kabanata 1
Year 2020...
Taong 2017 nang biglang mainggit ang South Korea sa United Kingdom, Canada, Australia, at New Zealand, mga bansang napapailalim sa isang monarkiya kung saan may Royal Family namumuno. Isang araw, matapos ng napakaraming debate, nanalo ang kagustuhan ng presidente na di kalaunan ay tinawag na ding "Mahal na Hari". Sa isang iglap, ang pamumuno sa South Korea, naging isa nang monarkiya.
Wala namang masama sa monarkiya. Naging maayos naman ang pamumuno ng Hari sa kanyang mga nasasakupan. Kung tutuusin ay napaka moderno nga ng mga batas na kanyang pinatupad; ala Barack Obama nga ang dating.
Ang pamilyang namumuno sa South Korea ngayon: Ang Byun family.
Sa kasalukuyan, si Queen Ysabelle Byun ang namumumo. Isang half-American half-Korean na napangasawa ng namatay na si Haring Byun Nam-sun. Si Reyna Ysabelle o mas kilala bilang Queen Belle ay nakilala ng Hari matapos bumisita sa New York para sa isang conference. May anak sa unang asawa si Queen Belle, si Amber, isang lesbian na mahilig magdamit goth.
Ang Mahal na Hari naman ay may nag-iisang anak, si Prinsipe Byun Baekhyun... at ako nga yun. Dahil nagmumukha na akong old style narrator, bumalik nalang tayo sa present time.
Magkasundo naman kami ng stepsister kong si Amber, para na nga kaming magbestfried slash brothers and sisters. Hindi na nga issue sa amin ang step-whatever na yan kasi magkasama na kami simula six years old palang kaming dalawa. Twenty three na kami ngayon. Ganon na katagal!
Namatay ang dating Mahal na Reyna habang pinapanganak ako. Mga four years din na mag-isa ang Hari sa pamumuno. Pero ayun na nga, dumating ang araw na nakahanap na siya ng Reyna niyang tutulong sakanya.
Wala namang problema sakin yun. Minahal ko naman sina Queen Belle at Amber na parang tunay kong kapamilya. Kahit sobrang vain ng Reyna, (AS IN SOBRANG VAIN) feeling ko naman, ganun din sila. Mabait naman ang Reyna sa akin, para na din niya akong anak. Noong namatay si Papa five years ago dahil sa stroke, silang dalawa nalang ang pinagkukunan ko ng lakas.
Naging masaya naman kami, sa totoo lang.
Pero fifteen years old ako noon nang parang magbago ang ihip ng hangin. Nakarinig kami ng malakas na sigaw mula sa kwarto ng Reyna. Naglalakad kami noon ni Amber palabas sa palasyo at napadaan lang kami sa kwarto ni Queen Belle.
"Ano yun?!" natataranta kong tanong kay Amber. Nanlalaki yung mga mata naming dalawa sa takot. Yung sigaw, parang galit na ewan, kaya tumakbo kami pabalik sa kwarto ng Reyna. Pero kakatok palang kami nang biglang bumukas yung pinto.
Nagulat kami nang lumabas si Queen Belle, galit na galit na nakatingin sa paligid. Nang makita niya kaming dalawa, mas lalong nagalit yung itsura niya. Hindi ko alam pero sa pagkakataon na yun, para siyang makakapatay.
"Ma! Ano ba yun?!" sigaw ni Amber sa nanay niya. "What happened?!"
Nilipat ni Queen Belle ang tingin sa anak. "It's none of your business!" bigla niyang sigaw. First time yun na sinigawan niya ang anak kaya naman weird talaga. Padabog na naglakad palayo ang Reyna at naiwan kaming dalawa na gulat na gulat.
At simula nga ng araw na yun, naging malamig na ang pakikitungo sa akin ni Queen Belle. Hindi niya ako matignan at kung titingin man siya sa akin, parati siyang galit na takot na ewan ulit. Ang weird talaga.
Pero tiniis ko naman yun saka hindi na masyadong inisip hanggang sa utusan niya ang mga maid na ibahin ang buong wardrobe collection ko at palitan ng mga pangit at old style clothes. Pati mga sabon at shampoo ko, pinapalitan din niya. Pati ang diet ko, pinagbawal niya. NAKAKA STRESS TALAGA.
"Amber, hindi ko na talaga kaya." reklamo ko isang araw habang nakahiga ako sa sahig ng kwarto niya habang naglalaro siya ng PS4. "Bawal na din akong mag jogging?! Asan ang hustisya doon?!"
Tinignan ako ni Amber saglit. "Nasa genes mo naman ang pagiging skinny," sagot niya. "Huwag mo nang problemahin ang weight mo. Tss."
"Hindi yun yung point." sabi ko naman. "Hindi ko alam kung bat niya to ginagawa. What did I do?!"
