kabanata 2




Bago pa man kami lumabas ng bahay, tinignan muna akong mabuti ni Queen Belle: mula sa suot kong cute na beanie hat na with ears pa, face mask na kulay black, white t-shirt, jacket, black pants at sneakers.



"Amber, ikaw nanaman ba ang nagbihis sa kapatid mo?" tanong bigla ng reyna sa kapatid kong pinaninindigan talaga ang pagiging goth. Nakasuot pa siya ng black t-shirt na may nakasulat na 'Talk to me and you're dead'. Pero hindi pa namamatay ang reyna kaya hindi ako naniniwala sa naka-imprenta sa t-shirt na. Char lang yun.



Napa-eyeroll nalang si Amber. "Yes." sagot niya. "And please, huwag niyong sabihing masyadong cute tignan si Baekhyun, kasi wala na tayong magagawa doon, Ma." napa-irap pa ito at tinignan nalang siya ng masama ni Queen Belle.



"Ayoko lang naman na pagtitinginan siya ng mga tao doon." dahilan niya. "Pero never mind. Let's just go at baka mahuli pa tayo. Nakakahiya sa mga dukes."



Nang nauna nang pumunta si Queen Belle sa sasakyan niyang kotse, tumabi sakin si Amber saka bumulong ng, "Kung hindi lang reyna si Mommy, iisipin ko talagang naiinsecure siya sayo." binigyan pa niya ng masamang tingin ang likod ng nanay niya bago tumingin ulit sakin. Jusko. Bakit ba sobrang kapal ng eyeliner ng babaitang to?



"Insecure? Sakin?" gulat naman na tanong ko. "Hoy. Imposible yan. Issue ka."



Naglakad kami papunta sa kotse namin at pinagbuksan naman kami ng pinto ng isang naming body guard. "Totoo nga," sabi ni Amber habang tumatango-tango. "Eh kasi nga diba, vain si Mommy. Gusto niya siya lang ang maganda."



"Eh maganda naman talaga si Queen Belle." sabi ko. Hindi naman ako nagsisinungaling doon. Para ngang hindi siya tumatanda. Maraming nagsasabi na parang halos ka-edad niya lang kami ni Amber. "Kaya nga hanggang ngayon, marami siyang manliligaw diba?"



Napakunot noo si Amber. "Alam mo ba, may kwento ako pero huwag kang maingay." bulong niya at tumango naman ako saka umisod para mas lumapit ako sakanya. "Last month kasi," simula ni Amber habang nakatingin ng maigi sakin, medyo nanlalaki pa yung mga mata niya. "Magjo-jogging sana ako so I have to ask for Mom's consent first. Naglalakad ako papunta sa kuwarto niya nang biglang may lumabas na matandang babae from her room!"



"Matandang babae?" tanong ko. "Baka naman si Manang Beng-beng lang yun."



"Hindi!" dahilan ni Amber saka umirap. "Kilala ko naman si Manang Beng-beng no. Super creepy nung matandang nakita ko, Baek. As in. Nakasuot siya ng black cape and with matching wooden cane pa. Alam mo yung ganung aura? Parang mangkukulam ang dating."



"Baka naman naka-drugs ka lang, Em?"



"Sige. Sige talaga. Isa pa ha. Isa pa sisipain na kita palabas dito sa kotse!" tinignan pa niya ako ng masama kaya nanahimik nalang ako. Noong alam niyang hindi ko na siya ookrayin, tinuloy ni Amber yung kwento niya. "So ayun nga, I asked Mom kung sino ba yung babaeng creepy na yun. Tapos alam mo ba? Biglang nagalit! Sa akin, Baek! Sa akin!"



Inirapan ko siya. "Malamang. Chismosa ka kasi masyado, Em. Dapat hindi ganun."



"What did you expect me to do?" tanong niya. "But that doesn't end there, okay?"



"Meron pa?"



"Meron pa." tango niya. "After that day, may napapansin na ako kay Mommy. Mas bumabata na yung itsura niya. Nawawala na lahat ng wrinkles niya sa mukha at pati fats, Baek, wala na. Super ideal body na niya ngayon. Napapansin mo ba?"



