kabanata 11



Dahan-dahan naman akong humiwalay mula sa pagkakayakap ko kay Park Chanyeol kasi biglang naging awkward ang atmosphere dahil sa dakilang panira ng moment na yun. Tinignan ko si Taehyung na kasalukuyang nakatayo sa may railings ng hagdan at nakatalukbong ng kumot. Mukha siyang burrito na shawarma.



"Hello TaeTae." nakangiting sabi sakanya ni Chanyeol. "Good to see you again."



"Good morning, Taehyung." bati ko naman. "Ang aga mo atang nagising?"



Bumaba si Taehyung sa hagdan at ginamit niya yung kumot para punasan yung mukha niya. Teka. Umiiyak ba to? At dahil nga doon, sinalubong ko siya sa paanan ng hagdan at sa malapitan, namumugto pa yung mga mata niya at namumula yung ilong. Tama nga ako. Umiiyak nga.



"Uy. Bat anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ko sakanya. Inakbayan ko naman siya at sabay kaming naglakad papunta sa kusina. "Do you want some coffee? Hot chocolate?"



Sumunod naman samin si Chanyeol at nang nakaupo na si Taehyung sa isa sa mga kitchen stool, sumubsob siya sa counter at umiyak. Wow. Ibang-iba ito sa Taehyung na nakilala ko kahapon lang ah. Anong nangyari dito?



Habang nagtitimpla ako ng hot chocolate, tumabi naman sakanya si Chanyeol. "Taehyung, I told you, it's no use not talking about it," sabi niya at ANO TO? ALAM NIYA YUNG REASON?! "You should stop waking up this early every day just to sulk."



Agad naman akong napatingin sakanya. "You know about this?" gulat na sabi ko. "Paano? Bakit? Saka bakit---" napatigil ako. Ah. Oo nga pala. Nag-i-stay pala siya dito noon. Pinagpatuloy ko nalang yung pagtitimpla ng hot chocolate ni Taehyung at kape namin ni Chanyeol.



"My usual waking hours is 5 o'clock." explain ni Chanyeol sakin. "Pag nagigising ako, andito na agad si Taehyung. Ganitong-ganito din."



Binigay ko kay Chanyeol yung kape. "And he told you the problem?"



Tumango siya. "Everything about it."



Tinabihan ko naman si Taehyung saka nilapag sa harap niya yung hot chocolate. Nang matapos siyang umiyak, kinuha niya yung saka nagsimulang uminom. "I'll tell you," bulong niya habang naka-pout. "Since ikaw na ang 'Eomma' ko simula ngayon, dapat lang na alam mo lahat diba?"



"What?" nagtatakang tanong ni Chanyeol. "Baekhyun is your---"



"Oo. At ikaw na ang 'Appa' ko dahil mukha namang mag something sa inyo. Masaya ka na?" at inirapan pa niya si Chanyeol at naiyak ulit. Abnormal talaga tong hinayupak na to. "Ganito kasi yun..." hikbi niya habang nagpupunas ng luha. "Mahirap magkagusto sa best friend mo, diba?"



Napasinghap naman ako sa sinabi niya. "Is it...?" Ayoko pang sabihin yung hula ko kasi OMG. Parang imposible naman na magkagusto si Taehyung kay Jungkook. Alam kong pareho silang retarded pero... SILA? Parang imposible. Saka PAANO NALANG YUNG MGA MAGIGING SUPLING NILA? Kawawa naman!



"Whoever you're guessing, Eomma, I think you're right." mahina niyang sabi at nagulat nanaman ako. So mind reader na din si Taehyung? OMG talaga. "At dahil share pa kami ng kwarto, hindi ako makakapag-drama doon. Nakaka-inis talaga! ARGH!"



"Teka, I don't get it. Bakit nakakainis? Gusto mo siya tapos naiinis ka?" nagtataka ko namang tanong. "If you like someone, you're not suppose to despise them, right?"



Tumingin si Taehyung kay Chanyeol na parang siya ang dahilan. "Nakaka-inis kasi tong pinsan ni Appa eh," sumbong niya. "Ang landi-landi!"



Napa-shrug nalang naman si Chanyeol. "Jimin's just friendly," sabi niya. "And by the way, I like this coffee, Baek."



