kabanata 15
Gumulong ako palayo kay Park Chanyeol at muntik na akong nahulog mula sa kama kung hindi lang niya hinila yung kamay ko pabalik. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kulay red niyang buhok at sa mahigpit na pagkakahawak niya sakin.
Dahan-dahan kong inabot yung kamay niya. Oh. My. God. Totoo nga siya. Confirmed.
Ngumisi siya. "You really think this is a dream?"
"A-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sakanya. "I-I mean... this is your room..." Napatigil ako. Ah. Oo nga pala. Kwarto niya ito, Byun Baekhyun. SIYA dapat ang nagtatanong sayo niyan.
Natawa si Chanyeol. "Kadarating ko lang," sabi niya. "So... what's with my room?" Andiyan parin yung ngisi niya at wala akong nagawa kundi umiwas ng tingin. Red hair + smirk = feels na mahirap i-contain.
"I'm sorry..." mabilis kong sabi saka yumuko. "I didn't mean to sleep here. Sobrang..." Napatigil ako. Sasabihin ko ba sakanya lahat? Ayoko namang mag-away-away sila dito. Kaya umiling nalang ako at ngumiti sakanya.
Pero nawala agad yung ngiti sa mukha ni Chanyeol. "You've been crying," mahina niyang puna at saka ko lang narealize na namumugto pa pala yung mga mata ko at feeling ko, puno pa yung ilong ko ng uhog. Walang hiya naman.
Dahan-dahan akong umupo saka napahawak sa pisngi ko. "I'm fine," sabi ko. "Maybe, I just miss home this much."
Napabuntong hininga naman si Chanyeol saka umupo din sa harapan ko. Mukha siyang pagod at walang tulog at agad akong nakaramdam ng guilt. Ano bang ginagawa ko dito? Bakit ko siya ginagambala ng ganito? Napatingin ako sa may orasan. 6 am palang ng umaga.
"I better let you sleep," pagpapa-alam ko pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ulit yung kamay ko at hindi yun binitawan.
"You know, Byun Baekhyun," simula niya at saka inabot yung mukha ko. "When you lie, your cheeks flush into a certain shade of red... Like this." Ngumiti siya ng maliit saka hinaplos yung mukha ko. "What happened?"
Kinagat ko yung ibabang labi ko saka umiwas ng tingin. "S-sorry..." bulong ko. "S-sorry... I don't want to lie," at nang sabihin ko yun, naramdaman ko nanaman yung pamumuo ng luha sa mga mata ko. Naalala ko nanaman lahat ng nangyari kagabi. Naalala ko nanaman lahat ng sinabi nila.
Niyakap ako ni Chanyeol at alam kong yun lang ang pinaka-kailangan ko nang mga oras na yun. Ayokong malaman niya yung nangyari kagabi kaya iniyak ko nalang lahat. Homesickness. Dread. Lost.
"What did they do to you?" biglang tanong ni Chanyeol at bakas ang inis sa boses niya. Hinaplos niya yung likod ko at niyakap ako ng mas mahigpit.
Umiling ako. "I'm fine..." bulong ko.
"Baek..." puno ng pag-aalala yung boses niya.
"You're here." mahina kong sabi. "I'm fine now."
Hinayaan ko na muna si Chanyeol na magpahinga o matulog kung gusto niya. Dahil hindi naman cleaning day ngayon, dumiretso na muna ako sa kwarto ko para sana maligo pero napatigil ako nang makita si Taehyung na nakatayo sa harapan ng pinto.
Iniangat niya yung kamay niya at akmang kakatok na sana. Pero binaba niya ulit. Inangat niya ulit. Tapos ibababa nanaman. Ilang beses lang siyang ganun hanggang sa napa-iling nalang ako at naglakad papunta sakanya.
"HOY!"
"HOY!" sigaw niya at gulat na tumingin sakin. Nanlalaki yung mga mata niya sa takot at nakahawak pa sa dibdib niya. Huminga siya ng malalim habang inis na nakatingin sakin. "A-anong ginagawa mo diyan?!" hingal na tanong niya.
"Ikaw, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko pabalik.
Napatingin si Taehyung sa pinto sa likod niya. "T-teka... This is your room..." napa-iling siya. "Saan ka natulog?"
Napa-shrug lang ako bilang sagot. "What are you doing here?"
Unti-unting nawala yung gulat sa mukha ni Taehyung at napalitan yun ng lungkot. "I... I don't want you gone, Hyung." bulong niya sabay iwas ng tingin. "You're family."
"Hm. You're not calling me 'Eomma' anymore?"
Napa-pout naman siya. "Pakiramdam ko kasi, isa din ako sa mga dahilan kung bakit... nangyari yun." mahina niyang sabi. "I'm sorry kasi pinapahirapan ka lang namin."
"Ano ka ba?" natatawang sabi ko. "Hindi ako pinapahirapan ng 'Eomma' thing na yun, okay? Please don't blame yourself."
