kabanata 7
Una sa lahat, hindi ko talaga alam kung paano sisimulan yung kwento ko. Ang dami na kayang nangyari: mula sa weird na pagsigaw ng reyna kay Amber hanggang sa hindi pagpatay sakin ni Manong Killer na tatawagin ko nalang Manong Mabait, kasi hindi naman niya ako talaga pinatay. Umiwas ako ng tingin habang nag-iisip. Paano ba naman kasi, nakakatakot sila tumingin. At pito pa sila. Sabi ko sa inyo ala Snow White talaga to eh.
"Um, Your--- este, Baekhyun?" tanong sakin nung nasa tabi ko. Ano na ulit pangalan neto? Jungkook o Taehyung? Ano ba yan. Nakakalito ulit.
Tinignan ko sila isa-isa, pilit na inaalala yung mga pangalan nila. Namjoon. Seokjin. Taehyung. Jungkook. Yoongi. Hoseok. Jimin. Hindi naman sila mga mukhang rapist o killer. Mukha silang mayayaman na ewan ko ba. Hindi sila madungis tignan, ganun nalang.
"Kids, lumabas muna kaya kayo?" tanong bigla nung Namjoon. Hala. Kids daw? Asan ba ako? Family house? Siya ba yung tatay? Nanlalaki yung mga mata kong napatingin sakanya. OMG. Siya ba ang head of the house? Nakaka-intimidate naman.
Tuluyan na ngang pumasok sa kwarto sina Seokjin at Taehyung. "Namjoon, dapat andito rin sila habang nage-explain si Baekhyun." mahinang sabi nung Seokjin. "I think everyone deserves to know what's up."
Tumabi yung Taehyung sakin. "Ah, Baekhyun. Ito nga pala yung soup na niluto ni Seokjin." inabot niya sakin yung bowl. "Kumain ka kaya muna?"
"Thank you," sabi ko nang kunin ko yung bowl pero hindi ako kumain. Parang nawalan na ako ng gana. Gutom ako, oo, pero wala ngang gana, okay?
Napabuntong hininga si Namjoon. "Okay." sabay tingin sakin. "So what's up? Bakit ka nasa gubat?"
Napalunok ako bago takot na tumingin sakanilang lahat. "The queen wants to kill me." bulong ko at napasinghap si Jungkook, yung medyo OA na gasp ah. Parang siya lang ata nakarinig. Ano ba yan, hinang-hina na ako wala na akong strength magsalita mga be.
"Ano raw sabi?" tanong ni Taehyung kay Jungkook.
"Sabi niya, 'The queen wants to eat me'!" sigaw nung Jungkook at sinubukan ko talagang hindi siya sabunutan. "OMG! So isang cannibal si Queen Belle?!"
Inirapan ko siya pero kung may lakas lang ako sinipa ko talaga siya eh. "Hayop na to," mahina kong sabi saka humarap nalang kay Taehyung. "Sabi ko, the queen wants to kill me." pag-uulit ko at nagulat din si Taehyung.
Tumingin siya sa mga kasama niya. "Gusto daw siyang patayin ng reyna." Sa sinabing yun ni Taehyung, nagtinginan lahat ng nasa kwarto dahil sa gulat at pagtataka. Pati si Jungkook nagulat din pero mas prefer niya yata yung kakainin ako ng queen. Leche talaga. Ngayon palang ramdam ko nang mababaliw lang ako dito.
Nagsimula kong kainin yung soup kasi alam kong kakailanganin ko ng lakas kung sakaling marami pa silang tatanungin. At alam kong marami pa silang gustong malaman. Sino ba namang hindi magtataka kung isang Royal Prince ang nag-iikot sa gubat at bigla nalang mapapadpad sa doorstep ng bahay niyo?
"Pero..." nagtataka talagang tanong ni Namjoon. "Bakit? Why would she want to kill you?"
