kabanata 6





Hati-hati yung naging pagtulog ko.



Noong una akong nagising, nakapatong ang mukha ko sa bintana ng kotseng sinasakyan namin, kitang-kita ko yung labas at masasabi kong malayo na kami sa Royal House. Mabilis lang akong nagkaroon ng malay, mga ilang segundo lang, pero napansin ko agad yung tape na nakatakip sa bibig ko at yung taling nakapulupot sa kamay ko.



Nang magising ako ulit, nakahiga na ako sa backseat ng kotse at pinapanood ako ng driver mula sa rear view mirror. Hindi ko siya kilala. Pero nakasuot siya ng uniform ng Queen's Guards. Pumikit ako ulit dahil sa pagod at takot. Dahil doon, muli akong nakatulog.



Nauntog ako sa pintuan ng kotse nang bigla itong tumigil. Hindi pa ako nakaka-recover nang biglang bumaba yung driver at pumunta para buksan yung pintuan ko. Tumingin-tingin pa siya sa paligid pero dahil nakahiga ako sa backseat, hindi ko makita kung nasan na ba kami. Nang hinawakan niya ako, nagpumiglas ako sabay tadyak pa sakanya. Malay ko ba kung anong gagawin nito sakin.



"Mahal na Prinsipe, sumama nalang kayo sakin." pagmamaka-awa niya. Mga forty years old na siguro si Manong at takot na takot yung mukha niya. "Pakiusap po." nanginginig din sa kaba yung boses niya. Ano to? First time killer?



Umiling ako agad. Kanina lang, pinatulog nila si Amber at narinig kong papatayin nila ako. Bakit ako magtitiwala sa lalakeng to? Mamaya hindi pala siya killer, rapist pala. Nako nako. Patayin nalang niya ako kesa mapunta sakanya yung V-card ko no.



Bigla niyang inabot yung mukha ko saka hinila paalis yung tape. "Aray!" reklamo ko. Ano ba yung tape na ginamit? Electrical? Ang sakit ah.



"Paumanhin, Mahal na Prinsipe." sabi ni Manong. "Pero kailangan ko tong gawin."



"Anong gagawin mo?" takot na tanong ko sakanya. Pero hindi niya ako sinagot at pinagpatuloy ang paghila sakin palabas ng kotse. Gusto kong sumigaw, gusto ko din siyang murahin pero naunahan ako ng takot. Naiiyak nanaman ako at pinilit kong hindi maluha. Dapat hindi niya makita na natatakot ako. Hindi ko ibibigay sa reyna yung ganung satisfaction.



Pero nang makita ko yung paligid, isang hikbi ang lumabas sa labi ko. Napapalibutan kami ng mga gubat. Yung nakakatakot na tipo ng gubat. Yung tipo ng lugar na ayaw na ayaw ko. Hinila ako ng lalake papunta sa isang gilid at pinaluhod habang nakatalikod sakanya.



"Mahal na Prinsipe, inutos po ng reyna na patayin kayo." mahina niyang sabi habang naiiyak akong tumitingin sa paligid. Sobrang dilim, wala akong makita ni anino. Sobrang nakakatakot. Sobrang nakakakilabot.



"Ayoko..." iyak ko habang pilit siyang nililingon. "Ayoko dito, Manong. Pakiusap... ayoko..."



Naglabas siya ng kutsilyo. "Kailangan ko tong gawin, Mahal na Prinsipe."



Napapikit ako habang hinihintay yung pagsaksak niya sakin. Siguro nga hanggang dito nalang ako. Ito siguro yung kapalit ng hindi ko pagsunod sa mga utos ng reyna. Siguro nga deserve ko to. Deserve kong mamatay sa ganitong paraan.



"Takbo, Mahal na Prinsipe." bulong bigla ni Manong at saka ko lang naramdaman yung pagkawala ng tali sa kamay ko. "Naging mabuti ang iyong Amang Hari at Inang Reyna sa akin at sa pamilya ko. Hindi ko kayang saktan ang nag-iisa nilang anak." dahan-dahan niya akong tinulungan patayo at gulat akong napatingin sakanya.



Nang walang anu-ano'y kinuha niya yung panyo sa bulsa ko at sinugatan ang sarili niyang kamay. Pinunas niya yung panyo ko sa dugo sa kamay niya at saka ito binulsa. "A-anong ginawa mo?" takot kong tanong sakanya.



