Never Ending JaVi

VIONE
"Putangina! Jelo?!" Nanlilisik ang mata ko na tinignan siya at siya naman ay blangko lang ang ekspresyon.

"Buhay pa pala ang gagong iyon?" Sabi ni Jelo at umigting ang panga. Kita ko sa mukha niya ang pagkainis at galit sa binitawan niyang salita.

"I-ikaw iyong lalaking naghihintay sa harap ng apartment ni Jabez? Ikaw iyong lalaking kahalikan ni Aera?" Gulat kong tanong at hindi ako makapaniwala

"B-buhay pa si Jabez! Oh my gosh" sabi niya Aera at ngumiti na mukhang nanalo sa lotto kaya agad akong nagtaka.

"Plastic ka ba talaga o nasiraan ka na ng bait?" tanong ko sa kaniya ng may galit sa aking tono.

"Tumahimik ka! Bakit ikaw pa ang sumagip sa kaniya pwede namang iba eh. Hindi ko maatim na makita ka na kasama mo siya" Sigaw niya sa akin habang nanlilisik ang mga mata.

"Edi karma mo na iyon bitch. Ang tanga mo kasi masyado, hindi ka marunong magtago, manloloko ka na nga lang mabibisto ka pa" sabi ko at kita ko sa mata niya ang galit pati na rin si Jelo.

"Jelo, kaibigan ka ni Jabez, p-pero, how can you even do this to him?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Alam ko kasi ang past niyo and knowing she liked the girl I love? Siyempre iyon ang gagawin ko, I had enough of these two's "loving moments" that's why I need to let him die and Aera should be mine only" he said casually na parang wala lang sa kaniya iyong ginawa niya, like what?

"Fvck you, shut up you psycho! Kahit anong gawin mo siya pa rin ang mamahalin ko. If I knew you would be this evil sana ako na ang tumapos sa iyo, you are the reason behind all of this, pati noon, what triggered Vione to do that thing is because of you!" Aera said while shouting at Jelo, with what she said, memories from five years ago came flashing.

"What do you mean?" I asked confused

"He let you design the event of when Jabez should ask me as his girlfriend but that did not happen because napangunahan ka ng selos dahil ex-boyfriend mo na mahal na mahal mo ang ginagawan mo ng event" she said to me with a mocking stare. Because of what I heard inside, I got out because I was feeling claustrophobic. I got out and I heaved a deep breath.

Matapos ang ilang oras na pamamalagi ko doon sa presinto ay nagtungo na ako sa ospital upang tignan si Jabez at nakita ko na nakaupo lang siya sa may kama at tumingin sa akin nang marinig ang pagbukas ng pintuan.

"Are you okay nasaktan ka ba ni Aera?" Tanong niya ay akmang tatayo pero agad ko siyang pinuntahan.

"Okay lang ako unahin mo ang sarili mo kasi hindi ka pa magaling" sabi ko at naupo sa upuan na nasa tabi niya. Napabuntong hininga naman ako at pinikit ang mga mata ko.

"May nangyari ba doon?" Tanong nito sa akin pero hindi ako nagsalita at nag-isip saglit.

"Hindi ko lang kasi akalain na gagawin ito ni Aera sa iyo. Mas nagulat din ako kasi pati si Jelo na kaibigan mo nagawang gawin ito sa iyo, you trusted him but he still stabbed you in the back, worst he literally stabbed you" sabi ko at naiyak. Hinawakan niya naman ang mukha ko at pinunasan ang luha ko

"Huy bakit ka umiiyak?" Tanong nito na nakangisi tinignan ko naman siya

"Nakakainis kasi sila. Nagsisi tuloy ako na hindi ko tinuloy iyong balak ko noon, bakit hindi mo sinabi sa akin na kasama pala si Jelo na kaibigan mo ang sumaksak sa iyo" sabi ko ngunit natahimik siya

"I said that to the police already. But kailangan ko bang sabihin sa iyo?" Sa sinabi niyang iyon ay napagtanto ko na tama siya. Sino ba ako sa kaniya para sabihan niya ako ng mga nangyayari sa kaniya? Isa lang ako sa past niya na kailangan ng ibaon sa limot right? Nagpunas naman ako ng luha at tumayo.

