Chapter 10
Chapter 10
Pagpikit
In the rain and snow, I miss you.
Kasalukuyan nang tumatakbo ang aming mga kabayo papalayo sa emperyong paulit-ulit akong tinatanggap at sinasalubong sa kabila ng ilang beses kong pagtakwil at pagtakbo mula sa kanila.
It was not just the kingdom of Sartorias, but the whole empire of Parsua, ruled and nourished by good leaders. Isa nang malaking patunay ang mga prinsipeng kasama ko. Hindi man sila ang pinakanamumuno sa kanilang bawat kaharian, alam kong malaki ang parte nila para mapanatiling matatag ang buong Parsua.
Ilang beses ko nang isinumpa ang Parsua, simula sa mga patakaran nito, tradisyon at walang katapusang hindi pagkakaunawaaan nito mula sa iba't ibang emperyo, pero ito pa rin sila at handa akong hintayin sa aking muling pagbabalik.
Pangako, magbabalik akong kasama na ang Prinsipe ng mga Nyebe.
Pinahid ko ang takas na luha sa aking mga mata. Dahil sa lakas ng hangin ay nawala ang talukbong sa aking ulo kaya isinayaw ng hangin ang aking mahabang buhok.
"Don't worry, Claret. Everything will be fine..." Ngumiti ako sa sinabi ni Seth.
"Salamat..."
Nauuna ang kabayo nina Blair at Rosh habang magkasabay lamang ang sa amin ni Seth. Hindi rin nagtagal ay pinabagal ni Rosh ang takbo ng kanyang kabayo para masabayan ako.
"I have a question, Claret..." Agad akong ginapangan ng kaba. Hindi pa ako handang sabihin kay Rosh ang nalaman ko.
"Maaari ba natin iyong pag-usapan kapag tumigil na ang ating mga kabayo? Hindi magandang mag-usap tayo habang nangangabayo..." Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa ginawa kong rason.
Ang mga prinsipe ng bawat emperyo ay kilala sa galing sa pangangabayo, wala pa akong nababalitaan na nahulog sa kanila.
Narinig ko ang pagpipigil ni Seth ng pagtawa at ang bahagyang paglingon ni Blair sa akin. Nakakunot ang noo sa akin ni Rosh habang patuloy sa pagtakbo ang aming mga kabayo.
"I am just confused, Claret. Hindi ka marunong mangabayo nang umalis ka sa mundong ito. Nag-aral ka sa mundo ng mga tao? Ang balita ko, ordinaryo ka lamang nilalang sa sarili mong mundo, walang kayamanan at mahirap. Paano ka nagkaroon ng kabayo?" Umaawang ang mga labi ko sa sinabi ni Rosh.
Ito na naman ang pangalawang prinsipe ng Deltora, ang mapagmataas na prinsipe. Hinamak na agad niya ang pamumuhay ko sa mundo ng mga tao. Bumalik na ulit siya sa dati, minsan napapaisip ako kung dalawang magkaibang bampira si Rosh. Madalas siyang baliw pero sa sandaling maging seryoso at biglang lumamlam ang kanyang mga mata, tanging mga salitang walang kapantay ang lumalabas sa kanyang mga labi.
His words with warmth and sincerity are incomparable, na bihira lamang masaksihan ng napakaraming bampira sa mundong ito.
He's not a psychotic vampire who adored his face more than anything else in this world, but someone who cared so much for his empire. Naikwento na sa akin ni Lily ang bagay na ginawa ni Rosh sa digmaan dahilan kung bakit lalo ko siyang hinangaan.
"What the hell, Rosh? Akala ko importante na ang sasabihin mo." Kumento ni Seth.
"Kailangan ba ay laging importante ang itanong ko sa kanya? I am just a curious handsome prince, and I need an answer." Sabay kaming napailing ni Blair nang magsimulang magtalo sina Seth at Rosh.
"Minsan ba Rosh, napagod ka sa pagsasalita ng I am handsome? You keep saying that for hundreds of years, brother. Nabibingi na talaga siguro sa'yo ang Deltora."
"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na huwag mo akong tatawaging brother?! Stop calling my name. Ang sakit sa tenga ng R mo. Hindi ko akalain na pilipit ang dila ng mga Viardellon." Natawa ako sa sinabi ni Rosh.
How I missed this. Noon ay sina Rosh at Zen ang laging nagtatalo.
"See? She's laughing right now. Huwag ka na ulit umiyak, Claret. Mas maganda ka kapag tumatawa..." Sabi ni Blair.
Natigil sa pagtatalo sina Rosh at Seth dahil nagulat maging sila ay nagulat. Bihira lamang magsalita si Blair.
