kabanata 17




"Okay. Ganito nalang. How about we take turns?"



Tumango-tango naman ako saka umayos ng upo. Nakapwesto kami sa isang spot sa tabi ng lake kung saan maraming puno kaya hindi masyadong mainit. Sobrang konti lang ng tao at kung meron man, wala namang pakialam samin.



"I'll go first!" mabilis kong sabi sabay turo sa sarili ko.



"Okay, Your Highness." mapang-asar na sabi ni Chanyeol. "You go first."



"First impression."



"Because of the mask, I thought you're some hygiene-freak." Nakangiting sagot niya. "First impression?"



Napa-isip ako. "Um. Scary. You know, with this frown." At ginaya ko nga yung problemado niyang itsura noong una ko siyang nakita.



"Well that's weird. I don't get that adjective a lot." natawa siya. "I always get 'charming' and 'with a good sense of humor'." Nag-wink pa siya at parang proud na proud. Aba. Aba. Kung hindi lang totoo eh. Hmph.



Nginitian ko siya ng malaki. "Seems like I'm an exception, Your Grace." at nag-wink din ako para fair. "How about... weirdest story ever?"



Dito, natawa si Chanyeol. "I think it's when I tried to make out with a girl." sagot niya. "I mean, it was really weird... and indifferent. Wala akong maramdaman. It's more like pressing your cheeks together in greeting. Weird... really weird."



"So you did have a girlfriend." puna ko saka nagtaas ng isang kilay.



Well, ano nga bang inexpect ko? Hindi kami pareho ni Park Chanyeol. We grew up differently. Hindi siya kinulong sa bahay nila. Hindi siya naghomeschool at hindi siya napapalibutan ng mga taong gusto siyang panatilihing inosente buong buhay niya.



Ako yun. Hindi siya.



"I did," amin niya. "Senior high. And she was the first and last girlfriend ever." Tapos ay tinignan niya ako ng matagal. "How about you? Wierdest story ever?"



"You know my weirdest story ever," bulong ko. "Lahat ng ginawa sakin ni Queen Belle, weird."



Tumawa si Chanyeol. "Right. Ito nalang, unforgettable junior high experience." Kumuha siya ng chips at binuksan yun. Napa-isip ako ng matagal at tinaas ni Chanyeol ang dalawang kilay. Mukhang manonood pa siya ng sine habang naghihintay ng sagot. Eh teka naman daw kasi medyo matagal na ang junior high at---



"AHA!" malakas kong sabi. "Noong pinahiya ako ng classmate ko sa harapan ng buong klase. All because I won't let him borrow my pencil." Naiinis parin ako basta naaalala yung araw na yun. Kung talagang makikita ko lang yun ngayon, isusubsob ko siya sa putikan.



"What did he do?" tanong ni Chanyeol. "Naaalala mo pa kung sino siya?"



"Hm-hm." tango ko. "Kim Jongdae! Ultimate bully sa room namin dati. Alam mo bang ginawa niya? He stood up at the center of the room, yelling to everyone how ugly and skinny I was. Sabi pa niya, no one would ever like me because I will never be anyone's type."



Medyo nanlaki naman yung mga mata ni Chanyeol sa sinabi ko. "He really said that?" hindi makapaniwalang tanong niya. "That's... that's... What? Sinabi niya talaga yun?" Natawa pa ako kasi hindi talaga siya makapaniwala.



"He did." pagkukumpirma ko naman. "But... I was really skinny then. And I don't have a really pretty face."



Umiling-iling si Chanyeol. "That's definitely not true," angal niya. "Which leads me to my next question. God, Byun Baekhyun, why are you so gorgeous?"



Pero natawa lang ako. "Before I answer that... I'll tell you something."



"What?"



"After our first meeting, pumunta ako sa closet at tinitigan ang sarili ko sa salamin," simula ko. "I was staring too long, I think, because I started to feel cold."



Napakunot noo si Chanyeol. "Cold?" Tapos ay napasinghap siya. "Don't tell me you were naked?!"



