kabanata 16





Nakahawak lang ako ng mahigpit kay Chanyeol hanggang sa narating namin ang national road. Kumpara sa Seoul, wala masyadong malalaking gusali sa lugar na to. Para kaming nasa mga maliliit na villages sa probinsya.



Tatanungin ko na sana kay Chanyeol yung asan talaga kami pero nagdalawang isip ako. Parang ayokong malaman kung gaano ako kalapit sa dati kong buhay, sa kapatid ko, sa mga kaibigan ko. Mas mahirap silang isantabi kung ganun.



"Doing okay?" tanong ni Chanyeol saka nilingon ako ng mabilis.



"Yeah," sagot ko. "This is my first time riding a scooter so..."



Natawa siya. "Let's make this day awesome."



Sus. Eh siya palang, more than awesome na yung araw ko. Pero tumango-tango naman ako habang nakangiti. Kahit hindi naman niya nakikita yung ngiti ko kasi nga suot ko yung face mask na bigay niya.



Napatingin ako sa paligid. Puro puno lang at maliliit na bahay at shops ang nakikita ko. Mukhang medyo malayo nga kami sa cities. Kung sabagay, bat ka nga naman magpapatayo ng rest house malapit sa city diba?



"Um, Chanyeol?"



"Hm?"



"Pwedeng humingi ng favor?"



Ngumiti naman siya. "Baek, you could basically ask me anything."



"Pwede bang huwag mong sabihin kung---" Pero napatigil ako nang may madaanan kaming elementary school. Napakunot noo ako kasi hindi ko alam yung lugar. Ni hindi ko pa natandaan dahil mabilis kaming nakalampas. OMG. Nasan ba talaga ako?



"Baek?" tawag ni Chanyeol. "You okay?"



"I... I was about to ask you not to tell me where I am." sabi ko naman. "Pero mukhang... hindi ko na kailangan yun kasi... hindi ko talaga alam kung asan ako."



"Let's just say..." simula ni Chanyeol nang lampasan namin ang isang truck na may kargang mga sako ng bigas. "Nasa isa tayong province kung saan, walang paparazzis na hahabol sa atin at walang Queen Belle na papatay sayo. Would that be fine with you?"



Natawa naman ako sa sinabi niya. "Great. Just... great."



"We're a few kilometers from the city of Busan." explain ni Chanyeol. "That's probably more than three hundred kilometers from Seoul. Okay na ba sayo ang ganun kalayo?" Nang tignan ko siya mula sa side mirror ng scooter, nakangiti pa siya ng mapang-asar.



"I just told you NOT to tell me kung asan tayo!"



"Right," tawa niya. "Sorry, love."



Inirapan ko siya saka napasimangot. Ngayon, iisipin ko nang isang bullet train lang ako mula sa Seoul. Nakakainis naman tong Park Chanyeol na to. Gustong-gusto ata na nag-aalala ako. At dahil nakakainis talaga siya, pinalo ko siya sa likod. Yung malakas talaga.



"OW!" daing niya. "What---"



"Don't mention places!" sabi ko. "Just... don't."



"Okay, okay." tango naman niya. Mas bumilis yung takbo namin dahil wala masyadong sasakyan sa paligid. May mga buses at mukhang puro estudyante ang laman at mga empleyadong papasok sa trabaho. Malamang, isang weekday ngayon.



Biglang napagitla si Chanyeol at napasinghap ako sa gulat.



"Oh, now I remember what I'm about to tell you," sabi niya. "Since we're going on a date, most probably, marami tayong makikitang tao. At para hindi ka nila makilala o mapansin, mind me giving you a nickname?"



Napa-shrug lang naman ako. "As long as it's not 'Bacon', it'll be fine." At dahil doon, naalala ko tuloy si Manang Beng-beng. Nakakamiss tuloy yung 'Baby Bacon' niya. HUHUHU.



Ngumisi si Chanyeol. "That's my first idea, actually." amin niya at tinignan ko siya ng masama. "But since ayaw mo, how about 'Bacon Bun'?"



"Mukha ba akong pagkain, Park Chanyeol?" tanong ko naman pabalik.



"But it's cute!" depensa niya habang natatawa. Mukhang nag-eenjoy siya dito ah. "Okay, how about 'Baby Smurf'?"



Tinignan ko yung kutis ko. "Not blue." saka ko siya pinanliitan ng mata. "And I'm not that small!"



" 'Puppy'?"



"Hm. Hm. Not a chance."



" 'Winkie?"



"God, Chanyeol. Where did you get that?"



