kabanata 27




Siguro mahirap talagang intindihin yung ibang tao. Tulad ngayon. Hindi ko alam kung bakit sobrang higpit ng yakap sakin ng lalakeng ito at kung bakit panay siya 'Sorry.'.



Bakit nga ba siya nagso-sorry? Inano ba niya ako?



"I'm sorry, I'm sorry." pagpapatuloy nitong lalakeng nakayakap sa akin. Kung hindi lang ako depressed at gulong-gulo, kinasuhan ko na siya ng sexual harassment. Pero wala akong panahon para doon. Masyado pang komplikado at magulo ang mga bagay-bagay.



Awkward at dahan-dahan akong kumawala sa yakap niya. Hinayaan naman niya ako kahit na medyo nag-aalangan. "U-um," simula ko at saka siya tinignan ng mabilis sa mukha. Siguro sobrang blangko lang ng expression ko kasi mas nalungkot yung mga mata niya. Nakikita ba niya kung gaano ko siya hindi makilala? Mukha siyang sobrang nasasaktan, hindi ko alam ang dapat gawin.



Nang umatras ako ng isa pang beses, saka ko siya sobrang tinitigan. Oo, marami akong gwapong kasama dito sa bahay pero ewan ko ba kung anong meron sa lalakeng ito na may malalaking tenga at pakiramdam ko may ginagawa siya saking hindi ko maintindihan. Sanay naman ako sa lalake pero sakanya... ewan ko ba.



"Bakit... Bakit ka nagso-sorry?" taka kong tanong. Bakit nga ba? May ginawa ba siya sakin na hindi ko maalala? Sinaktan ba niya ako? Niloko? O baka naman...



Napatigil ako at takot na tumingin sakanya. OMG. Hindi kaya---



"Ikaw?" hindi makapaniwala kong tanong. "Ikaw ba ang---"



Agad na nanlaki yung mga mata niya at saka mabilis na umiling-iling. "Baek, I didn't do this to you." sagot niya. At wow. Alam niya pala agad kung ano ang tatanungin ko. "Maniwala ka. I would never ever wish for something like this to happen."



"Eh bakit?" tanong ko habang nakakunot noo. "Bakit ka ba humihingi ng sorry?"



"I shouldn't have left you." malungkot niyang sagot habang nakatingin ng maigi sakin. "Hindi dapat ako umalis kung kelan mas kailangan mo ako. Mali na umalis ako and I am very sorry for that, Byun Baekhyun."



Sa totoo lang, nararamdaman ko naman yung sincerity sa sinabi niya pero...



Bumuntong hininga nalang ako at dahan-dahan na umiling. "I... I don't remember anything." sabi ko at pilit na ngumiti. "Wala rin naman akong maalala kaya sa tingin ko, pointless lang din na humingi ka ng tawad ngayon." Napansin kong nasaktan siya sa sinabi ko kaya agad kong dinagdag, "At hindi ako galit. I'm... I'm just stating a fact." 



Tumango siya at dahan-dahan na umiwas ng tingin. Hindi ko maintindihan yung expression sa mukha niya kasi kahit anong pilit ko, hindi ko na makilala yung mga reaksyon na ginagawa niya. Kapag ba kumunot noo siya, nalilito ba siya o naiinis? Eh yung buntong hininga niya? Pagod o malungkot? 



"Park Chanyeol." bulong ko at gulat siyang napatingin sa akin. "Tama ba?" 



Unti-unting nawala yung gulat sa mukha niya. Gusto kong sabihin, Oo. Mali ka. Hindi kita naaalala. Panay lang kasi ang banggit sakin ng pangalang yun dito sa bahay kaya hindi na nawala sa isip ko. Ang weird nga lang kasi yung pangalan nitong lalakeng to, hindi ko malimutan pero yung mga parati kong kasama dito sa bahay, nawawala na sa isip ko. 



Ano bang kademonyohan ang pinasa sakin ni Queen Belle? Bakit ba ako nahihirapan ng ganito? Bakit sa dinami-rami ng pwede niyang kunin sakin, yung mga ala-ala ko pa?  



Pilit nalang na ngumiti si Chanyeol at tumango ng isang beses. "Park Chanyeol," at nagulat ako nang ilahad niya yung kamay niya. "...Your Highness." 



At nang sabihin yun ni Park Chanyeol, hindi ko alam kung bakit para akong sinipa sa dibdib. Bakit ang sakit-sakit na nagpapakilala ulit siya? Bakit hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan ng ganito? Miserable ako, oo. Pero siya... 



Bakit? 



Bakit sa dinami-rami ng pwede niyang kunin sakin, yung taong pinakamahalaga pa?



"Hindi mo kailangang gawin yan." mahina kong sabi habang nakatingin sa naka-abang niyang kamay. Ni hindi ko maalalang nahawakan ko iyon. "Hindi mo kailangang magpakilala ulit sakin. You don't have to burden yourself with that task." 



"Baek, just take my hand." mariin niyang sabi. 



Pero umiling ako at dahan-dahang tumingin nalang sa mga paa ko. Mahigpit akong napahawak sa sarili kong mga kamay kasi natatakot akong maiyak nalang bigla. Nakakapagod na kaya. Nakakasawa na rin. 



"I forgot their faces..." bulong ko at halos hindi ko na marinig yung sarili kong boses. "Whenever I close my eyes and think about them, I'm starting to fail to know who. Kanina... sobrang takot na takot si Amber... You should have seen their faces..." 



Sinubukan akong abutin ni Chanyeol pero umatras ako ulit. 



"Baekhyun, please..." 