Dahan-dahan akong umiling. "Hindi. Takot ko nalang no. Baka isipin niya I'm checking her out." kinilabutan naman ako sa sinabi ko. "Kadiri. Ew."



"Hay nako. You should try to notice the changes." seryosong sabi ni Amber habang nanlilisik pa yung mga mata. "I really think something's up, though. Mom's hiding something from us and maybe that old woman's really a witch."



"Ayan. Mahilig kang mag-judge ng tao." napabuntong hininga nalang ako. "Maybe you're wrong. Hindi ka naman sigurado diba? Let's not make assumptions. Baka old friend lang yun."



Napa-shrug nalang si Amber saka binalik ang tingin sa bintana ng kotse. "Maybe," mahina niyang sabi. "I hope Mom's not into black magics now."























Nakarating naman kami ng safe sa activity namin ngayong araw. Kagagaling lang ni Amber kahapon sa hiking at tulad nga ng sinabi niya sakin noong isang araw, isasama niya ako sa feeding program nila ngayon.



Sobrang daming bata ang nasa venue at yung iba, hinabol-habol pa yung kotseng sinasakyan namin. Pagkarating namin sa may parking lot, napansin ko agad yung iba pang naggagandahang kotse na nakaparada. Malamang, sa mga dukes yung mga yun at sa mga kapamilya nila.



Gaganapin yung feeding program sa isang public school. Pakakainin namin lahat ng batang estudyante sa school na yun for two weeks para masigurado na by the end of the last week, tataas ang timbang nila.



Lumapit naman sa amin si Queen Belle habang pinapalibutan kami ng mga body guards. "Amber, I will attend a party later. Mga isang oras lang siguro ako dito." tapos ay nilipat niya ang tingin sakin. "Baekhyun, behave yourself. Huwag na huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sayo. Put your mask on. Never show your face to anyone. Understood?"



"Opo." mabilis ko namang sagot saka inayos pa ang suot kong face mask. Buti nalang talaga hindi character mask (e.g. Winnie-the-Pooh, Elmo, Tweety, etc.) ang pinapasuot sakin kung hindi magpapakamatay nalang ako. Mabuti nga bibig at ilong ko lang ang natatakpan. Medyo makatarungan pa to.



Inirapan ni Amber ang nanay niya habang naglalakad kami papunta sa mess hall. "Mom, I'll take care of my brother. Don't worry." sabi nito pero nang hindi na tumitingin ang reyna, nag-wink sakin si Amber saka ngumisi.















Sobrang daming bata sa hall nang dumating kami. Ang ingay-ingay pero hindi naman magulo. Napangiti ako. Masaya kasi yung mga ganitong event lalo na pag alam mong may natutulungan ka. Sobrang fulfilling sa pakiramdam. Pero as usual, bago nagsimula ang event, makikipag-kamay muna kami sa mga dukes na present doon.



Si Amber na ang nagpakilala sakin sakanila at sobrang dami nila hindi ko naman namemorize yung mga pangalan saka kung taga saang lupalop sila ng Korea nanggaling. Siguro yung mukha lang. Madali kasi akong maka-alala ng mukha.



"Baek, halika dito." biglang sabi ni Amber nang pupuntahan ko na sana yung mga batang naglalaro ng Ice-Ice-Water sa isang gilid. Gusto ko pa sanang sumali leche naman tong babaitang to.



"Ano ba yun?" tanong ko naman nang hilain niya ako kung saan pang parte ng hall.



"Diba sinabi ko nga ipapakilala ko sayo yung mga pogi dito? Yung mga anak ng mga duke." bulong niya sa tenga ko. At ayun, naalala ko nga yung naging usapan namin. Pero diba nga? Walang pwede sakanila. Ugh. Ang kulit.



"Ayoko!" inis na bulong ko habang hinihila parin niya ako. "Ayoko kay Peppa Pig!"