"Kung sakaling maghanap ng patunay ang reyna, ibibigay ko ang iyong duguang panyo bilang patunay na patay ka na." tinignan niya ako ng matagal. "Lumayo ka na dito, Mahal na Prinsipe. Sa oras na malalaman niyang buhay ka pa, ipapapatay ka din niya."



Hindi ko alam ang gagawin at nakatingin lang ako sakanya ng sobrang tagal bago siya tumango ng isang beses at tumalikod. Napatingin ako sa likod ko at sa gubat na naghihintay sakin.



Mukhang... wala din akong choice.




























Alam kong sobrang pathetic ng umiiyak habang naglalakad sa gubat mag-isa pero yun ang ginagawa ko ngayon. Para akong si Bella sa New Moon noong nakipaghiwalay sakanya si Edward. Ang pagkakaiba nga lang, hindi ako heartbroken. Gusto lang naman akong patayin ng stepmother ko na nagkataon pang reyna ng bansa. Ang swerte ko talaga kahit kelan.



Hapon na at mahahaba na ang mga aninong ginagawa ng mga puno sa gubat. Lumalamig na din ang simoy ng hangin at pakiramdam ko, uulan kung talagang sinusundan ako ng malas. May mga naririnig din akong kung anu-anong hayop at kelangan kong takpan yung bibig ko para hindi umiyak at sumigaw. Sabi ni Amber, nakaka-amoy daw ng takot ang mga hayop kaya dapat hindi mo pinapakita na takot ka.



Sa mga pagkakataong ganito, kailangan kong lakasan ang loob ko. Wala si Amber na magsasabi ng dapat kong gawin. Napatingin ako sa paligid at tuluyan na ngang naglakad ng mas mabilis. Gutom na din ako at uhaw na uhaw pero kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong mabuhay. Dapat by the end of the day, buhay pa ako. Ayokong matupad ng reyna lahat ng evil plans niya sa buhay.



Pero kung iisipin ko, ano bang nangyari sakanya? Bakit bigla nalang niyang ginagawa ang lahat ng ito sakin? Wala naman akong ginagawang masama sakanya. Wala akong ibang ginawa kundi ang respetuhin siya at ituring na sarili kong nanay. Ang gulo niya talaga. Sobrang weird.



Sa ginagawa ko ngayon, ang dami ko nang iniiwang tao at pangyayari sa buhay ko. Para akong nakipagtanan at kahit kelan, hindi na dapat bumalik. Ano bang tawag mo sa ganito? Mga exile? Mga kick out sa grupo? Ang pathetic talaga.



And speaking of iniiwang tao, magkikita pa pala dapat kami ni Park Chanyeol ngayong araw.



Napabuntong hininga ako at dahan-dahang umupo sa isang tabi. Sumandal ako sa puno sa likod at hinayaan ang sarili kong isipin siya. Ang alam ko talaga, siya na. Konting push nalang yun eh. Konting kilala nalang sa isa't isa baka sakaling ma in love na ako sakanya. Pero bakit ngayon pa nangyayari ang lahat ng ito? Bakit ngayon ko pa kailangang mawala sa kaharian? Ang daya-daya naman ng tadhana slash destiny na yan. Parang ayaw na sumaya ako.



Oh ayan. Mas lalo tuloy akong nalulungkot. So ano si Park Chanyeol? 'The one that got away' na ba?



Sabi sakin noon ni Madame Han, mararamdaman mo daw kung para sayo talaga ang isang tao. Alam mo sa puso mo na hindi na dapat siya mawawala. Minsan, gusto kong maramdaman yun kay Chanyeol, lalo na kapag ngumingiti siya sakin. Pero paano ko naman mafi-feel yun kung sobrang layo ko na sakanya ngayon. Ni hindi ko na nga alam kung nasa Korea pa ako.



Sana lang hindi niya isipin na iniiwasan ko siya o ayoko sakanya. Sana magkita sila ni Amber at sabihin sakanya lahat ng nalalaman niya.



"Tama na, Baek." bulong ko sabay sampal sa isa kong pisngi. "Huwag ka na masyadong mag-isip baka mabaliw ka na." Oh ayan. Kinakausap ko na yung sarili ko. First stage na ba ito ng pagiging baliw?



