Chapter 4

Chapter 4

Balita

Being alone in the woods with the sound of the wind from trees is like hearing the saddest melody.

I thought the sound of nature would be my painkiller, but it wasn't. Wala iyong magawa sa sakit na nararamdaman ko.

Nakatayo ako sa puno ng hagdanan sa gitna ng lumang arko habang nakatanaw sa kalawakan ng patay na kagubatan. Umiihip man ang hangin na yumayakap sa aking katawan, tinatangay man nito ang ilang piraso ng dahon mula sa iilang puno, hindi pa rin ako makaramdam ng kaunting buhay.

Mas hinigpitan ko ang aking pagkakayakap sa sanggol na hawak ko. Hinayaan kong liparin ng hangin ang aking napakahabang buhok habang banayad kong naririnig ang muling pag-iingay ng nakasabit na tambol.

Hinihintay ko na lamang ang ilang monghang nakaligtas at nakapagtago para protektahan ang kanilang mga sarili. Nang maramdaman kong nasa likuran ko na ang pinakamatandang mongha na siyang pilit itinago ng mga batang mongha para mapanatili siyang buhay ay humarap na ako sa kanila.

"Hindi na rin ako magtatagal sa lugar na ito. Hayaan n'yong dalhin ko ang bata. Hindi ko siya kayang iwan sa kabundukang ito." Marahang hinawakan ng matandang mongha ang braso ko. Umiiling siya sa akin.

"Ano ang kasiguraduhan n'yong hindi kayo babalikan ng mga bampira? Siguradong babalikan nila ang batang ito. Wala kayong kakayahan. Walang kahirap-hirap kayong napasok. Hindi na ako papaya na makalapit pa sila sa batang ito."

Humakbang na ako papalayo sa mongha. Hindi ko ibibigay sa kanya ang bata.

"Alam mong maaaring mawala ang kakayahan ng isa sa inyo sa pagiging isang itinakdang babae. Mag-aagawan kayo ng presensiya kung nasa isang lugar kayo sa napakahabang panahon." Mahigpit akong umiling dito.

"May mga plano na ako para sa batang ito. Sana ay pagkatiwalaan n'yo ako..." Hindi man sila pumayag sa kagustuhan ko, hindi nila ako mapipigilan dahil sapilitan kong ilalayo sa kabundukang ito ang ikatlong itinakdang babae.

"Kung hindi kita mapipigilan sa kagustuhan mo, gusto kong dalhin mo ang sulat na ito kay Olivia." Nag-abot siya sa akin ng lumang nakatuping papel.

Nang makalanghap ako ng usok mula sa apoy muli na namang kumirot ang puso ko. Alam ko ang ibig sabihin niyon, inihahanda na ng ilang mongha ang mga katawan ng mga namatay para sunugin. At nang makumpirma ng aking mga mata ang apoy na kasalukuyan nang nagliliyab sa tagiliran ng templo, kusa na lamang tumulo ang aking mga luha.

Hinarap ko ang pinakamatandang mongha.

"Humihiling akong sana ay itago n'yo ang kanilang mga abo. Alam kong darating ang panahon at magtatanong ang batang ito tungkol sa kanyang ina. Gusto kong may mapupuntahan siya at maiiyakan, ayokong mapagaya siya sa akin na walang alam tungkol sa mga totoong mga magulang." Tumango sa akin ang mongha.

Simula nang nagtungo ako sa mundo ng mga bampira, naging palaisipan na sa akin kung nagsasabi ba ng totoo si Lola tungkol sa mga magulang ko. Bahagya akong nagulat nang hawakan ng mongha ang aking pisngi at siya na mismo ang nagpunas ng aking mga luha.

"Napalaki nang maayos ni Olivia ang unang itinakdang babae. Napakabuti mo hija, maraming salamat at nagawa mong dalawin ang patay na kabundukang ito..."

Hindi ako makahanap ng isasagot sa kanya, ilang beses ko nang naririnig mula sa iba'tibang klase ng nilalang kung gaano ako kabuti pero bakit nakakaranas pa rin ako ng matinding paghihirap kung tingin ng marami sa akin ay mabuti?