Inirapan ko siya. "So, moving on---"



"I can't believe I wasn't that mirror!"



Pinalo siya ng malakas sa braso. Ano bang big deal sa paghuhubad sa harapan ng sarili kong salamin, sa loob ng sarili kong closet, sa sarili kong kwarto? Ano bang problema neto? "Moving on..." tinignan ko siya ng masama. "After a while, I realized one thing. Mother's wishes somehow came true."



Na-curious siya ulit. "What wishes?" tanong niya.



Umiwas ako ng tingin. "Matagal na noong kinuwento ni Papa pero never ko talagang makakalimutan." napangiti ako ng maliit habang inaalala yung mini-fairytale na yun. "My mother was eight months pregnant of me when she pricked her finger whilst knitting my first ever baby blanket. It was snowing and knitting was Mother's hobby.



"So when she saw her blood drop on the blanket, she wished for nothing but three things for her baby." Napabuntong hininga ako at napatingin sa kamay ko. "She wanted my hair to be as black as hers, my skin to be as white as snow, my lips and cheeks as red as blood..."



Sabi nila sobrang ganda daw ng dating Mahal na Reyna. Maraming nagsasabi na kamukha ko siya, na pareho din kami ng ugali. At kada makikita ko ang napakalaki niyang portrait sa throne room, gusto kong maniwala na totoo lahat ng yun... that somehow, I got a piece of her in me.



Hindi joke na hindi mo kilala ang sarili mong nanay. Kahit kelan, hindi magiging joke yun.



Dahan-dahan na inabot ni Chanyeol yung kamay ko saka hinalikan yun. "That was a lovely combination." mahina niyang sabi. "But promise me you won't intentionally prick your finger for a big wish."



Napasimangot ako. "Actually... I wanted to try that ever since."



Ngumiti naman si Chanyeol saka tinignan ako ng maigi. "I'll give you everything you want," bulong niya. "Everything, Baek. And... You don't have to prick your finger." Binigyan pa niya ako ng nakakalokong tingin at napa-eyeroll lang ako. Dapat hindi niya makitang kinikilig ako sa mga sinasabi niya.



Hay. Ganito ba ang feeling ng mainlove? Ng mahalin ka din pabalik?



Sobrang... kakaiba. Minsan, walang sense. Pero siguro nga, wala talagang sense ang love. Siguro weird talaga ang love at walang kahit na sino ang makakapag-explain nito sa pinaka-perfect na paraan.



And I think, that's what makes it a really beautiful thing.



"My turn." singit ni Chanyeol sa pagmumuni-muni ko.



Tinignan ko siya ng masama. "Go ahead."



"Did you ever try to like girls?"



Napa-isip nanaman ako sa sinabi niya. Sinubukan ko nga ba? Minsan ba, sinubukan kong magka-crush sa mga babaeng kaibigan ko? Sinubukan ko bang maging straight?



"Nope," sagot ko habang umiiling-iling. "Kasi alam ko naman kung ano talaga ako ever since. I had my first crush when I was in third grade and it wasn't with a girl. At first, naguluhan ako sa sarili ko... and then I told Amber and she said, 'Bro, we're not freaks. We're dead awesome.' I know hindi ganun ka-helpful pero... I'm not straight. I like guys. I like you."



Napakunot noo si Chanyeol habang umiiling tapos ay napatingin siya sa labi kong natatakpan ng mask. "And why did I find such confession so sexy?" bulong niya at napalunok ako. Dahan-dahan siyang lumapit siya sakin at bago pa ako makapag-react, hinila niya pababa yung suot kong mask at hinalikan ako sa labi.



Akala ko noong una, mabilis lang. Pero nanlaki yung mga mata ko nang sinandal niya ako sa malaking punong nasa likod ko lang. Napapikit nalang ako nang halikan niya ako at nang halikan ko din siya pabalik. Sobrang bagal ng paggalaw ng labi niya na para bang natatakot siyang masaktan ako. Pero nang hinigpitan ko yung hawak ko sa buhok niya, mas lumalim yung mga halik ni Chanyeol.



