The End

Dedicated to @FREELYNA thanks for the support❤️

1 week later

VIONE
Naisipan namin ni Yajin na puntahan si Aera sa ospital dahil hindi pa ito na-discharge. Ipinagdarasal ko rin na sana wala si Jabez doon upang hindi kami magkagulo. Kailangan ko lang talagang maka-usap si Aera upang maayos namin ito. Ang hirap rin pala kasi kapag nagkasala ka sa isang tao dahil sa kagagahan ko at dahil desperada ako nakagawa pa ako ng mali.

"Are you ready?" Tanong ni Yajin sa akin dahil malapit na kami sa ospital. May dala akong mga prutas at bulaklak para sa kaniya.

"I think so?" Alanganing sagot ko sa kaniya. Isang linggo na ang nakaraan ngunit natatakot ako at nakokonsensiya ako dahil sa ginawa ko.

"Ako nalang muna ang papasok upang hindi ka niya saktan agad. Ako nalang ang magiging knight in shining armor mo kahit ngayon lang" natatawang sabi sa akin ni Yajin kaya napangiti ako. Kahit kailan talaga hindi ako nito iniwan kahit ang gaga ko minsan at nagpapadalos dalos sa mga desisyon ko. Mahal na mahal talaga ako nito. Tumango nalang ako bilang sagot at pumasok na sa ospital at tinanong agad ang room number ni Aera. Pagkarating doon ay agad na gumapang ang kaba sa buong sistema ko. Kaharap ko pa lang ang pinto pero feeling ko pagbukas ko nito mahihimatay ako sa kaba ko. Naunang pumasok si Yajin at iniwang nakabukas ang pinto.

"What are you doing here? Nakita mo naman ang ginawa ng kaibigan mo sa akin? Baka masaya na kayo? Shempre oo, successful 'yung plano niyo eh" Rinig kong sabi ni Aera sa loob kay Yajin.

"No. We need to fix the things that shouldn't happened at the very first place. Hindi kami nandito para dagdagan ang nangyari sa'yo, if I wasn't distracted that time, i had the chance to grab Vione at sana hindi na nangyari ang dapat mangyari because i won't tolerate her to do that. She's the one who made that design for you but because of her feelings for Jabez she tried to ruin it but I know how much she was hurt also when she saw you catching your breath that time. That's why we're here, she's here to say sorry" rinig kong sabi ni Yajin at tumingin sa direksiyon ko at tumango. Pumasok naman ako habang hawak ang mga bulaklak at prutas. Nakatingin siya sa akin ng masama kaya napayuko ako.

"You still have that thick-faced ever Vione. Hindi ka man lang nahiya ha?" Napipilan ako sa sinabi niya, totoo naman eh ang kapal ng mukha ko kaya nga nandito ako eh.

"Aera please naman pakinggan mo rin 'yung side niya" sabi ni Yajin

"A-Aera... I-I'm very sorry, I really do. Dahil sa pagmamahal ko kay Jabez nagawa kong sirain ang relasyong mayroon kayong dalawa. Alam ko na hindi mo agad ako mapapatawad pero huwag mo ng idamay si Jabez sa kagagahan ko. Patawarin mo siya kasi wala siyang kasalanan dito. I was the one who planned it all and if ever I could turn back the time, I wish I didn't do that. Naunahan lang ako ng selos ko at ng takot ko. Mahal ko pa si Jabez at dahil sa kailangan kong magdesisyon iniwan ko siya pinili ko 'yung gusto ko at iniwan siya, natatakot rin ako na kapag sinagot mo siya hindi ko na siya pwedeng makasalamuha. Feeling ko parang maipagdadamot na siya ng iba wherein dating ako ang gumagawa. Sa pagkakataong ito gusto kong humingi ng tawad sa lahat." Huminga ako ng malalim dahil parang kinakapos na ako ng hininga dahil nagsisimula ng umagos ang luha sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

"Patawad kasi nailagay kita sa ganitong kundisyon, patawad kasi minahal ko 'yung taong para sana sa iyo. Sorry" I said and i'm still lucky I said it all straight to her while crying and i'm sincere about what I said to her. I want to let out this heavy feeling that i'm feeling for a long time.

"I'm sorry too I didn't know that, but I won't say sorry about the things na binakuran ko siya. Masuwerte ka pa rin dahil nalalapitan mo siya." Sabi niya at tumango lang ako habang pinupunasan ang mga luha ko na kanina pa tumutulo.

"I still can't accept your sorry but i'll keep in mind that you said it" sabi niya at ngumiti ng tipid.