Muli akong tumayo mula sa pagkaka-upo at naglakad nalang ulit. Kailangan kong makahanap ng masisilungan bago dumating yung gabi. Kapag gabi na at nasa gubat pa ako, ewan ko nalang kung buhay pa ako kinabukasan.



Maya-maya, naririnig ko na yung mga ungol ng wolves. Joke! Hindi ko talaga sure kung may mga lobo dito eh. Pero may mga ungol talaga. Jusko. Sana hindi werewolves. Ayoko pa talagang mamatay.


































After ilang oras, gumagapang na po ako. Ayoko na. Hindi ko na kaya.



Pero bago ako mawalan ng malay, parang may natatanaw akong maliwanag na lugar. Nilabanan ko yung pagod ko dahil doon. Pinilit kong gumalaw kahit nanlalambot na yung mga braso ko sa pagod at parang papel na yung bibig ko sa uhaw. Wala pa akong kain mula kaninang umaga at napasubo ako agad sa hiking. Huwaw.



Tumayo ako at sumandal sa isang puno. Ginamit ko yung mga puno na sandalan habang unti-unting lumalapit sa maliwanag na lugar na yun.



Habang papalapit ako nang papalapit, may naririnig akong ingay. Kpop music. So baka nasa Korea pa ako? O baka mga die-hard Kpop lovers lang ang nakatira sa lugar na yun. Pero bahala na. Ayokong matulog sa tabi ng mga werewolves ngayong gabi.



Binilisan ko yung mga galaw ko. Meaning, mga 1 inch per hr lang ang naging pag-angat sa rate ng katawan ko. Eh, pasensya. Sobrang pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na ang lola niyo. Kainis kasi si Manong killer kanina, hindi pa ako binigyan ng pagkain manlang o tubig.



After 178691731027116410 hours, kitang-kita ko na yung malaking bahay sa gitna ng gubat. May mga kotse din na nakaparada sa harapan, magkakasunod. Iba-iba din ang kulay. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Pitong sports car. Jusko. Ang yaman naman. Gawa sa glass yung paligid ng bahay. OMG. Parang yung bahay ng mga Cullens sa Twilight the movie. Amazing ah. Feeling ko tuloy ako si Bella. Pero kung iisipin ko ulit ng mabuti, parang hindi naman. More like Snow White ang peg ko ngayon. Snow White talaga jusko po.



May lumabas na lalake mula sa bahay, may hawak na cellphone. Masyado pa akong malayo para matanaw niya kaya sinubukan kong lumapit pa. Sinubukan ko ding sumigaw pero wala eh. Pagod na pagod na ako. Kanina pa kasi ako nag-i-inner monologue kasi kung hindi ko gagawin yun, wala kayong binabasa ngayon. So kasalanan niyo wala na akong energy. Hmph.



Tinaas ko yung kamay ko nang medyo malapit na ako sa driveway. At alas! Napatingin siya sa direksyon ko at kitang-kita ko yung paglaki ng mga mata niya sa gulat. HELP! HELP! HELP! TULUNGAN MO AKO KUNG HINDI IKAW ANG UNA KONG MUMULTUHIN KAPAG NAMATAY AKO DITO!



Humakbang pa ako palapit pero hindi ko nakita yung malaking batong nakaharang sa daan ko. Bigla akong natisod at napasubsob sa lupa, lasang-lasa ko pa yung earth, oh my ghad ano ba to. Ito ba ang last meal na matitikman ko?! Hustisya naman!



At yun na nga. Tuluyan na akong nawalan na ako ng malay.



Haaaaaaay.































Dahil feeling ko, gusto niyo pang malaman kung anong nangyari sakin,



Itutuloy ko yung kwento ko. Hihihi.



So ayun na nga, nang magising ako ulit, iba't ibang boses na yung naririnig ko sa paligid ko. At dahil witty ako, hindi ko muna minulat yung mga mata ko, syempre. Spy kumbaga. Pero nararamdaman kong nakahiga ako sa isang malambot na kama at may malambot na kumot na nakatakip sakin.



"He's the prince." sabi ng isang boses sa tabi ko. OMG. May naka-upo sa tabi ko. AWKWARD.



"Yeah." agree ng isa. "I saw his face. Nasa newspaper."



