kabanata 12




Isang linggo lang nag-stay sa amin si Park Chanyeol. Pero sabi niya, babalik naman daw siya after two weeks matapos gawin lahat ng kailangan niyang gawin sa office. Hindi ko alam kung anu-ano yung mga yun pero alam ko namang importante.



Tatlong linggo na ako dito sa mahiwagang bahay sa gitna ng gubat. Sunday ngayon at pumunta sina Taehyung at Namjoon sa bayan para mamili ng mga pagkain. Malapit na kasing maubos ang laman ng ref. Saka every week naman talaga ang grocery diba? Katatapos lang ng umagahan at habang naghuhugas ng mga pinggan si Jin, pumunta na muna ako sa laundry room para magwashing machine.



Ang weird nga dahil matapos ng dalawang linggo na yun, mas naging mabait na sakin yung mga kasama ko dito sa bahay. Isang linggo na akong nagtataka kung bakit mas maaga na din silang gumigising para tulungan ako sa mga gawaing bahay. Parang sina Taehyung at Jungkook lang ang hindi nagbago ng ugali. Hm. Weird talaga.



Pinaghihiwalay ko palang yung mga damit nang pumasok si Hoseok sa laundry room. "Hyung, tulungan na kita?" alok niya at bago ako sumagot, tinulungan nga niya ako. "Pasensya ka na kung medyo marami tong mga lalabhan mo." nahihiya pa niyang sabi at napakunot noo naman ako. Kita niyo na. Weird. Never pa nila akong tinulungan dati. Si Chanyeol lang ang kasama ko dito noon.



"Okay lang. Ano ba?" sagot ko naman. "Dapat nga sa washing machine tayo humingi ng sorry. Siya naman maglalaba ng lahat ng iyan eh." Kumuha ako ng malaking batya at pinuno yun ng tubig. "Saka hindi naman kayo masyadong magastos sa damit kaya okay lang ulit."



Ngumiti naman si Hoseok. "Um. Kelan pala babalik si Chanyeol-hyung dito?" tanong niya at medyo hindi ko maintindihan yung expression sa mukha niya.



"Baka next week?" hindi siguradong sagot ko saka napabuntong hininga. "Sana nga makabalik na siya agad." Natawa ako. "Hindi naman ako excited ah. Konti lang."



"He likes you. And you... you like him, don't you?" tanong niya bigla kaya medyo nagulat ako. Hindi kasi siya nakangiti. Basta nakatingin lang siya sakin ng maigi. Nang dahan-dahan akong tumango, siya naman ang napabuntong hininga. "It's weird, though." mahinang tuloy ni Hoseok saka umiwas ng tingin. "Most of my friends and I... we all have the same taste when it comes to the person we like."



Ayokong bigyan ng malisya yung sinabi niya pero naramdaman ko agad yung change of atmosphere sa loob ng laundry room na yun. Parang medyo bumigat at naramdaman kong nagsisimula na akong kabahan. "A-ah, banlawan nalang natin tong mga puti," sabi ko at nagsimulang ilagay sa batya na yung yun mga puting damit nila. Buti nalang talaga, mahilig silang lahat sa puting t-shirts. Tumango naman si Hoseok saka ngumiti ng maliit.



Isa pa palang magandang bagay sa mga kasama ko. Hindi ako ang naglalaba ng mga underwears nila. Thank god!










Habang hinihintay yung washing machine, iniiwasan ko talagang pag-usapan namin ni Hoseok ang kahit ano tungkol sa lovelife o kay Chanyeol. Kaya ang ginawa ko, nag-open nalang ako ng topic tungkol sa animals at agad naman siyang na-absorb doon. Buti nalang talaga magaling ako sa distractions. He he he.



Matapos maglaba at mag-drier ng damit, pupunta na ako sa likod para isampay yung mga damit nang kunin ni Hoseok yung isang tray, agad ko siyang pinigilan. "Tama na. Okay na yung tulong mo sakin." natatawang sabi ko. "Magpahinga ka nalang."



"Hyung, madami yang isasampay mo." seryoso naman niyang sabi.



"Eto? Sus. Eh parang wala lang to sakin." paninigurado ko naman sakanya. Saka totoo naman yun. Okay lang talaga.



Umiling naman si Hoseok. "Hindi. Tutulungan na tala---"



Pero bago pa niya matuloy yung sasabihin niya, biglang may kumuha ng tray na yun mula sa sahig. Si Suga. "I'll do it," nakakunot noo niyang sabi. "Tulungan mo nalang si Jungkook sa pag set up nung PS4. Nagloloko ata." Parang naiinis pa yung pagkasabi niya at agad naman siyang tinignan ng masama ni Hoseok.