"Thanks" sabi ko at binigay na sa kaniya ang bulaklak at mga prutas. Umalis din naman kami agad dahil may mga aasikasuhin pa ako.

"Thanks for your time" sabi ko sa kaniya at ngumiti ng tipid. Ngumiti rin ito sa akin at nagpasalamat sa mga binigay ko sa kaniya at lumabas na rin kami ng ospital.

"So where do you want to go next?" Tanong sa akin ni Yajin

"Jabez" sabi ko at nagtungo na sa bahay ni Jabez

•••••

Nandito na kami sa harap ng bahay nila at nakaramdam muli ng kaba na naramdaman ko rin kanina.

"Face your biggest fear beh. Baka monster iyan kapag ikaw haharap" sabi ni Yajin at tinaas-baba ang kilay kaya nalukot ang mukha ko.

"Let's go" sabi niya at pinindot ang doorbell nila.

"What the hell are the two of you doing here?" Galit na tanong ni Jabez sa amin at amoy sa kaniya ang alak.

"Uhmm Jabez, kailangan ka lang maka-usap ni Vione. Kahit ilang minuto lang, promise it's worth your time. Please?" Kundisyon ni Yajin at nakita ko na tumaas ang kilay niya at pumasok sa loob na habang nakaawang ang pintuan hudyat na pinapapasok niya kami.

Pagkapasok namin ay agad ko siyang nakitang naka-upo sa upuan nila at nagkalat ang bote ng alak sa mesa. He look so wasted and i hate seeing him like that.

"I'll just wait sa labas ha? Jabez kahit sana galit ka kay Vione huwag mo siyang sasaktan ha?" Bilin ni Yajin ngunit ngumiwi lang si Jabez

"Tch" sabi niya at tumingin sa akin

"Siguraduhin mong importante ang sasabihin mo" sabi niya at tumango ako ng dahan dahan

"J-Jabez gusto ko sanang humingi ng tawad. Galing ako kanina kay Aera at humingi na rin ng tawad sa kaniya" panimula ko ngunit tahimik lang ito

"Jabez alam mo naman kung gaano kita kamahal diba?" Sabi ko at nagsimula ng tumulo ang luha ko

"Tss magda-drama ka lang nanaman dito kung gaano mo nanaman ako kamahal?" Inis na sabi niya sa akin

"No, I mean yes, kung 'yun ang gusto mong marinig. Nandito ako para itama ang pagkakamali ko. Jabez mahal na mahal kita at sana alam mo iyon. Ever since na naging tayo, doon ko na binuhos ang pagmamahal ko sa iyo. Ipinagdadamot kita sa mga babae kasi sorry naman masyado ka kasing gwapo eh" sa sinabi kong iyon ay napa-tss siya pero nakita ko ang simpleng ngiti na namutawi sa labi niya.

"Pero nasasaktan ako na iba na ang gumagawa 'nun eh. Dahil lang sa naging desisyon ko eh nawala kita and God knows how much I want to hold on tight to you. Gusto kitang yakapin nang napakahigpit at sabihin na 'magiging ayos tayo, just give me time' pero natakot ako, natakot ako na kapag hinarap kita, itatakwil mo ako at hindi pakikinggan. Jabez kung noon hindi natin naayos iyon sana ngayon maayos ninyo ito ni Aera. Jabez mahal na mahal kita, sobra pa sa sobra" sabi ko at natawa kaming dalawa habang tumutulo ang luha ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya at tinignan sa mata.

"Jabez sana alagaan mo si Aera magmahalan kayong dalawa dahil magmula ngayon, palalayain na kita. I love so much Jabez" sabi ko at napahagulhol na ako. Ang sakit kasi sabihin sa isang tao na palalayain mo na siya kahit mahal mo pa siya, ang sakit sabihin sa taong mahal mo na mahalin niya kung sino 'yung kasama niya ngayon at ang sakit na makita na 'yung taong mahal mo nagmamahal na rin ng iba.

Naramdaman ko naman siyang yumakap sa akin at tinatapik ang likod ko

"Alam mo Vione ang tapang mo at nagpunta ka pa rito upang sabihin mo iyan and i'm proud of you. Tandaan mo rin na minahal kita at patatawarin kita dahil naging espesyal ka rin sa akin" sabi nito na mas lalong nagpahagulhol sa akin. Ang hirap tanggapin Jabez pero kailangan

•••••

🎶Ikaw na pala ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko🎶

🎶Pakisabi na lang na huwag siyang mag-alala at okay lang ako🎶

Nandito kami sa bar ni Yajin. Gusto ko lang munang malunod at makalimutan ang mga nangyari kahit sandali lang, kahit ngayon lang sana.

