Chapter 13
Chapter 13
I am chasing the snow, but I ended up tracing the sands. And when I heard a ticking clock, I just found myself trapped inside a thousand raindrops with my dripping confusions.
Naiwan akong tulala sa gitna ng bumubuhos na ulan na punong puno ng katanungan at pagtataka.
Hinayaan kong yumakap sa aking katawan ang malamig na patak ng mga tubig na parang may magagawang itong tulong para malinis at maayos ang naguguluhan kong pag iisip.
Alam niyang hinahanap ko siya, alam niyang kailangan ko ng tulong niya. Pero ano itong mga salitang sinabi niya sa akin? Hindi niya ba alam ang sinasabi niya? I am his brother's mate.
Dapat ko pa ba itong pagtakhan? Ang reyna na mismo ang nagsabi sa akin na hindi nito kinikilala ang sarili bilang isang Gazellian. At base sa mga binitawan niyang salita, hindi siya ang tipo na tutulong lamang sa isang mahinahong pakiusap.
But I can't pay his damn service with my body! Mamamatay muna ako, bago ako magalaw ng kahit sinong bampira. Hindi na ako papayag na muli akong makagat ng ibang pangil.
My blood, neck, heart, body and soul are only for my Prince Zen. Para lamang sa Prinsipe ng mga Nyebe, para lamang sa aking mahal na prinsipe.
Nakumpirma na ang pinagtatalunan naming lahat, totoong magkaibang bampira ang buhangin at oras. Magkaibang magkaiba ang katauhan at presensiya nila.
There is something about his warmth and familiarity. Different from the vampire who can manipulate the time, I could feel his hot and intense feelings towards me. And I hate it, so much.
Kusa na namang umangat ang mga kamay ko sa aking leeg, hindi ko na alam ang gagawin ko kung tuluyan na naman akong nakagat ng panibagong bampira.
"Claret! What the hell are you doing?" Marahas akong binuhat ni Rosh sa ilalim ng ulan at agad niya akong naibalik sa bahay ng lola ni Blair. Gusto ko nang aminin sa kanya ang tungkol kay Astrid pero paano pa ako magkakaroon ng lakas ng loob magpaliwanag nang maayos sa kanya sa ganitong sitwasyong ito?
Nang makapasok kami pansin ko na mukhang balisa na rin si Blair at Seth na parang may kung anong nangyari sa kanilang dalawa.
"What happened to you both?" Agad na tanong ni Rosh kina Blair at Seth na kapwa nakatayo at nakapamaywang habang pabalik balik silang dalawa sa paglalakad sa kanilang magkasalungat na direksyon.
Kunot ang noo ng dalawang ito sa amin ni Rosh.
"What about you? What happened to you both?" Inulit ni Seth ang tanong sa kanila ni Rosh.
Agad lumapit sa akin ang lola ni Blair at inabutan ako nito ng balabal.
"Maraming salamat po..." Tipid na sagot ko. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming apat.
"Biglang bumuhos ang ulan, hindi ko alam kung bakit sumunod sa akin si Claret. At Nakita ko na lang siyang natulalang bigla." Matabang na sabi ni Rosh.
Lalong lumakas ang ulan, lumapit sa pintuan ang lola ni Blair at sinarado ito.
"Nagparamdam siya Rosh, pinaglalaruan tayo." Nagtatangis ang mga bagang ni Seth habang sinasabi ito.
"Sino?" Tanong ni Rosh.
Napansin namin na nakatayo malapit sa kahoy na lamesa si Blair at may itinuro siya dito. Mabilis akong lumapit dito, kahit si Rosh ay ganito din ang ginawa. Narinig ko ang malutong niyang pagmumura nang mabasa nito ang nakasulat sa lamesa. Lalo kong naramdaman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko nang ilang beses kong paulit ulit binasa ang nakaguhit sa mga buhanging nasa lamesa.
"Find me Claret..."
Nang mabasa ko ito ay unti unti na lang nawala na parang nahihipan ng hangin ang mga buhangin.
"Shit! He's still here!" Sigaw ni Seth. Sa isang kurap lang ay bigla na lamang nawala sa loob ng bahay ang tatlong prinsipe.
Don't tell me, they are going to chase that vampire? Napakalayo na ng presensiya niya. Magsisimula na sana akong sundan sila nang pigilan ako ng lola ni Blair.
"Hija, hindi magandang sundan mo sila. Maaaring isa lang itong patibong." Natauhan ako sa sinabi nito at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Tama ang lola ni Blair, huminga ako nang malalim at bumilang ako hanggang sampu.
Hinawakan nito ang aking balikat at marahan niya akong muling pinaupo.