Bumulong ito ng, "What adsdjhdabaihefandab?" Hindi ko kasi naintindihan yung sinabi ni Hoseok after ng 'What'. Pabulong kasi eh. Pero dahil doon sa kung ano man na sinabi niya, mas sumama yung aura ni Suga at inis na tinignan niya si Hoseok.



"Just go," mahinang sabi nito. "I'll take it from here. Besides, hbadhqwifaibaofacniaqhfi." Hindi ko nanaman naintindihan yung last part. Ano ba yan. Pakilakasan naman guys kung mag-uusap kayo sa harapan ko. Nakaka-GG naman oh.



At bago pa nga sila mag-away ng tuluyan, nagsalita na ako. "Alam mo Hoseok, sobra-sobra na talaga yung tulong mo kaya sige na. Si Suga nalang ang kasama kong magsampay." ngumiti pa ako ng malaki bago lumabas ng laundry room habang buhat-buhat yung isang tray. Kakaiba na talaga ang nangyayari dito sa bahay. Eh hindi naman sila ganito nung andito si Chanyeol.



Mabilis na nakasunod sakin si Suga at pinagbuksan pa niya ako ng backdoor. "Hyung, did Hoseok tell you anything... weird?" tanong niya at muntik ko nang sabihing silang lahat talaga yung weird ang kinikilos.



Napa-shrug nalang ako. "Wala naman." At nang sabihin ko yun, ngumiti ng maliit si Suga. Minsan lang siya ngumiti kaya naman napangiti na din ako. Sayang naman yung moment.



"Mabuti naman kung ganun," masayang sabi niya at nagsimula na kaming magsampay. Maraming sampayan sa may likuran ng bahay at may basketball court pa. Kulang nalang swimming pool.



Ayoko na sanang magtanong pero na-curious ako sa sinabi niya. "Bakit, Suga? May kailangan ba akong malaman?"



Nagulat ata siya sa tanong ko kasi muntik niyang nahulog yung isang t-shirt. "W-wala naman, Hyung..." nauutal na sagot niya. "Wala naman." Hindi na niya ako matignan at mas bumilis ang pagsasampay niya.



"Pero actually, may napapansin ako sa inyong lahat." sabi ko naman habang sinasampay yung t-shirt na ginamit ni Chanyeol noong isang araw. "Masyado na kayong nagiging mabait sakin ah. Bakit? Ayaw niyo na akong swelduhan?" pagbibiro ko at nang matawa ako, natawa din si Suga. Medyo kinakahaban nga lang yung kanya.



"Mabait ka kasi Baekhyun-hyung." seryosong sabi ni Suga at nang mapatingin ako sakanya, medyo namumula yung pisngi niya habang hindi parin makatingin sakin. "Noong una kitang makita, akala ko talaga masama yung ugali mo kasi masyado kang..." mas lalo siyang namula. "Masyado kang... cute. Masyado ka ding maganda para sa isang lalake. Pero, mali pala yung perception ko sayo. You're the nicest person I know."



Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nakaka-flatter naman kasi. "Thank you," sabi ko. "Mababait din naman kayo ah. Never niyo akong binigyan ng sakit ng ulo. I think you all deserve a kind housekeeper."



Natawa si Suga at namumula na talaga siya ngayon. "You're really, really kind, Baekhyun-hyung. Thanks for listening to our stupid rants and stories." at saka siya tumingin sakin. "It's really hard not to like you."



Nang sabihin niya yun, napalunok ako. Tulad kanina, naging heavy nanaman yung atmosphere at kinakahaban nanaman ako. "He he he." sabi ko nalang habang tinutuloy yung pagsampay. "G-gusto ko din na kasama kayong lahat, Suga. Thank you for keeping me."



"Sure," sagot niya saka tumango. "We'll always be here."



Ngumiti naman ako at binilisan nalang ang pagsasampay. Konti nalang. Konti nalang! At nang matapos nga kami, kinuha ko na yung tray kay Suga at nag-Thank you ulit bago pumasok sa loob. Hindi ko na kaya yung awkwardness na nagsisimulang mabuo. Okay. Ganito nalang, kunwari walang nangyari. He he he. Oo nga. Ganun nalang.



Nang dumaan ako sa living room area, naglalaro yung iba ng PS4 kaya umakyat na muna ako para maligo. Pero nasa hagdan palang ako nang magsalita si Jungkook. "Ganito nalang, yung mananalo, hahalikan ni Baekhyun-hyung sa lips!" nakangisi niyang sabi at nag-wink pa sa akin.



