kabanata 18




Marami akong nalaman tungkol kay Park Chanyeol sa mga ilang oras na magkasama kami. Tulad ng mga kwento niya sa buhay, big deal man o hindi. Gabi na nang bumalik kami sa daan pauwi at pakiramdam ko, mas naging malapit ako sakanya.



Ngayon, positive na positive na akong siya talaga ang ka-red string ko. Pero dahil hindi naman kami Hapon, never mind nalang.



Rinig na rinig ko na ang isa na namang kanta ng Girls Generation habang papalapit kami sa bahay. Nang itigil ni Chanyeol ang scooter sa may paanan ng hagdan, nagsisigawan sila sa loob pero hindi yung galit na sigawan. Parang naglalaro nanaman ata sila.



"Twerk it! Twerk it!"



Nagkatinginan kami ni Chanyeol. "Ano raw?" tanong ko sabay tanggal ng helmet at mask. Tinago naman niya ang mga ito sa may compartment ng scooter.



Nag-shrug lang siya. "Ewan." Kinuha niya yung kamay ko. "Let's see what's up."



Nang marating namin yung glass door, nakita namin yung pito na nakaupo sa carpet, naglalaro ng Spin the Bottle. Nakatayo ngayon si Jimin sa gitna habang inis na inis yung mukha. "Truth nalang! Ayoko na ng dare!" sigaw niya.



"Touch move na yun!" sigaw naman sakanya ni Suga. "Wala nang balikan."



"Sht." mura ni Jimin. "Bakit ba kasi twerk pa?!"



"Eh bat ka nagrereklamo?" inis na tanong naman ni Jungkook.



Base sa nakikita namin, mukhang okay na silang lahat. Napangiti naman ako at nang buksan ko yung glass door, sabay-sabay silang napatingin samin. Kung akala ko awkward na naman, mukhang mali ako.



"Eyyy!" masayang bati ni Jungkook. "How's your date?"



"Asan yung pasalubong namin?" tanong naman ni Jimin sabay taas ng isang kilay.



"Mag-twerk ka muna."



"Pusang gala kayo." inis na sabi ni Jimin. "FINE!" Sinimulan na niyang mag-twerk for thirty seconds at ibig sabihin ay thirty seconds din yun na puro tawa lang. Nang matapos na siya ay namumula siyang bumalik sa pwesto niya sa sahig.



"Isa pa! Isa pa!"



"TAMA NA, OKAY?!"



Paakyat na sana kami ni Chanyeol nang pigilan kami ni Jungkook. "Hey, Hyung." tawag niya at patakbong lumapit samin. "Nag-dinner na ba kayo? Nagluto si Jin, baka gusto niyo lang naman."



Umiling naman si Chanyeol. "Kumain na kami." sagot niya. "But anyway, thanks."



"That's good," tango naman ni Jungkook. "Actually, hinihintay namin kayo."



Napakunot noo ako. "Bakit? May problema ba?"



Napabuntong hininga si Jungkook. "Let's just... talk, can we?"



Napa-scoff naman si Chanyeol sa tabi ko. "And what? End up with another fight?" napa-iling siya. "No, thanks, Jeon." Hinila niya ako papunta sa hagdan pero hinawakan naman ni Jungkook yung kabilang kamay ko.



"No." giit niya. "I swear, mas maayos na tong usapan na to, Chanyeol-hyung. Sino bang may ayaw na ayusin na to once and for all, right?"



Dahan-dahan na napatingin sakin si Chanyeol. "What do you think?"



Ngumiti ako ng maliit. "I think it's a... good idea."



Naglakad kami pabalik sa living room at tumabi naman ako kina Taehyung at Chanyeol sa sahig. Hawak-hawak ni Hoseok yung ginamit nilang bote ng softdrink at medyo naka-pout siyang nakatingin lang sa carpet.



Tahimik ang lahat maliban sa ingay galing sa speakers. Pumunta si Jimin dito saka pinindot ang 'Off' button. Agad namang nabalot ng medyo awkward na katahimikan yung buong bahay. At para putulin ang katahimikan na to, nagsalita si Jungkook.



"Alam naman nating lahat ang nangyari sa bahay na to these past few weeks at yung iba, hindi maganda," simula niya. "Malapit na namang matapos ang spring break at soon enough, kelangan na nating bumalik sa mga sarili nating bahay."



Ngayon, medyo weird na ang pinakabata pa talaga sa grupo ang nagsasabi ng mga ito. Pero nang tignan ko sila isa-isa, tumatango-tango naman ang lahat. Pero teka, ano daw? Babalik na sila sa mga bahay nila?



