01

Ano bang bago sa bawat araw na lumilipas? Papasok kana naman sa eskwela at makikinig ng mga lessons. Tapos ano? Paulit ulit na lang na ganun. Makikipagkita sa mga kaibigan tapos bonding na kasama sila at yayayain maglaro ng basketball.

Lagi naman ganito sa bawat araw na lumilipas. Maliban na lang kapag espesyal ang araw na dumarating.

Papasok na naman ako sa paaralan na pinapasukan ko. College na ako at business management ang kinukuha ko. Lagi ako dumadaan sa playground ng subdivision namin dahil malapit lang naman ito sa bahay namin. Natatandaan ko pa nga at madalas ako nandito. Masaya at maraming kalaro ngunit nasaan na Kaya sila? Ang mga kababata ko noon ay paniguradong may kanya kanya na ding buhay.

Pagdaan ko dito ay may nakita ako. Babae at tingin ko nasa edad na labing-walong taon. Hindi nalalayo sa edad kong dalawampu't isang taon. Bakit sya nandito? Nakatalikod sa akin at nakaupo sa swing. Naririnig ko ang kanyang paghikbi.

"Miss, bakit ka umiiyak?" Tanong ko rito pero hindi sya lumingon sa akin. Kinakalabit ko lamang sya pero walang epekto.

Pumunta na ako sa kaniyang unahan, "miss, anong mayroon? Bakit ka umiiyak dito?" Tanong ko pa muli rito. Bigla syang tumingin sa akin at nagulat ako. Bukod sa namumula niyang mga mata ay may natatangi siyang ganda.

Nakatingin lamang sya at patuloy pa din umiiyak. Nakakaiyak ba ang kagwapuhan ko?

Kinuha ko na lang ang panyo ko at binigay ito sa kaniya. Baka mahuli pa ako sa klase ko. Terror pa naman ang prof na yun at major pa naman din.

Umalis na ako at hindi ko ng nagawa pang magpaalam sa kaniya. Pamilyar sya sa akin. Para bang nakikita ko sya rito parati.

"Pareng Sander!" May tumawag sa akin. Isa sa mga kaibigan ko. Hindi ko pala namalayan na nasa tapat na pala ako ng paaralan ko. Bakit ko ba iniisip ang babaeng yun? Siguro, nagtataka ako at bakit nasa playground sya imbes na nasa paaralan din at napasok.

"Ano na pre? Ano ganap?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman ng nakakaloko ang taong ito. May balak itong hindi maganda. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Pre naman, wag kang ganyan! Parang mamamatay na ako nyan eh. Punta tayong bar mamaya. I'm free again!" At natuwa pa ang loko.

"Kahit kailan talaga, napakaloko mo sa mga babae! Sean, kapag ikaw nakahanap ng katapat mo, ako ang unang una tatawa sa harapan mo!"

Sumimangot na lang ang kolokoy. Nasaan na nga ba si Drei at Liam?

Pumunta na lamang kami sa klase at saktong pagdating ng prof ay nagsimula na syang magturo.

***

Ang boring. Yun lang masasabi ko sa araw na ito. Bakit hindi na lang mag-aya ng basketball game si Sean imbes sa bar?

Umuwi na lang ako kaysa sumama kila Sean. Ano bang gagawin ko sa bar? Mag-inom? Hindi na. Hanggat may pasok, bawal mag-inom.

Naglalakad lang ako pauwi sa amin. Ano pa ba gagawin ko? Gagawa ng assignments at projects.

Nang dumaan ako sa playground ay naalala ko yung babaeng nakita ko kanina. Bakit ganun? Nandun ulit sya. Pero this time ay kalaro nya ang mga ilang bata sa amin. Tuwang tuwa sya na nakikipaglaro sa mga bata.

Parang ewan. Umagang umaga umiiyak pero ngayong hapon ay ang saya saya.

Pumunta ako doon sa playground at pinuntahan sila. Naglalaro sila ng habul-habulan. Naagaw ko ang kanilang pansin Kaya napatigil sila sa akin.

Maganda pala sya kapag nakangiti. Ha? TEKA. Ano ba tong sinasabi ko.

"Ano 'yon?" Tanong nito sa akin pero nakangiti pa din.

Mas maganda sya sa malapitan. Oh shems! Sander! Anong pinagsasabi mo?!

"Ah ano, anong pangalan mo?"

"Sunshine," sabay lahad ng kamay niya. Agad ko ito kinuha. Bakit ko natanong 'yun?!

"Ah ano, bakit ka umiiyak kaninang umaga?" Tanong ko sa kaniya pero agad nawala ang mga ngiting kanina ko pa nakikita.

"Wala. Family problem lang." Sagot nya ngunit ngumiti sya ulit.

"Taga rito ka ba?"

"Oo, dyan lang oh." Turo nito na malapit lang sa bahay namin. Tatlong bahay mula sa amin.

"Kakabalik ko lang dito noong nakaraang linggo lang kaya naninibago pa ako dito. Lumaki Kasi ako sa lolo't Lola ko pero dito ako pinanganak." Dagdag pa niya.

Tumungo tungo na lang ako sa kaniya bilang pagsagot. Okay? Sumenyas na lang ako sa kaniya na uuwi na ako. Dahil marami pa akong gagawin.

Pero kahit nakarating na ako sa bahay namin ay tandang tanda ko ang kaniyang mukha. Masaya at maganda sya. Pero, nakakapagtaka lang, habang kausap ko sya ay may ilang siyang pasa sa braso. Anong mayroon?

Bakit curious ako sa kanya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top