kabanata 32
Isang helicopter ang sumundo sa amin nang makarating kami ng New York. Ibang-iba yung pakiramdam ng paligid pati na rin yung simoy ng hangin, at siguro yung pinaka-pumukaw ng atensyon ko ay yung fact na nasa labas ako. Hindi ako nakakulong sa isang kwarto, naghihintay ng kung ano man mula kay Queen Belle.
Di tulad nung umalis kami sa Seoul, nabawasan na yung mga guards na kasama namin. Kumpleto parin yung pito, syempre, pero nung dumating kaming airport, hindi sila sumabay sa chopper. Sina Park Chanyeol at dalawang men-in-black lang ang kasama ko at tinulungan ako ni Chanyeol na mag-settle in sa loob ng sobrang ingay na helicopter.
"Here," mahina niyang sabi bago sinuot sakin ang isang itim na mask. "I bet you're more comfortable with that?" ngumiti siya ng maliit at marahang hinawakan ako sa pisngi.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Thank you, Park Chan."
"No problem," Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako palapit sakanya. "Are you cold, love?"
"Okay lang ako," sagot ko naman saka siya tinignan at niyakap pabalik. I rested my head on his shoulder. "Ikaw. Are you cold? Are you okay?"
Napatigil siya sa tanong ko, na para bang hindi niya inexpect na itatanong ko yun o para bang hindi niya alam yung sagot. Bumuntong hininga siya at wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mas mahigpit. "I don't know, Baek," pabulong niyang sagot. "I don't really know what to think or how to feel. Pakiramdam ko, ang daming pwedeng mangyari at kahit anong gawin ko, I'll never be prepared for it."
"Chan..."
"And that scares me, Baekhyun..." he kissed my hair gently. "Please tell me you're going to be alright. Kasi right now, yun nalang ang pinanghahawakan ko."
Dahan-dahan akong lumayo mula sa pagkakayakap ko sakanya saka binaba yung suot kong mask. Tinignan ako ni Park Chanyeol pabalik at ngayon ko lang talaga napansin kung gaano nakikita sa mga mata niya yung mga emosyong sinusubukan niyang itago. "I'm going to be fine," nakangiti kong sabi saka siya hinalikan ng mabilis sa pisngi. "I'm not giving up. Dapat ikaw din, diba?"
"I know," tumango siya. "I know. I'm sorry." Hinila niya ako ulit para yakapin at ipinatong ko yung ulo ko sa balikat niya. Huminga ako ng malalim at nilipat ang atensyon ko sa langit sa labas. Nasa himpapawid na pala kami, hindi ko manlang napansin. Sobrang layo ko na siguro kay Queen Belle ngayon. Sobrang layo sa Seoul at sa mga naghahabol saming Queen's Guards. Pero bakit pakiramdam ko hindi pa talaga ako nakakatakas sa mga itim niyang balak? Bakit pakiramdam ko kahit anong takbo ko palayo, mahahanap at mahahanap niya parin ako?
Hinayaan lang ba niya talaga akong matakas?
Maya-maya pa, nag-land yung helicopter na sinasakyan namin sa rooftop ng isang malaking hospital. Hindi ko alam kung nasaan talaga kami pero tatlong American doctors ang naghihintay sa amin nang makarating kami. Lahat sila walang bahid ng pagkabagabag sa mukha, para bang confident na confident na kaya nila akong pagalingin. Nang tuluyan nang tumigil yung sinasakyan namin, tatayo na sana ako nang hilain ako ni Chanyeol pabalik sa upuan.
"Baek, wait," sabi niya saka itinaas yung hood ng suot kong jacket. "Just to be safe... And one more thing."
"Ano yun?"
"Don't leave my side," ngumiti siya at saka kinuha yung kamay ko. Hinawakan niya yun ng mahigpit at tinulungan akong bumaba ng helicopter papunta sa mga hospital employees na naghihintay sa amin. Nagkaroon ng exchange of greetings at mabilis na pagpapakilala. Pero never kong narinig na banggitin ni Park Chanyeol yung pangalan ko kahit nasa tabi lang niya ako, at sa paraan ng paghawak niya sakin, para bang iniiwas pa niya ako sa mga mata ng mga doktor na mukhang curious kung sino ako.
