kabanata 20




"Ice box?"



"Check!"



"Cards?"



"Check!"



Sinilip ko yung listahan mula sa likod ni Jimin. "Bat wala akong nakikitang katol diyan?" Tanong ko saka umupo sa tabi niya. Andito kami ngayon sa may hagdan papasok sa bahay at ginagawa ang last checking ng mga gamit para sa camping.



"Meron yan, Hyung," sabi naman ni Jimin at pinakita yung likod ng papel. "Ayan oh. 'Lavander katol' pa nga eh."



Napabuntong hininga naman ako habang pinapanood sina Jin at Namjoon na nag-aayos ng mga gamit sa harapan namin. Isinasakay nila sa isang pick-up truck yung mga bag ng tents at kung anu-ano pa.



"Talaga bang... every year niyo tong ginagawa?"



Tumango naman si Jimin. "Oo," sagot niya. "This is our way of bonding together. Saka, kailangan namin ito ngayon lalo na after ng nangyari." At binigyan pa niya ako ng tingin na parang ako yung dahilan ng nangyaring away kuno.



Tinignan ko naman siya ng masama kahit alam kong tama siya. Eh as if naman ginusto ko yun no. Hindi ko naman hiningi sa Universe na mag-away sila dahil sakin. Sus.



"May maitutulong pa ba ako?" tanong ko nalang.



Napa-isip naman saglit si Jimin at tinignan ng medyo matagal yung listahan. "Paki-kuha nalang yung emergency light sa basement, Hyung." sabi niya. "Nalimutan kasi ng isa diyan." pagpaparinig pa niya kay Jin.



"Wow. Sorry ha." inis na sabi ni Jin habang inaayos na yung mga bote ng beer sa ice box. "Ang perfect mo kasi Jimin eh." Umirap pa siya at napa-eyeroll lang naman si Jimin.



"Tama na nga yan," natatawang sabi ko. "I'll go get it."



Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita si Suga na tulog na naman sa sala. Nagiging hobby na niya ang pagtulog ulit pagkagising na pagkagising niya. Hindi ko nalang siya ginising at dumiretso sa may kusina kung nasan sina Chanyeol at Hoseok. May hawak silang tig-isang mug ng kape habang pinag-uusapan ang latest news tungkol sa NBA.



Tumigil ako sa may doorframe. "Yeol?"



Agad naman siyang napatingin sakin. "Oh, Baek. What is it?"



"Pahiram naman ako nung susi sa basement," sagot ko. "May pinapakuha kasi si Jimin."



Kumunot ang noo ni Chanyeol. "Inutusan ka niya?" may halong inis na tanong niya. Hala. Ayan na naman. Sinasaniban na naman siya ng kaluluwa ng over-protectiveness.



Agad naman akong umiling. "Nope. Tinanong ko kasi kung may maitutulong pa ako. So..." ngumiti ako ng maliit. "Where is it?" Inilahad ko yung kamay ko.



Tumango naman si Chanyeol at saka kinuha yung susi mula sa bulsa niya. "Here," Naglakad siya papunta sakin at pinatong yung susi sa palad ko. "Ano raw yung kukunin mo? Mabigat ba? Do you need my help?"



Natawa nalang ako saka umiling. "Emergency light," sagot ko at tinulak siya ng mahina. "I'll be fine. Balik ka na dun." Bago pa siya magsalita, tumalikod na ako at dumiretso sa may basement.



Isasalpak ko na sana yung susi nang mapansing nakabukas na yung pinto. Nang itulak ko ito ng bahagya, nakita kong naka-on din yung ilaw sa loob. Napakunot noo ako pero pumasok nalang din.



Naglakad ako papunta sa shelf ng mga ilaw. Dito kasi nilalagay yung mga stock na bulbs para sa mga mapupundi. Andito din yung mga kandila, lamps, at emergency lights. Hihilain ko palang sana pababa yung isang karton nang may marinig akong nagsalita.



"I just want to settle this once and for all, okay?"



Napakunot noo ako at napatingin sa paligid. Teka. Si Jungkook ba yun?



"Ugh." sagot naman ng isang boses. "I told you, just leave me alone. Hindi mo ba nakikitang may ginagawa ako?"



OMG. Si Taehyung yun ah.



Anong ginagawa nila dito sa basement?



"Mas importante pa ba yang paghahanap mo ng katol kesa dito?" inis na tanong ni Jungkook. Dahan-dahan kong hinila yung karton pababa para hindi makagawa ng ingay. Kinuha ko na yung emergcy light pati na din yung charger nito.



"Oo." giit ni V at parang inis na inis yung boses. "At kung wala kang balak tulungan ako, umalis ka nalang. The door's open for you."



Naglakad ako papunta sa pinang-gagalingan ng boses at narealize kong mga ilang shelf lang pala yung pagitan ko sakanila kanina. Okay. Alam kong mali tong ginagawa ko: eavesdropping. Pero sina V at Kookie kasi to. Alam ko yung nararamdaman nila para sa isa't isa at gusto kong malaman kung paano at saan hahantong.



Imbes na umalis ay sumandal si Jungkook sa shelf kung saan naghahanap si Taehyung. "Aalis lang ako kung napatawad mo na ako," sabi niya. "I told you, I wasn't expecting that. Ano naman gusto mong gawin ko?"



Tinignan siya ng masama ni Taehyung. "Dude, please. Just go." inis na sabi nito. "Marami pa akong hahanapin."



"Alam ko," determinadong sagot ni Jungkook. "That's why I'm here."



"Yeah. Right." naririnding sagot ni Taehyung. "I'll just pretend you don't exist."



