kabanata 30
Puno ng mga salamin yung paligid.
Madilim pero alam kong naka-upo ako sa gitna ng isang hallway na parang nakita ko na kung saan. Pamilyar yung sahig, mga ding-ding, at kisame. Nasan ba ako? Gusto kong tanungin. Pero hindi ko magawa. Wala akong boses at kahit buksan ko yung mga labi ko, walang tunog na lumalabas.
"Baekhyun!"
Napatingin ako sa paligid. May tumawag sa akin. May tumawag sa pangalan ko. Pero bago ko pa mahanap kung nasan at kung sino yun, napasinghap ako nang mahagilap yung sarili kong repleksyon sa isang salamin. Maliit lang yun at nakasabit ilang pulgada mula sa kinauupuan ko.
Yung mukha ko... kutis... mga kamay... Lahat sila bumalik na sa dati. Anong nangyayari? Magaling na ba ako? Pero kung ganon, nasan ako? Nasan yung mga kaibigan ko? Si Amber? Si Chanyeol?
Dahan-dahan akong napahawak sa sahig at pinilit na tumayo pero parang nakadikit ang buo kong pagkatao sa sahig na yun. Sobra akong nanghihina. Kahit pa maayos na ang itsura ko sa isang salamin na yun, pakiramdam ko hindi ko parin kayang buhatin ang aking sarili. Unti-unti akong nakaramdam ng takot.
Nasan ako? Nasan ba ako?
"Byun Baekhyun!"
May tumawag ulit sa pangalan ko.
Park Chanyeol?
Inilibot ko ulit ang aking paningin sa paligid at napatigil nang mapatingin sa isa pang salamin. Nakasabit yun sa kabilang gilid ng hallway at walang ibang salamin sa paligid niya. Iyon ang pinakamalaking salamin sa lugar na ito at ang pinakamaganda rin. Gawa siya sa ginto at iba't ibang kulay ng dyamante. Kumikinang yun, hindi tulad ibang mga salamin na nakapaligid sakin ngayon.
Pero ang nakakakilabot at kakaiba tungkol na salamin na yun ay ang isang magandang babaeng nakangisi habang pinapanood ako. Meron siyang mapupulang labi at maliliit na mata. Maganda siya. Bata pa. Pero nasa salamin siya at nakalapat ang isa niyang kamay dito na para bang nakakulong siya sa likod nito.
"Ikaw ba?" mahina niyang tanong. "O siya?"
Napaatras ako at nagulat nang nakagalaw yung buo kong katawan. Dali-dali akong gumapang papunta sa kabilang dulo ng hallway kung saan hindi ako nakikita nung babae. Pero laking gulat ko nang makita ko bigla sa harapan ko yung gintong salamin na yun. Pinapanood parin ako ng babae ng maigi at saka ko lang napansin yung suot niyang damit. Makaluma ang mga yun. Pati ang ayos ng buhok niya; Ang lahat-lahat tungkol sa babae sa salamin, ibang-iba.
Lumaki ang ngisi sa labi nung babae. "Ikaw ba o ang reyna?" tanong niya ulit sa isang magaspang na boses. "Sino sa inyo... ang papalit sakin?"
Ano? Anong sinasabi niya?
"Hindi mo ba alam, Mahal na Prinsipe?" mapang-asar niyang tanong at pakiramdam ko, naririnig niya yung mga iniisip ko. "Isa sa inyo ang dapat pumalit sakin. Nahihirapan na ako... Matagal na akong nakakulong... Marami na akong reynang tinulungan pero lahat sila nagsinungaling! Sabi nila tutulungan nila ako pero hindi! Hindi nila ginawa!" Galit na galit na nakatingin sa akin ang babae at kung titignan kong mabuti, parang nagiging mapula yung mga mata niya.
"Pero ikaw... Ikaw, Mahal na Prinsipe... Hindi ka magsisinungaling, hindi ba?" mapang-akit niyang tanong habang ngumingisi. "Hindi mo ako itatapon at iiwan... Tutulungan mo akong makawala... Tutulungan mo ako..."
Nang sabihin niya yun, nanlaki yung mga mata ko nang unti-unti niyang iabot ang isa niyang kamay sa gawi ko. May salamin sa pagitan naming dalawa pero mas lalo akong kinilabutan at natakot nang dahan-dahang lumabas yung kamay niya mula sa salamin na yun. Mukha siyang nahihirapan sa ginagawa niya at unti-unting nawala yung ngisi sa kanyang mga labi. Nasasaktan siya, oo, dahil sa bawat paglabas ng kanyang braso, unti-unting kumukulubot yung kutis niya.
"Byun Baekhyun, please..."
Chanyeol! Takot at naghihingalo akong napatingin sa paligid.
