kabanata 25




"It'll be a slow death, Byun Baekhyun...


a slow death for you." 





May natutulog sa paanan ng kama ko nang magising ako. Sobrang liwanag ng paligid at sobrang pamilyar din. Andito ako sa bahay ng pitong takas sa mental, sa sarili kong kwarto, sa sarili kong kama. Naririnig ko pa ang pamilyar na GG song mula sa first floor ng bahay.



Mukha namang maayos ang lahat maliban nalang sa weird na nararamdaman ko ngayon. Uneasy. Uncomfortable. Confused. Masakit din ang katawan ko lalo na sa may parteng puso.



Anong nangyari?



Ginamit ko yung paa ko para tapikin ang balikat ni Jungkook, agad naman siyang napagitla mula sa pagkakatulog. "WALA! WALA AKONG GINAGAWANG---" napatigil siya nang makitang gising na ako. "Hyung! OMG BAEKHYUN-HYUNG GISING KA NA OMG!" halos patili pa ang pagkakasabi niya at kung mas malakas lang talaga ako, kanina ko pa siya natadyakan. Ano bang big deal? Hindi ako pwedeng magising?



"J-jungkook---!"



"Tatawagin ko sina Amber---"



"W-wait---"



"I can't believe---"



"JUNGKOOK!"



Napakunot noo si Jungkook at agad na napatigil sa pagtalon. "Ano?!" frustrated at takang tanong niya. "Kailangan nilang malaman na gising ka na. Alalang-alala kami sayo, Hyung."



Nang mapansing seryoso ako ay umupo si Jungkook sa kama habang inaayos ang sarili. Pinunasan din niya yung pisngi niyang basa ng laway. Mukha naman siyang maayos sa paningin ko, mukha namang walang nangyaring masama. Bakit sila mag-aalala? At saka bakit siya andito sa kwarto ko? Ang creepy ha.



Ginala ko ang aking paningin sa paligid. Sobrang normal ng lahat pero parang may mali. Parang nasa maling lugar ako. "Jungkook, a-ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. "Bakit ka nakikitulog dito sa kama ko? D-did something happen?"



"We should be the one asking you that, Hyung," medyo nag-aalala na ngang sagot niya. "Ano nga bang nangyari sayo? We found you on the forest floor, holding a rotten apple." May halong pandidiri pa yung itsura ni Jungkook habang napapatingin sa bintana kung saan nakikita namin yung kagubatan.



"What?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Sa gubat? A-anong ginagawa ko dun? Saka anong apple? Are you kidding me?" Bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka ginala ang tingin sa sarili ko. Wala naman akong mga sugat o anu man pero tulad nga ng sinabi ko kanina, medyo masakit ang pangangatawan ko.



Halos mapasabunot naman si Jungkook dahil sa frustration. "Teka!" tinaas niya ang dalawang kamay. "So you're telling me wala kang maalala?"



I tried hard. Sinubukan kong alalahanin ang sinasabi ni Jungkook. Gubat? Apple? Anong ginagawa ko doon? Why did they find me with an apple at hand? Sinong kasama ko? Bakit ako doon nawalan ng malay?



Sinubukan kong sagutin yung mga sarili kong tanong pero hindi ko magawa. Wala akong alam. Ni wala akong maalala.



Pero bago pa ako makasagot, hinawakan ni Jungkook yung kamay kong natatakpan pa ng kumot. Bumuntong hininga siya. "Look," simula niya saka ngumiti ng maliit. "You don't have to answer that now, Baekhyun-hyung. I understand. You're tired and all that. Hahayaan nalang muna kitang magpahinga." tapos ay napatigil siya. "Or you want to talk to Amber? Or Taehyung?"



Umiwas ako ng tingin. "N-no need." pabulong kong sagot. "Sapat nang malaman kong nakita niyo ako sa ganung estado. It's basically enough to drive me mad." Gusto kong hindi kabahan o matakot sa nalaman ko pero hindi ko magawa. I passed out inside that forest. They lost me for a few hours!



What the hell happened to me?



"Are you sure?" nag-aalalang tanong ni Jungkook. "Hyung, you look pale. You even look sick. Gusto mo ba ng makakain?"



Napatingin ako sa sarili ko. "Weird. But I'm not hungry." ngumiti ako ng maliit. "I'm just tired... and my chest hurts."



"I'll go get some meds." Tumayo si Jungkook mula sa pagkakaupo. "Mabuti nalang talaga at walang nangyari sayo," nakangiting sabi niya habang naglalakad papunta sa pintuan. "Kung hindi, Chanyeol-hyung would be really, really mad." tapos ay natawa pa siya ng medyo kinakahaban.



At that, he lost me.



"Chanyeol." pag-uulit ko habang nakakunot noo. "Sino yun?"



Si Jungkook naman ang sumunod na nagtaka. "Chanyeol." Binagalan pa niya ang pagbigkas sa pangalan. "Park Chanyeol. Anong 'sino yun' ka diyan?" Nangingiti na siya na para bang naghihintay na may sabihin pa ako. Pero tinignan ko lang din siya, naghihintay sa sasabihin niya.



"Jungkook," simula ko. "Hindi ko kilala yang Chanyeol na tinutukoy mo." seryoso kong sabi.