"Ahaha, sorry nadala lang ako ng emosyon ko. Sino ba naman kasi ako para sabihan mo ng ganito diba. HA-HA. Sige alis na muna ako may aasikasuhin pa ako eh" sabi ko at nagmadaling umalis at sa pagtalikod ko ay umiyak muli ako.

"I-I mean-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at sinara na ang pintuan at nagtungo sa CR ng ospital at binuhos lahat ng nararamdaman ko.

"Bakit ba kasi ako nag-expect? Tanga tanga ka kasi Vione asa pa more HA-HA" kausap ko sa sarili ko sa salamin habang tumutulo ang luha.

*KINABUKASAN*

"Doc pinapatawag kayo ng pasyente sa room 304" sabi ng isang nurse na nagbbantay kay Jabez.

"Sabihin mo na busy ako at madami pang operation na ipe-perform. Sabihin mo na huwag niya aking distorbohin." Sabi ko at tumalikod na. Right! Kailangan ko na talaga siyang iwasan. Sorry naman kung mahal ko pa rin siya, kailangan kong dumistansya para hidi ako masakatan, kahit single siya at may chance ako, baka mahal niya pa si Aera kaysa sa akin mas matagal pa silang nagsama eh almost 3 years sila tapos ako 2 years lang? Ano namang binatbat ko doon?Masyado ko lang talagang binigyan ng meaning iyong mga sinasabi niya kahapon. Iyan kasi baka tinopak lang siya kahapon kasi may sugat siya at kinulang sa dugo tanga tanga kasi Vione eh. Maybe he's still high on anestesia.

Agad naman akong nagtungo sa may bench ng ospital na ito. Umupo lang ako sa bench na nakakalat sa hallway.

*KRIIING*

"Hello?" Tanong ko sa tumatawag

[Hwaa bunso! Proud kami sa iyo. Biruin mo nakabuhay ka ng isang patay. OMG!] Nailayo ko agad ang phone ko sa tainga ko dahil sa sigaw ni ate.

"Ano ba ate! Hindi kailangang sumigaw okay? And doctor ako kaya kailangan kong iligtas ang pasyente ko" sabi ko na lang

[Sino ba iyang niligtas mo?] tanong niya, haist lagi silang ganito eh matanong

"Jabez" simpleng sabi ko at natahimik naman sila sa kabilang linya

[Kaya naman pala desisido kang buhayin eh. Mahal mo pa?] tanong niya kaya pinatay ko na 'yung tawag. Bubwisitin lang nila ako eh. Aasarin lang ako ng mga iyan kapatid kong ewan.

*FAST FORWARD*

Ngayon na lalabas si Jabez matapos ang isang linggo niya dito. Marami pa kasing kailangan i-examine sa kaniya eh kaya umabot ng isang linggo dito.

"Please make sure na huwag masyadong mabasa iyong sugat mo kasi hindi pa siya healed ng husto and I suggest na huwag mong araw arawin ang pagligo mo, just when you think na mabaho ka na" sabi ko and I heard him hissed habang nilinisan muli ang mga sugat nito.

"Mamaya pwede ka ng makaalis kasi iaayos pa nila 'yung hospital bill mo" simpleng sabi ko sa kaniya at tahimik lang ito

"Galit ka ba sa akin?" Tanong niya habang nagsusulat ako. Umiling naman ako habang patuloy sa pagsulat.

"Hindi. Bakit naman ako magagalit sa iyo?" Sabi ko kaya natahimik siya.

"Baka kasi na-offend kita noong last. Sorry kung na-offend nga kita" sabi niya na may sinseridad sa boses niya

"Psh. Nag-inarte lang ako doon. Hayaan mo na iyon. Alam mo na emosyonal kasi ako masyado pero totoo naman iyong sinabi ko eh, hindi mo naman kailangan ipaalam sa akin 'cause you know, i'm just your past" sabi ko at nang matapos ako sa gagawin ko nagpaalam na akong umalis.

•••••

"Ito na iyong mga kailangan mong bayaran may discounts na iyan so no need to worry" sabi ko sa kaniya at pilit na ngumiti saka tumalikod ngunit bigla niya akong tinawag.