Pero bago pa siya sumagot, nakarating kami sa isang gilid kung saan may mga lalakeng nag-uusap. Yung iba naka-suit, mukhang galing sa office meeting. Yung iba naman casual lang tignan pero hala, bat ang gugwapo ng mga to? Ano to? Samahan ng mga diyos?



"Excuse me?" singit ni Amber habang nakapulupot ang isang braso sakin.



"Oh, Amber!" masayang bati ng isa sakanila. "Hindi ka nanaman nagpalit ng damit? Diba sabi ko magpalit ka na sa susunod?" biro niya at natawa naman ako ng mahina.



"Oo nga eh," sarcastic na sabi ni Amber sabay irap doon sa lalake. "Nakakahiya naman sayo, Chen."



Natawa yung Chen. "Pero kidding aside, it's nice to see you again." at bigla siyang napatingin sakin. "And sino naman tong kasama mong mukhang magnanakaw sa bahay namin?"



Napangisi si Amber sakanya. "I would like you to meet my brother, Prince Baekhyun."



Agad na nawala yung ngiti sa labi nung Chen at dali niyang inilahad ang isa niya kamay sabay yuko. "I'm sorry. I didn't know I'm in the presence of the prince." medyo nahihiya niyang sabi. "I'm Kim Jongdae, Your Highness."



Kinuha ko naman yung kamay niya saka nag-bow din. "Byun Baekhyun." pagpapakilala ko. "Baekhyun nalang. Hindi ako sanay sa labels."



"Baekhyun it is, then." nakangiting sabi ni Chen.



"Uhm, Baek, this is Oh Sehun." singit ni Amber sabay turo sa isang lalakeng matangkad na mapayat na pogi din. Pero ang una ko talagang napansin sakanya ay yung suot niyang necktie. Jusko jugigo. Bakit Spongebob naman ngayon? Bumaba ang tingin ko sa medyas niya at gusto kong matawa kasi Spongebob nanaman.



Ngumiti si Oh Sehun. "Who lives in a pineapple under the sea?"



"Huh?"



"Spongebob Squarepants!"



Tinitigan ko lang siya habang nakangiti parin siya sakin ng malaki. "Uh..." Hindi ko talaga alam ang sasabihin.



"Hindi mo ba kilala si Spongebob?" tanong niya bigla. "Siya nga yung sponge sa ilalim ng tubig!"



Nagtinginan kami ni Amber. "O-okay..."



May sasabihin pa sana si Sehun pero inunahan na siya ni Amber. "Anyways, dear brother, this is Kim Jongin." hinigit niya yung bewang ko saka iniharap sa isang lalakeng tan, gwapo, at hot. Nako nako. Ito ba yung flirt? Gaano kaya kaflirt tong---



"Hi darling, are you free tonight?" tanong niya with matching lip bite.



Napalunok ako sa takot. "Uh, hindi ata." natatanga kong sagot. "Busy ako. Busy."



"Okay lang," sabi niya habang naka-smirk. "Maybe some other night, then?"



Pilit akong ngumiti sakanya at hinila naman ako ni Amber palayo. Nako sister! Save me! Save me! Napahawak ako sa braso ni Amber at saka niya ako nilagay sa likod niya. "Actually, Baekhyun's a really, really busy person so... he's not available any night."



Tumango-tango naman si Jongin habang nanlalandi parin ang tingin. Nakakatakot na nga talaga kesa nakaka-akit. Jusko. Ano po ba tong pinasok ko?



"Good day, Your Highness." biglang bati ng isang lalakeng sobrang puti at sobrang squishy. Hala. Parang naaalala ko siya base sa descriptions ni Amber sakin. "Do Kyungsoo." pagpapakilala niya. Ayun. Oo nga. Siya nga. Ngumiti siya saka ko napansin yung heart-shaped niyang lips.



"Hello." sabi ko saka kinuha yung kamay niya. Nako. Ang lambot masyado. Ramdam ko pareho kaming bottom neto. Tama si Em. Hindi kami talo.



"Yo!" biglang singit ng isang boses at napatingin ako sa isang lalakeng sobrang tangkad na may mahabang baba. Pero gwapo naman. Huwag kayong ano diyan. "Yo, yo, yo. I'm Wu Yifan, uh. Break it down!"



