kabanata 35
Nagkatinginan kami ni Nurse Ann at alam kong bakas sa mga mukha namin ang takot. Magulo na rin yung blonde niyang buhok dahil sa hangin at sa palagay ko malapit na rin siyang mag breakdown. Habang mas lalong lumiliwanag ang salamin, sabay naming hinarap ulit yung pinto at pilit parin na binubuksan ito. Hindi ko maintindihan pero sa bawat hampas ng kamay namin dito, para bang mas lalo itong kumakapal at mas lumiliit ang mga sigaw ni Park Chanyeol mula sa kabilang banda.
"Baekhyun!" halos hindi ko na marinig yung tinig niya. "Baek, are you okay?!"
"I-I'm okay!" sigaw ko pabalik, dahil wala pa namang nangyayari sa amin. Yet. "B-But— I'm scared, Chanyeol," I sobbed at hinigpitan ang hawak sa doorknob. "Help us—"
"AAAHHHHH!" malakas na sigaw ni Nurse Ann at nang tignan ko siya muli, nakaupo na siya sa sahig habang tinatakpan ang mga mata niya sa takot. Nanginginig na siya habang panay parin ang sigaw at dalian ko siyang nilapitan. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pilit na hinarap sakin. Wala nang kulay yung mukha niya.
"What is it?!" mabilis kong tanong.
Nanginginig parin sa takot si Nurse Ann. Nakapikit ang mga mata niya pero gamit ang isang kamay, takot niyang tinuro ang isang bagay sa likod ko sa gawi ng salamin. Hindi ko ito agad nilingon ngunit napatigil ako at ganun din ang lahat sa paligid namin. Wala na yung malakas na hangin at lahat ng bagay na nagliliparan kanina, bumagsak sa sahig. Naging tahimik ang lahat hanggang sa ang naririnig ko nalang ay ang malakas kong paghinga at pag-iyak ni Nurse Ann. Napansin ko yung fruit bowl na nahulog sa sahig at dalian akong gumapang dito para kunin ang isang maliit na kutsilyo na ginagamit nung pito para maghiwa ng prutas.
Biglang may tumawa sa likod ko. Yung para bang nang-aasar na tipo ng hagikgik. "Plano mo ba talaga akong talunin gamit yan, Byun Baekhyun?"
Hinawakan ko ng mahigpit yung knife at dahan-dahang tumayo. Nang lingunin ko si Queen Belle, napatigil ako nang makitang isang matandang nurse ang anyo niya— Yung Nurse Ann na kilala ko. Namumuti yung buhok niya at medyo hirap nang tumayo pero ngayon, nakangisi siya sakin habang iginagala ang mata sa paligid. Paano niya nagawang magbago ng anyo? Pakiramdam ko, totoo lahat ang hinala ni Amber tungkol sa nanay niya. She's into some kind of black magic.
Napakunot noo si Queen Belle sa isang basag na bote ng gamot. "I thought it would be so easy for me to drug you," mahina niyang sabi bago muling tumingin sakin ng masama. "If not for that Park Chanyeol and those seven bastards, mas naging madali sana ang pagkuha ko sayo."
I glared back at her. "It wasn't Amber," galit kong sabi sakanya. "Hindi siya ang nagpadala ng salamin."
"Of course!" sigaw ni Queen Belle at inis na tumingin sa pinto kung saan nanggagaling ang malakas na ingay. Sinusubukan parin nilang humanap ng pasukan dito sa kwarto. "You were supposed to deliver the chant for three nights straight. But that son of a b*tch interrupted you the last night." Tinutukoy ba niya si Park Chanyeol? Tama, kagabi nga ay naalimpungatan siya nang mawala ako sa tabi niya kung kaya naman agad niya akong hinanap. Bigla kong naalala yung mga salitang binibigkas ko kada gabing nahy-hypnotize ako ng salamin.
"And then, what will happen?" mahina kong tanong. "Anong mangyayari pagkatapos ng tatlong gabi?"
Tinignan ako ni Queen Belle na para bang ang tanga-tanga ko. "Hindi ba pinakita sayo ng matandang hukluban na yun ang dapat mangyari, Baekhyun?" tanong niya pabalik. "Kahit sa mga panaginip mo, hindi ba nagpakita rin ang salamin?"
Napatigil ako para mag-isip. Simula nang magising ako mula sa pagkakahanap umano sakin ng mga kaibigan ko sa gubat, medyo nagloloko na yung memory ko. Diba nga, nalimutan ko pa si Chanyeol? At napagbali-baliktad ang mga pangalan nung pito? Pero ang hindi ko maintindihan, minsan, mas naaalala ko pa ang mga panaginip ko kaysa sa mga actual na nangyayari. Mas nararamdaman ko pa at may mas malaking epekto sa akin.
