kabanata 22
Tulad ng dati, mas nauna akong nagising kesa kay Amber. May lahing mantika kasi to kaya mahirap magising lalo na kapag mahimbing ang tulog. Kagabi, sobrang bilis niyang nakatulog, siguro dahil na rin sa sobrang pagod kakaikot-ikot nga sa gubat kakahanap sakin. Kawawa naman tong kapatid ko.
Kung paano niya ako nahanap, hindi ko alam. Pero masaya ako. Masaya akong dito siya dinala ng mga paa niya. Masaya akong andito na siya, kasama ko.
Nang bumangon ako mula sa kama, napatingin ako sa salamin kung saan ko nakita yung 'old self' kumbaga ni Queen Belle. Simple lang naman yung salamin sa kwarto ko pero simula nang makita ko lahat ng yun, jusko. Ang creepy na. Ang creepy na talaga. Idagdag mo ba si Lola. Goosebumps.
Matapos mag-toothbrush at maghilamos, lalabas na sana ako ng kwarto nang may biglang kumatok. Agad ko namang binuksan yung pinto at bumungad sakin si Chanyeol na nakangiti ng maliit. Umagang-umaga, siya agad ang nakita ko paglabas ng kwarto. Hay. Ang ganda namang bungad.
"Good morning," bati niya. "Did you sleep well?"
Tumango naman ako saka tuluyang lumabas at sinara yung pinto. Nang mapalapit ako sakanya, napansin kong medyo amoy brewed coffee pa siya at wow naman kasi ang bango. "I did sleep well. Thank you for asking," sagot ko sakanya. "Ikaw? Um, do you need something? Magluluto na ako. What do you want?"
"I already did," nakangiting sagot ni Chanyeol. "I just came to call you. Let's have breakfast together."
Napangiti din naman ako lalo na nang kunin niya yung kamay ko. Nako. Kung everyday lang na ganito, paniguradong malilimutan ko lahat ng problema sa buhay. Lalong-lalo na yung fact na ka-equal ko na ang mga 'Most Wanted' sa listahan ng mga pulis.
"We'll leave after breakfast." sabi ni Chanyeol habang pababa na kami ng hagdan. Yung tungkol sa camping ata yung sinasabi niya. "Ready na lahat ng idadala. The bags, the foods. Stuffs like that." Ah. Yung camping nga.
"Ako rin!" masaya ko namang sabi. "Ready na yung bag na idadala ko." Hindi ko naman sinadyang lakasan yung boses ko pero mukhang excited nga ako. First ever camping trip ko to kaya naman, hello? Excited nga.
Pero bago pa namin tuluyang marating yung sahig ay huminto si Chanyeol sa may huling baitang saka tumingin sakin ng seryoso. Magkapantay yung mga mukha namin at medyo nag-aalala yung expression niya at medyo naguguluhan din.
"Are you sure you want to do this?" tanong ni Chanyeol. "Baek, we could always find another house for you to hide, you know? Hindi mo kailangang sumabay sa mga gusto nilang gawin." At sa paraan ng pagkakasabi niya, parang gusto niyang sabihin kong umalis nalang ako kasama siya. Yung pupunta kami sa malayong-malayong lugar. Yung lalayo na talaga kami for real. Real na real.
Gusto ko naman yun. Gustong-gusto ko. Pero anong drama yun diba? Ang gusto ko lang ay yung omg-kasama-ko-na-siya-habang-buhay part. Pero yung forever na akong magtatago? Forever na akong hindi magpapakita sa kahit na sino? Oo. Alam kong walang forever pero diba... make sense. Hay.
Hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya. "Yeol, listen to me," mahina kong simula. "I know I should be afraid right now but I'm not. Somehow, I feel really, really safe here. Lalo na't kasama pa kita. I will be fine. Believe me." Ngumiti pa ako ng mas malaki para naman ma-convince ko pa siya.
"You're an optimist. Of course you'll feel like that." simangot ni Chanyeol. Hala ang cute. Bat ganun? Umiwas pa siya ng tingin at kumunot noo. "You don't know how terrified I am everyday... someone might pop out and just take you..."