"Vione, free ka ba mamaya?" Tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?" Balik tanong ko rito

"Baka pwede kitang yayain kumain sa labas" sabi niya pero pinilit kong hindi kiligin, aasa nanaman ba ako?

"Hindi. Well may pasyente pa ako mamaya and baka may mga darating pa at saka may sugat ka at hindi pa sila healed kaya kailangan mo munang magpahinga physically and emotionally. Pagod ka pa sa mga nangyayari kaya kailangan mo munang magpahinga" sabi ko at lalabas na sana nang biglang bumukas ang pinto at nakita ang mga magulang ni Jabez. Agad naman akong niyakap ng nanay niya.

"Salamat Vione ha? Sa hindi pagsuko na i-revive ang anak ko at sa discounts at bawas sa bill ng anak ko. Ang bait mo talaga, look at you, you're now a Doctor and you just saved our son's life from a walking danger. Bakit kasi nagbreak kayo ng anak ko" Sabi ng nanay niya at bulong na lang ang huling salita na sinabi niya kaya natawa ako ng bahagya at niyakap siya pabalik.

"Palabiro talaga kayo tita. Sige po una na po ako may mga pasyente pa po akong kailangan tignan ingat po kayo sa biyahe" sabi ko sa kanila at umalis na. Actually namiss ko talaga sina tita at gusto ko silang makakwentuhan kaya lang hindi pwede kasi may pasyente talaga ako hindi na ako nagsisinungaling ah.

Pagkauwi ko matapos ang duty ko ay agad akong humiga. Nandito na ako sa apartment ko na tinirhan ko rin noon.

2:30 am

Urgghhh. Ang sakit na ng katawan ko. Humiga naman ako at agad ring nakatulog.

Paggising ko ay ramdam ko parin ang sakit ng katawan ko ngunit hindi ko na ito pinansin at naligo na. Gabi lagi ang duty ko pero kapag madaming pasyente doon na ako papasok. Kaya ngayon lalabas lang ako para maglakad lakad sa SM.

Natapos akong maligo ay agad rin akong nagpalit, sinuot ko ang turtle neck na long sleeves na puti at candy pants na pink malamig kasi dito sa Baguio dahil start na ng September, sinuot ko na rin ang boots ko na black at kinuha 'yung sling bag ko at lumabas na pero napatigil ako nang nakitang may tao sa gate ng apartment ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at naglakad na ako patungo sa kaniya.

"Hindi ka pa magaling, kaya bakit ka nandito you should be at home taking some res-"

"Hindi ba pwedeng i-treat kita bilang pasasalamat ko sa iyo, Vione?" Sabi niya, the way he said my name, I missed it. Tinitigan ko siya ng matagal at sinagot

"Sige, since nandito ka naman na, let's go" sabi ko sa kaniya na ikinangiti niya. Marupok ito eh

Pumara ako ng taxi at saka pumasok na at nagtungo na sa pupuntahan namin. Pagkarating namin doon ay lumabas na siya hinintay ako.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko na lang sa kaniya.

"Sa usual" agad namang napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh?" Tanong ko na naguguluhan.

"Sa usual nating pinupuntahan dati" sa sinabi niya ay napabuga ako ng hangin. SM malamang doon ako lagi pumupunta eh.

"HAHA iniinis mo ba ako? Oo alam kong hindi mo ako gusto pero para mo naman akong iniinis" sabi ko ng pabiro ngunit ngumiti ito at hinila ang kamay ko.

"Malay mo may mangyaring milagro" sabi nito na ikinakunot ng noo ko ulit. Pinagsasabi nito?

Nang makarating kami sa blue magic ay napapayakap agad ako sa stuff toys doon, wala ang cute kasi eh.

*click*

Napatingin naman ako sa narinig ko at nakita ko siya na nakatutok iyong phone niya sa akin.

"Huy bakit mo ako pini-picture-an?" Tanong ko habang nakasimangot.

"Ang cute mo kasi" sabi niya na nagpakilig sa akin.

