kabanata 33




8:47 am



"Eomma?"



Hindi na ako nagkaroon ng oras para magising ng maayos dahil pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko, isang sobrang excited at sobrang sayang Kim Taehyung agad ang tumalon sa kama ko para bigyan ako ng isang nakakasulasok— este, nakakagulat at sobrang higpit na yakap. Pinulupot niya ang dalawang braso niya sa leeg ko at agad namang napangiwi yung anim sa likod.



"Eomma!" sigaw ni Taehyung na para bang hindi malapit yung labi niya sa tenga ko. "You're awake! We've been waiting since six in the morning."



Niyakap ko naman siya pabalik pero mabilis lang kasi hindi na ako makahinga. "T-Taehyung," nahihirapang sabi ko habang dahan-dahang kumakawala sa yakap niya. "Let go. H-Hindi ako makahinga."



Agad namang bumitaw sakin si Taehyung pero nasa kama ko parin siya at wala atang balak umalis. "Sorry," nakangiting sabi niya sabay ayos ng kumot kong nagulo. "I'm just so glad you're awake now, Eomma. Pasensya na pala hindi kami nakabisita kahapon. Hindi namin kinaya ang jetlag." Napatingin din siya sa iba at pansin ko nga na medyo busog pa yung mga mata nila sa tulog.



"It's fine," natatawang sabi ko naman. "It's completely understandable."



Lumapit naman silang lahat sa akin at walang anu-ano'y hinila ni Namjoon si Taehyung paalis sa kama ko. Nagpumiglas pa si Taehyung nung una pero wala na rin siyang nagawa dahil nakatingin na sakanya ng masama yung iba. Palalabasin na raw siya kapag nangulit pa. Natawa naman ako ng mahina at saka nilibot ang tingin ko sa paligid ng kwarto. "Hm?" napakunot noo ako. "Si Chanyeol? At si Suga?"



"Pinuntahan ata ni Chanyeol-hyung yung mga doctors, Hyung," sagot ni Jimin. "Medyo kaaalis lang, actually."



"At si Suga," dagdag naman ni Jin sabay shrug. "Natutulog pa sa hotel."



Tumango ako. "Classic Suga."



"Hyung, how are you feeling?" tanong ni Jungkook saka umupo sa paanan ng kama ko. May hawak siyang mansanas sa isang kamay na mukhang galing ata sa isang basket of fruits na dala nila. Kumagat siya dito habang naghihintay ng sagot sa tanong niya. Pero hindi ko alam bakit bigla nalang napako yung tingin ako sa hawak niya at hindi ko alam kung bakit parang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. What's wrong with me? Bakit parang natakot ako bigla?



Naramdaman ko si Taehyung na umupo sa tabi ko at mahigpit akong hinawakan sa braso. "Hey, Eomma," nag-aalala niyang tawag at parang gulat akong napatingin sakanya. "Are you okay? Nagugutom ka ba?"



"Oh, we brought fruits!" masayang sabi ni Jungkook saka iniabot sakin yung apple. "Eto, hyung. Matamis pa to."



I gasped and pulled back a little. "N-no, I'm fine," medyo mahina kong sabi. "Parang— Parang ayoko ng apple, Jungkook. Sorry." Umiwas ako ng tingin at pakiramdam ko, lahat sila medyo nagtaka sa ikinilos ko. Hindi ko naman sila masisisi kasi maski ako, hindi ko rin alam kung bakit ganun ako nag-respond. Mansanas lang yun ah.



Ano bang magagawa sakin ng mansanas?



"Hyung, okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Namjoon. Nakakunot noo siya at nakatingin sakin ng maigi. "Did you not get enough sleep because of a certain someone?" tapos ay mabilis niyang binigyan ng masamang tingin si Taehyung na walang balak umalis sa kama. Mas niyakap pa niya ako ng mas mahigpit at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.