"Yung babae," pabulong kong sabi at takot na tumingin sa salamin. "Kailangang may pumalit sa kanya... And it's either you or me," tinignan ko ng matalim si Queen Belle nang maintindihan ko na ang mga nangyayari. "If I was able to finish the chant... Ako na sana ang nakakulong sa salamin na yan ngayon."
Ngumiti ng malaki si Queen Belle. "Why, yes, dear," masaya niyang sabi at napa-atras ako sa gulat nang unti-unting magbago ang anyo niya. Nagsimulang matunaw at bumula ang balat ng matandang nurse at naging dahilan yun para mapasigaw pa lalo si Nurse Ann. Niyakap niya ang sarili at nanginginig na idinikit ang katawan sa pader. Pinanood kong bumalik sa dati ang itsura ni Queen Belle— yung maganda niyang mukha na hindi tumatanda, mamahaling mga alahas, at kulay ginto na mahabang damit, kasing ginto ng salamin. Ngayon ko lang narealize kung gaano katagal na pala mula nang huli ko siyang nakita.
At ayaw ko mang aminin, pero parang may konting kirot parin sa puso ko ngayon. She was my mother ever since I was just five years old. Minahal ko siya at si Amber at tinanggap sa buhay ko ng buong-buo. Pero kahit pala mahalin mo ang isang tao ng sobra-sobra, kung hindi sila capable na ibalik yung ganong klaseng pagmamahal, ikaw lang din ang masasaktan sa huli.
"Pero tulad ng dati," galit na pagtutuloy ni Queen Belle. "Nakatakas ka na naman, Byun Baekhyun." Tapos ay ngumiti siya ng malaki. But! You still can do it now. If you offer yourself willingly, of course."
Nababaliw na nga tong babaeng to.
"Mamamatay muna ako bago mo ako mapilit na pumasok sa salamin na yan," giit ko at daliang inilapat ang kutsilyo na hawak ko sa aking leeg. Naramdaman ko yung lamig ng metal at hindi mapigilang mapasinghap. Seryoso kong tinignan si Queen Belle sa mata, "You can't imprison me when I'm dead, can you?"
Queen Belle gritted her teeth in annoyance. Tinignan niya ako ng masama ng ilang segundo bago umiwas ng tingin para buhatin ang salamin mula sa pader. Kumikinang parin ito sa hindi maipaliwanag na paraan at pinilit ko ang sariling hindi tumingin sa babaeng nakakulong doon. Dahan-dahang tinanggal ni Queen Belle ang salamin at ibinaba sa may paanan niya upang maiharap sa akin.
"Well, then," napabuntong hininga siya. "I won't force you to take her place."
Huh? Napakunot noo ako. Totoo ba itong naririnig ko? Titigil na siya?
"A-Anong ibig mong sabihin?" mahina kong tanong.
"Titigilan na kita, Byun Baekhyun," dahan-dahan siyang napangisi. "Kung sabagay, meron naman isang babae sa palasyo ang higit na handa para palitan ka. Your sister was begging me to take your place... I guess it's time I listen to her."
Napasinghap ako sa gulat at naramdaman agad ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. "S-Si Amber?" naiiyak kong sabi. Halos hindi na ako makahinga ng maayos. "P-Pero— She's your daughter!" galit kong sigaw at marahas na itinutok kay Queen Belle ang kutsilyo. "She's your goddamn daughter! Ganun nalang ba kadali para sayo ang ipagpalit siya for your own f*cking sake?!"
"Oo! Ganun lang kadali sakin ang saktan ang sarili kong anak!" sigaw niya pabalik. "I didn't even plan on having her. But I realized, she could be an effective instrument for my plans. At ganun ka rin, Byun Baekhyun. You were just a pawn. A toy that I can easily manipulate."
I have literally no words. Pakiramdam ko, kinuha yung puso ko at paulit-ulit itong tinapakan. Sobrang sakit ng pakiramdam ko ngayon, ni hindi ako makapag-isip ng maayos. Wala akong nagawa kundi ang maiyak nalang habang galit na nakatingin kay Queen Belle. Sa totoo nga niyan, hindi ko na alam kung siya parin ba ito kaharap ko. It seems like the mirror took hold of everything she is— her body, her mind, her soul. Ang tanging tumatakbo nalang sa isip ko ngayon ay yung posibilidad na mawalan ng kapatid... Mawalan ng isang taong mahalaga sa akin. Muli.