Agad ko siyang binato ng tsinelas na gamit ko. "HOY! Huwag mo ngang sinasali yung dignidad ko diyan, Jeon Jungkook!" sigaw ko sakanya at binato naman niya pabalik yung tsinelas ko. Sinalo ko yun habang masama paring nakatingin sakanya. Ito ang type ni Taehyung? Yung totoo?



"Osige. Sa cheeks nalang." offer pa niya at pinanliitan ko siya ng mata.



Huminga ako ng malalim. "Ipapakain ko talaga tong tsinelas sayo, Jungkook."



"Come on, Hyung!" reklamo naman niya. "Don't tell me wala ka pang first kiss?"



At nang sabihin niya yun, agad kong naramdaman yung pamumula ng mukha ko. Inirapan ko nalang siya ulit at umakyat ng hagdan. Hindi ko nalang siya pinansin. Tama ba namang sabihin niya yun?! HUHUHU. Nakakahiya talaga. Eh ano naman kung wala pa akong first kiss? Mamamatay ba ako?!



Bubuksan ko na sana yung pinto ng kwarto ko nang may pumigil sakin. "Hyung, wait." At nang akala ko si Jungkook, wrong pala.



"Oh, Jin." sabi ko naman saka ngumiti ng maliit. "Bakit?" Mas matangkad pala talaga siya sakin lalo na sa malapitan. At oops. Masyado nga siyang malapit. Umatras ako hanggang sa nakapatong na yung likod ko sa pinto.



"I'm sorry about what Jungkook said," sabi niya. "I started the bet, hindi ko naman inakala na ikaw yung maiisip niyang prize. So, I'm sorry."



Umiling naman ako. Medyo nabadtrip ako kay Jungkook pero okay lang. Hindi naman talaga big deal yun. "Okay lang yun." sagot ko. "Sige---"



"Payag ka na?" Nanlaki yung mga mata niya at medyo napangiti. Oh. Teka lang. Hindi pa ako tapos magsalita.



"Hindi, ano ka ba?" sabi ko naman. "Sabi ko, sige... maliligo na muna ako." pagpapaalam ko naman saka tinuro yung pinto.



"Oh," natatawang sabi ni Jin at nahihiyang napahawak sa batok niya. "I'll help you cook later." dagdag pa niya na nagpangiti sakin. Kailangan ko talaga nun lalo na't iba-ibang ulam ang gusto nila.



"Sure," sabi ko naman. "Osige na... maliligo na ako."



Inabot ko na yung doorknob at papasok na talaga sana ako nang magsalita ulit si Jin. "Baekhyun-hyung," tawag niya ulit kaya napatingin ako sakanya. "Um... Wala ka pa talagang first kiss?" mahina niyang tanong at tulad ni Suga, namumula din siya.



Isang mahabang pause bago ako nagsalita. "W-wala pa," sagot ko. Ewan ko ba kung bakit ako nahihiya.



"Kahit kay Chanyeol-hyung?" tanong niya at alam kong namumula nanaman ako. Banggitin ba naman si Chanyeol sa mga ganitong oras? Tapos first kiss pa ang usapan. Nako. Kung kay Chanyeol lang naman eh aba...



Dahan-dahan akong umiling. "Nope."



Ngumiti si Jin at ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito. "Alright then," masayang sabi niya at dahan-dahan niyang inabot yung buhok ko. Inayos niya yung magulo kong bangs. "I think I'm starting to have a thing for innocent guys like you." At bago pa ako magsalita, umatras siya at naglakad na paalis. Nakakatakot yung ngiti niyang ganun. Parang may something tuloy. Nakakakilabot.



Ngayon hindi ko na talaga maintindihan yung mga nangyayari. Pero bago pa ako mag-arrive sa isang conclusion, pumasok nalang ako sa loob ng kwarto. Huwag ko nalang silang isipin. Mga bata pa sila, hindi pa nila alam ang ginagawa nila. Ganun nalang. Yun nalang ang isipin ko. He he he.












Mga thirty minutes din akong naligo kasi marami pa akong orasyon sa loob ng banyo. Pagkalabas ko, nagbihis na ako kaagad at pinili ang malaking t-shirt ni Namjoon at baggy shorts. Oh ayan. Siguro naman hindi na ako kukulitin ng mga yun. Mukha na akong losyang.



"FLOWERS?!" may nagsalita sa labas at mukhang sa tapat pa sila ng pinto ko nag-uusap. Lumapit ako sa pinto at nilapat yung tenga ko dito. "Sigurado ka ba diyan, Namjoon?!" Teka. Si Jungkook yun ah.



"Well, yeah." sagot naman ni Namjoon. "Hindi ba maganda?"



Napa-daing si Jungkook. "Hindi ko na talaga kayo maintindihan!" naiinis na sabi niya. "Ano to? Kami nalang nina Taehyung at Jimin ang normal people dito? Ano nalang sasabihin ni Chanyeol-hyung satin? Magagalit yun!"



