kabanata 10
"You nearly killed me, Byun Baekhyun."
Natawa ako. "That's not---" Pero biglang naputol yung linya kaya napatingin ako sa cellphone ni Hoseok. "Lowbat?"
"Oops. Sorry. Sira pala yung battery ng phone ni Hoseok." natatawang sabi ni Jimin sabay kuha nung bulok na Nokia 3210 ng animal-loving human being na yun.
"Sirang battery?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Jimin, wala ka nang mabibilhan ng bagong battery ng Nokia 3210. It's like a million years ago since lumabas yang model na yan."
"Meron," giit naman ni Jimin. "Madami diyan sa mga bangketa. Yung mga tipong garage sale?"
Napa-iling nalang ako saka kinuha yung karne mula sa counter at sinimulang hugasan yun. Andun na eh. Kausap ko na siya! Bakit ba kailangang kay Hoseok pa siya tumawag? Wala bang cellphone tong mga---
"Wala kayong ibang... cellphone?" tanong ko kay Jin na hinahanda na yung mga kailangan namin para sa beef mushroom na lulutuin nga namin ngayong gabi. Lumabas na si Jimin sa kusina habang tinititigan ng maigi yung cellphone ni Hoseok, iniisip kung may mabibilhan pa nga ba ng battery nun.
"Hyung, this is a rest house," natatawa niyang sabi. "Most of us prefer no phones around. Para na din hindi kami naaabala ng ibang tao."
"P-pero... paano kung emergency?" Hindi parin ako makapaniwala na wala silang cellphones (Yung useful ah. Yung hindi sira yung battery.) dito sa isang bahay sa gitna ng gubat. Ang weird. Hindi ako makapaniwala.
Napa-shrug lang si Jin. "Emergency? Mukha namang walang emergency."
"Kaya nga emergency diba? Hindi mo ine-expect."
"Okay, Hyung. Calm down." natatawang sabi ni Jin. "At least Chanyeol-hyung knows you're alive, right?"
Gusto ko siyang irapan pero alam kong tama siya. At least alam ni Chanyeol na kasama ko yung pinsan niya at yung mga kaibigan niya sa gitna ng gubat kung saan pwede siyang pumunta kahit kelan niya gusto. Hm. Hm. At least... at least.
Napangiti ako. "Well, I think you're right."
Maya-maya pa, habang pinag-uusapan namin ni Jin kung paano ko nakilala si Park Chanyeol, bigla nalang pumasok si Namjoon sa kusina, may hawak na yellow pad sa isang kamay. "So, 130,000 won?" tanong niya sakin.
Napakunot noo naman ako. "Anong gagawin ko sa 130K mo?"
"Starting salary, Baekhyun-hyung." sabi niya. "Since you're living with us now, kailangan may sweldo ka para hindi awkward para sa aming lahat. It's just right, I think."
"It could be as low as 100K won and I wouldn't mind." amin ko naman. Eh kasi hindi naman big deal yun. Magaling naman ako mag-ipon saka hindi ako mahilig mamili ng kung anu-ano diyan. Buti nalang, hindi ako lumaking spoiled.
"Great," tumango si Namjoon. "150K then."
Man. Hindi reverse psychology yun.
"Pero Namjoon---"
"And by the way, Taehyung's on it again. Someone's got to talk to him." sabi ni Namjoon na pinagtaka ko naman. Taehyung? BAT PARANG ANG DAMING PROBLEMA KAY TAEHYUNG?! Nakakatakot na ah.
Napabuntong hininga si Jin na para bang nangyayari na to dati. "Basement?" hula niya.
"Basement." tango ni Namjoon.
Ayokong magmukhang chismoso pero hello? Ano to? Kami na nga lang tatlo dito sa kusina, OP pa ako? Hustisya naman doon diba? Kaya tinignan ko si Jin saka nagtaas ng isang kilay. "Taehyung? Basement?"
"I'm sure he'll tell you if you ask him," sabi ni Jin habang naghihiwa ng bawang. "Diba nga, ikaw na yung bago niyang 'Eomma'." dagdag pa niya na parang nang-aasar at parang gusto kong ipakain yung karneng hilaw sakanya. Parang lang naman.
Inirapan ko siya. "I'll get used to it," mahina kong sabi. "But if I get to be his... his... his mom, edi dapat sabihin niya sakin."
"Trust me. He will." sure na sure na sabi ni Namjoon. "Tomorrow. Tomorrow for sure."
Dahil nga official 'housemaid' na ako ng pitong kabataan na umampon sakin, kailangan kong maging loyal at passionate sa bago kong trabaho. Para na din hindi ako mapahiya sakanila at para na din hindi nila ako itapon sa labas. Mahirap nang bumalik sa gubat at maghanap ulit ng bahay ampunan no.
