Never Ending JaVi II

"W-what?" Tanong ko na tila nanigas na sa kinatatayuan ko

"Jabez Montalban po" sagot niyang muli at hindi na ako makagalaw. This can't be happening again!

Dahan dahan akong napalingon sa may ER at tinitigan iyon. Hindi ko kaya na makita si Jabez ulit sa ganoong sitwasyon. I'm still traumatized about what happened to him last time at nangyayari na lahat ng iyon ulit.

"Doc tara na!" Sa biglaang pagsigaw ng nurse na kasama ko ay siyang dahilan ng pagtakbo ko papuntang ER.

Pagkarating ko ng ER ay kita ko na kinakabitan nila ito ng mga aparato. Agad ko itong nilapitan habang namumuo ang mga butil ng luha sa aking mata. Sino nanaman bang gumawa nito sa iyo.

Kita kong duguan ito pati na rin ang damit nito ay puno ng dugo na siyang dahilan ng pagtulo muli ng luha ko

"W-what happened to him?" Tanong ko na nanginginig ang boses.

"Nahulog po siya sa 3rd floor ng construction site kanina and may fracture siya sa ibang part ng katawan as examined" sagot ni Nurse Josephine sa akin upang manginig ang mga kamay ko. Hindi ka pa magaling pero nangyari nanaman ito.

Inalis namin ang damit nito na pang-itaas upang ma-operahan namin ito. Nanginginig man at umiiyak ay pinilit ko pa ring pigilan ang nararamdaman ko lalo na't trabaho ko ito at dapat hindi ako nagkakaganito.

Nang maalis na namin ang damit nito ay agad kong hinanda ang sarili ko na operahan siya nang may mapansin ako sa braso niya na kulay itim. Agad ko itong tinignan na ikinagulat ko habang tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko hindi dahil sa sitwasyon niya kundi sa tuwa.

Will you marry me?

Ang nakasulat at bahagya pang bumuka ang nakasarang kamay nito at nakita ang singsing doon. Paano na yan ooperahan pa kita eh. Nasabi ko sa isip ko at dinako ang tingin ko sa mukha niya at nanlaki ang mata ko nang makita siyang nakangiti at nakatingin sa akin.

"Ano? Will you marry me?" Ulit niya sa tanong ngunit agad ko siyang niyakap.

"Akala ko kritikal ka? Bakit ka ngumingiti?" Sabi ko habang umiiyak na niyakap siya. Wala akong pake kung dumikit sa akin ang dugo niya. Wait dugo nga ba niya?

"Dugo mo ba ito? Ano bang nangyari?" Tanong ko at ngitian niya lang ako ng matamis.

JABEZ
(Bibigyan na natin siya ng POV nang malaman natin ang side niya)

Honestly I planned it all. Nang matapos kaming mag-usap ay lumabas lang ako at hinintay na pumunta siya ng operating roon at ginawa ang gagawin ko.

Sa totoo lang kahit ilang taon na kaming hiwalay ni Vione ay siya pa rin ang hinahanap ko, yes, I loved Aera, it's because Vione and Aera have similarities kaya nagustuhan ko siya, pero iba pa rin talaga si Vione. Araw at gabi ay hindi ako makapag-isip ng tama nang piliin niya ang pag-aaral kay sa sa akin, hanggang sa nakilala ko si Aera at pinuna ang mga gusto kong mangyari sa buhay namin ni Vione but who would've thought that Vione still love me that she wanted to ruin everything just to be with me. Nabuhayan ako doon pero alam ko na hindi na maari. Matapos ang mga pangyayari na nagkaayos na kaming lahat doon ko napansin na palaging may kulang, iyong pagpapapansin niya sa akin para lang hindi ko kausapin si Aera, iyong mga paraan niya at ni Yajin para lang mapunta ang atensyon ko sa kaniya, lahat ng iyon nawala bigla nang pinalaya niya ako. I never thought that Jelo would do that to me, pinagkatiwalaan ko siya pero hindi ko inakala na gagawin niya iyon. I knew that I am just a coward para sabihin kay Aera na tama na. I just used the reason of her kissing other guy to break up with her at para may pag-awayan kami but, that's so coward right? Mali iyon pero ginawa ko. The day that the police came, I dropped the charges againts her kasi alam kong wala siyang kasalan ang totoong may kasalanan sa aming dalawa ay ako, why? Because I used her as a rebound without me even knowing, sa three years na pagsasama namin, laging mayroong Vione na sumisingit sa utak ko eh and I don't know how to say that to Aera. As for Jelo I am really mad and disappointed at him, I always see and treated him as my brother but he failed me and that's bullsh*t.