Nang walang anu-ano'y bigla akong niyakap ni Taehyung. "Please don't leave," bulong niya. "Please don't leave us."
Niyakap ko naman siya pabalik. Eh hindi naman kasi ako galit sakanila. Medyo disappointed lang siguro dahil sa nangyari pero hindi naman galit. Pero syempre, hindi ko na alam kung paano kakausapin yung apat pagkatapos ng nangyari. Lalo na't andito na din si Chanyeol.
"I won't leave." sabi ko at nakangiting kumalas si Taehyung sa yakap na yun. "I promise. I won't."
"Thanks." nakangiti niyang sabi. "I really need that."
Mga isang oras din ako sa kwarto. Nang bumaba ako, tahimik yung buong bahay. Walang nanonood ng TV or naglalaro ng video games. Wala ding mga Girls Generation music na tumutugtog sa mamahalin nilang speakers.
Dumiretso ako sa kusina para makita yung walo na nakaupo sa paligid ng dining table. May hawak silang tig-iisang mug ng kape pero walang nagsasalita. Lahat nakatingin sa mesa o di naman kaya sa labas.
Napatigil ako sa may door frame, medyo takot na lumapit. Sobrang bigat ng atmosphere at hindi manlang nila ako napansin.
"Baekhyun's taking the day off," mariin na sabi ni Chanyeol. "I'm staying here for god-knows-how-long and I'm not leaving until you all fcking swear to keep your hands off him."
Walang nagsalita ng ilang segundo. Ni hindi sila makatingin kay Chanyeol.
"I can't believe you guys," mahina pero galit na tuloy ni Yeol. "Kelan pa, ha? You bastards, tell me, kelan pa?"
Galit na tumingin si Namjoon kay Chanyeol. "You don't tell us what to feel." inis na sabi niya. "You left him with us."
"Oh yeah?" napangisi si Chanyeol. "Does that mean you could hit on him?"
Napa-scoff si Suga saka sumandal sa upuan niya. "Man, you're not even a couple." mapang-asar na sabi niya. "Bakit mo siya binabakuran?"
"Guys, stop." singit ni Jimin at napahawak siya sa noo niya. "Pwede ba, we're not here to fight. We're here to talk. Calmly."
Pero umiling si Chanyeol at tumayo. "Byun Baekhyun is mine," mariin niyang sabi saka tinignan yung pito isa-isa. "No one's stealing him from me. I trusted you, guys!"
Napatayo din sina Jin at Hoseok at nang ginawa nila yun, tumayo na din yung iba.
"Guys please!" malakas na sabi ni Taehyung habang naka-angat yung dalawang kamay. "Please, huwag kayong mag-away dito."
Nang nakita kong lumapit si Hoseok kay Chanyeol, mabilis akong naglakad papunta sakanila. Si Jungkook ang unang nakapansin sakin at nanlaki yung mga mata niya. "H-hyung..."
Sabay-sabay silang napatingin sakin pero si Chanyeol ang unang lumapit. "Baek," simula niya. "I thought you were taking a rest." Hinawakan niya yung braso ko at ngumiti naman ako ng maliit.
"Baekhyun," naglakad si Hoseok palapit pero agad siyang nilingon ni Chanyeol. Inilagay niya ako sa likod niya na para bang bawal pa akong makita nung iba.
At ang totoo niyan, hindi pa nga ako handang makipag-usap kina Hoseok. Simula nang malaman kong gusto nila ako, ni hindi ko na alam kung paano sila titignan ng maayos. Yung hindi awkward. Yung hindi mahirap sa pakiramdam.
"He's. Taking. The. Day. Off." sabi ni Chanyeol.
Hindi siya pinansin ni Hoseok. "Baekhyun, we're really, really sorry about what happened," mahina niyang sabi. "I hope you could forgive us."
Hinawakan ko naman yung braso ni Chanyeol at dahan-dahan na sumilip mula sa likod niya. Nakatingin silang lahat sakin habang mga malungkot sa expression sa mga mukha.
Inuulit ko, hindi naman ako galit sakanila. Hindi talaga. Hindi ko lang inexpect na kaya nilang masabi lahat ng iyon. Masakit din kaya.
Napalunok ako. "C-can I..." mahina kong sabi. "Can I take the day off?"
Nagtinginan naman silang pito.
"Of course," sagot ni Jungkook saka nagbigay ng malungkot na ngiti. "You're free to take the day off."
Tumango naman ako at naramdaman ko yung paghawak ni Chanyeol sa kamay ko.
"Where are you taking him?" nakakunot noong tanong ni Jin kay Chanyeol. "You know it's not safe for him to go outside."
Ngumisi si Chanyeol, yung medyo mapang-asar. "You know what? He's safer with me," sagot niya. "I'll take care of him."
At nang masabi niya yun, hinila niya ako palabas ng kusina at papunta sa isang pinto sa tabi ng banyo. Noong una, akala ko storage room yun, pero nang maglabas si Chanyeol ng susi mula sa bulsa niya, napakunot noo ako.
