kabanata 5





"Hindi ko na talaga siya maintindihan." reklamo ni Madame Han, ang aking Social slash Fashion Instructor, habang binabato siya sa sahig ang lahat ng damit sa closet ko. Isa siyang middle-aged woman na may limang anak sa isang sikat na businessman. Maganda. Matangkad. Happily married. At sobrang bait.



Nilapitan ko siya saka tinulungan sa ginagawa niya. "Inis na inis na nga din si Amber nang dumating itong new set of wardrobe ko. She tried talking to the queen about minding her own business but she just won't listen." napabuntong hininga ako. "Balak din niyang alisin tong mga lessons natin."



"Well unfortunately for her, Your Highness, kailangan mo ng Social Lessons. Saka nasa law book na itong ginagawa natin, don't you worry." inis na sabi ni Madame Han. "I promise to do a great job with all these garbage. We'll turn them to dazzling new outfits." nag-wink pa siya sakin at binigyan ko siya ng malaking ngiti.



Ito ang ginagawa namin ni Madame Han after lecture, pupunta siya sa closet ko at magtutulungan kaming i-repair at i-pair up lahat ng damit na binigay ng reyna. Minsan mahirap, kasi may mga damit talagang sobrang hindi kaaya-aya sa mata pero buti nalang, expert na si Madame sa mga ganitong eksena. By the end of the day, meron na akong modern at classy na wardrobe.



Umupo kami sa sahig at sinimulang ihiwalay ang mga 'Keri pang gamitin' at 'Jusko. Damit pa ba to?'. Minsan, inuuwi ni Madame Han yung iba para siya na mismo ang mag-repair sa damit.



"Nakita ko kanina si Miss Amber ah," sabi ni Madame Han habang sinusuot ang pink-rimmed glasses niya. Ang cutie naman. "I greeted her pero mukhang sobrang bad vibes. She didn't even notice me." hinila niya ang isang baggy pants at binato sa likod niya.



"I heard Queen Belle took her PS4." mahina kong sabi. "That's her life, also her stress reliever, kaya galit na galit siya ngayon. Kagabi pa yun... It's because something happened yesterday." tinignan ko si Madame Han at napakunot noo naman siya sakin. Nang hindi ako nagsalita, unti-unti niyang naalala yung bagay na dapat niyang maalala. Tulad ng iba kong Instructors, super friends din naman kami ni Madame Han at hindi na secret sakanila ang lahat ng ginagawa ng reyna sakin.



"Yung nasa newspaper ba?" gulat na tanong ni Madame Han. "But, Your Highness, you looked so happy back there. Pati ba naman yun, gusto niyang kunin sayo?" malungkot na sabi ni Madame Han. Pero mukhang si Chanyeol din ang una niyang napansin sa paper.



"No." dahan-dahan akong umiling. "It's about me removing my mask. Nagalit siya because I showed my face to everyone. It's not about... Park Chanyeol."



"Gah," diring-diring sabi ni Madame Han. "You know, Your Highness, I already came to the conclusion that Queen Belle is envious of you. A lot."



Nanlaki yung mga mata ko sa gulat, napahawak ako sa braso niya. "Don't say that," kinakabahan kong sabi. "Just don't, Madame Han. Baka may hidden microphones pala dito eh, lagot tayo niyan." napatingin pa ako sa paligid. Malay ba namin, diba?



"Whatever," napa-eyeroll si Madame Han. "The queen can't accept the fact that you have grown into someone worth staring at, Your Highness. You're just like your late mother. You're a very, very beautiful person." ngumiti siya sakin, yung totoong ngiti. Nasabi din pala sakin ni Queen Belle na close friends dati sina Mama at si Madame Han. Yung bagay na yun ang nagpapa-alala sakin kung bakit sobrang bait sakin ni Madame Han.



Napangiti ako. "Thank you."



Ngayon ko lang narealize, siya na pala ang pangalawang taong tumawag sakin ng ganun. Nakakatuwa, maganda sa pandinig. Pero ibang-iba parin sa naramdaman ko noong si Chanyeol ang nagsabi. Dahil doon, wala akong nagawa kundi ang magtanong.