Nang mahinang sumipol si Blair, may lumabas na pulang nagliliwanag na sinulid sa kanyang kamay, ramdam kong unti-unting nagsasalikop ng aking mahabang buhok hanggang sa tuluyan na iyong matali ng pulang sinulid na nagmula sa kanyang kamay.
"Your hair is flowing softly, Claret. Your scent will attract unwanted vampires." Nang naputol na ang pulang sinulid ay bigla na lamang iyong naglaho ngunit nanatiling nakatali ang buhok ko.
Nauna na muli ang kanyang kabayo sa amin na parang walang nangyari, at wala siyang ginawa. Blair has a very genuine and caring gesture.
"Salamat..." Tipid lamang siyang lumingon pabalik sa akin at tumango.
"I am starting to hate him. Natututo na siyang gayahin ang mga paraan ko sa babae..." Kumento ni Rosh.
"He's just impressing you, Claret. That Blair, ang daming nalalaman." Dagdag ni Seth.
"No. Wala siyang ibang dahilan sa ginawa niya. I think he's the purest among the princes from the prophecy."
Kapwa umasim ang mukha nina Seth at Rosh sa sinabi ko.
Mukhang sa paglalakbay kong ito mas makikilala ko ang mga itinakdang prinsipe. Muli kong pinagmasdan si Blair na siyang nasa unahan namin.
His sweetness is so pure. Walang halong motibo. Wala siyang nalalaman sa maaaring maging epekto ng mga tipid niyang salita sa isang babae. At least, there is someone inside the prophecy that is still pure. Kumpara kina Zen, Rosh at Seth na may ibang motibo sa sandaling tumamis na ang mga salita sa babae. Tanging si Tobias na lang ang hindi ko masyadong kilala dahil katulad rin siya ni Dastan na may mahalagang tungkulin.
"Siya nga pala, nais din sumama ni Tobias pero marami siyang kailangang gawin sa kaharian."
Saglit akong nagulat sa sinabi ni Rosh. Nabasa niya ba ang nasa isip ko?
"It's fine. Alam kong may mahalaga siyang tungkulin. Masaya na akong sumama kayong tatlo sa akin."
Hinarap ko si Rosh at itinaas ko ang kilay ko sa kanya. "About the horse, Rosh... hindi pa rin ako marunong mangabayo. Ginagamitan ko lamang ng mahika ang ito para hindi ako malaglag."
Umawang ang mga labi nila sa sinabi ko.
"Cool and unfair. Pinag-aaralan 'yan, Claret at hindi minamahika. Hindi ka ba manghihina? Malayo pa ang tatakbuhin ng kabayo." Tanong sa akin ni Seth.
"Hindi naman. Sanay na akong gumamit ng mahika."
"Good."
Natahimik lamang kami ng ilang minuto nang muling sumabay ang kabayo ni Seth sa akin.
"Papaano ito gamitin, Claret? Ibinigay ito sa akin ni Casper." Namilog ang mga mata ko nang hawakan ko iyon. Sa tagal ko sa mundo ng mga tao, hindi ko naisip magdala ng mga gamit sa mundong ito.
"Ibinigay niya sa akin 'yan kapalit ng asul kong hikaw. Hindi niya alam na peke ang ibinigay ko sa kanya." Tumatawang sabi ni Seth.
Hilig ni Casper magdala ng mga kagamitan mula sa mundo ng mga tao.
"He is known as the trading lord of Parsua Sartorias. Iba't ibang kagamitan ang inaalok niya sa mga bampira at kapalit niyon ay mga magagandang kalidad ng bato. What's with the collection of gems? Kahit hikaw ko ay pinag-interesan niya."
Binagalan muli ni Rosh ang pagpapatakbo ng kanyang kabayo at sumabay siya sa amin ni Seth.
"Huwag kang magpapalinlang sa kanya, Seth. Hindi tunay ang hikaw na ibinigay mo sa kanya? Think again and check your earrings. Baka iyang suot mo pa ang peke. Siya ang pinakatusong Gazellian na nakilala ko." Babala ni Rosh.
Naalarma si Seth at kinapa ang kanyang hikaw. Ilang beses niya iyong kinapa hanggang sa unti-unting nagbago ang ekspresyon niya.
"What now? Naniniwala ka na?" Ngising tanong Rosh.
"Shit! Damn that brat! This is damn fake!" Reklamo ni Seth.
Humalakhak si Rosh at nagsimula na muling patakbuhin nang mabilis ang kanyang kabayo. Ibinato na ni Seth ang peke niyang hikaw.
"Mabuti na lang at may dala akong isa pang hikaw." Nakakunot ang noo niya habang naglalagay ng panibagong hikaw.
"What's with the earrings, Seth?" Tanong ko.
"Sa salinlahi ng pamilya ng mga Viardellon, sadyang nilalagyan ng hikaw ang bunsong lalaki sa magkakapatid. I am the youngest, Claret."
