|03| Isla de Paenitentia

•Isla de Paenitentia

Naroon ako sa pagitan
Ng paglimot at pag-alala
Naroon ako sa gitna
Ng pagkakulong at paglaya

Sa paggapang ko sa daan
Ay saan nga ba ako patutungo
Tama bang sa bangin ay magpakahulog
O ang langit ay liparin kahit puno ng takot?

Sa bangin
Na may katumbas na lamig ng hangin
Pangambang pumupuno sa damdamin
Habang sa butas na walang kasiguraduhan ay nagpapakain

Sa kalawakan
Takot ay namamayani pa rin
Sa pagkahulog mula sa mga ulap
At tama ng mga balatik

Sa sampung siglo ng pagkakakulong sa ilalim ng lupa
Malayo sa lahat ng katotohanan at pag-aakala
Tago sa malayong reyalidad
Kung saan walang maaarok na tunay na kalidad

Doon, doon ako namalagi
Kasama ang mga uod at mga ugat na bali
Palasyong puno ng kalawang ang bawat dingding
At grupo ng mga anay na pinamumunuan ang sahig

Bilyon-bilyong pagsisisi'y walang katumbas
Sa rami ng panahong sa aki'y nalagas
Sampung siglong panahon ang lumipas
Para sa kalidad na higit pa ang alahas

- Isang mapanglaw na hapon ng buwan ng Julyo taong Dalawang libo dalampu't apat

•~After the Glow~•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top