Napabuntong hininga naman si Amber sabay irap. "Isipin nalang natin na she's training you. Soon enough, you'll become king. Kailangan mong maging selfless." explain niya. Kahit alam naming dalawa na pointless ang explanation na yun, pinalampas ko nalang. Whatever. Bibili nalang ako palihim ng mga kailangan ko.
Pero ngayon, kung kelan ako twenty three at pwede nang mag-asawa at sumaya, bigla akong pinagbawalang lumabas ng palasyo kung hindi kailangan. At kung kailangan man, kelangan kong mag-mask. MAG MASK DAW! BAKIT?!
Kaya naman kung gusto kong lumabas at mamasyal, tumatakas nalang ako sa tulong ng aking mahal na kapatid.
"Sige na kasi Em! Tulungan mo na ako!" pagmamakaawa ko nang makapasok ako sa kuwarto ni Amber. "Ngayong gabi lang! Hindi ko na uulitin ulit, I swear!"
Binato sakin ni Amber ang kulay itim niyang unan. Actually, lahat ng bagay sa kuwarto niya ay color black. Kung hindi man color black, malamang ay bloody red o grey. Feeling ko nga minsan nasa isa akong kweba ng mga kulto basta pumapasok sa kuwarto niya. Nakaupo kami ngayon sa sahig kung saan nakakalat ang napakaraming itim na throw pillow.
"Ayoko na, okay?" inis na sabi ni Amber. "The last time I helped you, muntik na akong lapain ni Mommy sa galit! Bawal ka ngang lumabas ng bahay diba? Bat ba ang tigas ng kokote mo?" napa-irap ito at tinuloy ang paglalaro sa kanyang PS4. As usual.
Tumabi ako sakanya habang naka-pout. "May bagong bukas na shop malapit sa university," explain ko. "Lalabas sana kami nina Sulli at Luna kaso ayaw mo akong tulungan." ginawa ko ding nangongonsensya pa ang tono ng boses ko at buti nalang hindi yun nakalagpas sa pandinig ni Amber.
"Not valid." giit ni Amber habang hindi parin ako tinitignan. "Isa pa, baka ma-rape ka diyan, Baek. Ano ba?"
"Anong bang rape ang sinasabi mo, ha?!" inis na din na sabi ko. Ano bang sinasabi ng babaeng to?! "Wala namang manggagahasa sakin doon. Saka babae lang ang nire-rape sa panahon ngayon."
"Eh diba nga, people mistake you as a girl." irap ni Amber. "You could be raped and walang matitutulong sina Sulli at Luna sayo, believe me." Nagsimula akong magpagulong-gulong sa sahig para guluhin siya at tinadyakan naman ako ni Amber sa mukha. "BAEK! I'M GONNA LOSE THIS STUPID GAME YOU MOTHERFCKER!" tinulak pa niya ako palayo gamit ang mga paa. Hayop na to.
"Tulungan mo na kasi ako~" paiyak na sabi ko sabay hila sa braso niya. "Amber, I just want to go out. Mababato na ako dito sa bahay. HINDI KO NA KAYA!"
Napamura si Amber at tuluyan na ngang pinindot ang 'Pause' button. "So you want to 'just go out'." sabi nito sabay taas ng isang kilay. Tinuro niya ang bintanang natatakpan din ng makapal na itim na kurtina. "Ayun, garden. GO. OUT. Magpa-araw ka, magpagulong-gulong ka doon. GO. OUT. Meron naman diyan. Pinapahirapan mo pa sarili mo."
"You're so mean." simangot ko pero hindi niya parin ako pinansin. Tumayo si Amber at naglakad papunta sa kanyang desk kung saan naroon ang napakaraming libro na kailangan pa niyang basahin. Dahil nga anak siya ng Reyna, marami din siyang bagay na kailangang gawin.
Kumuha si Amber ng isang libro at binato sa akin. Agad ko naman itong nasalo at saka dahan-dahan na umupo. "I'm attending an activity tomorrow," explain ni Amber saka humarap sakin. Naka-cross arms ito at parang galit pa tumingin dahil sa kapal ng eyeliner na suot. "It'll be with some dukes and their families. Do you want to come?"
"Where?" tanong ko agad. Napatingin ako sa hawak kong libro. Ay teka. Manual pala. "Ano to? 'Hiking for a cause'?" basa ko sa nasa cover.
"Hiking." napa eyeroll si Amber nang makitang mapa-pout ulit ako. Alam naming dalawa kung gaano ko ka-hate ang gubat. Mabilis akong matakot lalo na sa madidilim na lugar. Kaya naman kinuha ni Amber ang isa pang libro saka binato sa gawi ko. "How about this? Feeding program. Sa isang araw naman yan."