"I'm fine," sagot ko naman. "Medyo gutom lang siguro ako? And— And I need to see Park Chanyeol." Hindi ko alam kung bakit, pero sa mga pagkakataong ganito, kapag medyo natatakot ako or uneasy, I feel this unexplainable need to see him. Hindi naman sa pagiging clingy or anything. Hindi ko lang ma-explain yung calmness na nadadala niya sa akin everytime he's around. I feel safer when he's here.



Hindi ko maipaliwanag, pero sa tuwing nagkakaroon ako ng mga panaginip tungkol kay Queen Belle at sa mahiwaga niyang salamin, it's Chanyeol's voice that wakes me up. Hinihila niya ako palayo sa kapahamakan. Parang ganun.



"Kami nang bahala sa pagkain mo, hyung," nakangiting sabi ni Jin saka tinawag si Namjoon. "Parang may nakita akong Korean restaurant kanina. Maybe we could check out that place."



"We'll be back in a sec," tango naman ni Namjoon at mabilis silang lumabas ng kwarto matapos tanungin kung anong gustong kainin nung iba.



Nagkatinginan naman sina Jimin at Hoseok. "Maybe we'll look for my cousin?" sabi ni Jimin at mabilis na kinuha yung mansanas na hawak ni Jungkook para kainin ito. "Ang alam ko nasa third floor lang siya," tapos ay ngumiti siya ng medyo mapang-asar. "And maybe we could check out some cute nurses."



"Sige, samahan na kita," masayang sabat naman ni Hoseok at halos inunahan pa si Jimin sa paglabas. Grabe. Excited much? Medyo galit pang sinundan ng tingin ni Jungkook yung dalawa dahil nga kinuha ni Jimin yung mansanas niya, pero napabuntong hininga nalang siya maya-maya at daliang kumuha ng grapes mula sa basket. Bumalik siya sa pwesto niya sa kama ko at sinimulang kainin yun.



Tinignan ako ni Jungkook ng medyo matagal. "Uy, hyung," simula niya. "Okay ka lang ba talaga dito? Inaalagaan ka ba nila ng maayos?"



"I think so?" sagot ko naman. "I have my own nurse and I'm getting treatment."



Lumayo naman sakin si Taehyung para umupo sa harapan ko. "Oo nga..." napa-iwas siya ng tingin. "Pero..." Tinignan niya si Jungkook na parang natatanong kung dapat bang sabihin niya o hindi yung nasa isip niya. At base sa nakikita kong reaction nilang dalawa, parang pareho pa ata sila ng iniisip. Pinalo ko naman ng marahan si Taehyung sa braso.



"Ano nga yon?" tanong ko. "Sabihin mo na, dali."



Huminga ng malalim si Taehyung. Luh. Ang drama naman neto. "It's just that," sabi niya at mabilis ginala yung tingin sa katawan ko. "You don't look any better, Eomma. At sa totoo lang, you look worse."



Pinilit kong ngumit kahit medyo nagtaka ako sa sinabi niya. Worse? Paano mangyayari yun? I'm getting treatment in one of the best hospitals in the world. Kahit papano ay confident naman ako sa kakayahan ng mga doctors at nurses dito.



"Maybe I don't respond quickly to treatments," nakangiting sabi ko kay Taehyung para naman mabawasan kahit papano yung pag-aalala nila. Pero hindi parin sila mukhang convinced ni Jungkook kung kaya naman napabuntong hininga nalang ako at tinuro yung iba't ibang bote ng gamot sa bedside table ko. "Look. Hindi nila ako pinapabayaan dito. Just... relax. I'm going to be fine."



Nagkatinginan na naman sina Jungkook at Taehyung, halatang nag-aalala parin. Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi naman ako pwedeng magalit sakanila dahil lang nag-aalala sila diba? Hindi ko naman maaalis sakanila yun. Luh. Ang siraulo ko naman kung ganon. Saka kahit papano, naiintindihan ko naman yung worries nila.