"B-baekhyun." pagpapakilala ko naman at saka tumingin kay Amber. Tama nga siya. TAMA SIYAAAAA! Bat ganito tong mga to? Ano? Papatol na ba ako sa 50 at 65 years old?! Waaaaaah. Ang hopeless talaga ng lovelife ko... Sobrang hopeless---



"Baekhyun!" biglang bulong sakin ni Amber sabay kurot pa sa tagiliran ko. "Dito tayo, dali!" at bago pa ako makapag-isip, hinihila na niya ako papunta sa isang lalakeng kasing tangkad nung Wu Yifan. Nakasuot siya ng white long sleeves, denim pants at leather boots. Hawak niya yung cellphone niya at nakakunot noo habang nagtetext.



"Teka, Em, sino ba yan?" kinakabahang bulong ko kay Amber. "Mukha akong lalapain. Nakakatakot."



"Park Chanyeol." bulong ni Amber. "Baka siya na ang pinaka-close sa 'pwede na'."



Napatingin ako ulit kay Park Chanyeol at tama si Amber. Sobrang gawapo nito. Yung tipo ng gwapo na hindi nakakasawa, gwapo kahit saang banda. Meron siyang matangos na ilong, mapupulang labi, ang kinis pa ng kutis tapos yung medyo elfish na tenga parang mas nagpagwapo pa sa kanya. Yun nga lang, baka may sablay nanaman to. Baka weird, psycho o di naman kaya, straight at kahit kelan, hindi ako magugustuhan. Napalunok ako nung tumigil kami sa harap niya.



"Mr. Park," pormal na greeting sakanya ni Amber habang nakangiti.



Dahan-dahan na tumingin samin si Park Chanyeol saka binulsa yung hawak niyang phone. Hindi siya ngumingiti. Nakakatakot talaga. "Miss Amber," sabi niya at jusko yung boses... BAT GANON YUNG BOSES?! BAT ANG HOT NG BOSES NETO?! ASAN ANG HUSTISYA?!



"Um, Chanyeol, I would like you to meet my brother," sabi niya saka ako marahan na tinulak paharap. "First time niya kasing aattend ng ganitong activity."



Tinignan ako ni Chanyeol saka ngumiti ng maliit. "Park Chanyeol," inilahad niya yung kamay niya at dahan-dahan ko namang kinuha yun. Hala. Ang manly ng kamay. Oo. Pati kamay niya manly, okay?



"Byun Baekhyun." mahina kong sabi. Ang gwapo eh. Sorry ha.



"I know." sabi niya at dahan-dahan na napangisi. "Of course, I know."



Naramdaman ko naman yung mapang-asar na kurot ni Amber sa likod ko. "Ah, Chanyeol, alam mo ba? Sobrang busy ko ngayong araw kasi ako ang head ng event," parang stressed na stressed pa si Amber sa sinabi niya. "Okay lang ba kung ikaw muna bahala dito sa kapatid ko? Kahit ngayong araw lang?"



Tumango naman si Chanyeol. "Yeah. Sure." sabi niya. "No problem."



"Great. I owe you one!" masayang sabi ni Amber at saka bumulong sakin ng, "Mabait pala tong higante na to, jusko. Kung alam ko lang kanina pa kita pinakilala sakanya." Buti nalang hindi na nakatingin samin si Chanyeol kaya okay lang na nagbubulungan kami at sa harap pa talaga niya. Oh diba, wow.



"Nako Em, kapag ito may ginawang masama sakin, nako, nako talaga..."



"Wala yan." sabi ni Amber saka tumango-tango. Binalik niya ulit ang tingin kay Chanyeol. "Ah, Chanyeol, I'll go ahead. The program's about to start. So... I'll see you guys around?"



Lumapit sakin si Chanyeol saka dahan-dahan na nilagay yung isa niyang kamay sa likod ko, sa may bandang bewang. "Sure." sabi niya. "We'll see you around."



Napalunok ako. OMG. Ito na ba? Ito na ba ang simula?













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top