"Joke ba iyan. Ilang tawa gusto mo ibigay ko?" Tanong ko sa kaniya habang hindi nagbabago ang mga tingin ko sa kaniya. Natawa naman siya at lumapit sa akin.

"Compliment iyon hindi joke. Halika na bilhin na natin iyan" sabi niya at inakbayan ako pero bago niya ako mahila ay pinigilan ko siya.

"Ano ba iyan Jabez, ang mahal kaya nito" sabi ko sa kaniya ngunit ngumiti lang ito, ano ba ang meron ngayon at panay ang ngiti nito sa akin?

"Sus, okay lang, para sa iyo naman eh" sabi nito sa akin na ikinataka ko pero hindi ko na pinansin dahil sa nalulutang ako sa mga pinagsasabi niya.

Naglibot libot kami sa mall at nang mapagod ay naupo sa bench na nakita namin habang tahimik na kumakain ng ice cream nang bigla niya itong basagin.

"Paano kaya kung hindi kita sinukuan agad noon no? Masaya kaya tayo hanggang ngayon?" Tanong nito na ikinatigil ko sa pagkain ng ice cream at napatingin sa kaniya na nakatingin sa akin ng seryoso.

"H-Hindi ko alam" sadyang nasabi ko nalang dahil he just asked that out of nowhere. Tumango tango naman siya at humarap sa akin

"Vione, I know this sounds so ridiculous or absurd but Vione, can we start all over again?" Sa atanong niyang iyon ay napatahimik ako at unti unting tumulo ang mga luha sa mata ko. He cupped my face and looked at me in the eye.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya na nag-aalala. Umiling naman ako at ngumiti

"I-if I had the chance to bring things back, it is when the time I loved you and the time I always want to be with you. Right now, i'm happy that you're asking me that thing, I want to crash the time you asked Aera to be your girlfriend because I just hoped that there is still a chance for the both of us pero wala, siguro nabibigla ka lang sa mga nangyayari kaya tinatanong mo ako ng ganiyan pero try to hear yourself first, rest yourself from loving too much nabibigla ka lang Jabez" sabi ko at tatayo na nang bigla niya akong hilahin paupo.

"Sa tingin mo ba sasabihin ko ito sa iyo kung wala na akong feelings sa iyo? Sa tingin mo bakit tinatanong ng mga tao ang ganitong mga bagay? Diba kasi mahal ka at gusto ka? Vione, alam mo ngayon ko lang ito na-realize ha, pero sa tatlong taon na magkasama kami ni Aera, palaging may kulang, at kapag naiisip ko iyong kulang ay ikaw ang naiisip ko, kung tutuusin ikaw lang ang hinahanap ko at hindi ko alam kung bakit. Napapaisip ako kung bakit nga ba, naisip ko na naghahanap lang ako ng affection because I was just feeling lonely kaya si Aera ang niligawan ko pero nang naging kami na, ikaw parin pala talaga ang hinahanap ko kasi hindi niya kayang matumbasan ang pagmamahal mo, pinilit ko siyang mahalin pero kahit anong gawin ko ikaw ang hinahanap ko kaya pwede mo na ba akong pagbigyan" sa sinabi niya agad na nag-unahan ang luha ko sa pagpatak.

"So please give me a chance" he said with pleading eyes. Ngayon lang ata ako naging masaya ulit after how many years. Sa mga narinig ko ay mabilis akong napatango.

"Mahal na mahal pa rin kita Jabez at walang nagbago doon, kaya noong napunta ka sa ospital ay hindi kita sinukuan dahil may mga kailangan pa akong sabihin sa iyo at ito na iyon, mahal na mahal kita Jabez" sabi ko at akmang hahalikan ako ng may pumigil sa amin.

"Ahem!" Rinig ko at nakita si Yajin kasama si Von hawak ang tiyan niya na malaki na.

"Hindi ko alam na kayo ang lalabag ng PDA rule dito sa Baguio" sabi niya nang nakangisi. Gulat naman akong napatingin sa kaniya

"Wow ilang months ka na?" Tanong ko at sumimangot lang siya.

"8 months na at kapag manganganak ako ikaw ang magpapa anak sa akin para may discount HAHA. Pero infairness kayong dalawa may ganang makipaglandian na parang walang nangyari noong last week ah" sabi nito at ngumiti pang ako at tinignan si Jabez na natatawa.

