Hindi pa dito nagtatapos

5 years later

"Anak kailan ka ikakasal? Matanda na kami ng tatay mo at hindi namin alam kung hanggang kailan na lang ang oras na natitira para sa amin. Kaya bago kami umalis ng tatay mo makita ka lang sana namin na ikasal" sabi ni mama habang umiinom ako ng tubig, napairap naman ako sa sinabi niya.

"Oo nga bebe" My sister said that made me let out a disgusting expression.

"Hay nako trabaho muna bago iyan" sabi ko sa kanila at umalis sa sala at nagtungo sa kusina. Hinahati ko naman 'yung carrots nang biglang may magsalita sa likuran ko.

"Anak sana masunod mo ang hiling ko bago ako mawala" rinig kong sabi ni mama kaya hinrap ko siya.

"Ma ang nega mo talaga. Hindi ka pa mawawala. Wala ka ngang sakit o ano eh, advance lang ma? Ginagamit niyo lang iyan na rason para makapag-asawa na ako eh" sabi ko sa kaniya nang pabiro ngunit nakatingin lang sa akin si mama ng blangko.

"Anak naman" sabi nito sa akin kaya napabuntong hininga ako bago nagsalita.

"Ma nawala na 'yung taong gusto ko na makasama habang buhay. Siya lang ang taong pinangarap ko pero nawala siya because of a wreckless decision I made" sabi ko sa kaniya at pinagpatuloy na hatiin 'yung carrots

"Anak, matagal na iyon. Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin iyon makali-"

"Ma! Isa iyon sa pinakamasakit na nangyari sa akin iyon at hindi niyo ako masisisi kung hanggang ngayon baon ko pa rin iyon. Ma, dala dala ko iyon hanggang ngayon para magsilbing inspirasyon ko kahit na ang sakit, kasi iyon ang gusto niyo and here I am, successful na and you should be proud, para iyan sa inyo ma. Pero sa pag-aasawa, Ma naman. Ako na ang magdedesisyon diyan kung kailan ko gusto. Sana naman Ma sapat na 'yung sinakripisyo ko na relasyon ko noon para makapagtapos ako sa degree na ito. Please Ma kahit ito lang" sabi ko sa kaniya habang tumutulo ang luha ko. Ramdam ko pa rin 'yung sakit na naramdaman ko noon. 'Yung hirap na pinagdaanan ko. Tinignan ko siya nang may lungkot sa aking mga mata habang tumutulo ang luha ko.

"I'm very sorry anak. Masyado lang kasi akong natatakot na baka matulad ka sa mga ate mo eh" sabi nito at niyakap ako habang umiiyak. I already forgave my mom with a heavy heart and I knew hindi pa buo ang pagpapatawad ko sa kaniya kasi hindi pa ako nag-let go sa nakaraan ko.

*KRRIINNNGG*

Natigil ang yakap namin nang may tumatawag sa akin na agad ko ring sinagot habang pinupunasan ang luha ko.

"Hello?" Tanong ko sa caller

[This is nurse Josephine. Doc we have a patient.] saad sa akin ng caller at agad akong pumunta sa taas upang isuot ang coat ko at kinuha ang susi ng sasakyan ko.

"What is his condition?" Tanong ko sa tawag habang binubuksan ang kotse ko at agad na pinaandar ng makapasok na ako

[He's stabbed and in a critical condition. 8 stabs of kitchen knife. He's still breathing but he's losing huge amount of blood] sabi nito kaya agad kong pinatakbo nang mabilis ang sasakyan ko

"Okay i'm on my way" sabi ko at pinatay ang tawag

Mabilis akong nakarating sa ospital at salamat dahil walang traffic. Agad naman akong sinalubong ni Nurse Josephine habang hawak ang medical chart ng pasyente.

"He was found near his apartment at nandoon na ang mga pulis for investigation" panimula niya habang tinatahak namin ang hallway papunta sa ER.

"He is Jabez-" pagkarinig ko ng pangalan niya ay agad akong kinabahan it's my first time hearing his name again for how many years.