"Maaari ko bang malaman kung bakit hinahanap nyo ang lalaking kayang manipulahin ang oras? Simula't sapul ay talagang mailap ito mula sa kahit anong nilalang." Dahil alam kong mapagkakatiwalaan naman ang lola ni Blair, hindi na ako nagdalawang isip na sabihin dito ang totoo.
"Isa rin siyang Gazellian, anak siya ni Haring Thaddeus sa ibang babae. At siya lamang ang kaisa isang bampira na maaaring magbalik sa buhay ng lalaking pinakamamahal ko. Kailangan ko ng tulong niya." Mapait na ngumiti sa akin ang matanda.
"Mahirap humingi ng tulong sa bampirang ayaw magpahanap, hija. Mailap man siya sa mga nilalang, kilala pa rin siya dahil sa kanyang kakayahan. Mahilig siyang tumanggap ng iba't ibang serbisyo, bukod sa kapangyarihan niya, malakas din siyang bampira. Karamihan ay magaganda at birheng babae ang kabayaran sa kanya." Agad nag-init ang dugo ko sa narinig ko.
"I am definitely sure that he's a Gazellian! He's a damn virgin sucker! Anong klaseng kabayaran ang katawan ng babae?!" Halos sabunutan ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok na naman sa isip ko ang unang pagkikita namin ni Zen. Pinagkamalan niya akong prostitute! Magkakapatid nga sila!
Hindi rin nagtagal ay iritadong bumalik ang tatlong prinsipe na kapwa basa na rin katulad ko.
"I will definitely kill him next time! Pinaglalaruan niya si Claret! Pinaglalaruan niya tayo!" Sigaw ni Rosh.
"Count on me, mapapatay ko ang buhanging 'yan." Matigas na sabi ni Seth. Sa halip na magsalita si Blair ay kumuha ng lamang ito ng balabal para balutin ang sarili at tumango na lamang siya sa sinasabi ng dalawang prinsipeng mainit na ang mga ulo.
Dapat ko pa ba sabihin sa kanila na nagparamdam din sa aking ang lalaking kayang manipulahin ang oras? Pero karapatan nilang malaman ito, kasama ko sila sa paglalakbay dapat alam nila kung ano ang mga nangyayari sa akin.
"Hindi lang siya ang nagparamdam." Mahinang sabi ko. Lahat sila ay napalingon sa akin sa kanilang mga nakakunot na noo.
"What do you mean Claret?" Tanong sa akin ni Seth.
"Blair, Rosh, Seth. Tumigil ang oras kanina at nagpakita siya sa akin."
"What?!" Mabilis nakalapit sa akin si Rosh at sinipat ang leeg ko kung may bakas ako ng kagat. Maging si Seth ay hawak na ang dalawang kamay ko para tingnan kung may bakas rin ng pangil ang aking palapulsuhan.
"Anong ginawa niya sa'yo?" Tanong sa akin ni Rosh. Umiling ako sa kanya.
"Wala siyang ibang ginawa sa akin pero alam niyang hinahanap natin siya. And he's asking for a damn payment for his service." Nakayukong sabi ko.
"Magkano?! Paliliguan ko siya ng ginto!" Iritadong sabi ni Seth. Nanatili akong tahimik at hindi makasagot sa kanila.
"Ibang kabayaran ba?" Malamig na tanong ni Blair.
"Fuck him." Seryosong sabi ni Rosh.
"Hindi ko na alam ang gagawin, ang isa sa kanila ay pilit na nagpapahanap. Ang isa naman ay magpapakita lamang kung may sapat akong kabayaraan na hinding hindi ko maibibigay. Pero iisa lang ang pagkakapareho nilang dalawa. They wanted my neck! My blood! Nagsisimula na akong matakot, natatakot na ako." Kanina lang ay napapakalma ko pa ang sarili ko pero hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Ang lalakas ng dalawang bampirang ito na sa tuwing nakakasagupa ko sila ay hindi ko magamit ang kapangyarihan ko. Natatakot na ako sa pwede nilang gawin sa akin.
Nasapo ko na lamang ang aking mukha habang humahagulgol na ako sa pag-iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko silang sundan, hanapin pero sa paglapit ko sa kanila, nagiging komplikado ang sitwasyon. Paano ako makakahingi ng tulong mula sa isa sa kanila kung sa tuwing tititigan nila ako ay iba ang gusto nilang gawin sa akin?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naisigaw ko na ang nararamdaman ko.
"Allow me to ask this, allow me! But why? Why? Bakit ang hirap hirap maging maganda sa mundo ng mga bampira?!"
Buong akala ko ay makakakuha ako ng matinong sagot sa kanila, saglit silang natahimik ng ilang segundo hanggang sa marinig ko ang sabay sabay nilang pagtawa na parang nakakatawa ang sinabi ko. Shit.