"O siya maghahanap lang kami ng damit ng baby namin ha? Ingat kayo diyan" sabi nito at umalis na

•••••

Lumipas ang ilang Linggo at hindi pa kami in a relationship pero parang kami na. Oo alam ko na mahirap ang ganon lalo na at minsan wala akong oras kasi maraming pasyente sa ospital na kailangan kong asikasuhin.

Lunes ngayon at kailangan ko ulit na pumunta ng ospital dahil ngayon dumami ang nagkakasakit ewan ko dahil sa lamig siguro. Nakaayos na ako at binuksan na ang pintuan ko nang may mahagilap ako sa doorstep na bulaklak, kinuha ko ito na at napangiti.

To: the beautiful girl of my life
I hope this flower will start your day and will put a smile on your face. Make your patients strong by being positive I love you always. -Jabez

Sa nabasa ko ay agad akong napangiti. Engineer ang profession niya at busy rin siya. Ngunit kahit na ganoon siya ka-busy ay napapadalhan parin ako nito ng mga bulaklak.

Pagkarating ko sa ospital ay nakangiti ako nang may biglang lumapit sa akin.

"ICU Doc. Code blue" sabi ng nurse kaya agad akong napakunot noo.

"Code Blue agad?" Tanong ko pero hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at tumakbo papunta sa ICU.

Matapos ang ilang pasyente na dumaan sa akin ay kailangang i-rescucitate kaya pagod na ako. Kalahati pa ng pasyente ay nabuhay at ang iba ay namatay na kaya nakakalungkot din. Pagkaupo ko sa bench ay napapikit ako, may naramdaman akong umupo sa tabi ko at naramdamang may lumapat na sa pisngi ko kaya napadilat ako at sasapukin na sana 'yung taong iyon nang mapigilan niya ang kamay ko at nagulat sa nakikita ko.

"Jabez? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at kita ko naman sa mukha niya ang saya.

"Hindi ba pwedeng bisitahin ang mahal ko ha?" Tanong niya at pinatong ang ulo sa balikat ko pero pinigilan ko siya kaya bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"A-amoy dugo ako ngayon baka mangamoy dugo ka rin" sabi ko ng nahihiya ngunit ngumisi lang siya

"Okay lang syempre may trabaho ka at dinistorbo lang kita kaya wala akong karapatan na magreklamo" sabi nito at mas pinagsiksikan ang mukha nito sa leeg ko kaya napangiti ako pero agad din itong lumayo at ngumisi sa akin.

"Bakit?" Tanong ko na nagtataka

"Amoy dugo ka nga" sabi nito kaya hinampas ko siya

"Bwisit kasasabi ko lang eh" sabi ko at sumimangot pero ngumiti ulit ito at niyakap ako.

Matapos ang ilang oras na pamamalagi ni Jabez ay umalis na rin siya dahil kailangan na naming bumalik sa reality HAHA parang fairytales lang?

"See you later Vione" sabi niya at ngumiti ako.

"See yah" sabi ko pero hindi pa rin siya umaalis.

"I love you Vione" sabi nito at ngumiti. Nakaramdam nanaman ako ng kilig pero hindi ko pinahalata.

"Heh. Layas na, may trabaho pa tayo" sabi ko at natawa, siya naman ay tumatawa na umalis. Pagtalikod ko ay doon na magsisimula ang duty ko ulit. Minsan lang na makaranas kami ng break dahil sa dami ng pasyente.

6:00 pm

Napaupo ako sa bench dahil sa pagod at uminom ng energy drink nang may humahangos na Nurse ang lumapit sa akin.

"Doc Vione, another patient" sabi nito kaya agad akong napatayo.

"Condition?" Tanong ko

"Critical Doc" sagot nito

"Name?" Tanong ko habang tinatahak ang hallway kasama siya papunta ng ER

"J-Jabez, Jabez Montalban" sagot niya na agad kong ikinatigil sa paglalakad at nanlumo sa narinig ko.

What up what up? Musta na kayo sa pagbabasa okay pa ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top