"Mag-ingat po kayong lahat. Kailangan ko na pong umalis..."

Muli kong sinulyapan ang apoy maging ang nakahilerang katawan ng mga namatay. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at pikit mata na akong tumalikod habang yakap ang bata.

Hahakbang na sana ako sa unang baitang pababa ng mahabang hagdanan nang bigla akong matigilan. Tila may mga imahe na bigla na lamang lumampas sa akin. Biglang nagkaroon ng kulay at nagkaroon ng buhay ang paligid ng templo.

Kasabay ng muli kong paglingon pabalik sa templo habang sinusundan ang imahe ng isang babae at lalaking masayang naghahabulan muling nag-ingay ang tambol at umihip ang malamig na hangin.

Isang pangitain o nakaraan... ang nais iparating sa akin ang templo.

"Hija?" Nagtatakang boses ng matandang mongha.

Ilang beses kong ipinilig ang ulo ko nang makakita ako ng malalabong eksena. Panahong may kulay at buhay pa ang lugar na ito. Anong pangitain ang gusting iparating ng kabundukan? Simula nang tumapak ako rito, ramdam kong may pilit itong nais sabihin sa akin.

Muli akong huminga nang malalim bago ko ipinikit ng ilang segundo ang aking mga mata, bago ulit ako nagmulat para salubungin ang kakahuyan.

"Wala po. Mauunana po ako..."

Tumango siya sa akin. Humakbang na ako at hindi na nagtangka pang lumingon pabalik.

Habang papalayo ako, unti-unti nang nawawala ang ingay mula sa tambol at napapalitan na iyon ng nakabibinging katahimikan ng kagubatan.

"Hindi ba at sabi ko sa'yo na kung hindi ka salubungin ng panahong ito, ako mismo ang sasalubong sa'yo? Bakit napakalupit ng mundo sa ating mga itinakdang babae? Hindi nila tayo nais maging masaya..." Pilit akong tumawa.

Ngayo'y boses ko, ang pagtapak ng mga paa ko sa lupa at mga nalagas na dahon ang siyang naririnig ko.

"Alam mo ba na gustong-gusto ko ng presensiya sa gitna ng mga kagubatan? Hindi ko akalain na may kagubatan na maghahatid sa akin ng ganito... Ang hirap mamuhay rito at hindi ako papayag na manatili ka pa rito."

Dahil sensitibo pa ang bata, tiniis ko ang mabagal na paglalakad hanggang sa makarating na ako sa hangganan ng kagubatan.

Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita ko ang motorsiklo ni Alanis. Hindi ko akalaing ako na lamang ang makakalabas nang buhay sa lugar mula sa Kabundukan ng Morte.

Muli kong sinilip ang batang nasa aking bisig at hinawakan ang kanyang kwintas.

Pumasok sa isip ko na mas lalong hindi makakabuti sa bata kung isang linggo at ilang araw kaming magbibiyahe para lamang makarating kami sa sarili kong kabundukan. Alam kong oras lamang ang bibilangin ko kung gagamitin ko ang pagiging bampira ko.

Agad akong tumakbo sa pinakamalapit na maaaring bilhan ko ng makapal na kumot para sa bata. Nang makabili ako ay ibinalot ko iyon sa kanya. Naghanap lamang ako ng lugar kung saan hindi mapapansin ang biglaang pagkawala ko bago ako nagsimulang tumakbo nang napakabilis ngunit ilang beses din akong tumitigil sa tuwing umiiyak ang bata.

Tatlong oras ang aking pagtakbo hanggang sa makarating na ako sa mismong harapan ng aking lumang tahanan.Habang nagsisimula na akong lumapit dito nakita ko nang unti-unting nabubuksan ang ilaw. Alam na ni Lola na nagbalik ako. At nang sandaling buksan niya ang pintuan ay nagtuluan na ang aking mga luha.

"Lola, nabigo ako. W-Wala man lang akong nagawang tama simula nang umalis ako. N-Nabigo na naman ako..." Sasalubungin na sana ako ng yakap niya nang mapasinghap siya nang makitang may dala akong bata.

"C-Claret..."