" 'Sweetums'?"



Umiling ako.



" 'Sugar'?"



"Gah. Please, Yeol."



"But your lips are sweet."



Pinigilan kong ngumiti. "Yours, too."



"Thanks, baby." nakangiting sabi niya. "Um... How about the fish, 'Nemo'?"



"Weird. And nope."



"This: 'Hun Bun'."



"Baby, you're giving me endearments, aren't you?" hula ko. "You can call me anything you want but not today. Baka isipin ng mga tao isa kang pyscho."



"Cute naman ah," natatawa niyang sabi. "I also think 'Baby Doll' would fit you." Natawa siya ulit kaya wala akong ginawa kundi tignan siya ng masama. Pinagloloko ata ako neto eh.



Kinurot ko siya sa tagiliran. "Try something... simpler."



"Actually, I already thought of one." sagot naman niya. "And don't you dare say 'no' to this."



Tinaas ko yung isa kong kilay. "Then let me hear."



" 'Baby B'."



"Drop the 'baby' and we'll be fine." sabi ko naman.



Napa-pout si Chanyeol. "You're basically someone I would love to take care and look out for so... I wouldn't want to drop the 'baby', baby. But... okay, if that's what you want." Tapos ay ngumiti siya habang tumatango-tango.



Hindi ko talaga ma-imagine na tawagin niya akong 'Baby B' sa public. Buti sana kung kaming dalawa lang. Jusko. Kahit ano pang endearment yan, okay lang. Nakangiti parin siya ng malaki hanggang sa tumigil kami sa harapan ng isang branch ng 7/11.



"Hey, B."



"Hm?"



Tumawa siya. "Nothing. The nickname works." Nag-wink pa siya. Naramdaman ko naman yung pag-init ng mukha ko. Lechugas talaga, Park Chanyeol. Napaka-effortless mo. Hindi tuloy matanggal sa isip ko na maraming beses na niya tong nagawa, yung pagkakaroon ng boyfriend, pakikipag-date, effortless na pagpapakilig.



Paano kung isa lang ako sa mga relationships niyang hindi naman magtatagal?



Gusto kong magpakasal. Gusto kong mag-settle down. Gusto kong magkaroon ng pamilya. Ganun din kaya siya? Pareho kaya kami ng plano sa buhay?



Tinulungan ako ni Chanyeol pababa nung scooter at siya na din ang nagtanggal nung helmet ko. Tinago niya sa isang compartment sa likod nung scooter yung dalawang puting helmet at pakiramdam ko, sobrang exposed ko na ulit.



Napalunok ako sa kaba. "Tell me everything's going to be smooth and fine," mahina kong sabi habang inaayos yung suot kong face mask. May mga ilang tao sa loob ng store at may mini wet market pa sa tabi. Ang daming strangers. Jusko po.



Hinawakan ni Chanyeol yung isa kong kamay saka inayos yung buhok ko. "Everything will be fine," bulong niya. "I'll keep you safe."



At nang sabihin niya yun, nawala lahat ng takot ko sa lahat ng pwedeng mangyari. Andito siya. Ano pa bang hahanapin ko?



Pumasok kami sa 7/11 store na yun at nag-'Good morning! 7/11 everyday!' naman samin sina Manong Guard at yung dalawang babaeng cashier.



May matandang couple ang nakatayo sa harapan ng isang ref, tumitingin ng inumin. Isang nerdy type na lalakeng naka-upo mag-isa sa isang booth, kumakain ng burger. Tatlong babae na mukhang galing sa party, nasa isang booth din, kumakain at nagtatawanan. May ilan ding nakapila sa harapan ng lalakeng cashier na mukhang wala pang tulog.



Pero kapag pumasok ang isang red-haired Park Chanyeol sa isang maliit na 7/11 branch na yun, sino ba ang hindi mapapatingin? If I know, sikat din siya dahil nga galing siya sa isang well-known na pamilya. After one second na andun kami sa loob, kami na agad ang center of attention.



Dumiretso kami ni Chanyeol sa tabi ng matandang couple. "So, B, what do you want?" tanong niya sakin. "Ah, wait." sabi niya at bumalik sa entrance para kumuha ng basket. Pinapanood siya ng dalawang babaeng cashier at yung tatlong babae sa may booth.



"Boyfriend mo?" tanong bigla nung matandang babae sa tabi ko. Tumingin siya kay Chanyeol na kasalukuyang tumigil sa harapan ng isang shelf para tumingin ng tinapay.