Andito lang siya. Naririnig ko siya.
"Mahal na Prinsipe!" galit na tawag ng babae habang unti-unti niyang pilit nilalabas ang sarili sa salamin. Nanlalaki yung mga mata ko sa takot habang pinapanood ang kanyang ulo na lumalabas at kumukulubot. Mabilis na namuti ang kanyang buhok at ang kamay na kaninang umaabot sakin ay unti-unting naaagnas. May mga uod na nahuhulog mula sa braso at mukha niya at wala akong nagawa kundi ang manigas sa takot.
"Mamamatay ka!" sigaw niya sa isang matinis na boses nang halos kalahati na ng kanyang katawan ang nakalabas mula sa salamin. "Konti nalang at mamamatay ka na! Bakit hindi mo pa madaliin ngayon?! Lumapit ka at palitan ako!"
"Don't do this... Baek... Please."
Hindi. Ayoko!
Mabilis akong tumayo at tumakbo hanggang sa dulo ng hallway na yun. Tuwing napapatingin ako sa mga ding-ding, iba't ibang anyo ang nakikita ko sa mga salamin. Minsan noong bata ako, minsan isang teenage, minsan isang matandang lalake. Patuloy na bumibilis ang tibok ng puso ko habang pilit na hinanap yung boses ni Park Chanyeol. Nasan ba siya? Bakit hindi ko siya makita?
Chanyeol! Park Chanyeol!
Nagising akong naghihingalo at agad akong napahawak sa dibdib ko. Basa na ng pawis yung gamit kong damit at nang mapatingin ako sa paligid, wala na yung mga salamin na kanina lang, nakapalibot sa akin. Pero imbes na nasa sarili kong kwarto, nasa loob ako ng isang sasakyan. Sobrang bilis ng takbo nito pero walang ginagawang ingay.
"Baekhyun?"
May dahan-dahang humawak sa braso ko at agad akong napatingin kay Chanyeol. Nakatingin siya sa daan habang nagd-drive pero panay ang sulyap niya sa gawi ko. Naka-upo ako sa may shotgun seat at mahigpit na nakasuot sakin ang seatbelt. Madilim na yung langit nang mapatingin ako sa labas. Gabi na ba? O madaling araw?
Napalunok ako pero parang papel na yung lalamunan ko sa tuyo. "S-saan... Saan tayo pupunta?" mahina kong tanong. Sinubukan ko ulit tumingin sa labas pero sa sobrang bilis ng takbo ng sasakyan, wala akong makilalang landmarks.
Gusto kong mag-panic at paulanan si Park Chanyeol ng mga tanong tulad ng: Nasan ako? Bakit nasa kotse mo ako? Saan tayo pupunta? Alam ba ito nina Amber? Bakit parang nagmamadali ka? Hindi ko rin maalala kung kelan pa ako tulog pero wala na akong lakas. Para bang sige, tatanggapin ko nalang lahat ng sasabihin nila kasi wala na. Wala na akong energy para magtanong at maghinala.
"How are you feeling?" tanong pabalik ni Chanyeol at saka inabot yung pisngi ko. "I was so worried. You were having a nightmare." bakas sa boses at pagkunot ng noo niya yung pag-alala.
Mabilis na bumalik sakin lahat ng napanaginipan ko. Yung salamin. Yung babae. Yung boses ni Chanyeol na tuloy-tuloy ang pagtawag sakin. Nightmare. Tama. Panaginip lang ang lahat.
Pero kelan pa ba naging normal ang mga panaginip ko?
"I'm... not fine." mahina kong sagot sa tanong niya kanina. Bakit pa ako magsisinungaling? Nakikita naman niya ang totoo. Nararamdaman ko rin. Napatingin ako sa braso kong natatakpan ng makapal na jacket. Tulad ng babae sa panaginip ko, nang hilain ko pataas yung mahabang sleeve, nakita kong unti-unti na ring kumukulubot yung kutis ko.
"Go back to sleep if you like." biglang sabi ni Chanyeol kaya napatingin ako sakanya. "Or do you want to eat? I packed some sandwiches."
"Hindi mo pa rin sinasagot yung tanong ko." mahina kong sabi habang nakatingin sa mukha niya. Mukha siyang pagod at stressed. Ginawa ko to sakanya. Kasalanan ko. "Where are you taking me Park Chanyeol? And since when was I sleeping?"
Park Chanyeol bit his lip. "You were sleep for three whole days." sagot niya. "And I'm taking you to the US. We're boarding our private plane."
Napasinghap ako sa sinabi niya. "US?" hindi ko makapaniwalang tanong. "C-Chanyeol, you can't take me anywhere. Si Queen Belle---" pero napatigil ako nang may mag-overtake samin na isang itim na kotse. Sa unahan nun ay isang maliit na flag ng Korea at sa likuran ng kotse, sa itaas ng plate number nito, ay isang red seal. Isang family symbol.