"Montalban?" Tanong ko habang pinagdarasal na hindi sana siya

"Yes doc" sabi nito na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Agad namang nablangko ang utak ko ng ilang minuto at agad kong tinakbo ang daan papuntang ER ng matauhan ako.

Nakarating ako doon at pinasuot ako ng gloves at scrub suit upang masimulan na ang operation.

Agad akong nanlumo nang makita ko siyang walang malay at duguan ang katawan. Sinaksakan namin siya ng dugo dahil marami ng nawala na dugo sa kaniya dahil ang sabi eh 30 minutes na ang nakalipas mula ng makita siya malapit sa apartment niya.

Sinimulan ko naman ng tahiin ang sugat niya hanggang sa matapos ko ito. Lahat kami ay nagulat nang biglang tumunog iyong monitor sa may gilid.

*TOOOOOOT*

"Patient's pulse is decreasing Doc" agad akong kinabahan sa sinabi ng kasama ko. No this can't be happening

"Ready the defibrillator" sabi ko at agad nilang kinuha at nilagyan ng gel at saka nilagay sa dibdib nito. Kita ng dalawang mata ko kung paano tumaas baba ang katawan nito habang wala paring malay. Ako naman ay chini-check kung mayroon bang nagbago sa pulse pero wala pa rin.

"Is there any sign Doc?" Tanong nila at ako naman ay umiling. Namumuo naman ang luha sa mata ko habang napapaisip sa kung ano mang pwedeng mangyari. Tumutunog parin ang monitor kahit ilang ulit ng lumapat ang defibrillator sa dibdib niya. Tila nag-slow motion ang lahat sa nakikita ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero para akong dinudurog. Hindi ko akalain na mangyayari ito.

"Alis" sinabi ko sa nurse at lumapit kung saan nakahiga si Jabez. Alam kong nasasaktan ito sa gagawin ko pero kailangan.

Agad kong pinosisyon ang kamay ko sa may dibdib niya at nagsimula na mag-pump at nagbilang

Gumising ka dahil may mga gusto pa akong sabihin sa iyo. Kailangan mo pang hanapin ang taong gumawa nito sa iyo. Kailangan ka pa ng mga tao na nagmamahal sa iyo pati ako

Patuloy akong nagpa-pump habang tumutulo ang luha ko. Pinipigilan ko pa ring umiyak upang matuon ko ang atensiyon ko sa kaniya.

Hindi ka pa pwedeng mawala. I said in my mind while still pumping.

"Doc wala pa rin pong pinagbago" sabi ng nurse na tumitingin sa monitor

"No, i'll do my very best to revive my patient" sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Jabez lumaban ka. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang makita kang ganito. Mahal kita at walang nagbago kahit na lumipas ang ilang taon ikaw pa rin ang nandito sa puso ko kaya gumising ka

*TOOOOOT*

Iyan pa rin ang naririnig ko kahit na ilang ulit kong gawin ang pagpump sa kaniya. Iyak ako ng iyak dahil wala na talaga. Hindi na talaga siya gigising pa. Hinila na ako ng mga nurse at pinatahan

"Time of death 10:30 pm" sabi ng nurse ngunit umiling ako. Hindi pwede

"No" sabi ko na mistulang naging bulong

*Few days later*

"Doc, pinapatawag po kayo ng pasyente sa room 304" sabi ni Nurse Josephine

"Okay sige" sabi ko at nagtungo na doon. Kinakabahan ma'y pinilit kong maging kalmado. Nang makarating doon ay dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan nito at saka pumasok. Pagpasok ko ay bumungad ang isang simpleng ngiti sa isang tao na pinakamamahal ko. Nginitian ko ito ng pilit dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon.

"H-hi" naiilang na sabi ko habang nakatingin siya ng diretso sa akin. Lumapit naman ako sa kaniya.

"It's nice to see you again for how many years" sabi niya sa akin at ngumiti. Hindi ko alam pero. Grrrr. Kinikilig ako!