Tinignan ko siya saka ako napa-shrug. Hindi ko din kasi alam yung sagot. "Kahapon, katatapos lang ng Social Lessons ko nang biglang pumasok yung mga Queen's Guards sa kwarto." medyo okay na yung boses ko, naririnig na nila kahit medyo mahina. "I didn't know what they want until they drugged me to sleep. Nagising ako, nakasakay na ako sa isang kotse tapos dinala ako sa gitna ng gubat. Pero sabi nung killer, hindi daw niya ako kayang patayin. So he let me escape. He told me to go far, far away from the kingdom."
Isang mahabang katahimikan ang sumunod at alam kong wala din silang masabi. "I honestly don't know what happened to her. Kung bakit bigla siyang nagalit sakin ng ganito," napabuntong hininga ako at nahihiyang tumingin sakanila. "I... I have nowhere else to go. Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng bansa, kinuha nila lahat sakin. I know asking you to keep me would be too much, but... I have no other choice."
Umubo ng isang beses si Namjoon kaya ako napatingin sakanya. "We don't really care about the queen's rules. That's why we're here, actually." seryoso niyang sabi. "We prefer to live far from the kingdom. You're lucky dito ka napadpad."
Napakunot noo ako kahit medyo relieved na ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong. "Ano kayo? Rebels?"
Natawa si Namjoon. "We're bestfriends," sagot niya. Pero mas lalo naman akong nagtaka.
"Ganito kasi yan," biglang nagsalita yung Jimin kaya napasinghap ako. Ano ba yan. Akala ko naman pipi yun, hindi kasi nagsasalita kanina. "Best buddies kaming pito. As a gift noong graduation namin from senior high, we asked our fathers to build us a house in the middle of this forest."
"TAMA!" singit nung Hoseok at sakanya naman ako napatingin. "So every time we want to relax or spend time doing nothing but play video games and hang out, dito kami nag-i-stay. It's a really nice place and very quiet, too."
Umirap yung naka-upo sa couch. Si Yoongi ata? "Quiet?" inis na sabi niya. "With you? And Jungkook? And Taehyung? Ang Jimin? SERYOSO KA BA SA QUIET NA YAN?!"
"Oh, nagsisimula nanaman kayo!" sita sakanila ni Seokjin or Jin nalang kasi yun yung tawag sakanya ng iba. "Hindi na kayo nahiya sa bisita." sabi niya sabay ngiti sakin ng medyo nahihiya pa.
"Kayong pito lang talaga dito?" takang tanong ko at sabay-sabay silang tumango. Nakakatuwa. Parang yung mga display lang sa dashboard ng mga kotse. "But... how about the laundry? Cooking? Sinong naglilinis?"
"Ah, may pumupunta dito once a week para maglinis at maglaba. Matandang babae, si Manang Toyang." sabi ni Taehyung sakin. "Pero namatay yata yung asawa niya kahapon kaya naghahanap pa kami ngayon ng bagong---"
"Ako nalang!" mabilis kong sabi with matching taas pa ng kamay. "Ako nalang bahala sa bahay simula ngayon."
Agad-agad naman natawa silang pito. "Ikaw?" nangingiting sabi ni Namjoon. "You're a prince. Ano namang alam mo sa mga gawaing bahay?"
Napakunot noo ako, medyo nainsulto na din. "Well, I don't sit on a golden throne all day," depensa ko. "Kaya ko lahat ng yan. Tinuruan ako ng kasama namin sa bahay." seryosong sabi ko. Eh totoo naman. Noong bata ako, tinutulungan namin ni Amber si Manang Beng-beng maglinis ng kwarto at magluto. Pero aaminin ko nang hindi ako marunong maglaba. Siguro naman may washing machine sila dito?
"Ay nako, hayaan mo na." parang sure na sure na sabi ni Hoseok. "Si Jin na bahala sa lahat. Siya naman nanay dito eh." at nag-agree naman ang lahat maliban kay Jin. Nakatingin lang siya ng masama sa mga kaibigan habang medyo naka-pout pa.