Habang sinasaksak at binubugbog ako ay nakatingin lang si Aera sa akin at umiiyak, she never even asked for help. Inamin din sa akin ni Jelo na siya ang dahilan kung bakit nasira ang plano ko na panliligaw kay Aera.

"Kaya si Vione ang sinabihan ko na gagawa ng set up sa inyo kasi alam kong sisirain niya iyon, pero ang tanga lang at may asthma si Aera kaya kailangan ko ring mag-alala. Pero hindi pa rin umayon ang plano ko dahil pinalaya ka at binigay ka na ni Vione kay Aera, pero ngayon hindi ko na palalagpasin na ikaw nanaman ang pupuntahan niya dahil magiging akin siya" iyan ang eksaktong sinabi niya sa akin habang paulit-ulit na binubugbog at sinasaksak. And at that time parang ayoko ng magtiwala pero nang malaman kong buhay ako, nagpapasalamat na lang ako dahil nagkaroon muli ako ng pag-asa para bumangon. Nang malaman kong si Vione ang dahilan kung bakit nabuhay ako ay doon ako nakaramdam ng pag-asa, pag-asa upang bumawi sa kaniya dahil alam ko sa sarili ko na siya pa rin ang mahal ko mula noon hanggang ngayon.

Kaya ngayon alam ko na mahal niya ako dahil sa sinabi ng mga nurse na iyak siya ng iyak sa ER nang mawala ang pulso ko, doon na ako naka-isip ng paraan.

Kaya ngayon ibang paraan ang gagawin ko kaya humingi ako ng tulong sa mga nurse dito na bigyan siya ng kaunting break para dito.

"Hindi po pwede sir ang ganiyan, masyado pong risky kung dito sa ospital gagawin" sabi sa akin ng isang nurse.

"Please para kahit papaano ay maging masaya siya bago siya magkaroon ng bagong pasyente, please" shempre may pa-beautiful eyes pa ako diyan para naman pumayag sila.

"Hindi p-"

"Ako na ang bahala dito" sabi ng isang nurse at lumapit sa akin.

"I'm Nurse Josephine, anong plano mo?" Tanong niya sa akin at ngumisi sinabi ko sa kaniya ang plano ko at pumayag ito.

Ang gagamitin kong dugo ay food color lang, mahirap na kapag dugo ng baboy o ano, baka mahilo pa ako at magkatotoo edi natuluyan na niyang mabuksan ang body parts ko.

"So ano na sagot mo?" Tanong ko nag-alala masyado ang mahal ko eh.

"O-of course Jabez I will, I will marry you" sabi niya at niyakap ko siya lahat naman ng nadito ay pumapalakpak sa kanilang nakikita.

"Dapat may role ako sa kasal niyo ha? Pinayagan kita eh" biglang sabat nung Nurse Josephine natawa naman ako

"Of course" sabi ko at niyakap siya na ngayon ay umiiyak na. Hahalikan ko na sana siya nang may humahangos na pumasok dito sa ER na isang lalaki 'yung Von ata iyon.

"S-si Yajin, manganganak na!" Sigaw niya kaya lahat kami ay naalarma nagkaniya kaniya kaming punta kaya wala na akong time para kausapin siya ngunit hinayaan ko na.