"Thanks," nakangiti ko namang sabi. "Kung gusto mo, pwede kitang turu---"



"UY ANO BA? Oras ko to!" singit ni Taehyung saka tinakpan pa yung mga bunganga namin. "Hindi na kayo nahiya sa anak niyo? May problema ako oh."



Tinanggal naman ni Chanyeol yung kamay ni Taehyung mula sa bunganga niya. "Taehyung, it's not a problem, okay?" inis niyang sabi. "Iniisip mo lang na problema siya kaya nagiging problema. I think having a crush should make you feel, you know, happy. And if not, then it's time to tell him what you feel."



"Chanyeol's right," sang-ayon ko naman. "If it's turning into a burden then... it's time to let it all out. Mas mahihirapan ka lang habang tumatagal yan."



Mas lalo namang napa-pout si Taehyung. "I... I don't want to lose our frienship." mahina niyang sabi. "Saka what if straight pala siya diba? I'm sure lalayas siya ng kwarto at hindi na ako papansinin ever."



Napabuntong hininga nalang ako. "Can you keep it a little bit longer until you figure out if you're willing to risk the friendship?" tanong ko saka dahan-dahan na hinawakan yung buhok niya.



Inubos ni Taehyung yung hot chocolate saka tumango. "I'll do my best," mahina niyang sabi.



















Buti nalang, may vacuum cleaner sila dito sa bahay at hindi talaga ako masyadong nahirapan sa paglilinis. Tinulungan naman ako ni Chanyeol at pinatulog ko na muna si Taehyung sa kwarto ko para naman daw hindi si Jungkook ang una niyang makita pagkagising niya.



Gumawa ako ng chicken sandwiches at ceasar salad for breakfast at habang nagtitimpla ng orange juice si Chanyeol, naisip kong i-interview nalang siya. "Chanyeol, is it okay if I ask you some questions?" tanong ko naman saka umupo sa may stool.



"Ask me anything," sagot naman niya habang nakangiti.



"Um. You were able to watch the presscon, right?" mahina kong sabi at agad na nawala yung ngiti sa labi niya. "I'm sorry if the queen is spreading lies..."



Tumingin sakin si Chanyeol. "Baek, why are you apologizing for somebody else's mistake?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Wala kang kasalanan doon. The queen chose to lie. It's not because of you."



Umiwas ako ng tingin. "Actually, I think everything's because of me." sabi ko naman. "Hindi ko sinunod yung mga inutos niya sakin. She got mad because I'm such a hard-headed brat who's too innocent about the world. Maybe she just want to protect me in the first place, Yeol. Maybe I'm really the problem."



Nanlalaki yung mga mata ni Chanyeol habang nakatingin sakin. "Baek, you shouldn't be saying that." umiling siya. "Okay. So maybe you're really stubborn and you don't follow her orders. But is that reason enough for her to kill you?" Nang hindi ako sumagot, kumuha si Chanyeol ng isa pang stool saka tumabi sakin. Kinuha niya yung kamay ko saka hinawakan lang yun.



"Masaya naman ako dito, Yeol." bulong ko habang nakatingin parin sa sahig. "Pero hindi ko maiwasang sisihin yung sarili ko ngayon. I made her angry. She's the queen. I should have respected her."



Napabuntong hininga si Chanyeol. "Baek, listen to me," mahina niyang sabi kaya napatingin ako ulit sakanya. "Do you remember the very first time I saw you without any mask on?" Tanong niya at tumango naman ako. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit ka tinatago ng reyna? Why she's keeping you from other people?"



Napa-shrug lang ako. "I chose not to think about it..."



"Baek, she doesn't want to give you the spotlight." sabi ni Chanyeol. "I don't know what her issues are but I really think she's feeling quite threatened whenever she's around you. She doesn't want to lose, does she? And she believes you're better at her in just about everything."



Tinignan ko siya ng masama. "Sinasabi mo lang ba yan para gumaan ang pakiramdam ko?"



Natawa si Chanyeol. "Do I look like I'm lying to you?" nakangising tanong niya. "Baekhyun, you're kind, you're easy to talk to, you're gorgeous and I really want to be with you. Hindi ako nagsisinungaling."