"Yeah. Ikaw din" sabi ko sa kaniya at ngumiti habang pinipigilan ang kilig na nararamdaman ko ngunit agad iyong nawala nang mapa-isip ako. Where's Aera?

"Hindi ka man lang ba binisita ni Aera kahit isang araw lang?" Tanong ko at tumingin sa kaniya ngunit agad ring nawala ang ngiti niya at tumingin sa akin ng seryoso at umigting ang panga.

"Did I say something wrong?" Tanong ko sa kaniya at agad naman siyang nagbaba ng tingin at bumuntong hininga.

"She's the only reason why i'm here" sa sinabi niyang iyon ay nagulat ako. What the hell? What does he mean by that? Siya ang sumaksak kay Jab-fuck!

"Siya sumaksak sa'yo?!" gulat at may galit na tanong ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin at natawa. Seriously?

"Easy Vione, galit ka agad eh" sabi nito na nakangisi pero alam kong galit ito dahil sa nangyari, ano ba ang nangyari?

"Seryoso ka ba? Easy? Can you please tell me how did that happen? She loves you right?-or no?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya ngunit umiwas siya ng tingin sa akin.

"Iyong totoo kasi" sabi ko sa kaniya kaya ngayon ay seryoso na siyang tumingin sa akin.

"You really want to know the truth?" Tanong nito sa akin kaya kumunot ang noo ko

"Malamang" sabi ko at ngumiti siya ng pilit

"Hindi ko alam kung malas ba ako sa pag-ibig o talagang mali lang ang mga pinipili ko" panimula niya at tumingin siya sa akin. So mali na pinili niya ako. Bakit ang sakit?. Agad naman akong nag-pout dahil sa sinabi niya.

"Minahal ko siya for 3 years and more pero hindi ko akalain na ipagpapalit niya lang ako sa isang tao" sa sinabi niya ay agad na kumulo ang dugo ko

"Puta siya" nasambit ko bigla na ikinatingin niya sa akin.

"Side comment ka mamaya" sabi niya at umirap. Aba at kailan pa ito natutong umirap?

"Ipinagpalit niya ako kasi kailangan niya ng pera. Hinuhuthutan niya ako para makapagbar siya, sasabihin niya na hihiramin niya para sa mga kakailanganin niya dahil lilipat siya ng bahay. Sa una pumapayag ako dahil hindi ko alam pero nakahalata na ako kasi every Sabado lang siya humihingi kaya sinundan ko siya. Hanggang sa napadpad kami sa isang bar na malapit sa tinitirhan niya na akala ko nakalipat na nga, hindi pa pala." Sabi niya at bumuntong hininga

"Gold digger rin pala iyang bab-"

"Diba sabi ko magcomment ka mamaya" sabi niya kaya napatahimik na lang ako habang pinakikinggan lahat ng kahayupan ng demonyitang iyon.

"Tapos gusto niya mag-explain pero para sa akin no need to explain kasi kita ko naman sa dalawang mata ko. Ikaw narinig ko kung ano ang pinili mo pero siya nakita ko kung paano siya manghalik ng lalaki doon. Hanggang sa tumagal ang away namin" sabi niya at tumingin sa akin ng seryoso habang ako ay lukot na lukot ang mukha.

"So siya na ang sumaksak sa iyo?" Tanong ko pero tinignan niya lang ako ng blangko

"What's important is, i'm alive. That's all that matter and that's because of you" sabi niya na mas lalong ikinalukot ng mukha ko dahil sa inis.

"Bwisit na santa santitang iyan, makakatikim ka sa akin ng isang palakol" sabi ko at nagtungo sa may pintuan pero pinigilan ako ni Jabez.

"No need Vione. Oww!" Sa narinig ko ay agad akong nagtungo sa kaniya na may pag-aalala.

