PROLOGUE
PROLOGUE
“ESTERLY, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” Hinarap ko si Kuya Jaydel. Bigla na lang kasi siyang pumasok sa clinic ko.
“Sorry po, Kuya. Busy po ako kanina pa,” sagot ko sa kaniya at napabuntong-hininga siya. Umupo siya sa visitor’s chair ko at matiim niya akong tinitigan. “May kailangan ka po ba?” tanong ko sa aking pinsan.
“Si Oriphyn,” sambit niya at napayuko ako. “Hindi mo na siya dinalaw pa pagkatapos niyang maaksidente,” sabi niya at humigpit ang hawak ko sa lab gown ko.
“Kailangan ko pa po bang bisitahin siya, Kuya? Nandoon naman po ang girlfriend niya,” sabi ko at kumiling ang ulo niya.
“Oo. Nandoon nga ang girlfriend niya pero noong magising siya ay ikaw ang una niyang hinanap,” aniya at nag-angat ako nang tingin. Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata niya.
“Kuya, mahigit isang taon na po ang nakalipas noong naghiwalay kami at simula noon ay hindi na kami nagkikita pa. Matagal nang natapos ang relasyon namin at wala ng dahilan pa para bisitahin ko siya roon,” pagdadahilan ko at nakaramdam pa ako nang kirot sa dibdib ko.
“Esterly, kahit matagal na kayong hiwalay ay alam kong hindi ka pa rin nakakapag-move on sa kaniya. Alam kong hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ang kaibigan ko. Halos hindi ka na nga lumalabas sa clinic mo at ginawa mo na itong bahay para lang iwasan mo ang dapat mong iwasan. Pinsan kita, Est. Mahal kita pero sana lang subukan mong kausapin ako. Hindi ka nag-iisa. Pamilya tayo at huwag na huwag mo akong iiwasan,” mahabang saad niya at napangiti ako.
“Ayoko lang po na magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan niyo ni Oriphyn. Ayoko na ako ang magiging dahilan niyon. Hayaan mo na ako, Kuya. Okay lang po talaga ako,” aniko at muli siyang napabuntong-hininga.
“Visit him, Est. Kahit saglit lang, magpakita ka sa kaniya,” aniya.
“I’ll try po,” sabi ko na lamang.
Tumayo siya at marahan niyang hinawakan ang ibabaw ng ulo ko. “Importante sa akin si Oriphyn, dahil matalik ko siyang kaibigan pero dahil mas mahal kita kaysa sa kaniya ay alam mong ikaw pa rin ang pipiliin ko.”
***
Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang seradora ng pinto. Nasa tapat na ako ng private room ni Oriphyn. Kinakabahan talaga ako. Ilang beses kong pinag-isipan ito. Na kung handa na ba ulit akong makita siya. Na makita siyang kasama ang babaeng ipinalit niya sa akin.
Ang lakas-lakas nang kabog sa dibdib ko at pinagpapawisan na rin ako. Bumaba ang tingin ko sa punpon ng bulaklak.
“I-I can’t,” I uttered at binitawan ko na ang doorknob. Tinalikuran ko na ito at nagsimula na akong humakbang. Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
“Esterly? Ikaw ba ’yan, hija?” Mariin akong napapikit nang marinig ko ang boses ng mama ni Oriphyn. Naaabutan pa tuloy ako.
No choice na ako kundi harapin si Tita Lara. “Good afternoon po, Tita,” bati ko sa kaniya at yumuko pa ako. Napangiti pa siya at nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto.
“Ikaw nga. Long time no see, hija. Come on in, matagal ka nang hinahanap ng anak ko. Ori, son. Nandito na si Esterly,” anunsyo pa niya sa anak niya kaya nadagdagan ang kabang nararamdaman ko.
“Really, Mom? Let her in po.” Boses iyon ni Oriphyn. I bit my lower lip and took a deep breath bago ako dahan-dahan na naglakad sa pinto at tuluyang pumasok.
Nasa hospital bed nakaupo si Oriphyn. May benda pa siya sa ulo niya at nandoon din ang girlfriend niya. Kaibigan ito ng nakababata niyang kapatid na babae.
Nang magtama ang mga mata namin ni Oriphyn ay sumilay ang matamis na ngiti niya na halos ikaiyak ko pa. Nag-init din kasi ang sulok ng mga mata ko.
Ngayon niya lang ulit ako nangitian nang ganyan at inaamin kong na-miss ko iyon. Miss na miss ko na siya.
“Grabe, nagtatampo na ako sa ’yo, Est. Isang linggo na akong nagising from my coma pero ngayon mo lang akong naisipan na dalawin?” tanong niya at parang nasa boses nga niya ang pagtatampo.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, gayong nandito rin ang girlfriend niya. Ayokong magmukhang kontrabida.
“Sorry,” sambit ko lang at kinuha ni Tita Lara ang bulaklak na dala ko.
“Lapitan mo na siya, hija,” sabi pa nito at marahan kong pinisil ang kamay ko bago ko nilapitan si Oriphyn.
Umupo ako malapit sa bed niya at halos ayaw ko na siyang tingnan pa. Ramdam ko ang mariin na titig niya sa mukha ko.
“So, Esterly? Wala ka bang balak na yakapin ang boyfriend mo?” Mabilis akong napatingin sa kaniya nang iyon ang lumabas mula sa bibig niya at hindi ko iyon inaasahan. Umawang pa ang labi ko sa gulat at tiningnan ko ang mommy niya, sunod ay ang girlfriend niya na nakayuko na lamang.
Ano’ng nangyayari sa kaniya? Matagal na kaming hiwalay pero bakit iyon ang tinanong niya sa akin?
“Ano’ng. . .” Hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya muli kong binalingan si Channon. Ang kasintahan niya pero tumayo ito at inaya niyang lumabas ang kapatid ng boyfriend niya.
“Ano na, hon? Nagtatampo na talaga ako sa ’yo,” sabi pa niya kaya namimilog pa ang mga mata kong binalingan siya. “Gusto mo bang matulog ulit ako, ha?”
“What happened to you, Oriphyn?” seryosong tanong ko.
“Hija,” tawa ni Tita Lara sa ’kin. Tumayo ako para lapitan si Tita Lara.
“Ano pong nangyari sa kaniya, Tita?” mahina ang boses na tanong ko.
“May selective amnesia siya, Esterly at hindi niya naaalala ang girlfriend niya,” sagot niya at nagulat ako.
“Ganoon po kalala ang amnesia niya? Tita, I’m part of his past at sobrang tagal na no’n,” wika ko at tumango-tango siya.
“Ang tanging naaalala niya ay ang nakaraan, kung saan na ikaw lang din ang naaalala niyang girlfriend niya,” sabi pa niya.
Nakatatawa lang. Parang isa pa ring teleserye. Alam niyo iyon? Nakalimot ang isang bidang lalaki at ang ex-girlfriend pa niya ang naaalala niya. Nakalimutan niya ang totoong mahal niya and I don’t want to play a villain. Hindi ako tutulad sa mga kontrabida na nag-take advantage sa mga ex nila para lang makuha nila uli ito.
I feel sorry for Channon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top