"Sige, iinom mo lang iyan Vione nandito lang ako. Aalalayan kita. Alam kong masakit." Sabi ni Yajin

🎶Sabi nga ng iba, kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo, hahayaan mo na mamaalam, hahayaan mo na lumisan🎶

Bwisit na kanta ito. Sinasampal ako ng katotohanan na kailangan ko na nga siyang iwan at palayain

🎶Kaya't humiling ako kay Bathala
Na sana ay hindi na siya luluha pa
Na sana ay hindi na siya mag-iisa
Na sana lang...🎶

Agad namang tumulo ang luha ko sana nga hindi na luluha si Jabez. Ang sakit kasi na makita siya sa ganoong sitwasyon.

🎶Ingatan mo siya
Binalewala niya ako dahil sa 'yo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ako dahil sa 'yo
Dahil sa 'yo🎶

Kaya sana Aera ingatan mo si Jabez, dahil hindi ko man lang siya iningatan noon at mas pinili ko ang pansarili kong desisyon. Binalewala niya na ako dahil sa iyo. Ayaw na niya ako kaya sana ikaw ang pumuna sa mga pagkukulang ko.

🎶Heto na'ng huling awit na kan'yang maririnig
Heto na'ng huling tingin na dati siyang kinikilig
Heto na'ng huling araw ng mga yakap ko't halik
Heto na, heto na🎶

'Yun na ang huling maririnig niya sa akin, ang sabihing mahal ko siya. 'Yung mga tingin ko sa kaniya na dati siyang napapangiti at ito na ang huling araw na nasabi ko lahat ng nararamdaman ko at huling araw kung saan niyakap niya ako

🎶Sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam...🎶

Tuloy tuloy ang pag-agos ng mga luha ko hanggang sa mapahagulhol ako. Ang sakit talaga eh. Naramdaman ko naman ang yakap ni Yajin sa akin habang umiiyak.

"Bakit ganon Yajin. Pinalaya ko na siya't lahat pero nandito parin 'yung sakit, 'yung pagmamahal ko sa kaniya, hindi nagbago 'yun pero ako naman itong may kasalanan eh. Ako 'yung bumitaw. If I chose him over my studies then is he still here beside me? Bakit ganito, kahit pinalaya ko na siya hindi pa rin nasagot lahat ng katanungan ko? Bakit?" Sabi ko habang humahagulhol

"Sometimes Vione, time can answer your questions. Siguro sa pagdaan ng oras, minuto o panahon, may mga mangyayari na hindi mo inaasahan at iyon ang sasagot sa mga katanungan mo kung bakit iyon ang naging desisyon mo. Kailangan mo lang maghintay Vione okay?" Sabi ni Yajin sa akin habang hinahaplos ang likuran ko. Napapikit naman ako habang patuloy na umaagos ang luha ko. Sana nga Yajin

1 week later

"Youth night mamaya. Are we going?" Tanong sa akin ni Yajin. Kinakabahan kasi ako, ano na kaya ang sasabihin nila sa akin? Relationship breaker? Haliparot? Malandi? Higad? Ano ba 'yan kinakabahan ako.

"I-I don't know" sagot ko at umupo sa sofa. Nandito kami sa apartment ko at wala kasi akong klase ng 4:30 onwards ngayon, as usual laging nandito si Yajin, ayaw tanggapin ng airlines na in-apply-an niya, masyado raw kasi siyang maganda sabi niya.

"Kung iniisip mo na ibabash ka doon, think twice Vione. Hindi ka nila mapagsasalitaan ng kung anu ano doon kasi simbahan iyon shunga, kapag pinagsalitaan ka nila ng hindi maganda masusunog sila charot, pero totoo naman" sabi ni Yajin at napaisip naman ako. Totoo pero minsan nakakamatay ang titig, nakakamatay ng confidence.

"Mag-explain ka, explain mo ang side mo. Alam kong maiintindihan nila kaya let's go" sabi niya at lumabas na. Ang ganda ng timing ah. Ilang minuto lang kaming nag-usap 5:50 agad. Kailangan na naming pumunta doon. Hindi ako nakapunta doon ng 2 Fridays at Sundays dahil binabad ko ang sarili ko sa studies ko for 2 weeks.

•••••

Nandito na kami sa harapan ng church namin at halatang okay naman silang lahat sa loob.

"Pwede ba na hindi na lang tayo pumasok?" Alanganing tanong ko. Pero pinanliitan niya lang ako ng mata.

"Ngayon ka pa baback out? Nandito na tayo kaya pumasok na tayo" sabi niya at hinawakan ang braso ko at pumasok sa loob.