"W-wait!" hingal kong sabi saka siya tinulak ng mahina, sapat lang para magkahiwalay yung mga labi namin. Napatingin ako sa paligid. "N-nasa park tayo, Chanyeol. Hello?"



Natawa siya. "Right," sabi niya at umatras. "Sorry."



Napahawak naman ako sa labi ko at sa pisngi kong sobrang pula na. "S-sorry din," bulong ko. "I urged you to deepen the... kiss." Medyo nahihiya pa akong umiwas ng tingin pero natatawa lang naman si Chanyeol. Ha. Ha. Ha. Ano naman kayang funny doon? Psh.



"Baby, I like you more than that much," Inabot niya yung mukha ko saka inayos yung suot kong mask. "But I think we'll save the hungry kisses for next time."



Tumango-tango naman ako. Next time daw. Kelan naman kaya yung next time? Hehehe.



Aish. Saka na nga yan! Turn ko na pala.



"Chanyeol..." simula ko. Kanina ko pa kasi to gustong tanungin sakanya. Hindi naman itong exact na tanong, medyo papunta lang doon. "What's your ultimate dream in life?"



Okay. Alam kong medyo beauty pageant ang type pero wala na akong maisip na tanong na pwedeng papunta talaga sa tanong na gusto ko. Ito nalang. No choice na.



"Ultimate dream?" bulong niya habang nakakunot noo. "Well, I've always dreamed of following my father's steps. You know, serving the country with the Royal Family, of course. I want to be like Dad in so many ways."



So gusto niyang maging isang public servant. Gusto niya kung ano yung ginagawa niya ngayon. Ugh. Bakit pa magkaiba kami sa bagay na to? Bakit ba napaka-manly niya? Bakit ba hindi ako maging ganito din?



Napatingin sakin si Chanyeol. "How about you, love?"



Tinignan ko yung mga kamay ko. Siguro dahil medyo nakakahiya na galing sa isang future king ang sagot na to. "I... I don't want to be king," bulong ko. "I want to travel the world with the one I love. I... I want to get married."



Pareho kaming tahimik after nun.



Ano nga bang masasabi ng isang future Duke matapos marinig mula sa isang heir na ayaw pala nitong maging Your Royal Majesty? Disappointed ba siya? Natatakot para sa future ng SoKor? Super turn off ba yun para sakanya? Makikipaghiwalay na ba siya?



"I want to have kids," biglang sabi ni Chanyeol at gulat akong napatingin sakanya.



Napalunok ako sa gulat. Teka mali ata yung rinig ko. "C-chanyeol---"



"I also want to have kids, of course," nakangiti niyang sabi. "You didn't mention anything about kids so maybe you don't want to---"



"I do!" mabilis kong sagot. "I... I thought you're not the marrying type..." hindi makapaniwalang sabi ko. Kasi malay ko bang isang relationship lang ako para sakanya. Isang relationship na pwedeng matapos kahit kelan.



Natawa si Chanyeol ng mahina saka dahan-dahan na kinuha yung kamay ko. Hinila niya ako palapit sakanya saka ako niyakap sa bewang. "I want to be like Dad in so many ways," bulong niya saka pinatong ang ulo niya sa balikat ko. "And getting married and having a family is one of those ways, Your Highness."



At nang sabihin niya yun, alam ko agad na meron ngang something dito--- sa kung ano ang meron kami. Hindi ito fling or mutual understanding. Hindi ito something na may expiration date.



There are endless possibilities.



Pero isang posibilidad lang ang gusto ko. At sana, yun din ang gusto niya.



"Your turn." bulong ni Chanyeol.



Tinagilid ko yung ulo ko at naramdaman yung labi niya sa pisngi ko. "First real love."



"You." sagot niya agad. "First... and last."



Napangiti ako. Mukhang... pareho nga kami ng gustong tipo ng possibility.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top