"What?! What? Bakit kayo tumatawa?! I am damn serious! Those vampires are in lust with me! Gusto nila akong kagatin at higit pa! Ayoko nang maging maganda! Ayoko na!" Lalong lumakas ang pagtawa nilang tatlo sa akin. Hindi nila ako naiintindihan.
"Bakit nyo ako pinagtatawanan?! I am serious, kahit kalian hindi ko gugustuhin ang ganitong kagandahan kung hindi ko na mabilang ang pangil ng mga bampirang gusto akong tikman. This beauty is not healthy anymore." Ilang beses akong umiiling sa kanilang tatlo.
"Anong gagawin natin? Ipinanganak ka nang maganda Claret." Sa lahat ng sinasabihan ng maganda, ako na yata lang yata ang naiiyak.
"Look at me, tell me. Tingnan niyo akong mabuti, sobra na ba? Kapansin pansin na ba talaga ako? Takaw atensyon na ba talaga ako? Ayoko na, ayoko nang maging maganda sa mundong ito." Kung sa mundo ng mga tao halos magpakamatay na ang mga babae para lamang gumanda. Dito sa mundo ng mga bampira, mapapatay ka kapag nag uumapaw ka sa ganda.
Everyone wanted to suck your blood, everyone wanted to taste your body.
"Ipinanganak ka na ganyang kaganda Claret, hindi mo alam kung ilan daang bampira sa mundong ito ang hinahangad ang klase ng kagandahang mayroon ka ngayon." Seryosong sabi ni Seth.
"Sa tingin mo ba ay dapat ko pa itong ikatuwa Seth?"
"Problema ko rin 'yan Claret, simula nang ipinanganak ako." Ngumiwi ako sa sinabi ni Rosh.
"You're beautiful Claret and there's nothing wrong with it. Sila ang problema natin, hindi ang kagandahan mo." Bumuntong hininga ako sa sinabi ni Blair.
"Kung ganon ang gagawin natin? Hindi madadaan sa pakiusap ang lalaking kayang manipulahin ang oras." Seryosong sabi ko.
"We'll force him, the only thing we can do is to prevent him from stopping the time. Mas makapangyarihan ako sa kanya habang tumatakbo ang oras, sapilitan siyang tutulong sa atin." Madiing sabi ni Rosh.
"How can we stop him? Hindi natin alam kung kailan niya patitigilin ang oras." Sabi ni Seth.
"Claret is a witch, siya lang ang makakapagpatigil sa kanya. You'll do the spell, we'll do the beating." Sabi naman ni Blair.
"Ayaw niya ng matinong usapan, gusto niya pa ng dahas." Ngising sabi ni Seth.
"How about the sand?" Muli silang lumingon tatlo sa akin.
"We'll kill the sand and we'll use the time. End of discussion. We need to go." Nauna nang lumabas si Rosh.
"Maraming salamat po sa pagpapatuloy." Paalam ni Seth sa lola ni Blair. Humarap na rin ako dito at nagpaalam ako.
"Sana ay magtagumpay kayo sa inyong paglalakbay." Ngumiti ako sa sinabi nito. Nakita ko na saglit na yumakap dito si Blair bago sumunod sa amin.
Tumila na ang ulan at mabilis kong tinuyo ang mga kasuotan namin gamit ang mahika. Sumakay na rin ako sa sarili kong kabayo.
"Magtutungo tayo sa bayan ng Essos." Panimula ni Rosh.
Wala nang pag-uusap na naganap sa pagitan namin sa loob ng dalawang oras hanggang sa makarating na nga kami sa bayan. Tulad nga ng sinabi ng lola ni Blair, hindi namin magugustuhan ang lugar na ito.
Masasama na ang tingin ng iba't ibang nilalang sa amin habang marahang naglalakad ang aming mga kabayo sa gitna ng daan. Napasinghap ako nang may nagbato ng bote ng alak kay Rosh pero maagap niya itong nasambot at binasag niya ito gamit ang kamay niya.
"Tamaan mo na ang lahat, huwag lang ang mukha ko." Malamig na sabi ni Rosh. Narinig kong napabuntong hininga na naman si Blair at Seth.
"Rosh, huwag muna tayong gumawa ng gulo." Bulong ni Seth.
Katulad ng unang pagpasok namin sa bayan ni Blair, nakatago din ang mukha namin apat para hindi kami makilala.
Nawala na ako sa pag-uusap nila nang bigla na naman akong kilabutan nang hindi ko maipaliwang. May nagmamasid na naman sa akin. Pilit kong inilibot ang paningin ko.
And there, I saw two pairs of glowing red eyes waiting for me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top