Chapter 25

Chapter 25

Maagang dumating ang nanay at kapatid ni Shai sa condo niya. Medyo puyat pa nga ako dahil anong oras na natulog si Matty. Si Shai naman bagsak kaagad no'ng nahiga na siya sa kama niya at tuloy-tuloy na ang tulog kaya ako ang nagising sa katok ng pinto sa aming tatlo.

They were actually surprised to see me greeting them and when I told them that Shai was still sleeping, they didn't mind it. Pero iyong nanay ni Shai, she just entered the unit and headed straight to her room and woke her up.

Nahiya naman ako sa kanila kaya tumayo na lang din ako sa isang tabi. When Shai woke up and her mother started talking to her like a riffle. Napansin ko naman ang mabilis na pagkabanas ng mukha ni Shai. I tried not to smile. Nakabusangot pa talaga siya. Well, this was her idea and I was just going with it.

Nang mapagpasabihan niya ang kanyang anak ay sa akin naman napunta ang atensyon nila. Ngitian naman niya ako.

"Ano nga ulit pangalan mo, hija?" tanong nito sa akin sabay abot ng kamay ko. "Pasensya ka, makakalimutin na talaga."

Napangiti ako saka umiling. "Ayos lang po. Jacinta po ang pangalan ko. Madalas tawag ni Shai sa akin ay Jace kasi mas maikli raw."

"Ganda-ganda ng pangalan mo, sinisira nitong babaitang ito," utas nito sabay lingon sa kanya.

"Ma naman!" dabog niya. "Aga-aga, e. Sabi ko mamaya na kayo pumunta. Saka hindi ko naman kayo pinapunta rito para i-bash niyo ako, e."

"E, gano'n na rin 'yon," sagot ng nanay nito. Muli niyang ibinalik sa akin ang atensyon niya. "Nasaan na pala ang anak mo? Ilang buwan na ba?"

"Magdadalawang buwan pa lang po," sagot ko habang tinatahak naming ang guest room.

When we reached the guest room and they saw Matteo sleeping comfortably, they were in awe. My heart was melting upon seeing their reaction. I could've seen those emotions in my family.

"Kamusta naman ang pangangak mo?" tanong nito sa akin.

"Maayos naman po," sagot ko. "Hindi naman po ako nahirapan. Ilang oras din ang itinagal ng labor pero everything was smooth when I let my baby out."

"Mabuti naman kung gano'n," aniya. "Napakapoging bata. May lahi ba ang ama?"

As much as I don't want to talk about it anymore, it seems like I couldn't get away with these questions. Tumango naman ako bilang sagot.

"Kaya pala, halata kahit sa malayuan," dagdag pa nito. "Anong lahi? Amerikano? German?"

"Italian po."

"Bongga naman pala. Nakadawit ka ng Italyano."

"Ma naman!" muling pagsaway sa kanya ni Shai, pero siya pa ang sinasaway ng nanay niya dahil sa pagiging intribida. Nagtatanong nga lang naman.

"Nasa Pinas asawa mo?"

Umiling ako. "Hindi ko po asawa tatay niyan," sagot ko and I think it was such a relief off of my chest whenever I answered it like that. "I left him back in Italy. I just don't think he's ready to fulfill his responsibility as a father."

"Hayaan mo na 'yan, mga lalaki nga naman."

"Para namang narasanan mo 'yong mga gano'n, ma?" sabat ni Shai. "E, si papa lang naman naging jowa mo noon."

"Manahimik ka, Shaira ututen!"

Natawa na lang din kasi sa snagot ng nanay niya.

"Alam mo, marami rin talagang mga foreigner na bubuntisin ka lang tapos babalik na sa bansa nila para magpakasarap ng buhay. Pinunlaan lang ang isang dilag para sa isang gabi ng kasarapan."

"Okay, move on na tayo," muling sabat ni Shai. "Maaga pa para sa ganyang kalat."

"Kanina pa 'yan sabik si mama, ate." Natatawang tugon ng kapatid niya. "Mukhang sabik na sabik talagang mag-alaga ng baby."

"E, kailan ka ba kasi magkakaanak, Shaira bruha, ha?"