Nanlaki ang mga mata ni Jungkook at mabilis na binuksan yung pinto. Wala siyang sinabi hanggang sa lumabas siya at isara ito. Mukha siyang takot na kinakabahan pero hindi ko alam kung bakit. Saka sino ba yung Park Chanyeol na tinutukoy niya? Friend? Eh bakit hindi ko siya maalala?



Sa pagkaka-alam ko, pitong tao lang ang nakatira dito sa bahay. Sila lang. Dumating si Amber noong... Noong...



Napatigil ako.



Kelan?



Kelan dumating si Amber?



Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko at mabilis na tumingin sa paligid. Tinitigan ko ang pinto papunta sa banyo, pati na rin ang malaking salamin malapit sa pintuan. Tinignan ko ang mga pader, mga painting na nakasabit sa itaas ng kama ko.



Sinubukan kong isipin kung ano na ba ang mga bagay na nagawa ko sa bahay na to. Kung paano ako napadpad sa pangangalaga nila, paano ako nandito ngayon.



Pero wala. Wala akong maalala.



Bigla akong naluha. Napasinghap ako sa gulat at daliang pinunasan yung luhang yun kasi bakit ako maiiyak? Bakit ako iiyak? Ano bang nangyayari sakin?



Bumuntong hininga ako. Baka disoriented lang ako. Baka pagod o naguguluhan lang.



"You're fine, Byun Baekhyun," bulong ko habang pilit na hinihila ang kumot palapit sakin. "Nothing's wrong. Pagod ka lang... Tired and sick."



Pero kahit anong isipin o sabihin ko, alam kong may kulang sakin. Yun nga lang, walang akong clue kung ano man yun. 











Dumating si Amber matapos ang ilang minuto. Dumating siya kung kelan nakahiga lang ako sa kama at nakatulala sa malayo, pilit na iniisip lahat ng pwede kong isipin, lahat ng pwede kong maalala. Yun nga lang unsuccessful ako sa bagay na yun. Pagod na ata pati utak ko. 



"I brought some meds." sabi ng kapatid ko saka inilapag sa bedside table ang isang basong tubig at saucer na naglalaman ng dalawang tablets ng pain killers. Umupo siya sa tabi ko at mukhang doon lang niya ako natignan ng maayos. "Oh my god, Baek," singhap niya at halos hindi alam kung paano ako hahawakan. "You look so pale, are you alright?" 



"No." mabilis kong sagot habang nakatingin sa mga malalalim niyang mata. Mukha din siyang walang tulog at stressed. "Hindi ako okay, Em. I feel different." napatigil ako. "Does that... does that make sense to you?"



"Yes!" medyo hysterical na sabi niya at mahigpit na hinawakan yung kamay ko. "Baek, ni walang kulay yung mukha mo--- oh my god, you even look thinner." Napatakip siya ng labi habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.



"Ano..." mahina kong tanong at napahawak sa pisngi ko. "I... I don't think---" aangal na sana ako pero naramdaman ko kung gaano ako kalamig. Nang tignan ko ulit ang aking mga kamay, napansin kong halos makita ko na lahat ng ugat sa ilalim ng kutis ko. Mukha ngang pumayat ako. Pero gaano na ba ako katagal na tulog?



"You need to rest." nag-aalalang sabi ni Amber at pakiramdam ko maiiyak na din siya. "I'll bring you some food, halos isang araw ka na ding tulog and you need to eat. I also believe we need to call a doctor now." 



Nang sabihin niya yung huling linya, pinigilan ko siya. "We can't do that." sabi ko habang umiiling-iling. "Em, we can't do that. The queen---"



"Is crazy!" inis na singit ni Amber. "Baek, you look like you're dying right now, do you know that?! Hindi namin alam ang gagawin noong natutulog ka. We don't know how to feed you, to take care of you---" Napatigil si Em at huminga ng malalim, pero kasabay nun ay ang pagluha niya. "Baek... Please... Just let us call some doctor... Anyone who could check on you and your health..."



"Em, ano ba?" mahina at naguguluhan kong tanong. "Why are you like this? Bakit ba sobrang--" 



Tuluyan lang yung pagluha ni Amber at mas humigpit yung hawak niya sa kamay ko. "Habang tulog ka... There was a moment when... W-when we felt no pulse... At all." halos hindi marinig na sabi niya. "I-It was a full minute and t-then you came back..."



"Amber---"



"And then today," tinignan niya ako sa mata, punong-puno ang mga ito ng takot. "Baek, you can't remember him, can you?" 



Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "S-sino?" 



"Him," sagot ni Amber. "Park Chanyeol." 



"Amber, I'm sorry," mahina kong sabi at pilit na ngumiti para sakanya. "I'm sorry but I can't remember him." 



"B-baek..." hikbi ni Amber habang pinupunasan yung mga luha niyang tuloy lang sa pagdating. "Baek, he's your guy... You love him..." Napalitan ng lungkot yung takot sa mga mata niya kanina. Sobrang lungkot niya ngayon at hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman. 



Umiling ako ng dahan-dahan. "I... I don't know..." pabulong kong sagot. "I don't know him." 








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top