"Um, Madame Han, do you know Duke Park and his family?" medyo nahihiya pa ako sa tanong ko at napansin yun ni Madame Han. Dahan-dahan siyang napangiti, yung mapang-asar na ngiti na binibigay sakin ni Amber at Manang Beng-beng kahapon.



"Bat hindi mo nalang ako diretsuhin, Your Highness." nakangisi niyang sabi. "I know Park Chanyeol. I used to train him when he was younger."



Gulat akong napasinghap. "Really? Why did you stop?" Nakalimutan ko na yung ginagawa kong pag-sort out sa mga damit at si Madame Han nalang yung gumagawa. Nakangiti parin siya at nang mapansin niya yung eagerness na mukha ko, natawa siya ng mahina.



"I started teaching him when he was ten years old. Halos sabay nga lang kayo eh." kwento ni Madame Han. "But I stopped when he reached fifteen. Mabilis kasing matuto si Chanyeol, matalinong bata, sobrang magalang din. You know, one of my daughters had a crush on him but when she confessed her feelings, Chanyeol turned her down." wala naman akong naririnig na inis sa boses ni Madame Han. Nakangiti parin siya sakin.



"Why?" tanong ko. Kawawa naman yung girl. Hay.



"He's not into girls," bulong ni Madame Han. "Pero sobrang manly parin niya tignan kaya sino ba namang mag-iisip na bisexual siya, diba?"



Sa sinabing yun ni Madame Han, naisip ko lahat ng sinasabi sakin ni Park Chanyeol. Lahat ng salita niya na kayang gawing abnormal yung heartbeat ko. Di naman kaya, yung pamumula at pag-init ng mukha ko basta marinig ko lang yung boses niya.



"Oh," tumango ako ng isang beses. "That's... well..."



"Bagay kayo, okay?" sabi ni Madame Han sabay palo sa binti ko. "Unang kita ko palang sa picture niyo sa dyaryo, naisip ko agad, 'Ay! Pwede. Pwedeng-pwede!'. Saka nako, kung liligawan ka nun, support na support talaga ako."



Natawa ako. "You speak like he's a really good person."



"Well, he really is, Your Highness." tango ni Madame Han. Mas seryoso na siya ngayon, hindi na nang-aasar. "You know, when one day my daughters would go and marry the one they love, part of me wants someone like Park Chanyeol to be their husbands. He's an ideal man, I promise. The kind of man you read in books."



"Ideal men don't exists." sabi ko naman. "Or maybe, 0.000001% nalang ang buhay ngayon."



Napa-shrug si Madame Han. "Maybe," tumingin siya sakin. "But that 0.000001% might be Park Chanyeol himself. Who would know, right?"



"Yeah," sang-ayon ko naman nang may bigla akong maalala. "By the way, Madame Han, he's coming here today para i-deliver yung wedding invitations ng kapatid niya. I hope you could see him, too."



Napakunot noo si Madame Han. "He will deliver the invitations himself? Bakit siya? Wala ba silang messenger?" nagtatakang tanong niya.



"I don't know." sagot ko. "But he asked me if I could entertain a visitor."



Napa-squeal agad si Madame Han sabay bato sakin ng mga damit habang kilig na kilig. "OMG!!!" sigaw niya. "Eto na talaga. Nararamdaman ko na, Your Highness. Ito na talaga!"



"Ang ano?" natatawa kong tanong. Grabe pala kiligin tong si Madame Han. Nananakit.



"Simula ng umuusbong mong lovelife!" masaya niyang sabi. "I can't wait!"

















Matapos ng dalawang oras na pagchichikahan tungkol kay Park Chanyeol, natapos na din naming ayusin yung mga damit sa closet ko. Inihiwalay na ni Madame Han lahat ng pwede kong gamitin ngayong buong taon. Amazing diba? Ganyan siya kagaling.



"Ako na bahala sa mga ito, Your Highness." nakangiti niyang sabi nang palabas na siya ng pinto. Hawak na niya lahat ng damit na kailangang baguhin o i-repair. Ibabalik nalang niya yung mga yun sa susunod na linggo, ready nang gamitin.