Pagpasok namin sa loob ay nakita ko agad si Jelo na nasa may pintuan. Nang magtama ang mga tingin namin ay nawala ang ngiti sa kaniyang labi at naging seryoso.

"Welcome back" sabi nito sa akin at niyakap. Agad naman na nanubig ang mata ko.

"Hindi ko alam kung ano ang rason sa ginawa mo noon pero wala ako sa katayuan para husgahan ka" sabi nito sa akin at kumawala sa yakap.

"S-salamat Jelo" sabi ko at ngumiti. Agad namang nalipat ang tingin ni Jelo kay Yajin at tumitig sa kaniya ng matagal at ngumiti.

"Hoy Jelo huwag mo akong tignan ng ganiyan may Von na ako" rinig kong sabi ni Yajin at tumawa lang si Jelo

"Wala pa akong sinasabi" natatawang sambit ni Jelo

"Bahala ka sa buhay mo" sabi ni Yajin at tumuloy na kami. Tumingin silang lahat sa akin pero hindi ngiti ang sumalubong sa akin kundi titig lang talaga, walang emosyon kaya napayuko nalang ako.

Nagsimula ang program, kantahan, sayawan at kung anu ano pa. Nakita ko rin sina Jabez at Aera ngunit hindi sila magkasama.

"Okay ngayon, since tapos na tayo sa sayawan at kantahan ngayon naman mag-share rin kayo" sabi ni pastor. Napaisip naman ako at tinaas ang kamay, siguro kailangan ko rin silang maka-usap.

"Oh it's Vione" sabi ni pastor at pinapunta na ako sa harap. Habang naglalakad ay may naririnig akong nagbubulungan pero hindi ko na iyon pinansin.

"Hi" panimula ko.

"Siguro sa inyo baka sinasabi niyo ang kapal ng mukha ko na pumunta rito. Oo makapal talaga, kinapalan ko na para matapos na." Sabi ko at ngumiti

"Alam ko na maraming nakakaalam sa inyo ang nangyari dalawang linggo na ang nakalipas at nandito ako para magsorry sa dalawang sinira ko." Sabi ko at tumingin kay Jabez at Aera

"Gusto kong sabihin sa inyo na pinagsisihan ko ang nangyari noon. Mahal ko kasi si Jabez masyado kaya nagawa ko iyon, nanira ako ng relasyon na alam kong kahit sirain ko silang dalawa hindi maibabalik sa akin si Jabez. May past kami ni Jabez sa mga hindi nakakaalam, I thought I would still bring him back to my life by doing that but I was wrong. I thought I would be happy seeing Aera being devastated but I was also wrong because she's already experiencing a life and death situation when I did that bagay na pinagsisisihan ko. Sa ginawa kong iyon doon ko na-realize na kailangan mong magparaya upang maging masaya ka. Kasi kung hindi mo alam ang magparaya, you will be stuck with your fantasies at patuloy kang maninira ng tao. So i'm here to fix things" sabi ko at lumapit kay Jabez at hinawakan ang kamay at dinala ko siya kung saan nakatayo si Aera at kinuha ang kamay ni Aera at binigay kay Jabez

"You two should not be awkward to each other because of what I did. Dahil sa akin nasira ang lahat and it's time for me to fix it also. I'm so sorry to the both of you. Kayo talaga ang nararapat sa isa't isa at sana maging masaya kayo" sabi ko at pumalakpak ang mga tao sa loob at naghiyawan ngunit ako, tumutulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Agad akong bumaba ng stage at pinuntahan si Yajin sa may likod na nakangiti sa akin. Hinila ko siya at lalabas na sana nang may tumawag sa akin.

"Vione!" Sabi nito at pinunasan ang luha ko at hinarap ito

"Yes Aera?" Sabi ko ng nakangiti

"Salamat. Pinapatawad na kita" sabi nito at agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Kahit na siya na ang kasama ni Jabez ngayon sapat na na napatawad niya ako

"Thank you" sabi ko habang umiiyak

"You're welcome" sabi nito at umalis na kami ni Yajin. Hindi ko pa sila kayang makitang magkasama pero alam ko na as days goes by matatanggap ko na rin ito pero patuloy ko paring mamahalin si Jabez hanggang sa magsawa ako.

Dedication! Dedication! Ano na guyz padedicate na kayo bilisan niyo!! 'Yung mga nakakarelate diyan! Alam niyo na !
Typos and wrong grammars are still coming HAHA pagpasensiyahan niyo na po, I'll try to fix it.. THANKS SA PAG-UNAWA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top