"We'll start the tests as soon as you like," nakangiting sabi ng isang doktor. "Just send the word and—"
"Let's do the tests as soon as we settled in," seryosong sagot naman ni Chanyeol at hindi na niya hinintay yung sagot ng mga doktor dahil mabilis na niya akong hinila papasok ng ospital. Walang tao sa mga hallways tulad ng typical na nakikita sa mga movies. Nasa isang mataas na floor kami ng private rooms at mabilis kong napansin ang isang lalakeng nakatayo sa harapan ng isang pintuan, parang guard kumbaga. Nakasuot din siya ng all-black uniform tulad ng dalawang lalakeng kasama namin.
Nang nakita niya kami, nag-bow siya. "Your Grace," mabilis na pagbati niya kay Chanyeol bago binuksan yung pintuan. Room 614, mabilis na pag-alala ko bago ako tuluyang hilain ni Park Chanyeol papasok sa kwartong magsisilbing hospital room ko. Nagulat ako nang mapansing sobrang laki nito, parang isang mamahaling condo unit. Merong visiting area, kusina, banyo, at meron pang isang maliit na bar. Sa pinakaloob ng kwarto na yun ay isang malaking hospital bed.
Nilibot ko pa yung tingin ko sa paligid at napansing hindi na kami sinundan nung dalawang bodyguards na kanina lang ay kasama namin. Binitawan ako ni Chanyeol para muling i-inspect yung buong room. "Chan," tawag ko sakanya habang nakakunot noo. "Where... Where will the others stay? Hindi naman siguro kayo matutulog dito diba?"
"The guys booked rooms at a nearby hotel, huwag mo na silang alalahanin," sagot niya saka ako nilapitan. "Baby, you shoud rest. Or are you hungry? Do you want anything?" Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at tinignan ng maigi.
"What about you?" tanong ko pabalik. "San ka mag-i-stay?"
"Right here," nakangiting sagot niya. "Bakit? Ayaw mo ako dito?"
I rolled my eyes. "It's not that..." sabi ko. "There's not enough bed..."
"Ha?" napakunot noo si Chanyeol at nagtatakang tinuro yung visiting area. "The sofa's right there."
"It's not a bed, Park Chan," tinignan ko siya ng masama. "You can't sleep there. Masyadong uncomfortable."
Natawa siya ng mahina at hinalikan niya ako sa noo. "I can. And don't worry about me, okay?"
Tinignan ko lang siya ng medyo naiinis bilang sagot. Don't worry about him? Paano ko gagawin yun? Lahat na ata na-give up ni Park Chanyeol para sakin. Tulad nga ng nasabi ni Jimin, mukhang totally against pa ata yung tatay niya dito sa pinag-gagawa niya. Tapos sasabihin niyang huwag akong mag-alala? Hindi ba sobrang imposible naman nun?
"May tanong ako," kumunot yung noo ko habang nakatingin sakanya. "You took a lot of guards with you, Park Chanyeol, and your father didn't know about me dahil ang alam niya patay na ako. Then... What did you tell him when you left?"
Tinignan lang ako ni Chanyeol ng ilang segundo na medyo natatawa. "Well," he coughed and bit his lip. "I told him I'm taking someone with me on a date trip and I need the guards because that someone's really important."
"Date trip?" natawa ako. Kung sana date trip lang talaga itong pinuntahan namin at nag-i-stay kami ngayon sa isang cottage at hindi sa isang mamahaling hospital room.
"Yeah," natawa rin si Chanyeol ng bahagya. "Don't worry about father. He's not really nosy." He gently brushes my hair off my face. Kahit pa nakangiti siya o kahit pa natatawa siya paminsan-minsan, nakikita ko parin kung gaano siya nag-aalala. Bakit ba hindi ko parin maalala lahat ng nangyari samin? Kung saan ko siya unang nakilala? Kung ano yung mga unang salitang binitiwan niya sakin?