"I... I don't want to see that look on you." pagpapatuloy ko at nagulat akong hindi ako nagsisinungaling. "Ayokong matakot ka sa pwedeng mangyari sakin. I don't want you seeing me like this. H-hindi na kita maalala, oo... Pero kahit anong sabihin ng utak ko, nararamdaman ko parin, Park Chanyeol... A-alam ko... Alam ko kung gaano kita ka---"



Napatigil ako sa pagsasalita nang isa nanamang itim na kotse ang paparating. Mula dito, naririnig na namin yung ingay ng makina at sabay kami ni Chanyeol na napatingin sa pinanggagalingan ng tunog. 



Agad kong naramdaman yung paghawak ni Chanyeol sa braso ko. "Let's go inside." sabi niya saka ako hinila. "Come on, Baek, hurry." 



"T-teka---"



"That could be anyone." inis na sabi niya at kulang nalang ay buhatin niya ako papasok ng bahay. "Huwag nang matigas ang ulo pwede ba?" Hinila pa niya ako at saka binuksan yung pinto para sa aming dalawa. Tahimik yung bahay. Mukhang nasa likod o sa kanya-kanyang mga kwarto yung tatlo. 



"Pinapa-alis na kita, diba?" inis ko rin namang sabi nang nasa loob na kami. Nakahawak parin tong higanteng ito sa braso ko at mukhang wala ata akong balak pakawalan. 



"Pinapa-alis?" napa-scoff siya. "You were about to cry there, Byun Baekhyun. Sa ganung paraan mo talaga ako paaalisin?" At bumulong pa ng, "Seriously, this guy." habang hindi nakatingin sa akin. 



Ugh. Bakit ba sobrang hirap kausap neto? Ganito ba talaga siya? 



"Bitawan mo nga ako." utos ko sakanya pero sa halip ay niyakap niya ako sa bewang at halos buhatin papunta sa hagdan. Pero bago pa kami makatungtong sa unang baitang, lumabas si Jimin mula sa kusina at halos mabagsak niya yung mug niyang hawak nang makita kami ni Chanyeol. At sa ganitong posisyon pa talaga. 



"H-hyung? W-when--- A-anong---"



"I'll deal with you guys later." singit ni Chanyeol at tinuloy lang ang paghila sakin paakyat ng bahay. Ano bang problema ng lalakeng to? Mukha ba akong sako na pwede niyang buhatin at hilain kung saan-saan?



"Ano ba?!" pilit akong kumawala sa hawak niya pero hindi ko magawa dahil sobra nga akong nanghihina ngayon. Ni hindi ko siya magawang maitulak ng maayos. Nasan nga ba ang lakas ko kung kelan ko ito pinaka-kailangan?



Maya-maya pa, narinig na namin ang ingay mula sa harapan ng bahay. Mukhang nakauwi na yung iba mula sa bayan. Baka kasama na nila yung doktor na titingin sakin.



Napatigil si Chanyeol nang nasa second floor na kami ng bahay at dahan-dahang tumingin sakin. Kumpara kanina, mas seryoso na siya ngayon at mukhang hindi siya natutuwa. "You're so light I could throw you anywhere," mahina niyang sabi. "Kumakain ka ba o ano, Byun Baekhyun?" 



"Ano ba sa tingin mo?" inis kong sagot at sinamantala ko yung pagkakataon na lumayo sakanya. Napatingin ako sa paligid at napagdesisyunan nalang na maglakad pabalik sa kwarto ko. Siguro naman doon ako titignan ng doktor, diba? 



Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Chanyeol. "Baekhyun." 



Ayokong binabanggit niya yung pangalan ko sa ganung paraan. Nakaka-ewan. 



"Pinapa-alis na kita, diba?" pag-uulit ko habang patuloy parin na naglalakad papunta sa kwarto ko. "Bakit ba hindi mo magawa yun?" 



Narinig ko yung mga yabag niyang papalapit sakin. Pero nang hawakan niya ako ulit, mas mahina na ito. Mukhang wala na siyang balak hilain pa ako kung saan. "Come." bulong niya. "I'll send you to your room." 



"Kaya ko." mahina kong sagot. 



Pero parang wala lang siyang narinig at patuloy akong inalalayan. Ugh. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Parang napakawala kong kwenta. Ni hindi ko maalagaan yung sarili kong katawan. 



Napatigil ako sa pag-tatampo sa sarili ko nang bigla ulit magsalita si Chanyeol. "Kanina..." simula ni niya nang malapit na kami sa kwarto ko. "What were you about to say?" 



Omo. 



"Wala." mabilis kong sagot. "Ang gusto ko nalang ay ang umalis ka. Yun lang yun." 



Tumigil si Chanyeol at ganun din ang ginawa ko. "Is that so?" Nakatingin na kami ngayon sa pintuan ng kwarto at dahan-dahan na lumuwag yung hawak sakin ni Chanyeol. Hinayaan niyang abutin ko yung door knob at mahigpit na humawak dito. 



Dahan-dahan naman akong tumango habang hindi parin nakatingin sakanya. "You need to leave." mahina kong sabi. "Something bad will happen, Your Grace. And I... I don't want you to see that." 



"Why would you care?" tanong niya bigla na nagpatigil sakin. "Hindi mo naman ako maalala diba? Why would you even care?" 



Hindi ko alam pero yung nabuong ngiti sa labi ko, hindi ganun kasaya tignan. Bakit ba pati pagngiti, hindi ko magawa ng maayos? 



Napabuntong hininga nalang ako at binuksan yung pinto. "I don't know." bulong ko saka siya dahan-dahang tinignan. "But when you led out your hand, my heart just started screaming for you." 






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top