Dahan-dahan kong nilingon si Chanyeol. "They're... leaving this house?" bulong ko para siya lang ang makarinig.



Inilapit naman niya yung labi niya sa tenga ko. "This is just a rest house," sagot niya. "Of course they have to come home eventually."



"P-pero..." hindi ako makapaniwala. "Maiiwan ako?"



Natawa si Chanyeol pero mahina lang. "Do you think I'll leave you alone?" Pinulupot niya yung isa niyang braso sa bewang ko at hinila ako palapit sakanya.



"I think," pagtutuloy ni Jungkook. "It's just right to hear everyone's side, right? For us not to be biased in any way."



Dahil doon, tumango-tango naman kami.



"Baekhyun," tawag ni Hoseok saka napabuntong hininga. "I'm really sorry for everything." malungkot niyang sabi. "Hindi ko naman sinadyang magustuhan ka. I mean, who wouldn't, right? Mabait ka, matalino, you even look too pretty for a guy. It's just... hard not to like you. I know even Chanyeol knows that."



Nang tignan ko si Chanyeol, nakakunot noo siya habang masama ang tingin kay Hoseok pero hindi naman siya tumanggi. Tumango nalang ako sa gawi ni Hoseok. "I understand," mahina kong sabi. "But I hope we could still be friends."



"Of course," nakangiti niyang sabi.



Nagtaas ng kilay si Taehyung. "Suga?"



Masama ang tingin ni Suga sa carpet. "I don't think I regret liking him," mahina niyang sabi. "Pero ano pa bang magagawa namin diba? Sila na ni Chanyeol." tapos napabuntong hininga siya at tumingin sakin. "Ayoko din namang mawala yung friendship, Baekhyun. So... don't worry. I would finally stop hitting on you."



"Me, too." mahinang sabi ni Jin. "Huwag ka nang ma-awkward na kasama ako sa kusina. I'll behave now, I promise."



"Just promise us, Chanyeol," biglang singit ni Namjoon. "And I mean the seven of us. Promise us you won't hurt him in any way you could think of. Since Baekhyun came here, para na siyang pamilya. So don't you dare make him cry or we'll make your life miserable."



Nagulat ako nang mapangiti si Chanyeol. "I swear," sagot niya. "I won't make him cry."



"That's a deal then," nakangiting tango ni Namjoon.



"FINALLY!" malakas na sabi ni Taehyung mula sa tabi ko. Niyakap niya ako bigla sa bewang. "It's great to finally have you back, Eomma." Hinalikan pa niya ako sa pisngi at yumakap ng mas mahigpit.



"He he he." awkward na sabi ko. "O-oo nga." At niyakap ko din naman siya pabalik.



"Um, guys?" biglang tawag ni Jungkook. Nakatingin siya sa glass wall sa likod ng television set. "Ako lang ba o ngayon lang yang apple tree sa tabi nitong bahay?"



Napakunot noo naman kaming lahat at sinundan yung tingin niya. At sa labas nga ng bahay ay ang isang sobrang gandang apple tree. Sobrang laki at may ilang maliliit na bunga, yung tipong hindi pa pwedeng kainin.



"San galing yan?" tanong ni Namjoon at pumunta para lapitan yung salamin. "Ngayon ko lang napansin yan ah."



"Ako rin," sagot ni Jin. "Para namang walang ganyan dati."



Well, kelangan ko ding mag-agree dahil never ko pa ngang napansin yan dati eh naglilinis naman ako sa labas kada umaga. Ano yun? Bigla nalang sumulpot? Parang ang weird naman ata nun.



"Baka hindi lang talaga natin napapansin," sabi naman ni Suga saka tumayo. "Akyat na ako, guys. Lubayan niyo na yang apple tree na yan. Nananahimik eh."



Pinanood ko naman si Suga paakyat sa kwarto niya. Yung iba naman, nagsimula na ding mag-ayos ng sala bago umakyat. Iniayos ko naman yung mga throw pillow at tinago yung boteng ginamit nila.



"You're still on day off," nakangiting pagpapa-alala ni Chanyeol saka umupo sa sofa. Tumabi naman ako sakanya at niyakap niya ako palapit. Sobrang bango niya parin kahit whole day kaming nasa labas. Sobrang... bango talaga.



Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya at saka din siya niyakap. Tinaas ko yung isa kong kilay. "And that means?"



Hinalikan niya ako sa noo. "You're work-free and you have to think about nothing but me." nakangisi niyang sagot.



