kabanata 28




Huling nilagay ng doktor yung dextrose sa kamay ko. Mukhang hindi naman siya nahirapang hanapan ako ng ugat na tutusukin since namumuti din ako at pumapayat na. Huwag kayong mag-alala. Sassy at maganda parin naman ako kahit may sakit, okay. Maniwala kayo.



Dumating si Doctor Chan Lee-ahn kanina bago pa makasagot si Park Chanyeol sa nasabi ko. Ewan ko ba kung bakit ko inamin yun sakanya. Ewan ko kung bakit ko nasabi yun. Ang gulo-gulo na kasi ng mga nararamdaman ko lalo na't wala akong maalala. Paano ba? Parang hindi magkasundo sina heart and mind. Ganun.



Nalimutan ko nga palang banggitin na isang matandang dalaga ang doktor na dumating para tignan ako. Nabanggit niya yun kaninang nasa banyo ako para bigyan siya ng urine sample.



Sa ngayon, ginagawa na niya yung finishing touch para sa dextrose ko. Nang inilagay na ni Doc Chan yung huling masking tape sa likod ng palad ko, wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga.



"Ano sa tingin niyo?" mahina kong tanong habang pinapanood siyang ayusin yung mga gamit niya. Tapos na ang aking check up at panahon na para umalis siya. Kumuha rin pala siya ng blood samples at iba pang samples na pwedeng kunin sa akin. "Ano sa tingin niyo ang sakit ko, Doctor Chan?"



Tumingin sakin si Doc at muling napa-upo sa tabi ng kama ko. Tinignan lang niya ako ng medyo matagal bago ngumiti ng maliit. "As of now, Your Highness, ang masasabi ko lang ay you're dehydrated." malumanay niyang sabi. "You look sick, yes, but I can't diagnose you with any kind of disease hanggat wala pa yung results ng mga test."



Ngumiti ako pabalik, pero alam naming dalawa na medyo malungkot nga yung ngiting nabigay ko. "Ano sa tingin niyo?" pag-uulit kong tanong. "Just a guess. What do you think?"



Umiwas ng tingin si Doctor Chan at saka napabuntong hininga nalang din. "It's a shame, isn't it?" mahina niyang sabi. "I can't give you any answer to that question. Wala pa... Wala pa akong na-encounter na ganito, Your Highness."



Aray. Ouch. Hindi yan ang gusto kong marinig.



Pero ngumiti nalang din ako dahil wala naman akong magagawa dun. "Don't worry." masaya kong sabi at hinawakan yung kamay niyang nakapatong sa kama. "I'm sure you'll find answers soon." Tama. Kailangang malaman niya ang sakit ko. Hindi pwedeng walang mangyari. Hindi pwedeng hindi ako maging okay.



"Of course." nakangiting sabi ni Doctor Chan at hinawakan pabalik ang kamay ko. "I'll do everything I can."



Tumango ako habang nakangiti parin. "Thank you."



Pero bago bumitaw si Doctor Chan sa kamay ko, biglang naging seryoso yung mukha niya at tinignan niya ako ng maigi sa mata. Medyo nagulat ako kasi humigpit din yung hawak niya sa kamay ko at para siyang maiiyak na ewan. "Masaya ako, Your Highness, na buhay ka." bigla niyang sabi. "Please be well and come back to the Royal House. Your people... Kailangan ka namin."



"D-doc---"



"The Queen, she's changed." mahina pero matigas niyang sabi. "Come back... soon."



Punong-puno ng takot at lungkot yung mga mata ni Doctor Chan wala akong nagawa kundi ang tumango. Kahit nang lumabas siya ng kwarto ko matapos akong bigyan ng ngiti, wala parin akong masabi. Natatakot din ako. Pareho lang kami ng nararamdaman.



Ayaw nina Amber na ipapanood sakin yung news sa TV o ipakita yung mga nakasulat sa newspapers pero hindi naman ako tanga. Minsan, nakakapagtakas ako ng ilang pages. Alam kong unti-unting nagiging idol ni Queen Belle ang NoKor. Alam kong balak niyang gawin rin sa South kung ano ang meron sa North.



Pero hindi yun ang kailangan ng mga tao. Hindi noon. Hindi kahit sa future.



Ugh. Ano bang pumasok sa kukote ng balahurang madrasta ko na yun?



"Baek?"



Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang may biglang nagsalita mula sa labas. "Amber?" patanong pero sigurado kong sagot. Alam na alam ko pa naman yung boses ng kapatid ko.



Kumatok siya ng dalawang beses. "Baek? Papasok ako ah--" napatigil siya. "Wait. Are you resting? 'Cause I can just leave a letter since you're Your Highness."



Napa-eyeroll nalang ako. Arte-arte, halatang sarcastic naman. "Halika na nga." tawag ko naman at umupo sa kama ko. "Manggugulo ka nanaman, babaeng to."



Agad naman na bumukas yung pinto at sumilip si Amber habang naka-peace sign. "Hello, hello!" masaya niyang sabi sabay wink. "I have something to say, dear brother." Tapos ay mabilis siyang pumasok sa loob at saka sinara yung pinto sa likod niya. Ang una ko talagang napansin ay yung suot niyang mga damit. Mukhang hindi siya nakadamit para lang sa bahay.



