kabanata 13




"Eomma, I want you to dye my hair red."



Nasa kusina ako ngayon kasama sina Jin at Jimin nang bigla nalang pumasok si Taehyung habang may dalang hair color. Tinignan ko naman siya habang nakakunot noo. "Bakit? At bakit red, aber?"



Napa-shrug lang naman siya. "Trip ko lang to." sagot niya. "Pagbigyan mo na ako please? Para pareho kami nung Appa ko."



Napatingin ako sakanya. "Red hair? Si Chanyeol?" gulat kong tanong.



"Ah," nakangising sabi ni Taehyung. "Nag-Skype kami kagabi ni Appa. Napagkasunduan namin na since magkamukha tayo, dapat may something same din samin. Cute diba, Eomma?"



Pumunta ako sa rice cooker at sumunod naman sakin si Jimin. For the past days, ito ang ginagawa nila buong araw, binabantayan ako. Dapat daw may guard ako parati. Mga abnoy talaga. "Eh bakit niyo naman naisip yun ni Chanyeol?" tanong ko kay Taehyung habang tinatanggal yung saksak ng rice cooker.



"Kasi nga para cute tayong tignan as a family~" pakantang sagot ni Taehyung at nang mapatingin ako sakanya, nakatingin siya ng masama kay Jin. "Narinig niyo yun? FA-MI-LY. One big happy family na kami." pagpaparinig pa niya at sumama din yung tingin sakanya ni Jin.



Napabuntong hininga nalang ako. "Okay, okay." tango ko kay V. "Mamaya. After nating kumain."



Pumalakpak naman siya habang tumatalon. "Yes!" masaya niyang sabi at naglakad na palabas. At kaaalis palang niya nang may ibulong sakin si Jimin.



"Hyung, sabihin mo lang, i-e-email ko agad si Chanyeol-hyung," mahina niyang sabi habang nakakunot noo. "Malaman lang niya tong nangyayari dito, pupunta agad yun."



"Yun na nga kaya ayaw kong sabihin sakanya," sagot ko naman. "Marami pa siyang ginagawa doon. I don't really want to bother him. And Jimin, this is not really a problem, okay? Hindi to big deal para sakin, maniwala ka."



Kumuha naman ako ng mga plato at naglakad papunta sa dining area. Nakasunod parin sakin si Jimin. "Paanong hindi big deal?" nalilitong tanong niya. "Hyung, my best friends like you. Nasa iisang bahay lang kayo nakatira. What if, madevelop ka sa isa sakanila?"



Huminga ako ng malalim saka siya hinarap. "Park Jimin, I like your cousin a lot. Kung tutuusin, siya ang pinaka-unang lalakeng nagustuhan ko ng ganito." kalmado kong sabi sakanya. "I respect him, I really do. And I won't do anything that might actually hurt him. Don't you trust me?"



"I do!" mabilis naman niyang sagot. "Sila ang hindi ko mapagkatiwalaan."



Natawa ako saka tinuloy yung paghahanda ng mesa. "Jimin, I could take care of myself. I'm not a girl."



"Well, you basically look like one." bulong niya pero narinig ko parin kaya inirapan ko siya. Mukha daw akong babae? AKO? Seryoso ba to ha?















Dahil nga sa sinabi ko, tinigil na nina Jungkook at Jimin ang pagiging "body guards" nila. Hinayaan na nila akong gumalaw-galaw sa bahay ng mag-isa pero mukhang mahirap nga talaga kapag nasa iisang bahay lang kayo ng mga taong may gusto sayo. Mahirap umiwas. Mahirap magsalita. Mahirap maiwang mag-isa.



Buong buhay ko kasi, nasa loob lang ako ng Royal House kaya naman wala ako masyadong nakakasalamuhang lalake. At ngayon lang din may nagkagusto sakin ng ganito. Kaya ngayon, hindi ko alam ang gagawin. Paano ka nga ba ma-unlike ng taong may gusto sayo?



Matapos ng lunch, nag-siesta si Jimin sa sala at pumunta naman sa backyard si Taehyung para i-handa yung hair color niya. Sinamahan pa siya ni Jungkook kaya naman hindi ko na siya pinigilan. Moment na nila eh.



Pero mali pala yun kasi naiwan ako sa kusina kasama nung apat. Ano nga ba ang dapat gawin sa mga pagkakataong ganito? Step one: Keep calm.



Pumunta ako sa lababo para banlawan yung mga pinagkainan namin pero kahit walang nagsasalita, ramdam na ramdam ko parin yung bigat ng atmosphere. Hindi ko sila tinitignan kasi nang mapatingin ako kay Suga kanina, nakakunot noo siya at masama ang tingin sa lahat.



"Keep calm," bulong ko sa sarili ko. "Keep calm lang, Baek." Huhuhu. Asan ka na ba, Chanyeol?



Step two: Paalisin sila.