May narinig akong naglalakad-lakad sa paligid. "Pero bakit siya andito? Saka bakit ang dungis-dungis niya kagabi?" Aray ah! Aray, aray. Alam ko namang maduming-madumi ako kagabi pero tama ba namang ipamukha sakin ito ngayon?! Ouch. My fragile heart...



"Well, we must wait and let him answer those questions himself," sabi pa ng isa. Teka. Ilan ba tong mga to? Bat parang ang dami nila?



"Teka, Taehyung, pakitanong nga kay Jin kung okay na soup na niluluto niya." sabi ng nasa tabi ko. "Baka kasi biglang magising to at maghanap ng pagkain."



"Alright!" mabilis na sagot nung Taehyung at naglakad na nga palabas.



May mahabang katahimikan nung wala na si Taehyung. Ang awkward ng atmosphere pero alam kong pinapanood nila ako, nag-iisip kung ano bang gagawin sakin. OMG. Paano kung ayaw nila akong kupkupin? Paano kung papalayasin din nila ako?



Imumulat ko na ba yung mga mata ko?



Teka. Di pa ako ready.



"What if, he's in danger?" biglang sabi ng isang bagong boses. "What if... hinahabol pala siya ng mga killers?"



"Alam mo, Suga. Kung hinahabol siya ng killers, wala dapat siya dito, okay? Ang laki-laki ng Royal House, doon dapat siya nagtatago." sagot naman ng isa. "I really, really think something's up."



"Yeah." may nag-agree. "The prince won't be around this part of the town for no reason at all. Ang layo-layo na niya sa sentro."



Okay. I think this is it pancit.



Dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko at sabay-sabay silang napatingin sakin. Ang liwanag ng paligid at umaga na nga base sa malaking wall clock na nakasabit sa pader sa harapan ko. Limang lalake ang nasa paligid ko ngayon. Lahat may itsura pero mukhang mas bata sakin.



"Okay. Eto na yung---" napatigil yung lalakeng papasok palang ng kwarto. "OH MY GHAD HE'S ALIVE." hindi makapaniwalang sabi niya. May nakasunod sakanyang isa pang lalake, nakatingin din sakin habang nanlalaki yung mga mata sa gulat.



"Sira. Buhay talaga yan." bulong niya pero narinig ko parin.



Napalunok ako kahit wala namang lulunukin. Grabe. Ang dry ng bunganga ko. Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng tubig at nang mapansin ng lalakeng nakaupo sa tabi ko, agad niyang kinuha yung isang basong tubig mula sa bedside table at iniabot sakin. Kinuha ko yun at inubos sa isang inuman lang.



"Thanks." bulong ko nang ubos ko na.



Pinapanood lang nila ako, walang nagsasalita, lahat gulat at nakatitig lang.



"Um," simula ko. "I'm sorry for causing you guys trouble. I'm... I'm Byun Baekhyun."



At nang sabihin ko yung, sabay-sabay silang nag-bow. "Your Highness," sabay-sabay din nilang sabi pero umiling ako. Parang hindi ko na feel yung title na yan sa mga pagkakataong ganito.



"Please. 'Baekhyun' nalang." sabi ko at nagtinginan sila, hindi sure kung susundin ba yung sinabi ko. "Pwede ko bang..." napatingin ulit sila sakin. "Pwede ko bang malaman kung sino kayo?"



Unang gumalaw yung nasa tabi ko. "Jeon Jungkook." pagpapakilala niya.



"Kim Taehyung!" sigaw nung nasa pinto, yung may hawak ng pagkain. "Kim Seokjin." sabi naman nung nasa likod niya. Siya yata yung sinasabi nilang naluto nung soup.



Kumaway yung lalakeng naka-upo sa may couch. "Jung Hoseok." nakangiting sabi niya.



"Kim Namjoon." mahinang sabi nung lalakeng nakatayo sa paanan ng kama ko.



"Park Jimin." sabi ng isa. Nasa gilid lang saka nakabulsa ang dalawang kamay. Parang hindi ko siya narinig na nagsalita kanina?



Huling nagsalita yung isa pang nakaupo sa isang pulang couch. "Min Yoongi."



Dahan-dahan akong tumango. Oh my good lord. Paano ko ba ieexplain sakanila ang lahat?
























Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top