Simula
Handa ka bang makinig sa tinig na nakalapat sa mga titik?
Handa ka bang buksan ang mga istoryang walang nakaaalam?
Handa ka bang tahakin ang daang panulat lamang ang panglaw?
Ang bawat binhi ay may kaabikat na bunga. Ang bawat dahilan ay may kaakibat na kahihinatnan. Sa bawat bungang uusbong, ang lahat nga ba ay nakatakdang mamukadkad?
Paunawa:
Ang mga tula ay nakasulat sa lengguwaheng Pilipino. Ang lahat ng mababasa ay orihinal na katha ng manunulat. Ano mang kaakibat ng pagnanakaw o pagkopya ng mga nilalaman ay hindi pinahihintulutan.
Bagaman sinisikap ng manunulat na suriin ang bawat tulang ilalahad, may mga kakapusan at pagkukulang na hindi maiiwasan sa hinaharap na maaaring magresulta sa ilang mga pagkakamali sa balarila.
Aking hinihiling ang inyong pag-unawa. Pinapangako kong sisikapin kong ayusin ang balarila at paunlarin pa ang mga tulang ilalahad sa abot ng aking makakaya.
Ang ilang mababasang tula sa librong ito ay produkto ng musmos na emosyon, mga tulang nawala na sa pagkakaalala at muli na lamang natagpuan. Karamihan ay produkto ng mga karanasan at damdamin.
Hinihilih ang pagbabasa nang may malawak na pang-unawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top