kabanata 21
"Amber?"
"Baekhyun?"
Agad na tumayo si Amber mula sa pagkakaupo niya sa couch at daliang lumapit sakin. Sobrang dumi ng damit niya, putikan yung mga paa niya at kamay. Pero nang akala kong yayakapin niya ako, agad niya akong sinampal. Yung medyo malakas pa ah.
"ARAY!" daing ko. "Bakit mo naman ako sinampal?!"
"That's for making me worry, you asshole!" sigaw niya. "Alam mo bang ilang gabi akong hindi nakatulog dahil akala ko patay ka na talaga?!"
"So kelangan may sampal, ganun?!" sigaw ko naman pabalik. "Muntik nang natanggal yung pagmumukha ko dun ah!" Tinignan ko siya ng masama at ganun din naman yung ginawa niya pero agad din namang napalitan yun ng pag-iiba ng kanyang reaksyon. Bigla nalang naluha si Amber at niyakap ako ng sobrang higpit.
"You're so mean, Baek!" iyak niya. "Galit na galit talaga ako sayo, hayop ka talaga."
Natawa naman ako ng mahina saka din siya niyakap. "I miss you, too, Em." bulong ko. "And I'm sorry. I'm sorry for not telling you everything."
"Oo. Dapat lang mag-sorry ka." hikbi niya saka humigpit ang yakap sakin. "Akala mo ba madaling mag-move on sa nangyari? Hirap kaya." Kumawala siya sa pagkakayakap namin at tinignan ako mula paa hanggang ulo. Nakakunot noo pa siya at mukhang haggard, idagdag mo pa ang kalat na eyeliner sa paligid ng kanyang mga mata at may pisngi.
Kumunot din naman ang noo ko. "Oh. Anong tinitignan mo sakin?"
"Okay ka lang ba dito, Baek?" medyo inis na tanong niya, halatang pilit na tinatago yung pag-aalala. "Hindi ka ba inano ng mga lalakeng to? Sabihin mo lang. Kayang-kaya ko silang lahat."
"I'm fine, Em," natatawang sagot ko. "Inalagaan nila ako dito. And Chanyeol's here so there's nothing to worry about."
Napatingin naman si Amber kay Chanyeol na nakatayo lang sa likod ko. "Mr. Park," simula niya saka huminga ng malalim. "Sana naman walang nangyaring... kababalaghan dahil lang---"
"Oh, you don't have to worry," singit naman ni Chanyeol saka pinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat ko. "I respect your brother."
Dahan-dahan naman na tumango si Amber. "That's good," bulong niya. "I'm glad."
"Um, guys," tawag ni Jimin. "I think we need to give them some time alone. Baek, if you guys need something, nasa likod lang kami."
Ngumiti naman ako at tumango. "Thank you, Jimin." Matapos nun ay naglakad na paalis ng living room yung pito at hinalikan naman ni Chanyeol yung tuktok ng ulo ko bago sumunod sakanila.
Nang kami nalang ni Amber ang naiwan, halatang medyo nag-relax siya. Huminga siya ng malalim at malungkot na tumingin sakin. "So many things happened... after they took you away," mahina niyang sabi. "Mom's not the same anymore, Baek. Pakiramdam ko, tama yung hinala ko. She's into some... some black magic."
Tumango ako. "Yeah. I thought so, too. P-pero teka, paano mo ako nahanap?" tanong ko. "Ibig ba nitong sabihin, alam na din ni Queen Belle kung nasan ako?"
Nang sabihin ko yun, mas lalong nalungkot yung mukha ni Amber. "Baek..." umiwas siya ng tingin. "Do you know Chief Tou?"
"Chief Tou? Sino yun?"
"Isa siya sa mga Queen's Guards." explain ni Amber. "Si Chief Tou ang dapat papatay sayo. Siya ang nagdala sayo sa gubat. Siya din ang nagpakawala sayo."
Si Manong Killer? Grabe. May pangalan pala si Manong Killer.
"A-anong nangyari sakanya?" kinakabahang tanong ko. Actually, meron na akong hula pero ayokong maniwala na ganun nga ang nangyari. Hindi naman siguro magagawa ni Queen Belle ang ganung bagay. Hindi pa naman siguro siya ganun ka sama.
"H-he's dead." naiiyak na sabi ni Amber. "Nang malaman ng reyna na buhay ka pa, they captured Chief Tou and threw him to the dungeons. Because he won't tell Queen Belle anything, they killed him after a week."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Ni wala akong masabi. Walang lumalabas na salita mula sa bibig ko.
"Before they killed him, I managed to get to him first." pagtutuloy ni Amber. "Sa Jeju ka dapat ipapatapon ng reyna pero dinala ka niya dito. I got the exact location from him and that's why I'm here. I... I finally found you." Naiyak siya ulit kahit pilit niyang pinipigilan yun.
Wala naman akong nagawa kundi ang yakapin nalang siya ulit. Pero si Queen Belle? Pinapatay niya si Manong Killer dahil lang pinakawalan niya ako? Ano pa bang gusto niya? Malayo na ako. Hindi pa ba sapat yun?