"Ay, ewan ko sa inyo," sagot ni Shaira saka kami tinalikuran. "Magluluto muna ako ng breakfast."

"Ay, ako na ang magluluto," pagpresenta pa nito. "Minsan lang ako rito sa condo mo, hayaan mo na akong kumilos."

"E 'di, go! The kitchen is all yours!" ani Shaira.

Hinayaan ni Shaira ang nanay niya na magluto sa kusina habang ang kapatid naman niya ay sinaway nang magbukas ng TV na ang lakas ng volume. Lumapit naman ito sa akin at para bang pagod na pagod siya.

"Pasensya ka na, ha? Ganito talaga pamilya ko. Akala mo worst na ako, may mas grabe pa pala sa akin. Gulat ka, 'no?"

Natawa ako. "Well, manang-mana ka rin talaga sa mama mo."

She flipped her hair. "Gano'n talaga kapag may lahing maganda."

"True enough," tugon ko pa. "Anyway, anong oras ba tayo aalis mamaya para maihanda ko rin ng maaga mga gamit ni Matty."

"Mga six tayo aalis," aniya saka sinilip ang wall clock. "Yes, six tayo alis. Hindi rin naman on-time darating 'yong iba ro'n, but good thing na maaga dumating."

"Sige, ihahanda ko na rin mga gamit ni Matteo para hindi sila mahirapan mamaya."

Bumalik ako sa kwarto para asikasuhin si Matteo. Hindi ko pa ito ginising dahil masyado pang maaga. Late na rin siya natulog kaya hahayaan ko muna.

As time went by, marami nang na-ikwento ang nanay ni Shaira sa amin. Nang magising din si Matteo, tuwang-tuwa naman siya. Sinabi pa ni Shai na akala apo niya si Matteo kung makaagaw sa pagkarga mula sa akin. Wala namang problema sa akin 'yon. I wish I have someone who would do that to me and Matteo.

Ngunit wala, pero ayos lang din.

I don't find it weird when Matteo seemed comfortable with Shai's mother. Kung sa iba, iiyak 'yan agad pero mabilis nitong nakagaanan ng loob ng bata. She said that Matteo looked so healthy and cared. I tried not to be emotional when she mentioned that because for almost two months, I have been doing my best to support my son and that's all I could ever do for him.

If there's something I need to do for my baby, I will—at any cost.

When it's near to leave and Shai and I are almost done preparing, she reminded them once again what they should do and shouldn't. Tiwala naman akong maalagaan si Matteo kaya nang umalis kami ng condo niya, napansin ni Shai ang mukha ko.

"Anong meron?" taka nitong tanong. "Uy, 'wag ka mag-aalala kina mama. Safe 'yon si Matteo."

Ngumiti ako saka tumango. "I know, and that's not what I was thinking about."

"Okay... ano naman 'yon?"

"My life wouldn't be the same anymore as it used to be," I shared my sentiments while we were waiting for the booked car. "Kung noon, I was able to go to any places every night and be free... pero ngayon, iba na kasi ang priority ko. With just a snap of a finger, nagbago ang buhay ko."

"The world is changing, Jace..." aniya. "What happened before made you who you are now. Well, totoo naman 'yon. What you did back then is the result of what you have in life right now and I don't think you regret it."

"I don't," I answered shaking my head.

"And that's a good thing," she added. "Always think like that... and I guess, for one night, you can be free. You can be who you want to be. Gusto mo 'yon?"

I nodded. "Tonight... I'll be free..."

Nang dumating ang sasakyan ay agad kaming pumasok sa loob. Hindi naman inabot ng thirty minutes ang biyahe. Mabilis lang kumpara kung pupunta pa kami sa north dahil sa BGC lang naman ang location.

We were dropped by sa tapat ng club kung saan iyon ang club na tinutukoy ni Shai. She didn't again let me pay for the ride. Ang reason niya, siya may work at kumikita. Iyong akin naman ay mga ipon ko lamang, I still try to find some ways to earn, but time is a big hindrance.

I took a deep breath as we walked inside the club. Hindi pa gaanong party-party. I haven't been invited to clubs before and party all night since I went to Italy. Iba ang ganap ko sa buhay ro'n. Malayong-malayo sa kung anong meron ako rati at sa nangyayari ngayon.