"San ka naman pupunta aber?" agad kong tanong at napa-pout naman si Amber bago umupo sa paanan ng kama ko. Medyo banas niyang inayos yung buhok niya at inis na tumingin sakin.



"Ano ba yan, nahulaan mo agad." asar niyang sabi. "But well, whatever." With matching hand gestures pa.



Tinaasan ko nalang siya ng kilay. I would have crossed my arms over my chest kung hindi lang ako nakakabit sa malaking dextrose na to. "Ano nga, Amber?" tanong ko nalang . "Don't tell me---"



"Ah! Too late." sabi ni Amber at tinaas ang dalawang kamay para pigilan ako. "I'm going back to the Royal House. See what Mom is up to. Naka-ready na ako at lahat-lahat kaya wala ka nang magagawa. Sorry, not sorry."



In-expect ko naman na yun na sasabihin niya. Aura palang niya, alam na alam ko na. "Eh alam ko namang wala na akong magagawa." sabi ko naman habang nakatingin ng masama sakanya. "Pero, bakit, Em? You know Queen Belle could be dangerous."



"Baek, she's still my mother." medyo exasperated niyang sabi. "She won't hurt me."



I rolled my eyes. "You don't know that."



"I do." sagot niya at bumuntong hininga. "I do know, Baek. Just... just trust me."



I shrugged. Hindi naman sa wala akong pakialam sa kapatid ko. Yun nga lang, alam kong kapag may decision na siya, imposible nang mabago pa yun. At tama si Amber. Anak siya ng reyna. Hindi naman siguro siya sasaktan nito ano man ang mangyari. Oo. Madalas silang mag-away, pero never kong nakitang sinaktan ni Queen Belle ang anak niya.



Maniniwala nalang ako doon. Kahit pa alam naming dalawa na nagbago na ang reyna.



"Just..." mahina kong simula at saka siya tinignan ng maigi. "Take care. Huwag na huwag kang gagawa ng ikaiiyak ako! Nako, nako. Makikita mo talaga, ikaw!"



"Yeah, right." natatawang sabi ni Amber bago ako hinalikan sa pisngi at niyakap ng mahigpit. "I'll be back. Maybe not soon so I'll keep in touch."



"Paano?" taka kong tanong saka kumawala sa yakap niya. "Anong 'keep in touch'?"



Ngumiti si Amber ng medyo mapang-asar bago may kinuha sa bulsa ng black hoodie na suot niya. "Here. Some new email add of mine. I asked some friend to make me a secure line so I can communicate with you untraced."



"Sigurado ka ba dito?" tanong ko naman habang nakatingin sa papel na binigay niya. Meron din akong sariling address at password para siguro parehong secure yung gagamitin naming online connection.



"Don't you trust me?" natatawang sabi ni Amber sabay pitik sa noo ko. Nagtaas siya ng isang kilay at tumingin sakin ng masama hanggang sa tumango ako. Ano pa nga ba?



And well, if I can't trust her, sino pa bang pagkakatiwalaan ko?



"He's back, anyway." mahinang sabi ni Amber at napalitan yung mapang-asar niyang ngiti ng mas totoong smile. Alam naming dalawa kung sino yung tinutukoy niya at wala akong ibang nagawa kundi ang umiwas ng tingin. Eh yun nga lang, hindi ko maalala yung almost-perfect na lalakeng yun.



At saka, sus. Aalis na nga lang, sisimulan pa ata ako netong babaeng to.



Bumuntong hininga si Amber kaya napatingin ako ulit sakanya. "You can trust him, you know?" pagtutuloy niya. "Kung sana naaalala mo lang lahat, you would never ever doubt him like this."



Ngumiti nalang ako at ngumiti rin naman siya pabalik. "It's getting late." sabi ko at napatingin din si Amber sa orasan na nakasabit sa dingding. Malapit nang magdilim ang paligid at siguradong hindi magandang bumiyahe sa gubat ng gabi.



Agad namang napatayo si Amber at huminga ng malalim bago ako yakapin ulit ng isa pang beses. Mabilis lang pero sobra kong mamimiss. Iba parin kung andito siya sa bahay. "Now, listen," simula ni Amber habang nakayakap parin. "No matter what happens, you're still the most precious guy in the world for me, Byun Baekhyun."



Natawa ako ng mahina kasi sobrang madalang lang talaga siya ganito. "I know, Em." sabi ko. "I love you."



"I hate you, too." sagot niya at matapos nun, kumawala na siya sa yakapan namin. Hindi naman siya mukhang kinakabahan sa pagbalik sa Royal House. Kahit papano, gumaan yung pakiramdam ko dahil doon. Umatras si Amber ng isang beses, ngumiti, nag-wink ulit at saka naglakad papunta sa pinto at lumabas.



