Kagabi, hiniram ko yung alarm clock ni Jin at nakaset yun ng 4:00 ng umaga. Naka-ayos na sa utak ko yung transition ng trabaho ko pagkagising na pagkagising ko: first, maglinis ng buong bahay at second, magluto para pagkagising nila, ready na lahat. Maglalaba na din siguro ako. Osige. Pangatlo na yun.
Sa Royal House, 6:00 ng umaga nagsisimula ang unang part ng Lessons kaya naman sanay na akong magising ng maaga. Isa pa, maaga akong nakakatulog dahil after dinner, naglalaro nalang yung pito ng PS4 at pinapatulog na nila ako.
Medyo madilim pa nung bumaba ako at naka-on pa yung ilaw sa front porch----
"Oh my god..." singhap ko nang makita ang isang lalakeng nakaupo sa harapan at mukhang natutulog pa. Tumakbo ako agad at binuksan yung front door (na glass nga daw sabi ni Jungkook). May hawak siyang coffee-in-can sa isang kamay pero mukhang hindi niya parin kinaya yung antok.
Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan at lugar kami ulit magkikita.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. Suot ko pa yung malaking pajamas na binigay nila at lampas sa kamay ko yung sleeve. Mukha akong tanga sa itsura ko ngayon pero bahala na. Hindi ko siya pwedeng iwan dito sa labas.
"Hey," sabi ko sabay tulak sa balikat niya. "Park Chanyeol, wake up."
Napabalikwas naman agad si Chanyeol at natatarantang tumingin sa paligid. Pero nang mapatingin siya sakin, hindi ko inasahang yayakapin niya ako agad. "You're alive..." bulong niya at mas lalong humigpit yung yakap niya. "Oh my god, Baekhyun, you're alive."
"I am." natatawa kong sabi at niyakap din siya pabalik. Oo na. Namiss ko siya. Hindi naman masama yung yakap diba? Yakap lang to. Yakap lang. Even friends hug each other. Duh-uh?
"I can't believe the queen said those things," mahina niyang sabi nang kumawala kaming dalawa sa yakap na yun. "Did she..."
"She hired someone to kill me," pag-aamin ko. "That's why no one else should know that I'm here and that I'm alive, Chanyeol. Ipapapatay lang niya ako. Please don't tell anybody."
"Of course." mabilis niyang sabi. "You could always trust me." Napabuntong hininga siya saka napahawak sa sentido niya. "I still can't believe you're... here."
"Me, too." mahina kong sabi saka tumango. "Sobrang swerte ko at dito ako napadpad. Hindi sa... bahay ng mga werewolves." At napatingin ako sa paligid. Nasa labas pa kami at sobrang dilim ng gubat at ang lamig pa ng hangin. Goosebumps ulit. Kinuha ko yung kamay niya. "Tara sa loob. Mukhang..." napalunok ako sa takot.
"Werewolves?" nakangising pang-aasar niya pero hinayaan naman niya akong hilain siya patayo. Nakasuot siya ng simpleng pull-over at jeans. Walang special sa outfit niya pero sobrang gwapo niya parin. Bakit ba ganito?
Nang nakapasok na kami, binuksan ko na muna lahat ng ilaw. "Kung gusto mong matulog, punta ka nalang sa usual na kwarto mo kapag pumupunta ka dito." tinuro ko yung second floor. "Maglilinis pa kasi ako. Marami pa akong gagawin."
Agad naman na napakunot si Chanyeol. "Maglilinis? They made you clean the house?" at bakas nga sa boses niya yung inis.
"150,000 won a month!" nakangiti at excited kong sabi.
"Pero Baek, you're a prince." dahilan ni Chanyeol. "You can't just turn into a maid one day. I'll talk to them." at naramdam ko yung paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Oops. Mukhang wala siyang (kaming) balak bumitaw.
"I can," sabi ko naman. "Manang Beng-beng taught me everything I need to know about household chores. Pwede na nga akong mag-asawa, seryoso." Proud na proud kong sabi pero minsan talaga hindi ko iniisip yung sinasabi ko. MAG-ASAWA?! Tama ba namang banggitin yung bagay na yun sa harap ng taong type mo?!
Tinikom ni Chanyeol yung labi niya para hindi mapangiti. NAKAKAHIYA. Lamunin na sana ako ng lupa. Juice colored.
Napalunok ako. "I mean... Uh..."
"You like to do this?" mahina niyang tanong. "Baekhyun, just say it and I can take you away from here." alok niya at aaminin ko, sobrang tempting nung offer na yun. Sa sobrang tempting, gusto ko nang mag-'Oo' agad. Pero hindi eh. Parang wrong.