Bumuntong hininga si Queen Belle at para bang bagot na bagot na. "Okay, okay," she waved her hand at parang may kung anong ilaw ang lumabas mula dito. Pati ang salamin na hawak niya ay mas lalo ring nagliwanag. May parte sa akin na gustong ibato nalang yung kutsilyong hawak ko sa salamin para basagin ito, pero paano kung may kakayahan din si Queen Belle na buuin itong muli? "Kung wala na rin akong mapapala sayo, Byun Baekhyun, I better go."
I have never felt so hopeless.
"Wait!" Malakas kong sabi habang pinipigilan ang isang hikbi. "D-Don't hurt her," bulong ko at dahan-dahang lumapit kay Queen Belle. Nagkalat din ang mga bubog sa sahig at kahit pa nasusugatan nila ang mga paa ko, hindi ako tumigil sa paglalakad. "I will take your place," lumuluha kong sabi. "Ako ang papalit sa babae sa salamin. Just— Leave Amber out of this."
Nawala ang ilaw na nakapalibot sa kamay ng reyna habang nangingiti siyang pinapanood ako. "Oh?" Nakangisi niyang sabi. "And why would you do that?"
Napatingin ako sa salamin at sa nakangiting babae doon. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin... Naghihintay. "Because she's my sister," iyak ko at marahas na pinunasan ang mga luha. "Kahit pa hindi kami magka-dugo, we grew up together and swore that no matter what happens, we have each others' backs," mariin kong sabi. "I love my sister, Queen Belle. And I won't let her face this alone."
Lumaki ang ngiti sa labi ng reyna at hindi ko alam pero parang nag-iba ang kulay ng mga mata niya. Kulay ginto? Nang malapit na ako sa salamin, itinaas ni Queen Belle and isang kamay, dahilan para mapatigil ako. Bigla siyang pumitik at walang anu-ano'y bumukas ang pinto ng kwarto ng ilang segundo lamang, sapat na oras para mahigit niya si Park Chanyeol mula sa labas. Napasinghap ako at galit na tumingin kay Queen Belle.
"Leave him out of this!"
"Baekhyun!" sigaw ni Chanyeol pero parang hindi siya makagalaw. Napaupo siya sa sahig na para bang nahihirapan. "What are you—"
"I'm just being nice," mapang-asar akong tinignan ni Queen Belle. "Ayaw mo bang magpaalam sakanya, Byun Baekhyun?"
"What—" hindi makapaniwala si Chanyeol na tumingin sakin. "W-What does she mean? Baek—" pero nang makita niya yung reaksyon sa mukha ko, parang nanlumo si Chanyeol at hindi napigilang maluha. "Y-You can't do this—" iyak niya. "Baek, I love you. You can't— You promised me."
Napatigil ako at dahan-dahang umiling. "I'm sorry... But I have to," mahina kong sabi habang umiiyak. Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin. Gusto kong magpaalam ng maayos. Pero alam ko sa sarili ko na kapag ginawa ko yun, hindi ko na siya mabibitawan pa. "Sasaktan niya si Amber, Chanyeol," hikbi ko. "I-I can't let that happen."
Pinilit ni Chanyeol ang tumayo pero hindi niya magawa. Nasa ilalim parin siya ng kapangyarihan ng reyna. "Please, Baekhyun—" pagmamaka-awa niya at buong lakas kong pinilit ang sarili na ialis ang tingin sakanya. "Baekhyun! No— Stop this!"
Inilipat ko ang tingin sa salamin at dahan-dahang lumapit dito. Naririnig ko pa ang mga sigaw ni Park Chanyeol at sa bawat salitang lumalabas sa labi niya, para akong sinisipa ng paulit-ulit sa dibdib. Kailangan ko siyang iwan. Hindi para sa akin. Kung hindi para sa kanilang lahat na maiiwan ko. If I end this now, Queen Belle would finally stop.
Besides, ito lang naman ang gusto niya sa simula't simula palang diba? Ang tuluyan na akong mawala.
Habang papalapit ako nang papalapit sa salamin, mas bumibigat yung pakiramdam ko. This is the end, naisip ko. Sino nga namang mag-aakalang sa ganitong paraan pala matatapos ang lahat sa buhay ko? Napasinghap ako nang isang malaking basag na medicine bottle ang tumusok sa paa ko, dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba paharap. Nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo pero bago pa ito malaglag sa sahig, tumama ito sa salamin na hawak ni Queen Belle.
Nagkaroon ng isang maliit na crack at naging dahilan yun para mapasigaw si Queen Belle sa sakit. Napahawak siya sa mukha niyang nagkaroon bigla ng sugat at sa itim na dugong unti-unting umaagos mula dito. "NO!" galit niyang sigaw at daliang ginamit ang isang kamay para dalian akong bangunin at ilapit sa salamin. "Get into the mirror! NOW!"