"Anong masakit ha?" Tanong ko sa kaniya nang nag-aalala at hinahanap kung ano 'yung masakit

"No okay lang ako, please huwag mo na siyang puntahan pa. Mga pulis na ang bahala sa kaniya. May pag-uusapan pa tayo" sabi nito at pinatong ang palad niya sa kamay ko at tinaas baba ang kilay nito. Dahil sa ginawa niya nakaramdam naman ako ng kilig.

"Sira!" Sabi ko at pinalo 'yung kamay niya kaya bigla siyang napadaing.

"Ow, sugat ko iyon" sabi niya kaya agad naman akong napangiti.

"Saksakin pa kita ng syringe diyan eh" sabi ko at bigla naman kaming natahimik.

"I'm proud that you are here already. May rason pala kung bakit tayo naghiwalay at ngayon ko lang ito napansin" sabi niya ng seryoso pero nakangiti ngunit hindi ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin nito.

"S-salamat?" I said with hesitation because honestly, I don't know what to say.

"Tch" sabi niya ng natatawa dahil sa sinabi ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko.

"You know what? I'm very thankful that you saved me from this, now I can start a new life again" sabi niya at hinila ako bigla at niyakap. As he hugged me, I felt a lot of butterflies in my stomach.

Masaya rin ako dahil nabigyan ulit siya ng pangalawang buhay upang maitama ang pagkakamali niya.

Oo tama kayo. Buhay si Jabez. Noong una oo talagang declared na patay na siya. After ng ilang minuto na nakaratay at nakakonekta ang machine sa kaniya ay tumunog 'yung monitor at nakita na bumalik iyong pulse niya at normal ang kaniyang oxygen level kaya agad namin ulit chineck ang vital signs niya, nakaupo lang ako sa malapit na wall at umiiyak noon ng tumunog bigla iyong monitor. Na-confirm na isa siya sa mga patient na nakaranas ng Lazarus Syndrome wherein nabuhay siya after failed attempts of resuscitation.

"I heard from the other nurse that you cried for me when you heard the monitor's sound and you quickly did the CPR even if there's no chance for me to live" sa sinabi niyang iyon agad namang nanlaki ang mga mata ko. Si Nurse Josephine nanaman siguro ang nagsabi sa kaniya nito. Hays ang chismosa talaga niya.

"What the... No way, I mean, yes I cried pero wala naman sigurong meaning iyon sa iyo diba?" Pagrarason ko sa kaniya

"Ouch! Wala lang pala iyong iyak na iyon umasa ako eh." Sabi niya at umakting  na nasasaktan.

"Tss. Oo umiyak ako kasi m-"

"Mahal mo ako?" Tanong niya kaya agad ko siyang tinignan nang nakasimangot.

"Minahal kita. Umiyak ako kasi minahal rin kita. Paano naman 'yung iba ring nagmamahal o magmamahal pa sa iyo? Kawawa sila kapag iniwan mo diba?" Sabi ko sa kaniya nang seryoso. I don't know what to reason out, masyado akong kinakabahan kasi nandito na siya.

"Weh? Kabilang ka na doon diba?"

"Oo" agad ko namang na-realize iyong sinagot ko sa kaniya at napahawak sa bibig ko.

"Sabi na nga ba eh" sabi nito at kinurot iyong pisngi ko na agad kong inalayo.

"H-hin-"

"Huwag mo ng itago okay lang sa akin" sabi nito at ngumiti habang tinaas baba ang kaniyang kilay, taena iyang ngiti na iyan. Huwag ako! Marupok ito! Agad naman akong sumimangot sa kaniya.

"Sana hinayaan ko na lang na sinira mo iyong panliligaw ko kay Aera para kahit nagkasakitan tayong dalawa hindi mangyayari ito. Pero at the same time maganda rin na nangyari ito para magtagpo ulit tayo" sabi nito ng seryoso sa akin, para akong nakikiliti sa sinabi niya

*TOK TOK TOK*

Agad natigil ang titigan namin nang may kumatok. Tinignan ko naman ang pintuan at nakita ang mga pulis. Agad naman akong lumayo kung nasaan si Jabez at nakaramdam ng hiya.

