kabanata 24




"Amber!" Patuloy lang ang pagsigaw ko sa pangalan niya. "Amber, please! Wala ako sa mood makipag-hide-and-seek sayo!"



Muli akong napatingin sa likod ko kung saan wala na akong nakikita kundi mga puno. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kinaroroonan ko ngayon, pero mas hindi ko alam kung paano pa ako makakabalik. Higit pa sa lahat ng yun, sobra na akong nag-aalala kay Amber.



Ano ba kasing pumasok sa kokote ng babaeng yun?



Hingal akong tumigil sa tabi ng isang malapad na puno at pagod na sumandal dito. Nagpunas ako ng pawis at naghabol ng hininga. Bakit ba sa lahat ng pwedeng takbuhan, sa gubat pa? Mabuti nalang, ilang buwan na akong nakatira dito, kung hindi, kanina pa ako nangangatog sa takot.



Pero anong sabi ni Amber kanina? 'Help me'? Tulong saan? Bakit?



Nakaramdam ako ulit ng kaba para sa kapatid ko. "Amber!" malakas na tawag ko sakanya. "Kailangan na nating bumalik! Malapit nang dumilim oh! Asan ka na ba kasi?!" At nang pakiramdam ko malapit na akong maiyak sa takot at pagod, dahan-dahan nalang ako napaupo sa may paanan ng puno.



I can't believe this. Ano to? Mawawala nanaman ako sa gubat? Buti naman sana kung may bahay akong matatakbuhan ulit. At ang masama pa, wala si Chanyeol. Paano kung bumalik siya at wala parin ako sa bahay? Paano na yun?



"ARGH!" inis akong napasabunot sa sarili. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa nangyayari tong lahat ng to?



Ayoko nang tumayo at maglakad pa dahil pakiramdam ko, mas lalo lang akong napapalayo sa kabihasnan. Gusto kong hanapin si Amber, gustong-gusto ko. Pero hindi ko alam kung paano gagawin yun kung hindi ko naman kabisado tong gubat.



Tuluyan na akong napasalampak sa lupa napapikit nalang. "Ugh, Byun Baekhyun..." mahina kong sabi sa sarili ko. "Why do you have to be so weak? Paghahanap na nga lang sa kapatid mo, hindi mo pa magawa." At maya-maya pa, hindi ko alam kung bakit ako naluha nang sabihin ko yun.



Siguro dahil buong buhay ko, pakiramdam ko sobrang hina ko? Sissy? Wuss? Coward? Future king nga, pero madalas, wala akong kayang gawin para sa sarili ko. Masyado ata akong na-spoil ni Queen Belle? Masyado niya akong nilayo sa lahat ng bagay na pwedeng humasa sa akin?



Nasanay din siguro ako na parating nandiyan si Amber para sa akin? Siya naman ang tagapagtanggol ko sa mga panahon na nabu-bully ako at lahat-lahat na.



Pero ngayon, mukhang pati siya, mawawala na.



"Baekhyun!"



Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo nang may marinig akong tumawag sakin. Agad akong tumayo at tumingin sa paligid ng medyo dumidilim nang gubat. "Amber?" paos na tawag ko. "Amber, ikaw ba yan?"



"Baek!" muli niyang tawag. "Help me!"



"Amber!" tumakbo ako papunta sa pinanggagalingan ng boses. "Nasan ka ba?!"



Walang sumagot. Paulit-ulit ko lang sinisigaw yung pangalan ni Amber hanggang sa mapatigil ako sa harapan ng isang puno. Sobrang yabong nito at punong-puno ng mga bunga. Malalapad yung mga sanga niya at sa isang sanga, nakaupo doon yung kapatid ko.



"Amber?" gulat na bulong ko habang nakatingala sakanya. "A-anong ginagawa mo diyan?"



Nakahawak si Amber sa puno na para bang takot na takot siyang bumaba. Nanlalaki yung mga mata niyang nakatingin sakin. "Baek?" mahina niyang sabi. "Please... help me."



"Ano bang ginagawa mo diyan?!" inis na tanong ko. "You made me worry to death! Kailangan na nating umuwi!"



"No." iling niya. "Hindi natin kailangang bumalik sa bahay na yun. That's not our home, Baek. We need to go home... back at the Royal House."



Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. "P-pero sayo na nanggaling diba, Em? The queen could be evil. Bakit ba bigla mong gustong bumalik doon?" Hindi ko na alam kung anong dapat isipin. Ano bang nangyayari kay Amber?



"Hindi ko alam." walang emosyon niyang sabi. "Maybe because... it's the right thing to do, Baekhyun." Dahan-dahan niyang iniwas yung tingin niya at saka hinarap yung puno. Saka ko lang napansin na isang puno pala ng mansanas yun. Dinaan niya ang kanyang palad sa mga sanga nito at saka napangiti ng maliit.



"A-amber?" takot na tawag ko sakanya. "Amber..."



"Help me." bulong niya at saka may inabot na isang bunga ng puno. "Help me, Byun Baekhyun." At nang sabihin niya yun, hinila niya ang isang mansanas at tumingin sakin. Pulang-pula ito at halos kumikinang. Inikot niya ang mansanas na yun sa kanyang palad habang malungkot lang nakatingin sakin.



Lumapit ako sa puno. "Help you with what?" taka kong tanong.



Alam kong sobrang weird ng paligid, ng scene. Pero may iba akong nararamdaman. Para bang napapalibutan kami ng kakaibang aura na kahit akong gawin ko, hindi ko mapaliwanag kung ano at paano.



Hindi ko magawang umalis. Ni hindi ko magawang sumigaw o lakasan manlang yung boses ko. Hindi ko magawang iwan si Amber...



O kung sino man tong kaharap ko ngayon.



Para akong nakadikit sa lupa. Hindi ako makatakbo palayo.



Unti-unting napangisi si Amber at iniabot yung mansanas sa gawi ko. "Here," sabi niya. "Catch." at saka binato sa akin yung prutas na mabilis ko namang nasalo. Sobrang dulas ng balat nito at sa pagod na nararamdaman ko ngayon, hindi na ako magdadalawang isip na kainin yun.



Nakakunot noo akong tumingin kay Amber. "Hindi mo parin sinasagot yung tanong ko." sabi ko sakanya. "Tulungan ka saan, Em?"



"Eat." utos niya.



Napatingin ako sa mansanas na hawak ko. "Amber..."



Nakangiti parin siya. "Just one... bite."



Nang tignan ko ulit si Amber, agad akong napatigil. Kakaiba... kakaiba yung mga mata niya. "Help... help you with what, Amber?" At sa pagkakataon na yun, naramdaman kong hindi ko na kontrolado ang lahat-lahat. Kusang gumalaw ang aking mga kamay para dahan-dahan na dalhin ang mansanas sa may labi ko.



"Help me, Byun Baekhyun..."



Tumango ako at unti-unting kumagat sa prutas na hawak ko.



"...Help me kill you."





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top