Wow. Take note: TERRIFIED. Hindi lang 'afraid' o 'nervous'. Terrified yun ah.
"Uy ano ba?" hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi at hinaplos ito. "Nothing will happen to me. Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano diyan. I'm here, right? I'm safe. Stop thinking about such things or you'll start having wrinkles." pagbibiro ko pa para naman mapangiti siya.
Tumingin sakin si Chanyeol. Wala siyang expression. Basta nakatingin lang siya. Medyo nakaka-conscious kasi nakatitig talaga siya sa mga mata ko. Hindi naman creepy. Mas nakakakilig pa nga kesa creepy. Pero ayun nga, wala siyang reaksyon. Luh.
Maya-maya pa, bumulong siya ng, "Come here." At bago pa ako makasagot, dahan-dahan niya akong niyakap. Ang weird pa, sobrang kakaiba yung yakap niya ngayon sakin. Parang nararamdaman ko yung takot at kaba niya sa mga pwedeng mangyari. Comforting, oo. Pero medyo nakakalungkot.
"Chanyeol..." bulong ko. "Okay ka lang?"
"I have..." huminga niya ng malalalim bago hinalikan yung leeg ko. "I have a bad feeling... I don't feel right, Baek."
Niyakap ko siya pabalik. Yung mas mahigpit pa. "Then don't think about anything else but this..." Dahan-dahan akong kumawala sa yakapan namin at hinawakan siya sa mukha. Hinaplos ko yung pisngi niya habang nakangiti ng maliit.
Kumunot yung noo niya. "This? What 'this'?"
"This." pag-uulit ko saka siya hinalikan sa labi.
Hinalikan ako pabalik ni Chanyeol, yung mabagal na tipo ng halik. Humigpit din yung hawak niya sa bewang ko na para bang nagpipigil siya. Pero hinila ko siya ng mas malapit at palalim na nang palalim yung halikan namin nang biglang mag-ring yung cellphone niya.
OO. NAG-RING. YUNG. CELLPHONE. NIYA. Grrr.
Noong una, hindi niya pinansin pero habang tumatagal ay nakakainis na kaya ako nalang yung umatras. Marahan ko siyang tinulak habang natatawa. "Your phone." sabi ko.
"Ah, damn." bulong ni Chanyeol bago tuluyang kinuha yung maingay na cellphone. Mabilis naman niyang sinagot yung tawag at bumaba na kami ng hagdan at naglakad papunta sa kusina. Mula sa dining area ay nakikita namin yung pito habang naglalaro ng basketball sa may backyard.
Hay. On the bright side, mabuti nalang nag-ring yung cellphone kasi diba, baka kung ano pang mangyari. Umaga pa naman. Ho ho ho.
Eh pero, sino nga ba ang tumatawag kay Chanyeol ng ganito ka-aga? Napatingin ako sakanya habang nagtitimpla ng kape. Seryoso pa lang naman yung mukha niya nang biglang...
"What---?!" singhap ni Chanyeol at sobrang takot yung reaksyon niya sa mukha kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Agad akong lumapit sakanya. "When? What happened?!" panicked na din yung boses niya at medyo galit.
Hala ano ba? Ano bang nangyayari?
"And you didn't---" napadaing si Chanyeol. "Noona! What happened?! Tell me!"
Hinawakan ko siya sa braso kasi parang maiiyak na din siya. Sobrang higpit yung hawak niya sa cellphone at nang maramdaman niya ako, napahawak din siya sakin. "Yeol..." mahina kong sabi. Sobrang nag-aalala na kasi ako. Ano bang nangyayari? May masama bang nangyari sa Seoul? Sa pamilya niya?
"Oh god," bulong niya. "I-I will, okay? I will. Just... please wait for me. Keep me updated." Huminga siya ng malalim at maya-maya pa, binaba na niya yung cellphone niya saka binulsa ulit. Hindi parin siya tumitingin sakin at hinawakan ko naman yung mukha niya. Namumula si Chanyeol at halatang takot na takot.