Ilang segundo lang ang lumipas bago ko marealize na kotse yun nina Chanyeol at ng pamilya niya. Nang isa nanamang kaparehong kotse ang lumampas samin, dahan-dahan akong umayos ng upo at tumingin sa paligid namin.
Sa likod ng sinasakyan naming kotse ay may higit sampung kotse ang sumusunod at sa harapan naman namin ay lima. Magkakapareho sila ng itsura at kahit pa tinted ang bintana ng mga yun, alam kong may limang guards ang bawat sasakyan.
Gulat akong napatingin sa katabi ko. "Chanyeol... Don't tell me---"
"I should have done this before." mahina niyang sabi habang galit na nakatingin sa daan. Mas bumilis yung sportscar na sinasakyan namin at nilampasan niya yung limang kotse sa harap. "I should have taken you away from this place. I should have ignored your pleas and requests. Pero mas mahalaga parin kung saan ka masaya, Byun Baekhyun, so I kept my mouth shut. Mas mahalaga para sa akin na tumatawa ka araw-araw, na masaya ka kung nasan ka."
Wala akong masabi at patuloy ko lang siyang tinignan. Ilang beses niya akong kinausap tungkol sa pag-alis ko dito sa Korea pero hindi ako sumunod. Ilang beses niya akong gustong kunin at alagaan sa ibang lugar, kung saan mas ligtas ako, pero hindi ako sumama.
Bakit ba hindi ko siya pinakinggan? Bakit hindi ko pinakinggan yung nag-iisang taong minahal at minamahal parin ako ng ganito? Ngayon, ginawa niya itong lahat para sa akin. I'm almost dead... But he never left.
Pero alam ko... At alam kong nararamdaman din niya...
We're both too late.
I'm never going to be okay again.
"Chan... Please, listen to me." nangingiyak kong sabi. "You saw the test results... Something happened to me, Chanyeol, at hindi na ako gagaling."
"No!" mabilis niya akong tinignan na para bang hindi siya makapaniwalang nasasabi ko yun. "Byun Baekhyun, you listen to me! Hindi na kita ibabalik dito sa Korea, you hear me? Hindi na kita ibabalik dito kahit kelan at kahit ano pang mangyari. I'm taking you to the US, find the best hospital, hire the best doctor, make you well, and marry you." mariin niyang sabi habang hindi nakatingin sakin. "I swore to myself I'm going to protect you, that I would do everything for you."
Agad kong pinunasan yung mga luhang nahulog mula sa mga mata ko. "Chanyeol, you've done enough." mahina kong sabi. "Your presence alone is enough, hindi mo ba nakikita yun?"
Pero mabilis siyang umiling at kinuha yung kamay ko. Unti-unting bumagal yung sasakyan at agad kaming napalibutan ng mga guards. "I already love you this much, this deep, Baek. I'm not stopping now. Not ever." tumingin siya sakin at sobra kong nararamdaman yung pagmamahal niya. "Maybe that woman poisoned you, but we're going to find a cure, Byun Baekhyun. Even if it kills me."
Tuluyan na nga akong naiyak pero pinilit ko paring ngumiti. "O-okay," I choked out and Park Chanyeol chuckled in relief. Hinalikan niya ng mabilis yung kamay ko pero hindi na niya binitawan yun. Hinayaan niya kaming unahan ng limang itim na sasakyan at sa unang pagkakataon simula noong nawala ang lahat ng ala-ala ko, pakiramdam ko, wala na akong hahanapin pa.
"Maybe you don't remember this anymore, pero gusto kong malaman mo, Byun Baekhyun, that I am loving you more each second I spend with you." mahina niyang sabi habang patuloy na nagmamaneho. Hindi siya nakatingin sakin pero alam kong totoo. Nararamdaman ko. "Maybe you look different now, sick, thin, and all that... But that doesn't change what I feel. So trust me on this, okay?" tinignan niya ako at nagtaas ng isang kilay. "Kasi mahal kita. Naiintindihan mo? Sobra kitang mahal."
Natawa ako ng mahina at tumango. Pero bago pa ako makasagot, may isang malakas na ingay ang pumukaw sa atensyon namin. Isa. Dalawa. Tatlo. Napasinghap nalang ako sa gulat nang hawakan ako ni Chanyeol sa likuran at daliang pinayuko. "Get down, Baek!" sigaw niya at kasunod nun ang pagbilis pa lalo ng takbo ng sasakyan. "Get down and don't move unless I tell you!"
Apat. Lima. Anim.
Anim na putok ng baril.
Dumami pa ang mga yun. Hanggang sa hindi ko na mabilang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top