"Okay," natatawa kong sabi. "What do you have in mind, Your Grace?"



"I don't want you away even just for a second," bulong niya. "Do you want to sleep together tonight?"



Natawa ako ulit. "That's... a long, long shot."



"I know," natatawa din niyang sabi. "Will you say 'yes'?"



Dahan-dahan naman akong umatras para tignan siya sa mukha. "In one condition," simula ko pero pinigilan na ako ni Chanyeol. Tinaas niya yung isa niyang daliri saka umiling-iling.



"I won't take advantage of your very, very innocent state, Your Highness." seryoso niyang sabi. "I won't do anything sexual in any way. Just pure cuddling. I swear to all my family's wealth and possession."



Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. "I trust you."



























Unang kita ko palang sa paligid, alam ko nang nasa isa akong lugar sa palasyo. Sa isang kwarto kung saan hindi kung sinu-sino lang ang nakakapasok.



"Salamin, salamin," tawag ng isang boses. "Siguro naman nabalitaan mo na ang nangyari?"



Isang babaeng naka-itim. Nakasuot siya ng mga mamahaling alahas at nadidisenyuhan ang kanyang buhok ng mga ginto at pilak. Nakatingin siya sa isang sobrang gandang salamin na nakasabit sa dingding.



"Mahal na Reyna, nalaman ko nga ang inyong ginawa." sagot ng isang boses mula sa salamin.



Natawa si Queen Belle. "Ngayon, makapangyarihang salamin, sabihin mo sakin, siya pa ba ang pinakamaganda sa buong kaharian? Siya pa ba ang pinakamarilag? Pinakamakapangyarihan? Ngayong pinapatay ko na siya?"



Naglabas ang reyna ng isang duguang panyo at pinakita sa salamin. Hindi ko makita kung anong meron doon sa salamin pero parang may naaaninag akong anino sa loob.



"Mahal na Reyna, ikaw ang pinakamagandang babaeng umangkin sa salamin na ito," simula ng boses mula sa salamin. "Ngunit si Byun Baekhyun parin ang pinakamarilag, pinakamaganda, at pinakamakapangyarihan sa buong kaharian."



"ANO?!" Hindi matago sa boses ni Queen Bella ang galit. "Paano?! Bakit?!"



"Marahil ay dahil hindi ka nagtagumpay, Mahal na Reyna." sagot ng salamin. "Marahil ay dahil... buhay pa siya."










Matapos nun ay puro putol-putol na pangyayari nalang ang nakita ko.



"Isang kagat lang mula sa mansanas na ito, Byun Baekhyun..." bulong ng isang boses. "Isa lang..."



May isang puno ng mansanas. Pulang-pula yung mga bunga. Sobrang ganda. Pero saan? Hindi ko makita kung saan.



"Sandali nalang... Konting panahon nalang..."



Yung salamin. May babae sa salamin.



"Kapag hindi ka nagtagumpay, may kapalit." sabi nito.



"Kapalit?" inis na sabi ni Queen Belle. "Anong kapalit?"



Ngumisi ang babae sa salamin. "Ikaw, Mahal na Reyna." bulong nito. "Ikaw ang kapalit."















"Mamamatay ka, Byun Baekhyun."




















Napagitla ako mula sa pagkakatulog.



Bumangon ako at agad na natanggal ang pagkakayakap ni Chanyeol sakin. Pinagpapawisan ako at sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko.



Ano ba yung napanaginipan ko? Bakit ganun?



At saka ano yung salamin? Si Queen Belle? Totoo ba lahat ng yun?



"Baek?"



Gulat akong napatingin kay Chanyeol na napa-upo na din habang inaantok pa. "C-chan..." Sobrang bilis na din ng paghinga ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko, parang andun talaga ako habang nangyayari lahat ng nasa panaginip ko. Parang totoo. Parang hindi lang panaginip ang lahat.



Pero salamin na nagsasalita?



Saka apple tree?



Baka napa-praning nanaman ako.



"Are you okay?" tanong niya at saka ako hinawakan sa pisngi. "You look so pale. What happened?" Pinunasan niya yung pawis ko at pinilit kong ngumiti ng maliit.



"Bad dream," bulong ko. "J-just a bad dream."



Huminga naman siya ng malalim. "Come on, let's go back to sleep."



Tumango ako at nang humiga ako ulit sa tabi niya, niyakap ko siya ng mas mahigpit.



Bad dream. Tama. Masamang panaginip lang yun.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top