"A-ah..." simula ko habang hindi parin sila tinitignan. Ni hindi ko nga alam kung ano na bang ginagawa nila hanggang sa ilapag ni Hoseok sa tabi ko yung ginamit na glasses. "Kaya ko na to. Um, pwede na kayong umalis."



"Tulungan na kita," sagot naman ni Hoseok saka ako tinabihan. At bago pa ako sumagot, naramdaman kong may tumabi sakin sa kabilang gilid. Si Namjoon ata, at sinimulan din akong tulungan. NO. MALI TO. Hindi dapat ganito. Fail ang step two. Ugh.



Step three: Paalisin ulit sila. Use another way.



"Teka, teka!" mabilis kong sabi at sabay-sabay silang napatingin sakin. Hinarap ko silang apat kahit na sobrang awkward na. "Alam ko naman guys, na gusto niyo lang akong tulungan," simula ko. "Pero trabaho ko to, diba? I really don't any help. I'd feel terrible na binabayaran niyo ako tapos tutulungan niyo pa ako."



"But---" Pero pinigilan ko sila. Alam kong may mga 'but' nanaman tong usapan na to eh. Kaya pinaghandaan ko na yung sasabihin ko.



"Ganito nalang. Kung kailangan ko ng tulong, tatawagin ko kayo." nakangiti kong sabi. "Promise to, maniwala kayo."



Noong una, nagtatalo pa kami pero nanalo din ako sa huli. Mali na i-take advantage ko sila lalo na't alam kong may gusto sila sakin. Eh kasi naman, younger brothers lang talaga yung tingin ko sakanila. As in. Napamahal na silang lahat sakin. Pero hanggang doon lang talaga eh.

















"Wow," nakangiting sabi ni Jungkook habang nakatingin kay Taehyung. "You really look good with that hair." At nakipag fist bump pa habang tuwang-tuwa silang dalawa.



Napansin ko naman yung pamumula ng mukha ni V pero syempre, hindi ko na pinansin. "Syempre no. Bagay naman sakin lahat." mayabang niyang sabi. Tinignan ko siya ng maigi at oo nga. Bagay sakanya yung red hair. Ano kayang itsura ni Chanyeol with red hair? Bagay din kaya niya?



"Yabang naman neto," mahinang sabi ni Jungkook pero hindi naman niya maalis yung tingin kay Taehyung. Nako, nako.



May wooden sala set kasi sa may backyard at doon na muna kami nag-stay para magpahangin. Katabi ko ngayon si Taehyung habang may hawak siyang salamin para pagmasdan ang sarili. "Alam mo ba, V," simula ko saka siya hinarap. "Sa mga babae, kadalasan, ang pagbabago ng hairstyle means nagmo-move on sila from a heartbreak?"



"Talaga ba?" napatingin sakin si V. "Eh... sa mga babae lang yun."



"Oo nga." sang-ayon naman ni Jungkook saka humiga doon sa bench. "Saka parang hindi naman heartbroken si Taehyung. Hindi nga ata alam mainlove niyan eh." natatawa pang sabi niya. "Diba, V?"



Tinaasan ko naman ng kilay si Taehyung. Talaga lang ha. Hindi marunong mainlove? "Totoo ba, nak? Hindi ka marunong mainlove?" mapang-asar kong tanong sakanya.



"Psh," irap naman ni Taehyung. "Love? Ano ba yun? Nakakain ba yun?"



Tumawa si Kookie. "See."



Gusto ko talagang matawa ng malakas sa sinabi ni Taehyung. Oo nga naman. Ayaw niyang malaman ni Jungkook na may gusto siya sakanya. Dahil saan daw? Friendship? Straight si Kookie? Kaya naman sa tingin ko, pwede naming gamitin ang moment na to para malaman kung ano ba talaga si Jeon Jungkook. He he he.



"Eh bakit ikaw, Jeon," tawag ko naman sakanya. "Never ka pang nainlove?"



"Ako?" natatawa niyang sagot. "Hindi ko nga alam feeling nun tapos tatanungin niyo ako. Saka mahirap daw mainlove. Nakakatakot."



"Eh. Ano bang type mo, ha?" tanong ko ulit. Binigyan ko naman ng mabilis na tingin si Taehyung at kunwari, hindi naman siya interesado sa usapan namin. Nako. If I know...



Kumunot noo si Jungkook sakin. "Anong ano?" tanong niya. "Are you asking me if I'm gay?"



Pinatong ko naman yung ulo ko sa balikat ni Taehyung para maramdaman ko kung nate-tense ba siya. At tama nga ako. Nate-tense siya. Naramdaman ko pang napalunok siya sa kaba. "Oo." sagot ko. "Are you gay or what?"



"Bi," sagot ni Jungkook saka pinikit yung mga mata niya. "I could fall for a guy or a girl."



Hindi ko na matago yung tawa ko after nun. "So... may nagugustuhan ka ba sa mga panahon ngayon?" tanong ko pa. I need more information for Taehyung! Kawawa naman siya kung every morning nalang siyang umiiyak habang nakatalukbong ng kumot.