"Pero para saan 'yan? May kapangyarihan ba ang hikaw?"
"Hanggang ngayon ay katanungan ko rin 'yan sa sarili ko." Kibit-balikat na sagot niya sa akin.
"How to use that? Nakagamit ka na ba ng bagay na 'yan sa mundo ng mga tao?" Nang patigilin ko ang kabayo ko ay ganoon din ang ginawa ni Seth.
"This is a walkman. You can hear music through this. Ilagay mo lang ito sa tenga mo tapos pindutin mo ito kapag gusto mong pumili ng bagong kanta." Inilagay ko na ang earphones sa kanyang tenga at mabilis naman niyang nakuha ang itinuro.
"Bakit ka binigyan ni Casper nito?"
"Nagtanong ako ng bagay na pwede kong gamitin kapag nabibingi na ako kay Rosh, ibinigay niya ito sa akin kapalit ng hikaw ko."
Ngumisi ako. "Good choice."
"Bakit kayo tumigil?" Tanong ni Rosh.
Kapwa na sila ni Blair nasa harapan namin. Nakatitig na rin sila sa nakasaksak sa tenga ni Seth.
"May ipinaliwanag lang ako kay Seth..."
Nagpatuloy na kami sa pangangabayo. Kailangan namin makarating sa isang bayan para doon na magpalipas ng araw. Mas gugustuhin pa rin naming mga bampira na maglakbay sa gabi kaysa sa umaga.
Habang mabilis na tumatakbo ang kabayo namin ay bigla akong nakaramdam ng pagbaba ng temperatura.
Narinig ko ang mahinang mura ni Rosh nang lahat kami ay tuluyan nang mapansin ang bagay na kasalukuyan nang pumapatak mula sa kalangitan.
Umuulan ng mga nyebe.
Mag-aangat na sana ako ng kamay para damhin ang pagpatak nito nang bigla akong nawalan ng kontrol sa kabayo, nagsimula itong magwala at naglaho na ng tuluyan ang bisa ng aking mahika. Dahil sa pagwawala ng kabayo ay napabitaw na ako at nahulog.
"Claret!"
Buong akala ko ay matigas na lupa ang sasambot sa aking katawan pero walang kirot na naramdaman. Sinambot ako ng mga gumagapang na halaman mula kay Rosh.
Nawala ang pagniningas ng kanyang mata at mabilis siyang tumalon mula sa kanyang kabayo.
"Magpahinga muna tayo Rosh, hintayin nating tumigil ang pagpatak ng mga nyebe." Tumango si Rosh sa sinabi ni Seth.
"We can stay there for a while." May itinurong malaking puno si Blair.
Napatungo na lamang ako habang pilit nila akong inaalalayan. Nahihiya na ako sa kanila, pagpatak pa lamang ng mga nyebe ay nagsisimula na akong maging pabigat sa kanila.
"S-Sorry... iba pa rin ang epekto sa akin ng mga nyebe..."
Hanggang sa makarating kami sa ilalim ng malaking puno ay nakaalalay sa akin si Rosh, naupo ako at tahimik silang tumabi sa akin.
"The smell of winter is breaking my heart..." Sambit ko nang mas lumakas ang pagbuhos ng nyebe.
Hindi nagsalita ang tatlong prinsipe at kapwa na lamang sila tumanaw sa kalawakan ng lugar na nagsisimula nang mabalot ng nyebe.
Nang mapansin ni Rosh na nilalamig na ako, tinanggal niya ang makapal niyang kasuotan at inilagay niya iyon sa balikat ko. "Salamat..."
Tumagal kami ng halos kalahating oras dahil binigyan din namin ng pagkakataong makapagpahinga ang mga kabayo. Nanatiling nasa tabi ko sina Rosh at Blair, habang nakaupo sa malaking sanga ng puno si Seth.
Nang magsimulang kumanta nang mahina si Seth sa itaas ng puno, kusa kong ipinikit ang mga mata ko. Lalo na nang makilala ko ang awiting kinakanta niya na mula sa mundo ng mga tao.
Maging sina Blair at Rosh ay magkasunod na sumulyap sa itaas ng puno.
Seth is still wearing an earphone. Hindi niya alam na naririnig namin ang mahina niyang pagkanta.
Seth has a very deep, cold, and calming voice.
"Ang ganda ng boses niya..."
Nang sumulyap sa akin si Rosh at makita niyang umiiyak na naman ako, napailing na lang siya sa akin.
Tumayo siya at lumapit sa kanyang kabayo. May kinuha siya sa kanyang nakasabit na lalagyan doon. It was his flute.
Saglit lamang siyang gumawa ng mahinahong musika hanggang sa unti-unting bumigat ang talukap ng aking mga mata.
"Crying is enough Claret. Sleep now..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top