Bumuntong hininga nalang ako at napagdesisyunang ibahin yung usapan. "So..." simula ko at binigyan ng mas malaking ngiti yung dalawa. "How was your trip? Balita ko natagalan daw kayo sa boarding?"



Nanlaki naman agad yung mata ni Jungkook at agad na tumayo mula sa pagkakaupo. "Oh, shit," mabilis siyang naglakad papunta sa may pinto. "We almost forgot! Taehyung, tulungan mo nga ako rito." Agad namang tumayo si V at daliang pinuntahan si Jungkook. Hindi ko sila makita dahil sa divider na naghihiwalay sa mismong bedroom kumbaga at sa may receiving area. Pero may naririnig akong mga kaluskos at parang nahihirapang boses nung dalawa.



Huh? Anong meron?



"Guys—?"



Maya-maya pa, may buhat nang malaking bagay yung dalawa habang pabalik sa akin. Mukhang ingat na ingat pa sila dito pero parang excited din na ipakita sakin yung package. Nakabalot ito ng parang karton at scotch tape at medyo rectangular yung shape. Mukhang nabuksan na rin ito, malamang dahil sa security sa labas ng ospital. Napakunot noo ako dahil sa gulat at pagtataka. "Nagpadala ng regalo si Miss Amber para sayo, hyung," nakangiting sabi ni Jungkook bago dahan-dahang binaba yung package sa gilid ng kwarto at isinangga sa pader. "We were really weirded out by it at first but figured it was really thoughtful of her."



"Medyo nahirapan kaming magbuhat pero sulit na rin, Eomma, basta para sayo," natawa si Taehyung sabay wink. "Want us to open it for you?"



Mas lalo akong napakunot noo. "W-Wait..." mahina kong sabi bago nag-aatubiling hinanap yung cellphone ni Chanyeol sa kung saan man. "Where is it..." kinakabahan kong bulong. "Where is it?" Naramdaman ko yung pamumutla ng mukha ko at pagbilis ng tibok ng puso ko. Umupo ako ng mas maayos at parang natatarantang iginapang ang kamay ko sa higaan, pilit na hinahanap yung cellphone. "Did he take it?" Takot akong napatingin kina V at Jungkook. "Asan na yun—"



"Eomma?" Daliang tumabi sakin si Taehyung at hinawakan ako sa balikat. Pilit niya akong hinarap sakanya hanggang sa matignan niya ako sa mata. "Eomma, are you okay?"



"I-I need to talk to Amber," takot kong sabi. "I don't— I don't think she sent that—"



Tinignan ako ni V ng mas maigi. Puno ng pasensya yung mga mata niya at saka siya ngumiti ng maliit. "Eomma, relax," malumanay niyang sabi bago ako dahan-dahang niyakap. "She gave it to us personally. I swear. Hindi namin hahayaang may mangyaring masama sayo, okay?" I felt his hand on my back, comforting me. Hinayaan kong yakapin ako ni Taehyung hanggang sa naramdaman ko yung pagkalma ng buo kong katawan. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin. But I just suddenly had that instinct to get away... somehow.



I felt like I must run.



Pero pinilit kong isantabi yung thought na yun.



My friends are here. Nothing's going to happen to me.



Nang maramdaman ni Taehyung na medyo okay na ako, dahan-dahan siyang kumawala sa yakap at maigi akong tinignan. "You okay now, Eomma?" malambing niyang tanong.



Tumango naman ako at ngumiti ng maliit bago huminga ng malalim. I have to relax. "So... what was it?" Tanong ko at mabilisang tinignan yung package. "Anong laman ng regalo ni Amber?"