Pero napa-shrug lang si Jungkook. "I like being unattached," mahina niyang sagot. "Mas free akong gawin lahat ng gusto ko. No one would really give a damn. I don't want to... really like someone..."



Inis ko siyang tinignan. "Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh,"



"I don't know," bumuntong hininga siya. "It's complicated." At sa way ng pagsabi niya nun, hindi na ako nagtanong pa. Pero at least alam namin na may possibility siyang magkagusto kay Taehyung. Hindi siya straight. Pero... may possibility din na magkagusto siya sa iba lalo na't hindi niya masagot yung tanong ko. At baka nga may gusto na siya hindi lang niya masabi samin.



Umubo si Taehyung para i-break yung silence. "Um, the week after next week would be camping week," sabi niya saka ngumiti ng malaki.



"OO NGA!" malakas na sabi ni Jungkook at excited na tumingin samin. "Uy, Baekhyun-hyung, sama ka ah! Sure akong sasama si Chanyeol-hyung!"



"Camping?" Napalunok ako. "Hindi ako mahilig sa camping. Halos mamatay na nga ako sa gubat noon diba?"



Si Taehyung naman yung humarap sakin ngayon. "Every year kasi namin tong ginagawa," masaya niyang sabi. "May batis kasi malapit dito at nagca-camping kami doon kasi masaya. Parang bonding time na din."



"Andito na nga kayo sa gitna ng gubat, gusto niyo paring mag-camping?" sabi ko naman. "Hindi na ba camping to sa inyo?"



Sabay na napabuntong hininga sina V at Kookie.



"Eomma, iba parin kapag sa tent nag-i-stay."



"Saka may camp fire pa!" sabi ni Jungkook. "Hindi ba exciting?!"



"Nakakatakot." sabi ko saka umiling.



Tinaas naman ni Taehyung yung isa niyang kilay. "Kahit kasama si Appa?" nakangisi niyang sabi. Aba. Aba. Ano to? Ganito na ba sila makipag-bargain?



Ngumisi din si Jungkook. "At... sa iisang tent pa kayo matutulog?"



"Buong gabi..."



"Magkatabi kayo..."



"Magkayakap..."



"Magkasuyo..."



Tinignan ko silang dalawa ng masama. "Sa tingin niyo talaga madadaan niyo ako diyan ah?" inis na sabi ko. "Ayoko. Madilim."



Napa-upo si Jungkook. "May emergency lights at flashlights naman ah!"



"Malamok!"



Hinawakan ni V yung braso ko. "Magdadala tayo ng katol yung amoy lavander pa."



"Saka lotion na mosquito repellant!" dagdag pa ni Jungkook.



"Mainit!"



"Magdadala tayong aircon! Este... mini-fan pala."



Tumango si Jungkook. "Saka pamaypay na din."



Napabuntong hininga nalang ako. "Ang kukulit niyo..." mahina kong sabi at sakto namang lumabas yung natitirang lima mula sa backdoor. May dala silang bola ng basketball at mukhang ready nang maglaro. Sumali kaya ako para four vs four? Pero hindi pala ako marunong maglaro. He he he.



"Wow. Nice hair!" sabi ni Hoseok kay Taehyung.



"I know right?" irap naman niya. "Maglalaro ba tayo?"



"Tara." tawag naman nila at agad na tumayo si Taehyung. Nang tignan ko si Jungkook, humiga siya ulit at pumikit. Mukhang matutulog nalang ata siya.



"Baekhyun-hyung! Sali ka?" tanong ni Jimin at umiling naman ako bilang sagot. Manonood nalang ako sakanila. Pumunta na yung anim sa court at pinanood ko nalang sila habang naglalaro. Sa Royal House kasi, walang basketball court dahil wala namang naglalaro samin ng ganun. Mahirap talagang lumaki na puro babae yung nasa paligid mo.



"Hyung..."



Napabalikwas naman ako sa kinauupuan ko nang magsalita si Jungkook. Grabe. Ginulat naman ako neto. "Akala ko tulog ka?" inis kong tanong. Bibigyan ata ako neto ng heart attack eh.



Pero seryoso lang siyang nakatingin sa kisame. "You know, it's hard to find real friendship," mahina niyang sabi at napakunot noo ako kasi parang ang lungkot ng pagkakasabi niya. "That's why we really need to take care of it. No matter what."



"Jungkook... ano bang sinasabi mo?" nagtataka kong tanong. "Okay ka lang?"



"Hyung, I don't want to rush into a relationship. To be honest, nakakatakot nga." bulong niya. "Wala akong alam dun. Hindi ko alam kung paano siya aalagaan if ever. Hindi ko alam kung paano ba maging mabuting... boyfriend."



Umiling-iling ako. "I... I don't understand..."



"I know Taehyung likes me," ngumiti siya ng maliit. "And I like him, too."










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top