VIONE
Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon. Nag-propose sa akin si Jabez at ang saya saya ko talaga, ngayon naman si Yajin manganganak na, hindi pa ako nakakaget-over sa proposal ni Jabez tapos may blessing nanaman na lalabas? Masaya ako ngayon kahit pagod ako.

"Yajin, malapit na tayo bestfriend" sabi ko habang pinapasok siya sa Labor room.

"Langya ka Vione ayus ayusin mo pagpapaanak sa akin ha? I have trust in you at kapag hindi mo inayos ang pagpapa anak hay nakuuu, yari ka sa akin." Sabi nito habang hinihingal na pinagpapawisan habang binabantaan ako.

Natawa naman ako at sinagot siya "Oo naman" ang sabi ko.

•••••

Matapos ang ilang oras at minuto ay nailabas na ang baby boy ni Yajin at kasalukuyan siyang nasa private room na tulog mantika char.

Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Okay ka lang?" Tanong nito at ngumiti lang ako pero niyakap niya ako na mas lalong nagpangiti sa akin.

"Salamat Jabez" sabi ko at bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Von.

"Gusto ka raw maka-usap ni Yajin" sabi nito sa akin at tumango lang ito kaya pumasok na ako.

Nakita ko naman siya na nakatingin sa akin na nakataas ang kilay. Tignan mo ito makatingin parang hindi nanganak.

"Nalaman ko na nagpropose na si Jabez sa iyo" sabi nito kaya napangiti ako.

"Ikaw lang ang pasyente ko na pagkagising hindi iyong anak niya ang hinanap niya" sabi ko at inirapan ako.

"May tiwala naman ako sa iyo kaya alam ko na okay na iyong anak ko" sabi nito at ngumiti sa akin kaya umupo ako sa tabi nito.

"Nasagot na ba iyong katanungan mo noon?" Tanong niya kaya napangiti ulit ako.

"Oo. Pero akala ko coincidence lang eh pero totoo, tama ka, time gave me the answer. Nangyari ito para maging Doctor ako at ako ang sasagip sa buhay niya. Kaya pala pinaghiwalay kami noon kasi hindi pa iyon ang tamang panahon para sa amin and I just realized na ito pala ang tamang panahon para sa amin. Napapaisip ako, kapag ba hindi ko siya iniwan hindi ako magiging doctor? Kapag ba hindi ko siya iniwan noon may mangyayari pa bang ganito? Lahat iyon na-realize ko at ito na pala iyon. Siguro noon pinagtagpo lang kami para mabigyan ng pagsubok ang buhay namin pero ngayon talagang tinadhana na kami" sabi ko at naluluha na tinignan siya, ngumiti naman siya at pinatong ang kamay sa kamay ko.

"Congrats beh" sabi niya at ngumiti

Hindi pa dito nagtatapos dahil pakakasalan ko pa si Jabez pero dito ko na muna isasara ang isa sa pinakamagandang parte na nangyari sa buhay namin.

Ang storya ko na ito ay nagbigay sa akin ng realization na hindi lahat ng hinihiling mo makukuha mo agad, pwedeng nakuha mo na siya pero hindi pa doon nagtatapos. Napagtanto ko na hindi mo rin pwedeng akuhin ang hindi sa iyo at si Jelo ang nagpatunay doon. Sa kwento ko hindi lahat ng tao nagkakaroon ng ganitong karanasan. Hindi man naging fairytale ang nangyari sa amin noon, gumawa pa rin si tadhana ng paraan para pagtagpuin kami. All we just need is time, we need to wait, we to be patient and we need to stay positive, iyon ang susi para maging masaya ka. Oo hinintay ko ang pagbabalik ni Jabez pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako maghihintay pero naging positibo ako kaya hindi ako nawalan ng pag-asa. Sana ay may natutunan kayo at sana mai-apply niyo ito.

Never Ending JaVi(Jabez & Vione)

Eyow wazzup wazzup! Comment naman kayo diyan. Watcha think about this chapter nabitin ka ba? Next naman is kwento ng iba pang mga kaibigan nina Yajin at Vione stay tuned and ilalabas ko din ito, Love you all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top