Umiling ako agad. "No. I would really, really like to help." sabi ko. "Ayoko namang mag-stay dito nang wala ako tinutulong. I wouldn't like that." Nagtinginan sila. "Please. Please payagan niyo akong magtrabaho dito." pagmamaka-awa ko at binigay ako ang pinaka nakaka-awa kong face. Sana gumana jusko po.
"Well..." simula ni Namjoon saka napakamot sa ulo. "Fine. If that's what you want."
Napangiti ako, yung malaki at fullfilled na ngiti. "Thank you!"
So pinanood nila akong ubusin yung soup hanggang sa kunin na ni Jin yung kaldero mula sa kusina kasi hingi ako nang hingi eh pasensya naman kasi gutom talaga ako. Kasalanan to ulit ni Manong eh. Hay. Nang ubos ko na yung lahat ng soup na niluto ni Jin, hinayaan na muna nila akong magpahinga. Lumabas nalang daw ako kung kaya ko na. Hindi naman daw sila aalis.
Nagnilay-nilay nalang muna ako nang wala na sila. Una, iniisip ko parin si Queen Belle. Medyo nag-aalala na din ako para sa safety ng pitong lalakeng to. Paano kung malaman niyang andito ako? Baka saktan niya tong mga to?
Pangalawa, sina Amber at Manang Beng-beng, pati na din yung mga kaibigan kong walang kaalam-alam sa nangyari sakin. Kumusta naman kaya sila ngayon? Nag-aalala kaya sila sakin o ang alam nila eh patay na talaga ako? "Ano ba yan..." naiiyak na bulong ko sa sarili. Dahan-dahan kong pinunasan yung mga luhang bigla-bigla nalang lumilitaw na parang mushroom. Nakaka-inis naman. Ano ba kasi talagang ginawa ko at napaparusahan ako ng ganito?
At pangatlo, yung lecheng Park Chanyeol na yan na hindi ko alam kung bakit miss na miss ko na din ngayon. Noong isang araw lang kami nagkakilala saka nagka-usap pero ganito na yung effect niya sakin? Grabe talaga. Nakakainis siya. Nakakainis na gusto ko siya ng ganito. HUHUHU. Bwisit talaga. Mas lalo akong naiyak at hindi ko manlang napansin yung pagpasok ni Jimin sa kwarto ko.
Nang mapatingin ako sakanya, gulat siyang nakatingin sakin habang may hawak na bag sa isang kamay. Umatras siya nang makita niyang umiiyak ako. "I'm sorry," bulong niya. "Sorry..." aalis na sana siya nang tumawa nalang ako ng mahina.
"Okay lang," bulong ko habang sumisinghot pa. "Ano yun?"
Napalunok si Jimin sa kaba bago dahan-dahan na lumapit sa kama ko. "Um, I brought you some clothes." mahina niyang sabi. "Actually, galing sa aming lahat yan, pinagsama-sama ko nalang. Mukha kasing wala kang dala."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Hala, thank you." mabilis kong sabi. "You really don't have to. Kahit mga pinaglumaan, okay lang." Hindi naman kasi ako mapili sa damit. Diba nga, yung mga pinapasuot sakin ni Queen Belle eh mga mukhang pinaglumaan din?
"Edi pinagsisipa na kami ni Namjoon?" natatawang sabi niya bago nilagay yung bag sa paanan ng kama ko. "If you want, Baekhyun-hyung, we could---"
"Hyung?" nakangiti kong puna.
Biglang namula si Jimin saka umiwas ng tingin. "Um, Namjoon said we should respect you even though you insisted on dropping the 'Your Highness' thing." explain niya. "Kaya 'Hyung' nalang daw."
Tumango-tango naman ako. "Oh," natawa ako ng mahina. "Okay then."
"So ayun nga," pagtutuloy ni Jimin. "If you want, Baekhyun-hyung, we could pay you like a real worker here, parang stay-in na maid. I think mas okay para sa amin yun. It'll be easier to live with you that way, believe me."