Pero unti-unti ko nang naiintindihan lahat. Dalian kong hinila yung basag na medicine bottle na nakatusok sa paa ko. "You are one with the mirror," mahina kong sabi habang pilit parin akong hinihila ni Queen Belle. Nang magtama ang mga paningin namin, unang beses kong nakita ang takot sa mga mata niya. "Going into the mirror will not be to replace that woman," gulat kong sabi. "I will be replacing you."
"NO!!!" galit na sigaw ni Queen Belle pero bago pa niya ako mahila, buong lakas kong ibinato yung hawak kong medicine bottle sa gawi ng mahiwagang salamin kung saan pala siya nakakulong; kung saan nakakulong ang sarili niyang kaluluwa. Isang nakakapanindig balahibong sigaw ang lumabas sa labi ni Queen Belle nang tuluyan na ngang mabasag ang gintong salamin sa harap mismo ng aming mga mata. Isang mainit at malakas na sinag ang lumabas mula dito na naging dahilan para mapatakip ako ng mata at mapasigaw sa takot.
Unti-unting nawala ang hawak ni Queen Belle sa braso ko at nang muli kong buksan ang aking mga mata, napalitan na ng mga glass shards ang kaninang reyna sa tabi ko. Takot akong umatras habang iginagala ang tingin sa paligid. Naging abo ang gintong salamin sa harapan ko at nang biglang bumukas ang pinto, itinangay ng malakas na hangin ang mga abong kulay ginto.
"Baekhyun!" naramdaman ko ang mahigpit na hawak sakin ni Chanyeol at wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya pabalik. Nagsimula akong umiyak habang yakap-yakap niya ako at narinig ang pagpasok ng iba't ibang tao sa loob ng kwarto.
"Hyung!"
"Baekhyun-hyung!"
"Eomma!"
Itinaas ko ang tingin ko para makita ang pito na patakbong pumasok sa hospital room, agad akong nilapitan at niyakap. I have never felt so relieved. Nang hilain ako muli ni Park Chanyeol palapit sakanya, mas humigpit pa yung yakap niya sa akin at niyakap ko rin siya pabalik. "I-I was so afraid," mangiyak-ngiyak niyang bulong saka ako hinalingan sa noo. "I thought I was going to lose you, Baekhyun."
"I'm sorry," hikbi ko at umatras para mahawakan ang magkabilang pisngi niya. "I'm so, so sorry, Park Chanyeol." We almost lost each other. Siguro nga naging selfish ako sa sinubukan kong gawin but I had no other choice. It was either my life or my sister's. At alam kong maging si Chanyeol, alam kung ano ang handa kong isakripisyo. "I'm sorry," I pressed my forehead against his as I cried. "I love you... And I'm sorry for hurting you," Lumuluha parin ako nang dahan-dahan ko siyang hinalikan sa labi. Hinalikan din niya ako pabalik at alam kong pareho kami ng nararamdaman ngayon. The fear and dread of losing each other started to seep out of our bodies and Chanyeol just held me closer.
I would never want to hurt him again like I did today.
Nang humiwalay kami sa halik, umatras si Chanyeol para tignan ako sa mga mata. Pero bago pa siya makapagsalita, agad siyang napasinghap at gulat akong tinignan. "B-Baek—" tapos ay iginala niya ang tingin niya sa buo kong katawan. "You're—"
"W-What?" Nag-aalala kong tanong at nang sundan ko yung mga mata niya, I can't help but let out a gasp. I lifted my arms and stared at my skin. The wrinkles are gone and I could already feel the presence of healthy muscles underneath. Inilapat ko rin ang mga palad ko sa aking mga pisngi at labi, feeling the fullness and warmth. Everything. Every part of me... "I-I'm back..." I sobbed and Chanyeol just looked at me, his eyes filled with relief and affection. "I'm okay now... I'm—"
Pero may isang bagay ang halos nagpatigil sa tibok ng puso ko. Chanyeol must have felt it, too, because he held me tighter. "Baekhyun, what is it?" mahina niyang tanong. "A-Are you in pain? What do you—"
"My beanie..." naramdaman ko yung unti-unting pagbuo ng ngiti sa labi ko. "When we first met, did you return my beanie hat that I asked you to keep? I don't think you did."
Park Chanyeol just stared at me for a whole moment before I noted the tears in his eyes. "You remember," hindi makapaniwala niyang sabi. "You remember everything."
"I do," I smiled through all the sobs and happy tears. "I remember everything... I remember you."
And then Park Chanyeol pulled me in for another kiss.
My heart had never been this happy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top