kabanata 29
From: [email protected]
So she cut off staff!!! Sobrang walang tao dito. Manang Beng-beng went home to visit her apos which is a relief. :) Anyway, house feels like a haunted one. Air's giving me chills. Darn it.
How are you doing now?
Napasimangot nalang ako nang mabasa tong email ni Amber. Hindi ko na talaga magets kung anong balak ni Queen Belle at kung saan ba pupunta lahat ng mga pinaplano niya. Napapabayaan na niya yung mga tao. And for what? Personal issues?
Sya nga pala, kung curious kayong malaman kung kumusta nga ako, eto, wala parin. Nakahiga parin ako sa kama, nagpapahinga kasi nga sobrang bilis kong mapagod. Ewan ko ba kung bakit kahit anong gamot ang inumin ko, wala parin. Nawawalan na ako ng kulay sa mukha at patuloy parin sa pagpayat.
Siguro kung sa ganitong paraan ako balak patayin ni Queen Belle, konti nalang, magtatagumpay na siya.
Inayos ko yung upo ko sa kama at hinawakan ng mahigpit yung cellphone ni Chanyeol sa isang kamay. Oo. Yung kanya yung gamit ko kasi diba nga, wala akong cellphone nang mapadpad ako dito. Hindi ko naman pwede magamit yung Nokia 3210 ni Hoseok.
From: [email protected]
Kung sasabihin kong 'I'm doing better', I would be lying. But I WILL get better, don't worry. Sa mga ganitong times, mas kailangan ka ni Queen Belle. I'll be free of this IV soon so I'm cheering up. And the results from the lab test would come out today. =)
BTW, how haunted is haunted?
Wala pa atang two minutes nang nag-reply agad si Amber.
From: [email protected]
I would have sent a pic if not for the Queen's Royal Guards watching me now. Baka pati tong cellphone ko, kunin nila!!! >.< UGH. So hard living under a monarchy.
Okay. So just imagine the hallways empty, AS IN! No one. No single soul walking around. And sobrang tahimik. WTF! AT ITO PA. I don't know what the eff is up but there are MIRRORS EVERYWHERE! Kahit san ka tumingin may mga salamin. Maybe thousands of them all over the house.
CREEPIEST THING EVER.
Napakunot noo ako kasi oo nga. Creepy. Sobra.
Pero nang mabasa ko yung tungkol sa mga salamin, parang meron akong naramdaman. Hindi ko maintindihan nung una pero nang unti-unting sumakit yung ulo ko, tinigil ko nang mag-isip. Malamang, isa nanaman sa mga bagay na nakalimutan ko. Isa nanamang memory na kahit anong gawin ko, hindi na babalik.
From: [email protected]
Probably reminders to keep yourself pretty. LOL.
From: [email protected]
Yeeeeaaaaah. That's why they're CREEPY. She probably wants everyone to be as vain as her. *virtual puking* AND BTW, when I arrived here the other day, tinignan lang niya ako bago tumango at umalis. CAN U EVEN IMAGINE THAT?
From: [email protected]
Well, seems like things are the creepiest now. BUMALIK KA NALANG DITO.
From: [email protected]
I wish I can. But tulad nga ng sinabi mo, Mom needs me. Kahit pa gaano siya ka-cold at ka-walang pake. (I saw her staring at one mirror yesterday while fixing her hair and smirking. It gave me goosebumps.)
Right. So I've got to go. I have loads of paperworks left. BRB.
From: [email protected]
Okaayyy. See you again soon!
The last sentence was a lie, syempre. Hindi ko nga alam kung maaabutan pa niya akong buhay. Hindi naman sa nega ako, okay. Pero kasi, katawan ko to. Alam ko yung mga nararamdaman ko at alam kong hindi ako malayo kay Grim Reaper. Baka nga sandali nalang, darating na yung name card ko sakanya. Haaay.
Tungkol naman sa mga kasama ko dito sa bahay, nagsi-alisan na yung mga iba kahapon dahil may mga bagay pa silang kailangang asikasuhin sa Seoul. Syempre, malapit nanamang matapos ang kani-kanilang breaks at magpapasukan nanaman.
Kind of sad though, dahil never kong na-experience ang umattend sa isang normal na school, normal na university. Nakakalungkot din na kahit ilang ulit kong isipin, hindi nga rin talaga naging normal yung buhay ko.
Dahan-dahan na bumukas yung pintuan ng kwarto ko kaya agad akong napatingin dun. Baka kukunin na ni Chanyeol yung cellphone niya? O may kailangan nanaman akong inumin na gamot?
"Eomma?" mahinang tawag ni Taehyung mula sa pintuan at agad naman akong napangiti. Dahil madalas akong tulog, malimit ko nalang makita yung iba. Sina Taehyung, Namjoon, at Jungkook nalang ang naiwan dito sa bahay kasama namin ni Yeol.
"Taehyung." nakangiti kong bati sakanya. "Hey. What's up?"