Tinignan ko muna siya ng medyo matagal. "Did Namjoon say that?"
"Nope." umiling si Jimin. "It's my idea and I think they'll prefer that."
Tumango ako. "I'll think about it." Eh kasi ayokong magpabayad sana. Pero kung mas prefer nila yun, okay lang naman. Siguro para may pambili din ako ng mga bagong gamit? Hindi yung hihingi-hingi ako sakanila? Hay. Ewan ko. Bahala na.
"Another thing," simula ni Jimin at sa pagkakataong yun, mas naging seryoso yung mukha niya. "I... I was really shocked to see you. Hindi ako makapagsalita noong nakita kita." OMG. Kaya pala hindi siya nagsasalita noong nagising ako. Nakatingin lang siya. Pero nagsalita naman siya. Kani-kanina nga lang.
Pinilit kong itago yung gulat ko. "Um... okay..."
"I saw your face on the newspaper this morning," pagpapatuloy ni Jimin. "With my cousin."
Nanlaki yung mga mata ko sa gulat at nakatingin lang ako kay Jimin ng mga ilang minuto. Teka lang. Pareho ba kami ng iniisip? Tama ba yung hula ko? "Pinsan mo?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Si... Chanyeol?"
Natawa ng mahina si Jimin. "Yeah," tango niya. "Nagulat talaga akong andito ka eh ang sabi niya sakin kahapon, magkikita daw kayo? Damn. He really likes you, do you know that?"
Hinawakan ko yung pisngi ko para hindi niya makita yung pamumula ng mukha ko. Oh my gosh. Pinsan ni Jimin si Chanyeol at mukhang close pa sila. OMG talaga. Ano bang sign to?!
"We're really close, Baekhyun-hyung," medyo mapang-asar nang sabi ni Jimin. "And he often comes here to visit."
Dahil doon, mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi sa excitement kundi sa gulat. Ang layo-layo ko na sa kabihasnan, sinusundan parin ako ng espiritu ni Park Chanyeol. Ito na ba talaga yung sign? SABIHIN NIYO!
Dahan-dahang umupo si Jimin sa kama ko. "He told me you're really nice," nakangiting sabi niya. "And that you smile alot. Hindi ko nga lang nakikita yung side na yun kasi papatayin ka nga ng reyna diba? Alam ba to ni Chanyeol-hyung?"
Umiling ako. "No," mahina kong sabi. "He knows nothing and... ayoko na sana siyang madamay kung pwede lang."
Napakunot noo si Jimin. "You mean, ayaw mong malaman niyang andito ka?"
"Kung pwede lang..." bulong ko. "Pero kaya ko ba yun?" natawa ako saka pinunasan yung luha ko. "Gustong-gusto ko siyang makita araw-araw kung pwede lang talaga. He doesn't know what happened, Jimin. But I don't want to bother him with the information."
Umiwas ng tingin si Jimin saka tumango. "I understand," sabi niya. "Pero hindi ko siya mapipigilang bumisita dito, Baekhyun-hyung. I'm just letting you know."
Tumango ako sakanya. "I understand."
Ngumiti lang naman sakin si Jimin at nang tignan ko siya ulit, hindi naman niya kamukha si Chanyeol kaya siguro hindi ko agad napansin na related sila. Siguro yung kutis? Pero wala nang similarity. Pareho silang gwapo, syempre. Parehong mabait. Yun nalang siguro. Wala na eh.
"Ah, sige. Alis na ako." pagpapa-alam ni Jimin. "I'll leave you to your thoughts."
"Hindi. Lalabas na din sana ako." sabi ko naman sabay alis ng kumot sakin. "Malungkot mag-isa dito."
Hinintay ako ni Jimin sa may pintuan. "I'll tell Jungkook and Taehyung to tour you around the house." sabi niya. "They'll entertain you the best." dagdag pa niya saka ngumiti ng malaki.
Medyo nagdoubt naman ako sa sinabi niya. Yung Jungkook? Eh may sayad ata yun eh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top