kabanata 14




"I know Taehyung likes me. And I like him, too."



Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "T-teka... Paano mo nalaman?" nakakunot noong tanong ko. "Sinabi ba ni Chanyeol sayo?"



"Hyung, hindi naman ako manhid." sagot ni Jungkook saka tumingin sakin. "Syempre alam ko naman kung may gusto sakin ang isang tao o wala."



"Then... what will you do about it?"



"I don't know..." amin ni Jungkook. "Just like Taehyung, mahal ko din yung friendship namin. Ayokong mawala yun. Sana nga hindi dumating yung time na aamin siya sakin..." Pumikit si Jungkook saka tumagilid. Mukhang matutulog na nga siya.



Pero nag-risk parin ako ng isa pang tanong. "What if one day, he'll do that? He'll finally tell you how he feels?"



"I hope not," mahinang sagot niya. "Baka hindi ko din mapigilan yung sarili ko."



At sa point na yun, narealize kong hindi na ako dapat makialam pa.



















Hanggang sa ganitong oras, hindi ko parin alam kung paano ii-ignore yung namumuong 'feelings' para sakin nung apat. Gusto kong gumawa ng closure, sabihin sakanila na hindi ako yung dapat nilang pinagtutuunan ng pansin ngayon. Pero never naman nilang nasabi sakin yung mga katagang 'I like you'.



Paano kung nag-aassume lang ako? Paano kung OA lang sina V, Jimin, at Kookie? Pakiramdam ko din kasi, happy crush lang. Mabilis ding mawawala... sana. Pero ang hirap pala talaga lalo na pag araw-araw niyong nakikita yung isa't isa.



"Hyung, you should try this one." alok ni Jin habang inaabot yung isang bowl na mukhang bulgogi. Kakain na kami ng dinner at dahil tinulungan ko pa si Jimin sa pagre-arrange ng mga bagay sa kwarto niya, hindi ako yung nagluto.



Umupo ako sa usual na upuan ko at mabilis na umupo si Jin sa tabi ko. "Mukhang masarap ah..." sabi ko naman saka kinuha yung bowl mula sakanya at inis na inis siyang pinapanood nung tatlo kong 'bantay'.



"I think this is better," singit naman ni Suga bago tumabi din sakin. May nilapag siyang soup sa harap ko at pilit naman akong ngumiti. Teka. Hindi ganito ang gusto kong mangyari samin dito.



Napatingin ako kay Suga. "Uh... Thanks. I'm sure it'll be---"



"No. You should try this." at may inilagay si Namjoon na malaking plate sa gitna ng table. Hindi ko na nga mawari kung ano ba tong mga pagkaing pinapakita nila. May fish, pork, beef ribs. Ang gulo-gulo. Naguguluhan na ako.



Dumating naman si Hoseok na may dalang hot pot. "Can you stop trying to feed him garbage?" inis na sabi nito sabay abot sakin nung niluto niya. "This one's the best."



Sa mga nangyayari ngayon, parang umurong yung tiyan ko. Nawawalan na ako ng gana sa lahat ng ginagawa nila.



"Ano ba?!" tumayo si Jungkook. "Pwede ba, kumain nalang tayo?! Hanggang ngayon ba naman pinag-aawayan niyo parin si Hyung?!"



"Jungkook, pwede ba? Wala kang alam dito!"



Inis na din na tumayo si Taehyung. "Really guys?! Mula sa Call of Duty at HALO 3, nag-aaway kayo! We're not stupid, okay? We know it's all about my Eomma!"



"Can you stop calling him that?!"



"He's not your Eomma and he'll never be!"



"So it's all about our little family now?!"



Maya-maya pa, lahat sila, nakatayo na at nagsisigawan. "My cousin would be really mad because of this!" sigaw ni Jimin. "Hindi niyo manlang naisip yung mararamdaman niya?!"



"They're NOT married!"



"Ni hindi nga sila diba?"



"THEY'RE NOT EVEN A COUPLE! NO STRINGS ATTACHED!"



"They like each other! They will end up together! Just suck it up!"



"He's staying here with us! What do you want us to feel?!"



"You can't control feelings, okay?!"



"Then discipline yourself! DAMN IT!"



"I thought we're all friends here?! Akala ko ba, we support each other?!"



"Chanyeol's my cousin, man! What do you expect me to do?"



"And you think Chanyeol's THAT serious with Baekhyun?!"



"They almost DON'T see each other!"



"HOW COULD YOU FCKING SAY THAT?! Alam mo ba yung feelings niya?!"



"DO YOU?! DO YOU KNOW, HUH?!"



"He could be out there with someone else already! We'll never know!"



"Baekhyun's stuck here with us for who-knows-how-long! He is not like your cousin who could basically explore the world he wants to!"



"Gusto mong maniwala siya sa isang relasyon na baka hindi naman totoo?!"



"You motherfcker! My cousin's a way, way better man that you are!"



"OH YEAH?! Then prove it!"



"You're proving it already, asshole!"



Napalunok ako saka naramdaman yung pamumuo ng luha sa mga mata ko. Ang gusto ko lang, lumayo sa lahat ng gulo sa Royal House. Gusto ko lang ng tahimik na buhay malayo sa mga taong gusto akong saktan. Yung hindi ako nasasakal. Yung pakiramdam ko, malaya ako.



"What did you say?! You want me to punch your face?!"



"Ha! Try me!"