Bumuntong hininga si Jungkook. "I'll tell you something," simula niya pero tuloy lang sa pagkalkal si Taehyung sa mga boxes, hindi siya pinapansin o tinitignan. "And this something is very, very important. You really need to hear this."



Lumipat ng kabilang shelf si Taehyung at sumunod naman si Jungkook. Pati na rin ako. Hay. Sobrang evil na talaga ng ginagawa ko pero... anak ko si Taehyung! Paano kung bigla siyang i-rape ni Kookie?



"I know... a lot." mahinang sabi ni Jungkook. "And I also know a lot about you, V. I know your stories, your favorites, likes, dislikes... I know about your... feelings."



Napasinghap si Taehyung at nabitawan yung hawak niyang box. Gulat siyang napatingin kay Jungkook. "What the---?" singhap niya. "Even before? Noon pa?"



Natawa naman ng mahina si Jungkook. "So feeling mo talaga manhid ako?" mapang-asar na tanong niya. Nang makaget-over na si Taehyung sa gulat, kinuha niya yung box na hawak niya at naglakad papunta sa isang lumang table sa isang gilid ng basement.



"Shut up," inis na sabi niya habang naghahalungkat sa box. "I don't want to hear anything from you."



Nagtatago parin ako sa likod ng mga shelf at hindi gumagawa ng ingay. Pakiramdam ko, may patutunguhan talaga tong usapan nila. Nararamdaman ko talaga.



"I want you to know how sorry I am," mahinang simula ni Kookie. "I have my reasons, V. I... I don't want to take risks..."



"Jeon, please." inis na sabi ni Taehyung. "Hindi ito ang time para pag-usapan yung mga ganyan."



Nanahimik si Jungkook matapos nun pero pinapanood parin niya si Taehyung. Nang ibabalik na ni V yung box, maglalakad na sana ako papunta sa kabilang shelf para magtago nang may humila sa bewang ko.



"Ah---"



Tinakpan ni Chanyeol yung bunganga ko para hindi ako makasigaw. Gulat naman akong napatingin sakanya at akmang susuntukin na sana yung pagmumukha niya, pero siya lang pala. Akala ko naman. Nang naramdaman niyang nag-relax na yung buo kong katawan, tinanggal niya yung kamay niya. "What are you doing hiding---"



"Sshhh." tinakpan ko yung labi niya. "Huwag kang maingay."



Nang kumunot noo siya, narinig ulit namin si Jungkook. "Taehyung... I'm sorry..." mahina niyang sabi at halos hindi na namin narinig. "Hindi ko lang alam ang gagawin. I... I didn't expect that."



Binagsak ni Taehyung yung box. "Alam mo, Jungkook, nagsisisi nga ako na sinabi ko pa sayo yung nararamdaman ko eh," galit niyang sabi. "Nagsisisi talaga ako na umamin pa ako."



"Taehyung, I was in shock!"



"Shock?!" singhal ni V. "Eh diba nga matagal mo nang alam na gusto kita? Anong shocking doon? Ginagago mo ba ako?"



Huminga ng malalim si Kookie. "Hindi ko inexpect na aamin ka! And I'm sorry! I'm sorry kung ginawa ko lang joke nung sinabi mo yun. I'm sorry kung feeling mo, napahiya ka."



"Napahiya talaga ako, gago ka!" sigaw ni Taehyung. "Our friends were right there! Kung hindi lang inikot ulit ni Hoseok yung bote, hindi gagaan yung atmosphere."



"And I'm sorry for that," mas kalmadong sabi ni Jungkook. "I just thought... I thought you wouldn't like to lose the friendship?"



"Ha!" sarcastic na sabi ni Taehyung. "You know what, I regret it. I regret choosing 'Truth' rather than 'Dare'. I regret answering Jimin's damned question. I regret telling you I like you."



"Taehyung naman..."



"Jungkook, I was ready to risk kung ano man yung meron tayo ngayon," sabi ni V. "Ready akong i-risk lahat. And yet..." huminga siya ng malalim. "And yet you couldn't."



Napuno ng katahimikan yung buong basement maliban sa ingay ng paghahanap ni Taehyung ng katol. Nagkatinginan kami ni Chanyeol. Ang alam ko talaga, maayos ang uuwian ng pag-uusap nila... hindi pala. Wrong guess.



"Found it." mahinang sabi ni Taehyung sabay hila ng isang box ng lavander katol. Naglakad na din siya palabas ng basement, ni hindi manlang niya nilingon si Kookie. Maya-maya pa, ilang boxes ang pinaghuhulog ni Jungkook mula sa mga shelf bago siya lumabas na din.



"Walang hiya yun!" inis na sabi ko. "Nag-iwan pa ng kalat!"



Natawa naman si Chanyeol at sabay kaming pumunta doon sa mga pinaghuhulog ni Jungkook. Aba. Kung gusto niyang gawing ma-drama yung scene huwag naman niyang idamay yung mga nananahimik na karton. Walang hiya talaga.



Habang inaayos namin ni Chanyeol yung mga boxes, biglang may mga mabibilis na yapak mula sa labas at maya-maya pa, sumisigaw na si Jin mula sa entrance ng basement.



"Baekhyun!" tawag niya. "You need to see this!"



Mabilis naman kaming naglakad ni Chanyeol paakyat mula sa basement. Nasa living room lahat ng kasama namin sa bahay at parang may pinapalibutan sa may couch. Pati sina Jungkook at Taehyung, andun din.



"Guys?" tawag ko habang nagtataka. "Ano yun?"



"Baekhyun?"



Umatras si Namjoon para ipakita kung sino ba yung naka-upo sa couch.



Napasinghap ako. "Amber?"




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top