Napagitla naman akong tumingin sakanya. "A-ah... Opo." mahina kong sagot.



"Taga dito ka ba, iho?" tanong niya. "Ngayon lang kasi kami nakakita ng isang royalty sa lugar na ito. Anak siya ng isang duke, diba?"



Napakunot noo ako. Pero matandang babae nga pala ang kausap ko. Paniguradong aware sila sa mga taong namumuno sa bansa. Mga elderly people ang experts pagdating sa politics.



"A-ah... Hindi po." sagot ko naman. "Napadaan lang kami."



Nang bumalik si Chanyeol sa tabi ko, meron na siyang dalang sliced bread. Tumingin siya sa ref sa harapan namin at nakatitig naman sakanya ng maigi yung matandang babae pati na yung asawa niya. Mukhang kilala nga si Chanyeol. Kailangan na din niyang mag-face mask kung ayaw niyang dumugin.



"Mango or four seasons?" tanong niya.



Binalik ko nalang yung tingin ko sa ref, pilit na ini-ignore lahat ng taong nakatingin samin. "Mango." sagot ko. "Kumuha na din tayo ng tubig para sure."



Tumango-tango naman si Chanyeol at saka binuksan yung ref. Kumuha siya ng dalawang tetra pack ng mango juice at dalawang one liter bottles ng tubig. Inikot pa namin lahat ng shelfs sa convenience store na yun at kumuha ng ibang snacks para sa kung ano man ang balak ni Chanyeol ngayong araw.



Habang pumipila kami sa cashier, hindi ko na napigilang magtanong. "Are we going on a picnic date?" mahina kong tanong sakanya.



Napangiti naman si Chanyeol saka pinulupot ang isang braso sa bewang ko. Yumuko siya para bumulong. "If that's what you want to call it," Hinalikan pa niya yung pisngi ko bago umatras. "There's this place I really want to visit ever since I heard Jimin's staying here during breaks."



Kumunot yung noo ko. "Hindi ka pa nakakapunta doon?"



"Nah. We just drove pass it once." sagot naman niya. "I want my first visit there to be really special." Tapos ay nakangiti siyang tumingin sakin. "Now, I just found the perfect type of 'special'."



"Yeah. Right." nakangiting tango ko.



Nang marating namin yung cashier at na-punch na lahat ng kinuha namin, nagbayad na agad si Chanyeol at hindi na hinintay yung sukli. Lumabas na kami mula sa 7/11 store na yun at nang akala kong aalis na kami, hinila ako ni Chanyeol papunta sa wet market.



Mabilis kaming bumili ng ilang prutas at isang maliit na picnic basket.



"Picnic date nga," natatawa kong sabi habang nilalagay ni Chanyeol lahat ng binili namin sa compartment ng scooter.



"I'll tell you what," simula ni Chanyeol nang ilagay niya yung helmet ko. "I am planning to spend the day talking about you and me... about us."



Tumango-tango naman ako. "Nice plan, Mr. Chanyeol."



Sumakay siya sa scooter at agad naman akong sumunod.



"I want to start with small things..." simula niya. "Like where did you get such a breathtaking face?"



"Or where did you get the prince charming attitude?" tanong ko naman.



Bumalik na kami sa daan at pinabilis ni Chanyeol ang takbo nung scooter. "I'll be honest now, Your Highness, I've never been like this with anyone." sagot niya. "I tried to like girls before. I really tried. Pero mukhang... I was never meant to be with anyone but you."



"Sshh." nakangiti kong pagpipigil sakanya. "Save the stories for later."



Maya-maya pa, natatanaw ko na ang isang eco-park. Pumunta kami sa parking space at tinabi ni Chanyeol yung scooter sa isang mini-van. May lima pang sasakyan ang andun at mula sa pwesto namin, natatanaw ko na yung mga maliliit na cottages sa loob ng park. May lake kung saan may mga batang lumalangoy.



"Konti lang kasi ang pumupunta dito kapag weekdays," explain ni Chanyeol habang tinatanggal yung helmet ko. Binuksan niya yung compartment sa likod ng scooter at matapos kunin lahat ng binili namin kanina, tinago niya ulit doon yung dalawang helmet. "And since I can't take you to fine dinings so that we could talk, I think a picnic would do."



Isa na namang first time. Ilang first time pa ba ang maibibigay ko kay Park Chanyeol?



Kinuha niya yung kamay ko at hinawakan yun ng mahigpit. "Let's go, Byun Baekhyun," mahina niyang sabi. "Let your boyfriend make this Wednesday really, really special."









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top