|04| Estranghero

•Estranghero•

Lumilipad ngunit hindi alam kung saan pupunta
Sumusulat ngunit hindi alam kung para saan pa
Sa paglilibot sa pamilyar na siyudad ay nagtataka
Sapagkat ang lahat ay aking nababatid, ngunit hindi na rin pala

Maliliit na ilaw na gumagabay
Upang ang pamilyar at masikip na daan ay muling magamay
Dahil bagaman palagi itong tinatahak at binabaybay
Sa lakas ng ulan at lindol ay hindi pa nasasanay

Kay hirap maging estranghero
Sa bayang aking naging kanlungan
Tuyot na pluma at said na mga tinta
Ngunit ang inspirasyon sa mga akda ay 'di na mahagilap pa

Kay sakit na ang lahat ng alaala'y malinaw pa
Ngunit tila doon na lamang iyon mananatili, at hindi na magbabalik pa
Ang isiping ang susi'y minsang aking napasakamay
Ngayo'y tila bakas na lamang ng minsan kong pagtatagumpay

Patuloy akong naliligaw
Sa bayang minsan kong naging kanlungan
Hawak ang bruhula, pilit inaaninag ang daan
Umaasang muli akong makababalik sa dati kong kinagisnan

Sa mahabang pagmumuni at pag-iisa
Pilit nilulunok ang mga tinik na nakabara
Mga gabay at memorya ay patuloy na kinakapa
Sa pag-asang ang dating kinalakihang bayan ay mahahanap ko pa

- Ika 29 ng Enero, Taong Dalawang Libo dalampu't apat

•~After the Glow~•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top