Ngumiti ng malaki sina V at Jungkook. "Binuksan nila to kanina sa security pero hindi namin tinignan, para syempre, ikaw ang unang makakita," explain ni Kookie. "But I'm sure it's something pretty. Mukhang mamahalin ang weight eh." Hinawakan naman ni Jungkook yung pambalot na karton at marahang hinila ito pabukas. Maraming layer yung ginamit na packaging para sa bagay na yun at may bubble wraps pa. Nang medyo nahihirapan na si Jungkook buksan ito, dalian naman siyang tinulungan ni Taehyung.



"Ang kupad naman!" Mapang-asar na sabi ni V habang binubuksan din yung regalo.



Inirapan lang naman siya ni Jungkook habang nangingiti ng maliit. Huh. Why do I get the feeling na may something itong dalawang to? May part ba sa past ko about sakanila na hindi ko maalala? Na nabura rin sa memories ko tulad ni Park Chanyeol? Magtatanong na sana ako ng something personal sa kanilang dalawa nang magsalita ulit si V.



"There you go!"



Nang matanggal yung huling layer ng pambalot, agad akong napasinghap sa gulat. Medyo napa-atras ako mula sa pagkakaupo sa kama at natatarantang hinila yung kumot papalapit sa akin. Parang biglang nanlamig yung buo kong katawan. Napabuntong hininga naman sina Taehyung at Jungkook habang medyo weirded out na nakatingin sa regalo. Yung kaninang excitement sa mga mukha nila, napalitan ng purong pagtataka.



"A... mirror?" Nakakunot noong sabi ni Taehyung. "Seryoso ba si Miss Amber?"



"At hindi lang basta mirror, V," natawa ng mahina si Jungkook. "A golden wall mirror."



Hindi ko alam pero nakatingin lang din ako sa salamin na pinadala raw ni Amber. Parang nakita ko na ito dati. Somewhere. Hindi ko lang ma-pinoint kung saan. Medyo naaalala ko pa yung disenyo sa paligid ng salamin. Medyo vintage ito pero sobrang ganda parin. Parang iningatan ng bawat taong gumamit dito. Saan... Saan ko na nga ba ito huling nakita? Bakit parang may hindi na naman ako maalala bigla?



"Bakit ka naman padadalhan ng salamin ni Miss Amber, Eomma?" Tanong ni V pero hindi siya nakatingin sakin. Nasa salamin parin yung atensyon niya. "It's not like this hospital will be your home eventually or something," natawa siya ng mahina.



"Taehyung..." mahina kong sabi at agad siyang napatingin sa akin. "Sigurado ka bang kay Amber galing yan?"



"Uh-huh," tango niya bilang sagot. "Although she seemed pretty cold when she talked to us. Akala ko nga may masama na kaming nagawa sakanya eh," natatawa pa niyang dagdag.



Hindi... Parang may mali.



Mukhang mas maliit nga lang na version, but that mirror... I think I saw it in one of my dreams.



Nang walang anu-ano'y sinubukan kong tumayo mula sa kama. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at nahihirapan din akong gumalaw-galaw pero pinilit ko parin. Nakakabit pa sa akin yung IV line pero marahas ko itong tinanggal na naging dahilan para mapagitla yung dalawa. "Hyung!" sigaw ni Jungkook at mabilis na pumunta sa akin. "A-Anong ginagawa mo?"



"Eomma!" sigaw ni Taehyung at mabilis na umatras. "Wait— Tatawag akong nurse," at dalian na ngang lumabas ng kwarto.



"Destroy it," mariin kong sabi habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak sakin ni Jungkook. "Hindi yan galing kay Amber— We have to destroy it—"



"Hyung—" puno na ng pag-aalala at kaba yung boses ni Jungkook. "Hindi mo pa kayang—"



Pero mabilis akong nakalapit sa salamin sa kabila ng lahat ng paghila ni Kookie. Masyado kasing naging magaan yung paghawak niya sa akin, parang natatakot siyang masaktan ako if his hold gets too tight. I was already panting and in pain when I reached the golden mirror. Pero nang akmang itutumba ko na yung salamin para mabasag ito, nakita ko yung reflection ko. And it's nothing like all the other ordinary mirrors could show me. My reflection was... completely different. It was my old self— The Byun Baekhyun I know. Yung hindi nangangayayat, hindi nanghihina, hindi in pain... The one with blushing cheeks and bright eyes. The one from the past.



