|06| Hawlang Lilim
•Hawlang Lilim•
Kailan pa kaya makababalik
Sa ginintuang parang?
Muli pa kayang mahahanap
Ang dalisa'y na liwanag?
Kay lawak ng kalupaan
Sakop ng walang hanggang liwanag
Ngunit ang bawag sinag
Maituturing nga bang sapat?
Lahat nga ba ng kadiliman
Ay may katumbas na sakit at pagdurusa?
At lahat ba ng liwanag
Ay maituturing na tagapagsalba?
Sino nga ba ang makapagsasabi
Na ang kweba'y 'di na muling magliliwanag pa?
Mayroon bang makaiisip
Na ang liwanag, minsa'y 'di na magdidilim pa?
Tumatakas nga ba upang maging malaya?
O sa gulong ay humahanap lang ng bagong dusa?
Dito sa ginintuang sumpang kalupaan
Nabubuhay pa kaya ang karapatang "kalayaan"?
- Isang paglubog ng araw sa buwan ng Hulyo taong Dalawang libo dalawampu't apat
•~After the Glow~•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top