa mga bampirang maaaring mapalapit sa 'yo. Hindi mo hawak ang maaari nilang magawa sa'yo. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na sapilitan ka nang kinagat ng lalaking may kapangyarihan ng buhangin, papaano kung higit pa roon ang gawin sa 'yo ng ibang mga bampira?" Natigilan ako sa sinabi ng reyna.

"Sinasabi n'yo bang hindi ko maaaring hanapin ang anak ni Danna? Kung ganoon, sino pa ang maghahanap sa kanya? Ako ang may higit na may kailangan sa kanya. Hindi ko ito pwedeng ipaubaya sa iba."

"Bigyan mo ako ng sapat na dahilan, Claret kung bakit ka niya tutulungan. Hindi mo ba naisip na posibleng isa ka sa sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang ina?" Ramdam ko na ang pagbigat ng aking paghinga sa tumitinding pag-uusap namin ng reyna.

"Anak siya ni Danna, Mahal na Reyna. Alam kong pinalaki siya nang tama ni Danna. Maiintindihan niya ako..."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, hija? Sabihin na natin na tama ang sinasabi mo, na ang lalaking may kapangyarihan ng buhangin ang anak ni Danna, sabihin mo sa akin, tama ba na sapilitan ka niyang kinagat?" Nabalot ng katahimikan ang buong silid.

Ilang minuto kaming natahimik ng reyna bago ako huminga nang malalim at pinilit ang sariling magsalita.

"Ano ang gusto n'yong gawin ko?"

"Kasalukuyan nang gumagawa ng kilos si Leon. Hintayin natin ang kanyang balita." Umawang ang bibig ko sa sinabi ng reyna.

"Mahal na Reyna, ilang taon na akong naghihintay kay Zen. Hindi pwede na maghintay na lang ako at walang gawin. Ang lalaking mahal ko ang pinag- uusapan dito."

"Claret, intindihin mo ako. Ligtas ka sa loob ng Parsua, mainit pa rin tayo sa mata ng ibang emperyo. Wala sa mga anak ko ang makakasama sa 'yo, kulang ang lakas ng Sartorias kung aalis pa ang isa sa kanila..."

Tatlong Gazellian ang wala sa kaharian.

"Nandito ang apat na Viardellon na siyang ipinadala ng hari. Sila ang tumutulong sa pangangalaga ng kaligtasan ng kaharian. Lahat ay abala at may kani-kanilang mga tungkulin, walang makakapagbantay sa 'yo kung maglalakbay ka. Hindi na biro sa labas ng Parsua, Claret..."

Nasisiguro ko na malaki ang kinalaman ng nangyaring digmaan nang panahong wala ako rito.

Magsasalita na sana ako nang kapwa maagaw ang atensyon namin mula sa isang napakagandang musika mula sa isang plauta. Nag-angat kami ng reyna ng paningin sa bintana.

Nakapikit ang mga mata ng siyang pinanggagalingan ng musika. Isang plauta ang humihimig mula sa mga kamay ng isang prinsipe, at nang sandaling nagmulat siya, ang kanyang mga mata'y nagniningas.

"Mukhang nakakalimutan n'yong may pinakamakisig na prinsipe pa sa mundong ito."

Tumalon si Rosh mula sa mataas na bintana at nagsimula na siyang lumapit sa reyna.

"Rosh..."

"I hate your dramatic entrance." Mula iyon sa panibagong pamilyar na boses.

Nakaupo na sa lamesa si Seth habang prenteng umiinom ng isang tasang naglalaman ng dugo.

"Let's drink." Kaswal na sabi nito na parang kanina pa siya dito.

"I promised, so... I am here."

Lumawak ang ngiti ko nang makita si Blair na kaswal na nagbubuklat ng aklat.

"Mahal na Reyna..."

Sa isang iglap ay nawala ang tatlong prinsipe sa kanilang mga posisyon at natagpuan ko silang kapwa nakaluhod ang isang tuhod, nakayuko at nasa dibdib ang isang kamay.

A formal gesture of a royalty.

"Nais kong humingi ng pahintulot na ilabas sa emperyong ito ang unang diyosa mula sa salamin. Ipinapangako naming bibigyan siya ng lubos na proteksyon hanggang sa kahuli-hulihan naming hininga." Panimula ni Seth.

"I fell for her words. She touched my heart. She gave me hope and made me realize everything. Hindi ako papayag na may manakit sa unang bampirang tiningnan ako na higit pa sa isang tunay na prinsipe."

"B-Blair..."

Pero tuluyan nang tumulo ang mga luha ko sa narinig mula sa ikalawang prinsipe ng Deltora.

"Ipinapangako namin na habang wala pa si Zen, kaming tatlo muna ang kanyang mga prinsipe. Hindi man namin siya kayang mahalin gaya ng pagmamahal ng Prinsipe ng mga Nyebe... pangako, magagawa namin siyang protektahan na gaya ng sa kanya."

"R-Rosh..."

Kapwa tumango sina Seth at Blair sa sinabi ni Rosh. Nang nag-angat sila ng tingin sa amin ng reyna ay natuon ang kanilang mga mata sa akin.

"Claret, allow us to be your princes and be with you in your new journey. Ibabalik namin sa 'yo ang Prinsepe ng mga Nyebe. At habang ginagawa namin iyon, hayaan mo kaming protektahan ka..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top