Napalunok ako. Medyo kinakabahan din akong magtanong pero... "Yeol? W-what... What happened?"
"I-it's... Mom." halos hindi marinig na sabi niya. "S-she had another attack. Stroke."
Napasinghap ako sa gulat. Okay. That I didn't expect. At all. Pero teka. Stroke? Ibig bang sabihin...
"She's fine, right?" sabi ko naman. Hopeful. Dapat hopeful tayo.
Dahan-dahan na umiling si Chanyeol. "Baek..." napapikit siya at napahawak sa noo niya. "She's in a coma. I... I need to see her." At nang sabihin niya yun, tumingin siya sakin. Sobrang nakikita ko kung gaano siya natatakot at nag-aalala. Ganitong-ganito rin yung itsura niya tuwing naiisip namin yung mga pwedeng gawin ng reyna sakin.
His family needs him. Sino ba ako para pigilan siya, diba?
"Go ahead." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. "I'll be fine. I understand. Please see your mom, Yeol. She needs you."
Mabilis na naghanda si Chanyeol para umalis. So... postponed ang camping trip dahil wala siya. Dahil ang sabi niya, "Baekhyun's not going anywhere until I'm back." Akala ko nga noong una, malilimutan na niya ako kasi sobrang worried na siya sa nanay niya pero hindi pala. Hehehe. Oo na. Ang arte na. Huwag niyo nang i-point out.
Hinatid ko naman si Chanyeol hanggang sa may kotse niya. "I'll be back as soon as I can," sabi niya saka hinalikan ako sa noo. "I'll be back, okay? So wait for me. Don't get yourself into any trouble."
Tumango naman ako. "Of course." sagot ko saka ngumiti. Kailangan niya yun, for sure. "Nothing's going to happen."
Binigyan pa ako ni Chanyeol ng matagal na tingin bago tuluyang tumango. Niyakap niya ako ng mabilis. "I love you, Byun Baekhyun." bulong niya. "Stay alive and marry me, okay?" Halata sa boses niya ang kaba pero pilit niyang tinatago yun.
Natawa ako at niyakap din siya pabalik. "I love you, Park Chanyeol."
Tuluyan na nga siyang umalis at naiwan ako sa daan habang pinapanood na mawala yung kotse pabalik sa gubat. Mga three seconds palang siyang wala pero feeling ko parang ilang oras na. Hay. Clingy na ba? Eh pasensya naman. Ako kasi may lovelife. BAHAHAHA.
Anyway... So ayun nga. Balik na tayo sa story.
Napabuntong hininga naman ako nang mawala na sa paningin ko yung black BMW at papasok na sana ulit sa bahay nang mapatingin ako sa may apple tree sa tabi. Napatingin ako hindi dahil maganda yung puno o dahil gusto kong kumain ng isang bunga. Napatingin ako kasi andun si Amber. Nakatayo. Nakatingin lang sakin. Tapos ay dahan-dahan siyang napangisi.
Napakunot noo ako. "Amber?"
Teka. Tulog lang to kanina ah. Kelan pa siya...?
"BAEK!"
Napagitla naman ako nang may biglang tumawag sakin. Nagtataka kong inalis ang tingin ko kay Amber at napatingin sa may pintuan ng bahay. May nakatayo doon at tinatawag ako pabalik sa loob. Akala ko si Taehyung lang... O si Jungkook... O si Jin... Pero bakit...?
"Amber?" hindi makapaniwalang bulong ko.
Ano ba? Ano ba tong mga nakikita ko?
Humikab si Amber habang nagtatanggal pa ng muta."Bakit hindi mo manlang ako ginising kanina, Baek?" tanong niya. "Wala nang natirang breakfast! Halika nga! Lutuan mo ako!"
Binalik ko ang tingin sa may apple tree pero wala na yung isang Amber doon.
Ano bang nangyayari? Naghahallucinate na ba ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top