Nang mahimasmasan siya, kinuwento ko na din lahat ng nangyari sakin kay Amber: mula sa pagpapakawala sakin ni Manong Killer hanggang sa pagdating niya. Iningatan kong huwag nang banggiting yung nangyaring away dahil sakin kasi baka iba nanaman ang isipin niya.
"So those guys," tinuro ni Amber yung backyard. "They're really nice, huh?"
Tumango-tango naman ako agad. "Kahit na hindi halata, mapagkakatiwalaan yung mga yun." sabi ko. "Saka, inalagaan din naman nila ako kahit papano."
"Sure ka diyan, Baek ah." tinaas niya yung isa niyang kilay. "Hindi ka na-hypnotize or something?"
"Grabe, Em. Ganyan talaga tingin mo sakanila eh no?" natatawang puna ko. "Do I look like someone in pain, really? They're good people here."
"It's just that..." umiwas siya ng tingin. "It's really nice having you back, Baek. Isang beses ko lang to sasabihin: I'm more than glad you're safe and I... I've missed you." Tapos ay pinalo ako ng malakas sa braso sabay irap. Ay nako.
"I've missed you, too so don't worry." sabi ko naman habang natatawa sa reaksyon niya. Minsan lang din to magbaba ng pride kaya sulitin na.
Bumuntong hininga siya. "Yeah. Whatever."
Nang gabi ding yun, tabi kami ni Amber na natulog sa kwarto ko. At dahil wala siyang dalang kahit ano, pinahiraman ko siya ng mga damit na naging dahilan para mapilitan siyang magsuot ng mga damit na hindi black ang color. Ho ho ho.
Pinakilala ko din siya sa mga kasama namin sa bahay na yun at hindi naman sila makapaniwala na kaharap nila ang nag-iisang anak ni Queen Belle. Mas lalo din silang nagulat nang sabihin kong makikitira na muna samin si Em habang hindi pa niya naiisipang bumalik ng kaharian.
"I covered all my tracks," sabi ni Amber habang masamang nakatingin sa kanilang walo. "You guys don't have to worry about them finding me here. I'm not particularly dumb." Medyo fail talaga siya sa mga first convos kaya tunog siga nanaman siya.
"That's not a problem," sabi naman ni Namjoon. "Ang problema lang namin ay... ikaw. Are you fine living with us? We're all guys and you might find it quite awkward."
"Pfft," pagpipigil ng tawa ni Amber at nang magtinginan yung walo, natawa siya ng malakas. Yung totoong tawa talaga, yung hindi sarcastic. "Me?" tawa niya. "Awkward? BAHAHAHAHAHAHA!"
Kunot noo yung pito. "Did I say something... wrong?" tanong ni Namjoon.
Tumatawa parin si Amber at nagtinginan nalang kami ni Chanyeol habang nangingiti. Awkward? Jusko. Never naman naging awkward si Em sa mga boys. One of the boys nga to eh.
Nang makaget-over na, nagpunas ng luha si Amber. "Di tayo talo, okay?" sabi niya. "Awkward ka diyan."
Halong amazed at gulat naman yung pito. "Wow." bulong ni Taehyung. "Ang galing naman. Ibig bang sabihin, pwede nating isama si Amber-noona sa camping?"
"Huh? On parin yung camping trip?" takang tanong ni Jin. "Hindi ba delikado? Lalo na't hinahanap na ng reyna si Baek?"
"Actually, kung ako ang tatanungin niyo, parang okay nga yun eh," biglang sabi ni Jungkook at napatingin naman kaming lahat sakanya. "Kung sakali man na malaman nilang andito siya and they'll come to get him, they will find this house empty."
"Yeah. But that doesn't mean they will stop searching." sabi naman ni Chanyeol at nag-aalalang tumingin sakin. "Don't you think it's better if we just... leave this house?"
"And go where? There's no safer place than here." bulong ni Jungkook. "Leaving isn't really an option."
"Hang on," singit naman ni Amber. "It's not like the queen already knows this place. Hindi naman nagsalita yung killer ni Baek at kung oo man, malamang matagal na kayong natunton. We're safe. For now."
Tumingin silang lahat sakin, naghihintay ng sasabihin ko. Ano nga ba ang dapat sabihin? Okay lang ba kami? Safe ba kami?
Bumuntong hininga ako at ngumiti. "I don't think you should cancel the camping trip," sabi ko. "And tama si Amber, kung talagang alam ni Queen Belle ang lugar na ito, sana matagal na niya akong nakuha. Diba?"
"Unless, she has other plans," biglang sabi ni Taehyung habang nakatingin sa mesa. "Creepy, right?"
"Ano ka ba? Huwag kang mag-isip ng ganyan, V." sabi ko. "Everything will be fine, believe me."
Nakangiti ako nang sabihin ko yun. Pero ewan ko ba.
Bahala na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top