Wala akong nagawa kundi ang tumango na rin sa sinabi niya. "Thank you," I murmured. "I... I wouldn't know what to do without you."
Ngumiti si Park Chanyeol pero wala siyang sinabi. Hinalikan lang niya ako ng mabilis sa noo at saka niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik at nang ipikit ko yung mga mata ko, agad akong nakaramdam ng pagod. Para bang bumigat yung buo kong katawan at humirap din yung paghinga ko. Parang may kakaibang hangin ang bigla nalang bumalot sa pagkatao ko sa loob ng hospital room na yun. Napasinghap ako sa gulat at medyo humigpit yung hawak sakin ni Chanyeol.
"Baek?" nag-aalala yung boses niya. "Baby, are you okay?"
Umiling ako. Pero bago pa niya ako mabuhat at maidala sa hospital bed, nakarinig kami ng katok mula sa pintuan. "Good afternoon, Mr. Park," tawag ng isang boses. "We'll start the tests now."
Naperform lahat ng tests na ginawa sa akin noon ni Doc Chan, pero syempre nadagdagan pa ang mga yun tulad ng x-rays, MRI, at kung anu-ano pa. Sa sobrang dami, merong point sa araw na ito kung saan hindi na nagrerespond yung katawan ko kaya bukas nalang daw kasi baka pagod na ako't lahat. Nakakahiya nga eh, kasi baka jinu-judge na ako ng mga hospital employees sa mga isip nila ngayon. Tulad ng kung ano ba talaga ang problema ko? Paano kung isa pala akong carrier ng isang disease na never pa nilang narinig?
May isang babaeng nurse na na-assign sa akin. Medyo may edad na siya at ewan ko ba pero naaalala ko sakanya si Manang Beng-beng. Pareho kasi sila ngumiti at pareho nila ako kausapin. Yun bang medyo malumanay na parang nanay ko siya. Pero syempre, never ko namang nakausap yung nanay ko talaga kaya di ko rin alam.
Nagising ako sa gitna ng gabi at ang una kong napansin ay si Park Chanyeol na natutulong sa tabi ko. Hawak niya yung isa kong kamay at dahan-dahan ko itong hinila para mailapat sa pisngi niya. Hindi siya nagising, marahil ay pagod na rin siya sa dami ng nangyari ngayong araw.
"Your boyfriend?"
Napagitla ako sa gulat at nun ko lang napansin si Nurse Ann, yung naka-assign sa akin, na nasa isang tabi, nagso-sort ng mga vitamins na nirecommend sa akin ng mga doktor. Lumapit siya sakin habang nakangiti bago ako sinimulang kuhanan ng temperature at blood pressure.
"He refuses to leave your side even when I begged him, do you know that?" mahina niyang sabi sabay binigyan si Chanyeol ng mabilis na tingin. "He's quite stubborn."
"I know," nakangiti kong sabi. "He tends to just do what he wants."
Natawa naman si Nurse Ann at iniabot sakin ang isang maliit na saucer kung saan may iba't ibang klase at kulay na tablets. "So... Is he your boyfriend?" nakataas yung isa niyang kilay habang nangingiti. "Or husband?"
Halos masamid naman ako sa vitamins na iniinom ko. "W-What?" napa-iling ako. Ang totoo niyan, hindi ko alam kung boyfriend ko ba si Park Chanyeol. Naging official na kami ba? Oo, alam kong mahal namin yung isa't isa ngayon kahit hindi ko siya maalala, pero noon... noong okay pa ako... nagkaroon ba talaga kami ng relasyon? What if hindi naging kami kasi may complications? What if ex ko na pala siya?
"What what?" nakakunot noong tanong ni Nurse Ann.
"I... I don't know," sagot ko sa tanong niya. "I don't really know."