The birthday celebrant isn't around when we arrived, but there we met already a few guests invited. Pinakilala ako ni Shai sa kanila. Ang iba naman ay kakilala ko kaya nagulat sila nang makita ulit ako.

May mga plano iyong mga kaibigan ng celebrant kung paano nila susurpresahin iyon. I tried to put myself into the group, pero na-out of place naman ako. While I was looking around, my heart literally jumped out when I found someone familiar looking right at me. It wasn't Fabio, but the same man following me the last night.

Agad kong iniwas ang tingin ko at dahan-dahan kong binalik ang tingin ko pero wala na siya sa direksyon kung saan siya nakaupo.

"Are you okay?" tanong ni Shai sa akin.

Mabilis naman akong napatango sa kanya. "Oo naman... I should excuse myself muna. Punta muna ako sa restroom."

"Sure, bilisan mo lang kasi paparating na ata 'yon si Billy."

"Sige, mabilis lang din naman ako."

Paalis na ako pero hinawakan niya ulit ako sa kamay ko. "Sure ka, ayos ka lang, ha?"

I answered her with a confident nod. Just to lessen her worries about me.

Tumungo ako sa restroom, I quickly entered one of the cubicle. Pagkalabas ko at pagpunta sa sink, naabutan ko iyong isang babae na parang umiiyak. I tried not be so nosey, pero hindi ko rin kasi maiwasan pansinin.

"Are you alright?" I asked.

She shockingly looked at me, nodding her head. "Yes, I am..."

"I think I saw you earlier with your friends... birthday mo ba? Happy birthday!" pagbati ko pa.

Umiling naman siya. "Ay, hindi. Nagpadespedida friends ko for me. I'll be going to Cape Town in the next day."

"Oh, wow... maganda ro'n sa South Africa. The country I would love to go to."

"True... anong name mo?" tanong niya.

"Jacinta... you?"

"Mara," she said, wiping her hands with a tissue before offering her hand to shake mine. "Nice to meet you... Jacin..."

"I'm sorry, I'm so bad at names."

I chuckled. "Ayos lang. Many people got it wrong..."

"You're with those noisy groups, 'no? Sorry, nasabi ko bang noisy?"

I smirked, and shakes my head. "No, that's fine. I wasn't really supposed to be here, but yeah, I'm free and having fun right now."

"Good for you." Saglit lang din ay may naghanap sa kanya at tinatawag na ito. "Sorry, I have to go na. Nice to mee you, again."

"You, too. Safe travels, Mara."

"Thanks." She smiled walking out of the restroom.

I followed after a moment and went back to where the noisy group was. Hindi ko na naabutan ang pagdating ni Billy. Hinila naman ako ni Shai just to get along with them, but I feel like this life isn't for me anymore.

Nang mapalingon-lingon muli ako sa paligid, nabato ang katawan ko nang makita ko na naman siya. I hastily turned around and grabbed a glass of alcohol on the table and swigged it down.

Others doesn't seem to mind so I kept getting a glass and drink it. All throughout the night, my senses are so high. Pansin ko na naman na wala na iyong lalaki na 'yon. He must've left at baka nagkataon lang din talaga.

Past one in the morning when everyone decided to leave the club, may mga iba pang nagpa-iwan to continue the fun, but Shai and I decided to left.

"Teka lang, may nakalimutan ako. Balikan ko lang mabilisan," aniya. "'Yong car na binook ko, malapit na 'yon. Abangan mo na lang."

So, I did what she said. Nang may humintong sasakyan sa harapan ko, I thought it was the car. Lumapit ako ro'n at binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

"Kuya, saglit lang po, a? Wait po natin ang kaibigan ko. May binalikan lang siya sa loob."

Hindi sumagot si kuya kung hindi mahinang hum lamang. I slowly started getting to be sleepy, papikit-pikit na ang mata ko. After a while, someone hopped inside the car and sat next to me and then the car drove away... and me falling asleep.

#BirthOfLiesInSicily #BOLISChapter25 #WTS9

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top