Tuluyan namang pumasok si Taehyung at sinara yung pinto. May hawak siyang puting envelop at maliit na plastic box. "I'm not supposed to be here," simula niya habang nakangiti ng maliit. "Pero nakiusap ako kay Chanyeol-hyung na payagan akong makita ka."
"He's just being over-protective. Said I should rest than chitchat with you guys." natatawa kong sabi habang umiiling-iling. "Anong meron? What brings you here, anyway? Hindi ka pa ba babalik sa Seoul?"
Tinaas ni Taehyung yung hawak niyang envelop. "I came to deliver this. Results ito nung lab tests na ginawa ni Doctor Chan." lumapit si Taehyung sa kama ko at saka iniabot yung envelop. "We didn't open it, don't worry."
Tumango ako at kinuha yun. Sobrang bilis naman ata dumating. Dahil ba urgent ang results? Delikadong huli ko na malaman? Nakatingin lang ako sa envelop at hindi ko na namalayang dahan-dahang humihigpit yung hawak ko doon.
Kanina lang, iniisip kong mamamatay na ako. Iniisip kong magtatagumpay na si Queen Belle kung ito ang balak niya. Pero ngayong pwede ko nang malaman kung mangyayari na ba yun... hindi ko alam, pero bigla akong natakot.
Hindi pa. Hindi pa nga ako ready.
"Do you want me to leave?" biglang sabi ni Taehyung habang nakaturo sa pinto. "I could---"
"Hindi. Okay lang." mabilis kong sagot habang nakangiti. "It'll be fine... I'll be fine." Pero hindi ko sigurado yun, syempre. At ang totoo nga niyan, masaya akong wala si Chanyeol ngayon dito. Hindi niya makikita yung magiging reaksyon ko kung sakaling...
Medyo hesitant naman na tumango si Taehyung pero dahan-dahan siyang umupo sa paanan ng kama ko habang nakatingin lang ng maigi sakin. He gently placed a comforting hand on my knee and smiled. Dahil dun, wala akong nagawa kundi ang ngumiti rin bago sinimulang buksan yung envelop.
Limang bundles ng papel ang nasa loob ng envelop pero yung nasa pinakaharap ang summary ng results. Nasa itaas ng papel ang logo, pangalan ng hospital at research center kung saan na-conduct ang tests. Mabilis kong ginala yung mga mata ko sa mga nakasulat sa papel.
"E-eomma?" kinakabahang tanong ni Taehyung. "A-ano yun? Okay ka lang?"
Unti-unti akong napakunot noo. Hindi ko maintindihan.
Hindi ko na alam ang dapat isipin.
"I'm fine." pabulong kong sabi. "I'm completely... fine." Nabitawan ko yung mga papel at envelop at unti-unti kong naramdaman yung pamumuo ng luha sa mga mata ko. Wala akong sakit. The results are all negative. I'm healthy.
I'm supposed to be all healthy and fine.
Pero bakit? Bakit hindi yun ang nararamdaman ko?
"You're fine!" masayang sabi ni Taehyung nang mabasa niya yung results. "Eomma, wala kang sakit! The results... They're all negative--- W-wait. Umiiyak---? W-why... Why are you crying?" Mabilis na lumapit sakin si Taehyung at saka ako inakbayan. Wala akong nagawa kundi ang umiyak.
Nakakafrustrate. Sobra. Kung wala naman pala akong sakit... Bakit patuloy akong nanghihina? Bakit hindi ako makakain? Bakit ako pumapayat ng sobra?
Bakit pakiramdam ko, unti-unti akong namamatay?
"H-hindi ko maintindihan," iyak ko habang nakayakap lang sakin si Taehyung. "I-I don't know what's happening to me... Dapat okay lang ako... B-but that's not... That's not what I feel..." Patuloy lang ako sa paghikbi at pag-iyak at walang sinabi si Taehyung. Niyakap lang niya ako hanggang sa naramdaman ko yung unti-unting pagsakit ng dibdib ko.
I clenched my chest with a gasp.
Anong nangyayari sakin?
Nahihirapan akong huminga at pakiramdam ko naramdaman yun ni Taehyung dahil agad niya akong tinulak para tignan ng maigi. "E-eomma?!" panicked niyang sabi habang nakahawak sa magkabila kong balikat. Sumisigaw siya pero hindi ko na siya marinig. Masyadong masakit yung nararamdaman ko, wala na akong ibang maisip at maramdaman kundi yun lang.
Wala nang hangin ang pumapasok sa katawan ko at dahan-dahan na ring dumidilim ang paligid. Sinubukan kong kumapit ng mahigpit sa braso ni Taehyung, nagbabakasaling hindi ako tuluyang mawala.
Hindi ngayon. Hindi ngayong hindi ko siya kasama.
At lalong hindi sa ganitong paraan.
Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay, I caught a glimpse of my hands.
My skin... it's starting to wrinkle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top