Tumango ako. "Sure. Maraming thank you talaga, Madame Han." nakangiti kong sabi. "Sobrang thank you."



Niyakap niya ako ng mabilis. "Anytime, Baekhyun." bulong niya. Sa mga ganitong intimate moments lang niya ako tinatawag sa first name ko. Pakiramdam ko, kasama ko si Mama kapag kasama ko si Madame Han. Sobrang comforting talaga.



"Thank you," pag-uulit ko.



"I'll go ahead, Your Highness." nakayukong sabi ni Madame Han.



Bubuksan na sana niya yung pinto nang bigla itong bumukas mula sa labas at isang dosenang mga body guards ang biglang pumasok sa kwarto ko. Napasinghap ako sa gulat at hindi alam ang gagawin. Hindi sila yung mga normal body guards na nagbabantay samin ni Amber. Base sa suot nilang uniform, mga bodyguards sila ng reyna.



"Lumabas na kayo, Madame Han." sabi ng kanilang head. Binigyan ako ni Madame Han ng takot na tingin, hinihintay na tumango ako. Pakiramdam ko may masamang mangyayari kaya sinabi kong umalis na siya, pilit na hindi pinapakita yung takot sa mukha ko. Ayoko siyang mapahamak.



"Anong kailangan niyo?" tanong ko nang wala na ang Instructor. "Hindi niyo ba alam na bawal pumasok sa kwarto ko ng walang paalam?"



Lumapit yung Chief Guard sakin. "Your Highness, ipinag-uutos ng reyna na ibigay samin ang gamit mong cellphone, gadgets, pati na din ang iyong passport. Kung maaari ay sumama ka din sa driver na naghihintay sayo ngayon sa labas ng iyong kwarto."



"Ano?" hindi makapaniwalang sabi ko nang sinimulan nilang kunin lahat ng kailangan nila sa kwarto ko. Lahat ng cabinet at drawers, sinimulan nilang buksan at halungkatin. "What do you think you're doing?! Itigil niyo to!"



"Pasensya na, Mahal na Prinsipe." seryosong sabi ng Chief Guard. "Queen's orders."



Maya-maya, isang lalake ang humawak sa braso ko at hinila ako palabas. "ANO BA?!" sigaw ko. "Bitiwan mo ako! Let go!" nagsimula akong magpumiglas pero sobrang lakas ng hawak niya sakin. Nang palabas na kami, bumukas yung pinto at pumasok si Amber. Mukha siyang takot na takot at natataranta.



"Baekhyun!" pero napatigil siya nang makita ang estado ng kwarto ko ngayon. Hinila niya sa kwelyo yung lalakeng nakahawak sakin. "Where are you taking him?! Ito ba yung sinabi niyang gawin niyo?!"



Nalilito na talaga ako. "Amber, ano bang nangyayari?!"



Tinanggal ng bodyguard yung pagkakahawak sakanya ni Amber. "Queen's orders." mariin niyang sabi. "Wala dapat maka-alam kung saan dadalhin ang Mahal na Prinsipe."



Mas lalong natakot yung mukha ni Amber. "You're going to kill him, aren't you?" galit na sabi niya. "Let go of my brother!" nagsimula siyang magwala at nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak ng dalawang bodyguards sakin. Isang lalake ang lumapit kay Amber at hinila siya palayo sabay takip ng puting panyo sa mukha niya. Sa isang iglap, biglang nakatulog si Amber at dahan-dahan siyang dinala sa kama ko at inihiga na parang walang nangyari.



Naramdaman ko yung pamumuo ng luha sa mata ko. "Papatayin niyo ako..." bulong ko nang hilain nila ako palabas ng kwarto. "Ito ba ang iniutos niya?! Sabihin niyo!"



Lumapit sakin yung Chief Guard. Hawak niya yung panyong may pampatulog. "Patawad, Mahal na Prinsipe." mahina niyang sabi bago tuluyang dinampi yung panyo sa mukha ko. Akala ko kaya kong labanan yung antok. Nagkamali na naman ako.















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top