"Anong meron diyan?" tanong ko.
Tumingin sakin si Chanyeol saka ngumiti. "Basement," sagot niya. "Here are the stairs." At nang buksan niya yung pinto, isang madilim na hallway ang sumalubong samin. Binuksan ni Chanyeol yung ilaw at saka ko lang nakita yung hagdan pababa.
Hinawakan ulit ni Chanyeol yung kamay ko at sabay kaming bumaba.
Sobrang lawak pala talaga nung basement. Ni hindi ko ma-absorb lahat ng meron sa ilalim ng bahay nila. Merong mga vintage cars, big bikes, iba't ibang size ng boxes at hindi ko alam kung anong laman ng mga yun.
Puno din ng shelves ang paligid at para kaming nasa isang maze, hindi mo makikita kung saan ka hahantong. Ngayon alam ko na kung bakit nawala si Manang Toyang dito. Pero ang liwanag at para ka lang nasa department store ng isang mall. Hindi talaga mukhang basement.
"Where are we going?" tanong ko at hinawakan ko yung kamay ni Chanyeol na nakahawak sakin. Hindi ko kakayanin kung mawawala ako dito.
"Here," sagot niya at naglakad pa kami palayo sa hagdan. Tumitingin lang ako paligid baka sakaling ma-memorize ko kung saan kami galing pero wala. Parang pare-pareho lang. Paano nalaman ni Chanyeol yung daan? Amazing.
Maya-maya pa, tumigil kami sa harapan ng isang bagay na nakatakip ng itim na tela. Nakakunot noo akong tumingin kay Chanyeol at sa likod niya, may isang pataas na ramp. Parang daanan ng sasakyan diretso sa labas ng bahay. Nasasarhan yun ng parang bakal na pinto.
May kinuha si Chanyeol sa bulsa niya. "I've always wanted to take you out," Hawak niya ang isang itim na face mask. "So, I always bring something like this. Just in case." Inabot naman niya yung mukha ko at hinayaan kong ilagay niya yun sakin.
Binaba ko yung mask para ngumiti sakanya. "Thank you."
Hinapit ni Chanyeol yung bewang ko palapit sakanya saka ako hinalikan sa noo. "I hope this day would be worth that little outburst from me," nakangiting bulong niya.
Dahan-dahan ko siyang hinawakan sa pisngi. "I'm sorry if I didn't tell you everything earlier," bulong ko. "Ayoko lang na magalit ka. Jungkook said you'll 'kill' them if you knew."
Natawa siya ng mahina at nararamdaman ko parin yung labi niya sa noo ko. "Well, they tried to take you away from me," sabi niya. "I could basically do that."
Umiling naman ako habang natatawa din. "That's a lie."
"Want me to try?" bulong niya.
Inangat ko yung tingin ko para tignan si Chanyeol sa mata. Sobrang lapit ng mukha niya at nakatingin din siya sakin ng maigi. Hindi ko alam kung paano pa hihilain yung sarili ko pataas matapos kong mahulog para sakanya. Sobra ko siyang gusto... sobra ko siyang mahal. Pakiramdam ko, hindi pa ako nagmahal ng ganito kahit kelan.
Hinalikan ako ni Chanyeol sa pisngi. "Mahal kita, Byun Baekhyun." mahina niyang sabi. "And I would die seeing you go."
Ngayon lang niya sinabing mahal niya ako. Ngayon lang.
At hindi ko inakalang ganito ang mararamdaman ko.
Naramdaman ko ang pumumuo ng luha sa mga mata ko. "Mahal din kita." bulong ko. At nang umatras si Chanyeol para tumingin sakin, hinawakan ko yung mukha niya at dahan-dahan siyang hinalikan sa labi.
Hinalikan ko siya at ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Medyo nagulat siya noong una, pero hinalikan din niya ako pabalik habang nakayakap ang isa niyang braso sa bewang ko. Hinawakan niya ako sa pisngi at pinulupot ko ang dalawa kong braso sa leeg niya. Unti-unting gumalaw ang mga labi namin hanggang sa kumalas kaming dalawa mula sa halik, humihinga ng malalim.
Natawa si Chanyeol at dahan-dahang pinunasan yung paligid ng labi ko. "Can I call you mine now?" nakangiti niyang tanong.
Tumango naman ako. "Officially yours."
Hinalikan niya ako ulit ng mabilis sa labi bago hinila paalis yung itim na telang nakatakip sa kung ano man. Natawa naman ako ng mahina nang makita yun. "A scooter," nakangiting sabi ko. Puti yun at may dalawang puting half-face helmet na nakapatong sa upuan. "Is this yours?"
Tumango naman si Chanyeol. "Want to go on a ride with me then?" Ngumisi siya. "Let me take you on a date."
Natawa ako saka tumango din. "I'd love to."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top