"Queen Belle could really be evil sometimes..." Napabuntong hininga ako saka ngumiti ng maliit. "I miss my sister."



"Miss Amber's fine, don't worry." At nang sabihin niya yun, naging sobrang gaan ng pakiramdam ko. Para akong nawalan ng dinadala sa dibdib. Oh my god. Mabuti nalang. "Dahil wala ka nung isang araw, pumunta ako ulit sa inyo at... nagkita kami."



Humigpit naman yung hawak ko sa kamay niya. "What did she tell you? Okay lang ba siya?" Sobra kasing nakakapag-alala lalo na't alam niya lahat.



"Well, she looked like she wasn't able to get a good night sleep in a while." sabi ni Chanyeol. "Pero she's fine. Physically. No bruises or whatever. And she didn't tell me anything about you getting kidnapped."



"Maybe the queen told her not to say anything to anyone." malungkot na sabi ko. Hindi ko nalang ma-imagine yung nararamdaman ni Amber ngayon. Panigurado, ang alam niya patay na ako at hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi yun totoo kasi ayoko siyang mapahamak. Ugh. Ang hirap neto.



"Baekhyun," simula ni Chanyeol at nang tignan ko siya ulit, parang hesitant pa siya. "About... about the queen..."



Napakunot noo ako. "What about her?"



"I think she knows that I like you." sabi ni Chanyeol.



"Oh. And?"



"Remember what I told you about her losing? I think I'm right about that." ngumiti si Chanyeol ng maliit. "She's trying to flirt with me."



Kinagat ko yung labi ko para hindi mapa-"WHAT?" na with matching mura sa dulo. Walang hiya naman, Queen Belle! Bakit si Park Chanyeol pa?! BAKIT SIYA PA?! Ang dami-dami niyang manliligaw si Chanyeol pa?! Nakaka-gigil na siya ah. Ngayon wala na talaga akong natitirang respeto sa babaeng yun. Matapos niya ako tangkaing ipapatay, aagawin pa niya yung nag-iisang lalakeng nagustuhan ko? Aba. Aba. Ibang usapan na si Park Chanyeol ah. Off limits na siya!



"Um, Baek... ouch," mahinang sabi ni Chanyeol at saka ko lang na-realize na sobrang higpit na pala ng hawak ko sa kamay niya.



Agad ko namang binitawan yun. "Sorry!" mabilis kong sabi. "Sorry, sorry. Ikaw kasi, kung ano-anong sinasabi." Natawa siya kaya binigyan ko siya ng masamang tingin. "Um... paanong flirt pa yan?" Sinubukan ko talagang alisin yung inis or selos sa boses ko pero medyo mahirap. Nakaka-inis ah. Naiinis parin ako.



Nakangisi si Chanyeol na para bang nag-eenjoy siya sa reaction ko. "Well, tinawag niya ako sa study room niya, said she'll discuss some important matters." simula niya at nang mapatingin siya sa kamay ko, natawa siya ulit kasi ready na talaga akong manapak. Dahan-dahan niyang tinanggal yung pagkakakuyom ng mga daliri ko. "She gave me wine, sat really close to me on the couch, and started, you know, whispering those---"



Tinakpan ko yung bunganga niya gamit yung dalawa kong kamay. "Ayoko na palang malaman." inis na sabi ko. "Okay na. Okay na." at nang matawa siya ulit, tinanggal ko na yung mga kamay ko. Baka matulak ko pa siya at mahulog siya sa upuan niya.



"She's really creepy, though." napa-shrug siya. "And she doesn't stand a chance. You could be real dead now and I would still choose you." walang halong pang-aasar na sabi niya.



Dahil ayokong malaman niyang kinikilig ako, inirapan ko nalang siya. "Huwag..." hindi ako sure kung tama bang sabihin pero bahala na. "Huwag ka nang bumalik sa Royal House. Dun ka nalang sa bahay niyo." at medyo nang-uutos pa yung tono ng boses ko.



"Or here." ngumiti siya ng malaki. "Why? You don't want me here?"



Nag-shrug lang ako. "Okay lang."



Tinatawanan nanaman niya ako at tinignan ko na talaga siya ng mas masama ngayon. "I really like you, Your Highness." nakangising sabi niya. "And you don't have any idea how much."



Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa tingin mo ba... gusto din kita?" mataray na tanong ko.



Nilapit ni Chanyeol yung mukha niya at agad akong napa-atras. "You let me hug you and hold your hand..." sabi niya. "So I'll bet you like me, too? But anyways, I'll keep liking you still." sure na sure na sabi niya. Abaaa.



Pinanliitan ko siya ng mga mata. "What if I'm just being nice?" hamon ko naman.



Ngumiti siya. "I believe you're not like that, Your Highness." at nang sabihin niya yun, lumayo siya sakin at nakahinga ako ng maluwag. Okay. Hindi nga siya isang jerk o playboy. Kasi kung oo, edi sana may ginawa na siyang masama sakin kanina pa. Pero hindi eh. Ni hindi manlang niya ako sinubukang halikan. Gentleman kumbaga.



Kumuha siya ng sliced bread at sinimulang kainin yun. Pinanood ko lang siya. Kung mag-iimagine ako ng dream boy bago ko pa nakilala si Park Chanyeol, sigurado akong isang kagaya niya yung gusto ko. Ang isa pa, matangkad siya. Physically palang, bagay na kami. He he he. Saka sobrang bait pa niya. Wala akong makilang flaw. Ano ba yan.



"I like you, too." pag-aamin ko at agad siyang napatingin sakin. "I like you, Chanyeol. Really. Seriously now."



"That's... really good to hear." nakangiting sabi niya.



Maya-maya pa, nagsibabaan na yung pito. Unang bumaba si Yoongi at parang masama pa yung gising dahil hindi manlang kami pinansin kung hindi pa siya tinawag ni Chanyeol. Nag-'Hi' lang siya samin bago kumuha ng sandwich at juice at lumabas ng bahay.



"Yo!" masayang bati ni Namjoon kay Chanyeol. "Kanina ka pa?"



"Kaninang mga 3 am lang naman." sagot ni Chanyeol at nanlaki yung mga mata ko sa gulat. So isang oras siyang nasa labas? Kawawa naman. Jusko.



Natuwa din naman sina Jin at Hoseok nang makita nila si Chanyeol at doon pa sila kumain sa kitchen counter para makipagkwentuhan. Syempre, ako yung pinag-usapan nila at yung tungkol sa presscon kagabi. Parang wala nga ako doon eh.



Nang bumaba si Jimin at Jungkook nang sabay, nagkatinginan lang kami ni Chanyeol. Awww. Kawawa naman yung anak namin. HUHUHU.



"Chanyeol-hyung?" gulat na sabi ni Jimin at lumapit para makipag-fist bump. "Ang bilis mo naman. Kagabi mo lang naka-usap si Baekhyun-hyung ah."



"Ah. Bumyahe ako agad nang malaman kong andito siya." sagot naman ni Chanyeol. "I just had to finish some paperworks so I could stay here the longest. Alam niyo na, I don't really trust you guys. I had the feeling you'll do something bad to him so..." Tignan niyo na. Parang wala talaga ako dito eh.



"How sweet." pang-aasar ni Jimin bago pumunta sa dining table to kumain. Si Jungkook naman, nakatayo parin sa tabi ng counter habang tumitingin-tingin sa paligid.



"Uy, kumain ka na, Jungkook." sabi ko naman. "Ayaw mo ng salad at sandwich?"



"Si V?" tanong niya. "Wala na kasi siya sa kwarto kaninang nagising ako."



"Nasa---"



"Hindi namin alam," singit naman ni Chanyeol. "Maybe he doesn't want to share a room with you anymore." dagdag pa niya at pinalo ko siya ng malakas sa braso. "Ouch, Baek!"



Inirapan ko lang siya at hinarap nalang si Jungkook. "Natutulog siya sa kwarto ko," sabi ko naman. "Maaga kasi siyang nagising eh tinamad na atang umakyat."



"Ganun?" Napa-shrug lang si Kookie. "Okay." at pumunta na para kumain. So parang wala lang sakanya? Ganun? Hay. Ngayon alam ko na kung bakit sobrang nasasaktan nga si Taehyung at kung bakit hindi niya masabi.
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top