"Better." napangiti ako nang buklatin ang manual. "Pwede ko bang tawagin sina Su--"
"Not a chance." sabi ni Amber saka napabuntong hininga. "You know how Mom hates your choice of friends. Magagalit lang yun. Baka pauwiin ka pa agad, diba?"
Dahan-dahan naman akong napatango. Hindi naman ganun kasama ang stepmother ko maliban sa pilit na 'pagpapa-pangit' sakin. Mabait naman ito minsan, medyo istrikto nga lang at isang perfectionist. Gusto niya, tama lahat ang ginagawa ng mga tao sa paligid niya. Hindi ko naman siya masisisi. Reyna siya. Ano pa ba diba?
"Do I have to wear a mask?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
Tumango si Amber. "Kahit disguise mask lang, okay na." sagot niya. "Pero pwede mong tanggaling kung wala na si Mom. Ang annoying kaya."
"Hindi ko talaga gets kung bakit kailangan kong mag-mask." nakakunot noong sabi ko. "Ganun na ba ako kapangit at kelangan kong magtago?!" Weird talaga ng rule na yun.
Tinignan naman ako ni Amber habang nakakunot noo din. "You know brother, you're definitely not my type pero... I don't think you look bad." sabi niya. "Aside from the fact that you have girly features, I don't really think you're ugly."
Napangiti ako. "Thanks." masaya kong sabi. "You don't look bad yourself."
Umirap si Amber. Minsan lang kasi to mabait kaya kailangang sulitin. "Whatever." bored na sabi niya. "Anyways, I'll let you meet some duke sons. You want?" ngumisi siya sakin saka umupo sa harapan ko.
"Kilala mo silang lahat?" gulat na tanong ko. "Wala kang type sakanila?!"
"Baek! You know I'm not into guys!" sigaw niya. Napahawak si Amber sa sentido niya saka bumuntong hininga. "So there's Oh Sehun," nagsimula siyang magbilang. "Matangkad, maputi, pogi pero childish."
Inirapan ko siya. "Gaano ba ka-childish yan?" tanong ko.
Lumapit naman sakin si Amber at bumulong ng, "Peppa Pig ang gamit niyang hanky at socks."
"EW!" sabay naming sigaw saka natawa ng malakas.
"Next, ito," natatawang tuloy ni Amber. "Kim Jongin. Aaminin ko, hot siya, medyo tan at super contagious ng tawa. Yun nga lang, may pagka-flirt."
"Gaano ba ka-flirt yan ha?" tawa ko.
"Isang daan na ata naging girlfriend nun, ewan ko ba." sabi ni Amber sabay irap. "Pero I think he's taken. I'm not sure. Pero flirt! Huwag na!"
Natawa ako ulit. "Okay. So next?"
"Um, Do Kyungsoo?" simula ni Amber at parang di pa siya sure. "Cute. Sobrang puti, parang ikaw. Cute din ng lips kaso medyo malambot, parang ikaw ulit."
Napa-isip ako. "Ay ano ba yan? Baka hindi kami talo."
Tumango si Amber. "Yan din ang nasa isip ko, bro." napahawak siya sa baba niya. "Isa pa. Kim Jongdae. Pogi na din. Mabait saka masaya kasama. Pero puro jokes lang ang alam. Never mong makakausap ng seryoso."
"Ayoko ng ganun, Em." reklamo ko. "Walang sense kausap. Ew."
"Kris Wu!" malakas na sabi ni Amber. "Eto, matangkad, gwapo, stylish, hot na din. Yun nga lang, puro English saka kung magsalita parang parati nagra-rap. Napapatango nalang ako minsan."
Umiling ako. "Ayoko. Hindi ako marunong mag-rap."
Napa-isip ulit si Amber. "Teka, parang wala na akong maalalang lalake doon." mahina niyang sabi. "Gusto mo mga 65 years old na? Or 50, ganun?"
"Amber kadiri ka na ah!" reklamo ko. "Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?!"
Biglang napahawak si Amber sa braso ko habang nanlalaki ang mga mata. Para siyang nanalo ng lotto. "AY TEKA!" sigaw niya. "Meron pang isa!"
Tinignan ko siya ng masama. "Sino?"
"Park Chanyeol." nangingiting sabi ni Amber. "Gwapo. Matangkad. Hot. Yun nga lang..."
"Oh ano nanaman yan?!"
"Hindi ko pa siya nakakausap." napa-sigh nalang siya. "Medyo tahimik kasi saka mysterious. Pero madalas niyang kasama sina Sehun at Jongin. Hindi ko alam kung may girlfriend or boyfriend o kung straight ba siya or bi."
Napabuntong hininga na din ako. "Ang hopeless naman ng mga choices mo."
"Oo nga." mahina na din niyang sabi. "Sad."
Sabay kaming napabuntong hininga ulit. Leche talaga. Kelan kaya ako magkakaroon ng lovelife?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top