Wala nang bumisita agad sa kwarto ko simula nung umalis si Amber. Malamang sinabihan niya yung walo na huwag akong gambalain kasi nagpapahinga na ako. Ginawa ko naman yun. Yung hindi na muna mag-isip at magpahinga nalang.



Nakakaloka nga lang yung katahimikan pero okay lang naman. At saka parang ayaw ko munang makita yung iba. Natatakot ako. Paano kung hindi ko nanaman sila makilala? Creepy kaya. 



Pero... malayong mas creepy yung nakita ko nang magising ako matapos kong umidlip ng mga ilang oras. Gumising ka ba naman nang may nakatingin lang sayo. 



Napagitla pa ako sa pagkakahiga pero nakarecover din naman agad nang matawa siya bigla. "A-anong ginagawa mo?" inis na tanong ko kay Park Weirdo Chanyeol habang nakapatong pa ang mukha niya sa isa niyang kamay. Nasa tabi siya ng kama ko at nakatingin lang sakin. Uulitin ko, creepy. 



Pero, OMG. What if hindi nanaman siya ito? What if mali nanaman ako ng---



"Why?" nakangisi niyang tanong. "Is your heart screaming for me again?"



AH. Hindi. Siya nga ito. Grrr. 



Tinignan ko siya ng masama. "If you think that was a joke---"



"I don't." mabilis niyang sagot habang nakangiti parin. "Hindi mo alam kung gaano ko kagustong marinig yun sayo. I want that, Byun Baekhyun. Really." 



Hindi ako sumagot sa sinabi niya kasi wala akong masabi. Ano namang ire-reply ko doon ano? Wala. Blangko yung utak ko. Kainis tong higanteng to, iniiwan akong speechless. 



Nang mapansin niyang nakatingin nalang ako sakanya, tinuro ni Chanyeol yung dextrose. "What's this for?" tanong niya. "What did the doctor say?" 



"Dehydrated. Yun lang." mahina kong sagot. Tapos ay naalala ko yung tanong kong hindi naman niya sinagot. "What were you doing watching me sleep? Hindi mo ba alam kung gaano ka-creepy yun?" 



"Yah, Byun Baekhyun, you're meaner than when we first met, you know that?" naka-pout niyang sabi at ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko mamumula ako. "But well," napatigil siya at unti-unting napangiti ulit. "I've missed you, you know? Matagal din akong nawala and you don't know how much I've wanted to see you." 



Kahit sino naman kikiligin kapag sinabihan nun no, kaya para hindi halata, inirapan ko nalang siya na para bang wala lang yung sinabi niya. At ewan ko ba kung anong nakakatawa kasi natawa lang din siya ng mahina habang nakatingin parin sakin. 



"Let me tell you something then," sabi niya bigla kaya taka akong napatingin ulit sakanya. Inilapit niya yung inuupuan niya sa kama ko hanggang sa nakapatong na yung dalawa niyang kamay sa bed sheet. "Amber said I could do this one thing: Try to refresh your memory. Kahit pa yung sa atin lang." 



Mas nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" 



Ngumiti naman ng maliit si Park Chanyeol saka dahan-dahan na kinuha yung kamay kong hindi nakakabit sa dextrose. Sobrang init ng kamay niya wala akong nagawa kundi ang mag-blush. Leche talaga. Bakit ganito?



"It was during a feeding program for children in a certain public school." simula niya habang nakatingin ng maigi sakin. "You were wearing a white shirt under a black jacket. Black pants and sneakers. Of course, your mask and beanie hat are also there." 



Napa-eyeroll ako habang natatawa. "You don't have to remember my clothes." sabi ko at napa-iling. 



"I do." sagot naman niya. "I don't really tend to forget things about the person I intend to be with." 



Oh. Andyan nanaman siya. Ugh. 



"So Amber went to introduce you to those other guys and..." napatigil siya at ewan ko ba pero parang bigla siyang nahiya. From gwapo to cute real fast naman tong lalakeng to, nakakaloka. "Well, you wouldn't know this but I already noticed you the very moment you entered that hall. Maybe because you're small and slender and graceful and everything. I really am not that kind of guy who easily notices someone but then... You're Byun Baekhyun and... You're... You're the one." 



Siguro pulang-pula na ako ngayon kasi nang tumingin ulit sakin si Park Chanyeol, natawa nanaman siya ng mahina. "Well, do you want me to continue?" tanong niya. "You look like you're about to pass out or something." 



Ang totoo niyan, kulang pa talaga yung tulog ko. Nagulat lang talaga ako sakanya kanina kaya parang nagising ako. Tapos ayan, bumabalik nanaman yung pagod plus antok ko. Pero ngayon, parang ayoko na siyang umalis. 



"Dito ka lang." mahina kong sabi at hinawakan pabalik yung kamay niya. "I'm going to take a nap again because I'm tired... But... Don't leave. Don't ever."



Ngumiti naman siya at tumango. Wala siyang sinabi pero alam kong hindi siya aalis. Dahan-dahan ko namang hinila yung kamay niya palapit sa pisngi ko at pumikit. Naramdaman ko yung paghalik niya sa noo ko. Dahil doon parang mas mabilis akong nakatulog. 








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top