"Hindi ko siya maaaring iwan. Isa rin siyang itinakdang babae at matindi ang koneksyon namin sa isa't isa. Hindi kaya ng konsensiya kong hayaan siya sa kabundukang pinanggalingan niya. Kung hindi man siya patayin ng mga bampirang may galit sa Parsua, unti-unti naman siyang papatayin ng kalungkutan ng kabundukan kung saan siya isinilang. Ayokong mangyari iyon sa kanya..."

Tipid na sumulyap si Lola sa bata bago niya ako nilalayang makapasok sa bahay.

"Lola, napakaraming nangyari nang umalis ako. Napakaraming kamatayan at sakripisyo ang nakita ko..."

"Alam ko, apo... nakasubaybay ako sa'yo." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. May kakayahan siyang panuorin ang bagay na gusto niyang makita sa pamamagitan lamang ng panunuod niya sa tubig.

Tipikal na kakayahan ng mga mangkukulam o babaylan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makabisado.

Ibinaba ko na sa kama ang natutulog na bata at nahiga na rin ako sa tabi niya.

"Lola, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sila na lang ang makakatulong sa akin pero nagkakagulo na kaming itinakdang mga babae. Nagulo ang balance namin at nanganganib pang hindi siya makatawid samundo ng mga bampira. Mauulit ang nangyari kay Rosh. Hindi makakarating ang batang ito para kay Seth..."

Kung ganito na ang problema ko ngayong nasa mundo pa lamang ako ng mga tao, ano pang problema ang sasalubong sa akin sa pagbalik ko sa Sartorias?

Hinaplos ni Lola ang ibabaw ng ulo ko.

"Masyadong marami ang nangyari sa'yo, apo. Kailangan mo ng pahinga..."

Nang umiyak ang bata ay agad akong napabangon. "Lola, may binili po akong gatas—"

Hindi nanaghintay si Lola, lumabas na siya at kinuha ang gamit na dala ko para sa bata. Naging mabilis ang pagtitimpla niya, inabot ko iyon at marahang ibinigay sa bata dahilan kung bakit tumigil siya sa pag-iyak.

Nakaalalay ang kamay ko sa gatas habang pinagmamasdan ang kanyang pag-inom.

"Napakaganda niya,Lola. Hindi ba? Isang lalaking may pangil na naman ang mababaliw sa sandaling makatawid siya sa kanyang salamin..." Tipid akong ngumiti.

"May pangalan ba siya, apo?" Natigilan ako. Hindi ko man lang natanong si Sophia.

"Hindi ko pa po alam..."

"Bakit hindi mo siya pangalanan?"

Umiling ako. "Gusto kong malaman ang pangalan niya sa sandaling nasa mundo na siya ng mga bampira. Gusto kong siya mismo ang magpakilala sa akin gaya ng pagpapakilala sa akin ng ikalawang itinakdang babae..."

Naupo na rin si Lola sa kama at pinagmasdan ang bata.

"Lahat ng itinakdang babae ay may angking kagandahan, apo. Katulad mo..." Hinawakan ni Lola ang kamay ng bata.

"Kung sakaling magbalik na ako sa mundo ng mga bampira,Lola, gusto kong pangalanan mo siya na nagsisimula sa Letrang R..." Napangisi ako sa sinabi ko.

Sa natatandaan ko ay nahihirapan si Seth sa letrang iyon. He will have a hard time while calling his mate.

"Magbabalik ka na ba, apo?"

"Nararamdaman ko na kailangan ko nang bumalik. Isa pa hindi na ako maaaring manatili sa lugar na ito. Ikaw na ang bahala sa kanya, Lola..."

Umiling si Lola. "Hindi siya maaaring manatili rito dahil wala rito ang kanyang salamin."

"Gagawa po ako ng paraan. Dadalhin ko rito."

"Claret, hindi maaaring pagsamahin sa iisang lugar ang salamin ng itinakdang mga babae."

"Lola, tayo na lang ang maaaring mangalaga sa kanya. Hindi ko na siya ibabalik sa lugar na 'yon..." Nahihirapang paliwanag ko.