"Mr. Montalban, we saw this at the crime scene, here are the evidences that can be used in our investigation but we also need your opinions, thoughts and tell us what exactly happened so that we can place it in the incident report to sue Ms. Andrada and her accomplice" sabi ng mga pulis at tumango si Jabez. Inilabas naman nila 'yung ginamit na kutsilyo at nagulat ako.

"Ganiyan kahaba?!" Gulat na tanong ko at lahat ng mga nandito sa room ay napatingin sa akin na parang napapatanong na 'ngayon mo lang alam?'

"OA Vione? Doctor ka dapat alam mo" sabi Jabez pero gulat pa rin ako. Akala ko kasi mababa lang. Masyado lang ba akong kinabahan at agad akong tumuloy sa operation without knowing and examining how deep his wounds are?

Tinanong siya ng mga pulis at nagulat ako.

"Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit niya nagawa iyon?" Tanong ng mga pulis

"Nag-away kami dahil sa nakita ko na may kahalikan na iba at dahil rin sa hinuthutan niya ako ng pera para magbar. Sa una ang sinabi niya kakailanganin niya ang pera para sa paglilipat bahay niya pero hindi pala, pero hindi siya ang gumawa nito sa akin" tumingin naman siya sa akin at nagkagat labi, hindi ko naman na pinansin iyon at nakinig muli sa sinasabi nila.

"At ano ang mga sumunod na nangyari?" Tanong muli ng pulis

"Isang linggo ko na siyang hindi kinakausap. Tapos pagkarating ko sa apartment may naghihintay na lalake sa labas ngunit hindi ko na ito pinansin kasi baka napadaan o naghihintay lang pero nang makalapit na ako mismo sa gate at pumasok na nakaramdam na lang ako na may nakatusok sa likuran ko at nasundan pa po ito ng ilan pang saksak saka ako napahiga" sabi ni Jabez at sa sinabi niyang iyon ay agad akong naawa at agad na kumulo ang dugo ko kaya nagtungo ako sa may pintuan pero bago makalabas ay pinigilan ako ni Jabez.

"Dito ka lang please" he begged but I didn't listen to him instead, lumabas na nang tuluyan. Agad akong nagtungo sa police station kung saan panandaliang nakakulong si Aera. Pumasok ako sa selda niya at umupo ngunit may kasama siyang lalaki ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Nakatingin sa akin si Aera ng nakataas ang kilay.

"Hindi ko alam kung ano na ang iisipin ko sa iyo Aera. You're a good girl noon pa man nakita ko iyon pero putek, tapos malalaman ko nalang na sinakasak mo si Jabez. Anong problema mo?" Tanong ko sa kaniya ngunit pinanlisikan lang ako nito ng mata bago nagsalita.

"Alam mo pakialamera ka rin ano? Mula noon hanggang ngayon wala ka paring pinagbago. Bakit ba ginugulo mo kami ha? Eh away namin ito. Hindi ka siguro naka-move on no?" Sabi niya at umirap. Nainis naman ako sa sinabi nito ngunit pinipigilan ko na saktan siya.

"Hindi pangingialam ang tawag doon, tinatanong lang kita. Oo mahal ko siya at kahit na-declare na patay na siya ginawa ko ang makakaya ko para buhayin siya sa kademonyohang ginawa mo sa kaniya. Alam mo sana talaga sinira ko nalang iyong relasyong dalawa noon pa" sabi ko at nakita ko sa mata niya ang gulat sa sinabi ko

"B-buhay s-siya?" Tanong niya at kita ko rin sa mata ng lalaking kasama niya ang pagkainis. Pero mukhang pamilyar ang lalaki na ito. Agad ko siyang pinakatitigan at gulat na gulat ako sa nakikita ko.

"Putangina! Jelo?!"

Ano nga ba ang nangyari? Stay tuned mga bebe. Guyz baka naman gusto niyo akong bigyan ng VOTE haha baka naman HHA LABYOW

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top