Dahan-dahan akong umatras mula sa table na yun at tumayo. Agad naman silang tumigil sa sigawan nila at sabay-sabay na tumingin sakin. "I... I don't want this kind of life..." mahina kong sabi habang pinipigilan ang pag-iyak. "You guys... you feel like the Royal House itself."



Inabot ni Jin yung kamay ko pero umatras ako. "Baekhyun..."



"Gusto niyong malaman yung totoo?" hikbi ko at tuluyan na nga akong naiyak. "Pakiramdam ko, tinuturo niyo kung ano ba yung dapat kong maramdaman. You want me to feel this or that. You want me to think this or that. You're like the queen! Ano bang nangyari sa inyo?"



Pinunasan ko yung mga luha ko habang nakatingin parin sa sahig. "If you want me gone first hour tomorrow, just tell me, okay?" bulong ko. "I won't get mad... I promise." Naglakad ako palabas ng kusina at mabuti nalang, walang sumunod sakin. Hinayaan nila ako at alam kong kailangan ko yun.



Didiretso na sana ako sa kwarto ko nang mapadaan sa kwarto ni Chanyeol. Napatigil ako saka dahan-dahan na inabot yung door knob. Noong unang beses na naglinis ako dito, una ko talagang napansin yung fact na sobrang ka-amoy niya yung bedsheet pati na din yung unan at kumot.



Kaya noong mga nakaraang araw na wala siya, dito ako natutulog. Pakiramdam ko kasi, mas malapit ako sakanya. Isa na din siguro ito sa mga guilty pleasures ko.



Umupo ako sa kama habang umiiyak parin. Nakaka-inis kasi yung mga yun. Para namang wala ako sa harap nila. Para namang wala akong feelings.



Bakit nila sinasabi kung ano ang dapat kong maramdaman? Bakit nila jina-judge si Chanyeol ng ganun? At naniniwala talaga silang habang-buhay na ako dito? Nakakulong?



Naging mabuti sila sakin, oo. Pero nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko, sinasama nila ako sa isang competition na wala akong kaalam-alam. Pakiramdam ko, hindi nila kayang respetuhin yung mga choices ko. Pakiramdam ko, isa nanaman akong puppet na dapat sumunod sa kung ano ba ang dapat kong gawin.



Pakiramdam ko... nasa Royal House ako ulit.



Humiga ako sa kama na yun saka niyakap yung unan ni Park Chanyeol. "Isa ka pa..." hikbi ko, kinakausap yung isang taong wala naman. "Kelan ka ba babalik? Sobrang... miss na kita." Umiiyak parin ako at hindi ko alam kung paano ba pipigilan.



Pero habang tumatagal na andun ako sa kwarto na yun, pakiramdam ko, unti-unting gumagaan yung loob ko. Pakiramdam ko, sobrang lapit ko lang sakanya at kaya na akong pasayahin nung thought na yun.



Napatigil ako nang maalala yung sinabi nila kanina.



"And you think Chanyeol's THAT serious with Baekhyun?!"



Hindi nga kaya ganun kaseryoso sakin si Chanyeol? Pinaglalaruan lang kaya niya yung feelings ko?



Tama sila. Halos hindi kami magkita.



Dahilan kaya yun para... ipagpalit niya ako?



"THEY'RE NOT EVEN A COUPLE! NO STRINGS ATTACHED!"



Tama nanaman sila... hindi nga kami.



Umiling-iling ako at nagtaklob ng kumot. Gusto ko si Chanyeol. Gustong-gusto ko siya. At kahit ano pang sabihin nila... alam kong gusto din niya ako.



Ako lang... sana.





















Basta natutulog ako sa kwarto ni Park Chanyeol, parati ko siyang napapanaginipan. Walang mintis. Basta andun ako, nasa bawat panaginip ko talaga siya. Minsan, nasa Royal House kami. Minsan, naglalakad sa mall. Minsan, nasa isang romantic date. Minsan naman, nasa camping.



Sa bawat panaginip na yun, nasasabi ko talaga lahat sakanya. Panaginip naman eh. Hindi ko kailangang isipin yung bawat lalabas sa bibig ko dahil never naman siyang nagsalita sa mga panaginip na yun. Never. Talaga. At saka never naman niyang malalaman.



Ngayong gabi, napanaginipan ko na naman siya. Pero ang panaginip ko naman ay yung pagkagising ko daw, andun na siya sa tabi ko, hinihintay na magising ako.



Nakayakap siya sa bewang ko at nakapatong ang ulo niya sa isa niyang kamay.



Una kong talagang napansin yung buhok niya at natawa ako ng mahina. "Nice hair," medyo antok ko pang sabi habang inaabot yung buhok niya. "You look really, really hot." At hindi naman joke yun kasi totoo. Hindi ko naman inexpect na ganito siya ka-hot sa bago niyang hairstyle. Grabe talaga.



Napangiti si Chanyeol saka niya hinaplos yung mukha ko. Never talaga siyang nagsasalita sa mga panaginip. Niyakap ko siya ng mas mahigpit saka binaon yung mukha ko sa leeg niya.



"I miss you," malungkot kong sabi. "Please come back soon."



Niyakap niya ako pabalik saka hinalikan yung ulo ko. "What are you saying? I'm already here, Baekhyun."



Napasinghap ako at dahan-dahan na umatras para tignan siya sa mukha. Nakangiti parin siya.



"Good morning, baby. I've missed you, too."



Hindi nga panaginip to.











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top