Napa-sigh naman si Nurse Ann saka umiling-iling. "Well, it's obvious you definitely like each other," pagpupuna niya habang hinihintay na maubos ko lahat ng kailangan kong inumin. "And judging by the way you look at him and the way he watches you..." ngumiti siya at saka hinawakan ng mabilis yung kamay ko. She gave it a squeeze. "You're young and maybe there's a whole lot more ahead of you. But a love like this doesn't choose a time, sir. When it comes, you shouldn't let it go."
Napatingin ako kay Park Chanyeol at sa natutulog niyang mukha. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla kong naalala kung paano niya ako niyakap noon nang sinabi kong hindi ko siya maalala. Ni hindi siya nagalit sakin. Panay ang 'sorry' niya kahit wala naman siyang ginawang masama. He even forced himself back into my life kahit ilang ulit kong sinabing umalis na siya.
When I was resting in my room, pumunta siya para lang i-remind sakin kung paano kami nagkakilala. He assured me over and over that he's never leaving and that he loves me even if the whole world is against us. Dinala niya ako dito kahit pa ako mismo, hindi naniniwalang may makakagamot talaga sakin. He has hope in things that seem to fall apart more and more each day.
Hindi niya ako pinilit na mahalin siya ulit. At hindi ko kinailangang ipilit sa sarili ko yun.
My heart and every part of me knows him. Every part of me still feels the same.
"Oh my god, please don't cry," gulat na sabi ni Nurse Ann at saka ko lang naramdaman na umiiyak na pala ako. Napahawak ako sa pisngi ko at daliang pinunasan yung mga luha. Ano ba yan? Ano bang nagyayari sakin? Para tuloy akong buntis na may grabeng mood swings. "It's alright," malumanay na sabi ni nurse. "Everything's going to be fine, dear."
Napatingin ako sakanya at ngumiti. "Thank you, Nurse Ann," mahina kong sabi. "I think... I think I'll be resting now."
Tumango naman agad si Nurse Ann at matapos akong hawakan ng mabilis sa pisngi, naglakad na siya papunta sa pinto. Mabagal siyang kumilos kasi medyo matanda na, at buti nalang dahil bago pa siya makalabas, tinawag ko ulit siya. "Um, nurse?"
Lumingon naman siya sakin. "Yes, sir?"
"He's... He's my boyfriend," pagka-klaro ko at unti-unti siyang ngumiti. Pareho kaming napangiti. "He's my guy."
Natawa si Nurse Ann ng medyo mahina pero tumango siya. "That's good to know, sir."
Pinanood kong lumabas yung nurse ng kwarto at kasabay nun ang mas lalo pang pagtahimik ng paligid. Sobrang liwanag ng buwan at buhay na buhay parin ang NY kahit gabing-gabi na. Kung hindi lang siguro ako ganito kahina, baka nakapamasyal pa kami ni Park Chanyeol.
"Of course I'm your boyfriend."
Gulat akong napatingin kay Chanyeol na kanina lang ay natutulog sa tabi ko. Ngayon ay nakamulat na ang dalawa niyang mata at nakangiting nakatingin sakin. "Gising ka?" gulat kong tanong. "Bakit hindi ka nagsalita?" hawak na ulit niya yung kamay ko at mabilis niya itong hinalikan.
"I was tired," sagot niya. "And you were having a conversation with the nurse."
Pinanliitan ko siya ng mata. "Eavesdropping din yun ah."
"I'm sorry." Pero nakangiti parin siya. Matapos nun ay mabilis niyang binitawan yung kamay ko para kunin yung cellphone niya mula sa bedside table. "By the way, Amber sent an email." Ah, oo nga pala. Yung phone niya ang gamit ko para kausapin si Amber.
"Totoo?" gulat kong sabi. Halos tumigil yung pintig ng puso ko sa tuwa kaya agad kong inabot yung phone ni Chanyeol at binuksan yung email. Walang masyadong laman. Ilang linya lang. Pero halos hindi ako nakahinga.
From: [email protected]
She left the palace. Be on the lookout. Take care, brother.
x x x
I have no words.
Just thank you for being here still ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top