"Psh." sagot naman ni Namjoon. "What's so wrong about buying Baekhyun-hyung some flowers?" At nang marinig ko yun, binuksan ko agad yung pinto. Baka kasi kung saan pa humantong yung usapan nila. Saka ayoko nang marinig.



Nang bumukas yung pinto, sabay silang napatingin sakin. "Oh," parang gulat na sabi ko nang makitang nasa tapat nga sila ng pintuan ng kwarto ko. "Anong ginagawa niyo diyan? Tapos na kayong mamili, Namjoon?"



Tumango naman siya. "Nabili namin lahat, Hyung." sabi niya. "And... here." at iniabot nga niya yung bulaklak na hawak nila. White lilies. At ang gaganda nga. Pero hindi ko kinuha. Tinignan ko lang.



"M-may... pagbibigyan ka?" natatangang tanong ko. "Maganda, maganda. Sigurado akong magugustuhan niya yan." Napatingin ako kay Jungkook at masama parin ang tingin niya kay Namjoon.



"Actually, they're for you." sabi niya at kunwari nagulat ako. Kunwari hindi ko alam.



"T-talaga ba..." mahina kong sabi habang dahan-dahan na inaabot yung bulaklak. Juice colored. Ano na bang nangyayari? Pero bago ko pa mahawakan yun, inabot ni Jungkook yung braso ko at hinila ako papasok sa kwarto. "Uy, Jungkook! Teka---" pero hindi niya ako pinansin. Sinara niya yung pinto at ni-lock.



Kumakatok-katok pa si Namjoon sa labas pero sinigawan lang siya ni Jungkook na umalis nalang. Matapos nun ay hinila niya ako papunta sa kama at pina-upo doon. "Baekhyun-hyung, this is bad." seryoso niyang sabi saka kumuha ng isang upuan para umupo sa harapan ko. "Ano ka ba? Guy magnet?"



"Ano bang sinasabi mo?" nalilito kong tanong.



Tinignan niya ako pataas-pababa. "Ito na ba ang pinaka-losyang mong damit?" tanong niya at tumango naman ako agad.



"May punit pa nga ito sa baba oh." sabi ko naman at pinakita ko sakanya yung punit sa ibaba ng damit. "Bakit ba?"



"Wala na bang mas pangit diyan?" reklamo ni Jungkook. "Yung hindi ka magmumukhang babaeng nakasuot ng damit ng lalake. Masyado ka paring maganda ngayon, ano ba yan?!" naiinis pa siya at imbes na ma-flatter ako, binatukan ko nga. "ARAY! ANO BA YAN, HYUNG!"



"Sa inyo din tong mga ito, okay?" inis na sabi ko. "Edi sana binigyan mo nalang ako ng basahan."



Napabuntong hininga si Jungkook. "I'll tell you something..." simula niya. "Alam mo ba, when we were in senior high, we had this classmate na galing sa Philippines. Half-Korean half-Filipino yung babae at talaga namang maganda siya. Tahimik sa klase saka matalino." Hindi ko gets kung saan pupunta yung story pero tumango ako. "Simple din. Saka sobrang bait."



Napakunot noo ako. "Okay... And then?"



"Four of my best friends had a crush on her at sinubukan siyang ligawan." pagtutuloy ni Jungkook. "Pero ang late naming nalaman, may fiance pala siya na naiwan sa Philippines at kahit magkalayo sila, magpapakasal padin daw sila when the right time comes."



"That's sad... and romantic." mahina ko namang sabi. "Pero bakit mo sinasabi sakin to, Jungkook?"



Umiling siya. "Hindi pa tapos. Isa pa, noong second year college kami." pagpapatuloy ni Jungkook. "Meron nanaman kaming kaklase pero lalake na to ah. Maliit siya saka sobrang cute. Type nanaman nung apat kong best friends. Pero... straight pala yung guy."



"Okay, Kookie. Nawawala na ako..."



"Every time we go out, those four would always hit on the same person. Every. Effin. Time, Baekhyun-hyung." explain ni Jungkook. "What I'm trying to say now is, Hoseok, Suga, Jin, and Namjoon would always have the same taste when it comes to the person they like. They would fall for the same person most of the time."



Nanlaki naman yung mga mata ko nang maalala yung sinabi ni Hoseok. Oh. My God. Ngayon, hindi ko na kayang i-ignore tong lahat.



"So... ibig mong sabihin..." Napa-iling nalang ako.



"They like you, Hyung." mahinang sabi ni Jungkook. "And I think Chanyeol-hyung would kill them kapag nalaman niya to."











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top