With a quiet gasp, I felt my fingers fly to my face at napatigil ako nang hindi maramdaman kung ano yung nakikita ko sa salamin. Nang ibaba ko yung tingin ko sa sarili kong mga kamay, I realized the mirror was just enchanted. Dahil ang totoo, I'm still not okay. Sobrang payat ko parin and I'm definitely a few inches from death. Iniangat ko ulit yung tingin ko sa salamin at naramdaman ko yung pamumuo ng luha sa mga mata ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang ayoko nang ialis ang tingin ko sa salamin.



Aaminin ko... I miss my old self. I want my old sef back.



At itong salamin, binibigay niya sa akin yun.



"It's pretty," pabulong kong sabi at dahan-dahang napaupo sa sahig sa harapan nung salamin. "It's really pretty, Jungkook." Inilapat ko yung kamay ko dito, tracing my perfect reflection with my fingers, smiling to myself. Narinig ko yung pagbuntong hininga ni Jungkook at marahan akong sinubukang itayo para ibalik sa kama, pero pilit kong inaalis yung kamay niya sa akin. At wala manlang pasabi pero umiiyak na pala ako.



"H-Hyung..."



"Please..." I sobbed as I reached out to grip the mirror tightly, not wanting to let go. "Please... Just let me be." Tinitigan ko yung umiiyak kong reflection sa salamin. The old Byun Baekhyun is crying, too. Ang pinagkaiba nga lang, he looks way better than me with a sobbing face. Way... way better. "I was so... pretty," I cried at hindi ko alam kung saan galing yung mga salitang yun. Para bang bigla nalang silang lumabas mula sa mga labi ko. "Hindi mo ba nakikita, Jungkook?"



Dahan-dahang umupo si Jungkook sa tabi ko at nagtatakang tumingin sa salamin. "A-Ang alin, hyung?"



Ngumiti ako ng maliit. "My reflection?"



"Of course, I do," nakakunot noo parin siya. "What about it?"



Jungkook's confused face tells me everything. Hindi nga niya nakikita kung anong nakikita ko. At dahil dun, alam kong hindi nila maiintindihan kung bakit hindi ko na kayang basagin pa itong salamin. Somehow, it brings me happiness. I continued tracing my reflection and smiled through all the tears, "Nothing," pagsisinungaling ko. "I just realized matagal na pala bago ko huling nakita ang sarili ko sa salamin."



Mukhang medyo nasaktan si Jungkook sa sinabi ko. Nasaktan siya para sa akin. "Hyung..." inakbayan niya ako at hinalikan sa ulo. "Everything's going to be fine, okay? Just... hang in there."



Tumango ako, pero kalahati ng sinasabi niya, hindi ko na naririnig. I am so engrossed with staring at my reflection to care about what's happening around me. Nakaupo lang ako dito, nakangiti at hinahayaang paulanan ni Jungkook ng assuring words. I could still feel the tears running from my eyes. Bakit ako umiiyak? I'm happy now. Ang alam ko masaya na ako. Pero bakit parang may part sa akin na ayaw itong nangyayari? Where are all these tears coming from?



Where is the fear coming from?



"Baek!"



Sa boses palang niya, parang may kung anong force ang humila sa akin palayo sa salamin. The very second I tore my eyes away from the mirror, I felt myself gasp for air. Para akong nalunod at ngayon lang naka-ahon ulit. Mas naging klaro yung paligid, mas naririnig ko na yung mga tao sa kwarto, mas nararamdaman ko na yung sakit sa katawan ko. Para bang I was brought back to reality. It was Park Chanyeol's voice. Again. Paano niya nagagawa yun?