"Nabasa ko ang sulat ng punong mongha, Claret. Hinayaan ka nilang isama ang bata pero sa susunod na linggo ay ibabalik na rin natin siya. Dadalhin siya ng mga mongha sa ibang bansa."

Hindi agad ako nakasagot.

"Higit na malalakas ang mga mongha sa bansang iyon. Mas magagawa nilang maproteksyunan ang ikatlong itinakdang babae."

Ibinuka ko ang mga labi ko para tumutol pero wala akong nagawa kundi itikom muli iyon. Mukhang wala na akong pagpipilian.

Lumipas ang isang linggo at kasalukuyan na kaming nakatayo ni Lola sa isang pantalan. Ngayon ang araw kung kalian kukuhanin na nila sa akin ang itinakdang babae.

"Nandito na sila, apo..."

Biglang kumirot ang dibdib ko nang makita ang ilang monghang papalapit sa amin. Nang nasa harapan na namin sila ay inilahad ng isa sa kanila ang kanyang braso.

Ilang minute ako napatitig doon.

"Claret..."

Nangangatal akong lumapit sa mongha at inabot ko sa kanya ang bata. Humalik ako sa noo ng bata bilang pamamaalam.

"Tulad ng sinabi ko sa ikalawang itinakdang babae, hindi ka lang lalaking maganda. Patatagin mo ang puso at sarili mong paniniwala. Hindi ko nais dumating ang panahon na mahirapan ka rin katulad ko..." Bulong ko sa bata na tahimik na natutulog.

"Hihintayin kita sa susunod na labing walong taon. Hanggang sa muli nating pagkikita..."

Ilang beses akong umatras mula sa kanila. Tumango sila sa amin ni Lola bilang pamamaalam at tanging ang mga mata ko na lamang ang humabol ng tanaw sa kanila hanggang dalhin sila ng malaking barko sa pusod ng dagat.

"Tayo nang umuwi, Lola..." Ikinawit ko ang aking mga braso sa kanya at nagsimula na kaming maglakad papalayo sa dagat.

Dumaan kami sa isang bayan at habang naghahanap ng mga bibilhin si Lola ay napatigil siya sa nagtitinda ng mga dyaryo. Iyon ang nakahiligan niyang basahin tuwing umaga.

Nakasakay na kami sa tricycle habang sinisilip ni Lola ang ilang pahina. "Bakit hindi ka na muna bumalik sa 'yong pag-aaral, apo?"

"Naisip ko na rin po ang bagay na iyan. Sa susunod na linggo ay susubukan ko na pong ayusin."

Wala akong hilig sa pagbabasa ng balita pero may pangalang bigla na lamang umagaw sa aking atensyon.At halos manlamig ang buong pagkatao ko nang makita ko ang pamilyar na pangalan at litrato ng babaeng nasa dyaryo.

"L-Lola..." Nangangatal ang boses ko habang dahan-dahan kong kinukuha ang dyaryo mula sa kanya.

"Engr. Astrid Noella Fontanilla, one of the most successful petroleum engineers in Asia, assigned in the Atacama Desert near Copiapo, Chile, was announced dead by the Chile Mine Rescuers at 12:46 am. Saturday, April 8, 2017. from being trapped 2,300 ft below the ground after an earthquake with the magnitude of 8.8—"

Nawalan na ako ng lakas ituloy ang pagbabasa.

"L-Lola... si Astrid..."

"Ano ang nangyayari, Claret?"

Kinuha niya ang dyaryo sa akin. Ilang beses akong umiling sa kanya.

"L-Lola, ano pa ang mukhang ihaharap ko sa mga bampirang ako na lang ang inaasahan?"

Seth's mate was almost got killed while Astrid is now...

"Lola, maaaring patayin na ni Rosh ang kanyang sarili sa sandaling malaman niya ang bagay na ito..." Napasubsob na ako sa aking mga palad.

"He's been waiting for his mate for years. He's always there to help me. He's my good friend, Lola. But I failed to help him..."

Natatakot na akong bumalik sa mundo ng mga bampira. Dahil alam kong malaki ang posibilidad na muling malagas ang itinakdang mga prinsipe. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top