Ngumiti ako. "I'm fine," paninigurado ko sakanya. "Mababait sila dito and I really, really enjoy their company."
"Baekhyun look at you," sabi niya. "No one looks this gorgeous in too large pajamas. I can't let you be their worker. It's just not right in so many levels."
Tinignan ko naman yung sarili ko. Gorgeous? Niloloko ba ako neto? "Chanyeol, open your eyes," sabi ko sakanya. "Hindi pa ako nagsuklay at mukhang size mo pa tong pajamas na suot ko. I'm not gorgeous."
Tinignan niya ako ng masama. "You are, Byun Baekhyun. In fact, you're too gorgeous right now and I'm trying really, really hard not to kiss you." seryoso niyang sabi at napasinghap ako sa gulat. "And by the way, akin nga yang mga pajamas na yan. I left them last month."
Parang natuyo yung bunganga ko sa mga sinabi niya. "I..." napalunok ako. "I like to work here." Change subject na. Balik na tayo sa pagiging 'housemaid' ko please.
"I really want to respect your decision..." simula ni Chanyeol. "But..."
"Teka nga," pinigilan ko siya. "Why are we even talking about this? This is weird."
"What's weird?" nakakunot noo niyang tanong.
"Me, telling you about this and you, making a decision for me." sagot ko naman. "This is weird, Park Chanyeol. Hindi mo ba naisip yun?"
"Oh." Parang natauhan na sabi niya. "I'm sorry. I didn't expect myself to react like that."
I have a point, I know. Para tuloy kaming magkarelasyon sa lagay na to.
Huminga ako ng malalim. "Look," hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya. "I know you want to help me and everything but Chanyeol, I basically live here now. Hindi na ako pwedeng makita ng kahit na sinong pwedeng magsumbong sa reyna na buhay pa ako. Ayoko nang bumalik doon. I don't want anything 'royal' around me anymore. I just want to be that no one who cleans houses and do laundry. You're the son of a duke, Chanyeol. I don't think I'll be that safe in your hands."
Tinignan lang ako ni Chanyeol na para bang pinag-iisipan niya talaga lahat ng sinabi ko. Eh may point naman kasi ako. Ulit. Kahit na gaano ko kagustong sumama sakanya, alam naming dalawa na dito lang ako magiging pinakaligtas. Malayo ako sa kabihasnan. Safe na to.
"I'm sorry," bulong ni Chanyeol. "I'm sorry if I questioned your decisions."
Ngumiti naman ako saka hinawakan yung pisngi niya. "I'm sorry, too. For hurting your feelings." mahina kong sabi. "Did you deliver those invitations that day?"
"I did." napangiti siya ng maliit.
Nawala yung ngiti sa labi ko. "I'm sorry I wasn't there to show you around." For some reason, nakakaguilty nga na wala ako doon. Na hindi ko manlang siya nahintay. Pero hinila niya ako para sa isa nanamang yakap at hinayaan ko siya.
"You're here, right?" nararamdaman ko yung labi niya sa buhok ko at sobrang comforting nung idea na yun. "I couldn't ask for more."
Aaminin ko, ang daming weird na nangyayari sa buhay ko ngayon simula noong 15 years old ako at nakita naming lumabas ng kwarto niya si Queen Belle na galit na galit. Nagsimulang magbago yung buhay ko simula noon. Pero parang mas weird yung fact na sobrang familiar ni Park Chanyeol sakin. Parang matagal ko na siyang kilala. Sobrang komportable ng pakiramdam ko pag kasama ko siya. Para kaming may 'connection' na hindi ko maintindihan.
"Chanyeol?"
"Hm?"
"Weird ba na pakiramdam ko, matagal na kitang kilala?"
Alam ko sobrang stupid nung tanong na yun. Pero nagulat ako nang matawa siya ng mahina. "I was about to ask you the same thing." bulong niya. "But I'm pretty sure we haven't met yet before that feeding program."
Napakunot noo naman ako. "How could you be so sure?"
"Baekhyun, I would never ever forget meeting you." sagot niya. "It'll be like facing cupid now and forgetting about him the next day."
"Cupid?" natatawa kong sabi. "Cupid talaga?"
"Well, yeah..." medyo nahihiya niyang sabi. "Cupid's a symbol for love, right?"
Naiimagine ko siyang namumula at sobrang cute. HUHUHU. "Love?" pang-aasar ko.
"Ugh, Baek." frustrated na sabi ni Chanyeol. "Please don't pretend you don't know how much I like you."
"Don't worry." Niyakap ko naman siya ng mas mahigpit. "I know, Park Chanyeol."
"You know Baekhyun----"
"Oohhh. So may Appa na pala ako. Hindi manlang ako na-inform."
Thanks for ruining the moment, Taehyung.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top