At walang anu-ano'y, umiiyak na ako. Pero paano... ang saya-saya ko lang kanina when I was staring at the mirror. Why do I feel so afraid now? "C-Chanyeol—" I sobbed and reached my hands for him. He came with Taehyung and some nurses, at lahat sila, takot na nakatingin sa akin. Agad naman akong nilapitan ni Chanyeol at daliang binuhat mula sa pagkakaupo ko sa sahig. Puno ng pag-aalala yung mukha niya lalo na nang makita niya yung kamay ko.



"Baby, you're bleeding," mahina niyang sabi at saka ko lang napansin yung dugong lumalabas mula sa pinagtusukan ng IV. Agad namang may lumapit na nurse para gawin yung trabaho niya. "What happened?" Chanyeol asked nang ihiga niya ako ulit sa hospital bed. Hinawakan niya yung isa kong kamay at hinalikan yun.



Pero hindi ko parin mapigilang umiyak. "I-I don't know..." hikbi ko, at yun ang totoo. "I don't know what happened to me..." I gasped in pain when they inserted another IV line into my skin but Park Chanyeol just held me tighter. "Don't leave me," umiiyak kong pakiusap at hinawakan pabalik yung kamay niya. "P-Please don't leave me, Yeol... I-I was so afraid..."



"I won't, okay?" tango ni Chanyeol at saka ako hinalikan sa noo. "I won't leave you. I love you."



I was still crying in fear when I caught Jungkook throw a white cloth over the mirror. Maya-maya pa, binuhat na nila ito ni Taehyung at dinala sa may receiving area and out of my sight. Anong nangyari? What was that? Hanggang ngayon, kahit nasa tabi ko lang si Park Chanyeol, natatandaan ko parin yung suffocating pero enchanting feeling na naramdaman ko habang nakatingin ako sa salamin. Para bang may nakatali sa pagkatao ko at kahit anong pilit ko, hindi ako makawala. Only Chanyeol's voice did the trick.



Natatandaan ko parin yung nakita ko sa salamin. Hindi ito maalis sa isip ko.



And a part of me— a very small part of my brain— urges me to see it again.



And again.



And again.

















I did it every night.



Kapag tulog na si Chanyeol at maluwag na ang hawak niya sa kamay ko, dahan-dahan akong umaalis sa kama. My heart tells me I shouldn't and everytime I do these escapes, I find myself crying in fear just before reaching the mirror. Iniwan ito nina Taehyung sa may visiting area, nakasabit sa pader sa tabi ng couch, dahil siguro inisip nilang nakakahiya naman kay Amber kung hindi makakarating sa akin yung regalo niya.



Hanggang ngayon, hindi ko parin maexplain yung pakiramdam ko everytime the mirror is calling me. It was like it is wrapping its invisible hands around my neck and pulling me in. Hindi ko masabi kay Chanyeol kahit gusto ng puso ko. Because my mind keeps on reminding me the unexplainable joy na nararamdaman ko kapag nakatingin ako sa salamin.



Seeing my old self in the mirror is like a drug. And everytime I'm near it, it feels like I was a different person. Kapag wala ako sa harap ng salamin, I was the terrified Baekhyun. But when I'm staring at my reflection... I was that Baekhyun with doppy smile and fiery eyes.



I was so... addicted to it.



Tonight is the third night I'm staring at the mirror again. I ran my hand over the reflection and grinned to myself. Saan galing ang ngiting yan? San galing yung kasiyahang nararamdaman ko? My lips parted and the same, foreign words slipped my mouth— Mga salitang hindi akin.



"Mirror, mirror... on the wall," I breathed, tears running down my cheeks despite the smirk I'm wearing. "Tell me... Who's the fairest—"



May narinig akong ingay kaya ako napatigil.



"Baekhyun?" 








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top