Before End

THIRD PERSON
Hindi mapakali si Yajin habang pinagmamasdan ang kaibigan sa malayo na nakatingin sa dalawa. Gabi na at madilim kaya alam niyang hindi siya makikita ng kaibigan. Abala ang lahat sa panunuod sa dalawang nasa gitna ngunit dalawang tao ang ang alam kung ano ang susunod na mangyayari. She never thought that her friend can think something vicious as this.

Ninais ni Yajin na kapag gumalaw ang kaibigan ay hihilain niya ito upang walang mangyaring masama. She doesn't want that her friend will do something like this that can ruin her reputation and can ruin someone's life.

Nasa kalagitnaan na ang nangyayari nang biglang nahulog ang phone ni Yajin at dahil madilim sa parte kung saan siya nakatayo ay agad niya itong hinanap.

"Bwisit ngayon ka pa nahulog" bulalas niya nang makuha na niya ang kaniyang cellphone. When she turned to face where Vione is standing ay wala na ito doon.

"Shit!" Nasabi niyang muli at hindi kalaunan ay may narinig siyang sigaw. Fudge!

"STOP THIS!" Nang marinig niya ang sigaw na iyon ay agad siyang tumakbo malapit sa kaibigan, kita ni Yajin ang mga nagtatakang mukha ng mga taong nanunuod doon.

Si Jelo na hindi maipinta ang mukha ay agad na lumapit sa kinaroroonan niya. Si Jabez ay nakakunot ang noo at malamang nagtataka narin kung ano ang nangyayari.

"Bakit?" Tanong ni Jelo kay Vione ngunit tila walang narinig si Vione at hindi man lang niya ito nilingon at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

"Aera, matagal na kaming may relasyon ni Jabez at sa pagkakataong ito niya gustong sabihin sa iyo. Alam mo ba na ang set up na ito ay ang pinapangarap kong mangyari sa akin? Lahat ng designs na ito ang mga gusto ko kapag ganito rin ang gawin sa akin at ang pagkakataon na ito ay para sa akin hindi para sa iyo. Aera, sa akin talaga si Jabez okay? Nauna ako kaysa sa iyo hindi ba ito nasabi ni Jabez sa'yo?" Rinig ni Yajin na sambit ng kaniyang kaibigan agad naman siyang napayuko dahil hindi niya nagawa ang nararapat niyang gawin. Napasinghap ang mga tao na naroon at ni hindi man makaramdam ng konsensiya si Vione sa kaniyang ginawa. She is so adamant to get Jabez from her.

"W-what? Vione! Tapos na tayo noon pa! Hindi ka ba makamove-on! A-Aera" nasabi ni Jabez at tumingin kay Aera na unti-unting tumutulo ang luha. People are shocked because of  what Jabez said even her friend Yajin who doesn't even know what Jabez is talking about.

So may past sila? People's thought are also like Yajin's

"Akala ko ako lang? Akala ko ba wala ng iba? Pero akala ko lang pala? Bakit? Bakit Jabez! Sabihin niyo sa akin anong kasalanan ko sa inyo at ginagago niyo ako?! Hindi ba sapat na minahal kita Jabez at tinuring kitang kaibigan Vione ha! Simula pa lang talaga alam kong may iba na sa iyo Vione eh pero hindi ko iyon pinansin kasi akala ko ganun ka lang talaga makatingin pero akala ko lang pala ulit!" Sigaw ni Aera habang umiiyak, of course that is already expected from a person who is hurt from what they just said. She cried and cried at kalaunan ay agad na naghahabol ng hininga na ikinataka agad ni Yajin.

"A-Aera hindi ko alam ang mga ito makinig ka naman sa akin na-set up lang ako oka- Aera?" Natigil ang paliwanag ni Jabez ng makitang hinihingal si Aera

"What's happening?" Agad na responde ni Yajin nang makita niyang hindi makahinga si Aera and a thing popped on her mind.

"Shit! May asthma ka pala, did someone brought Vione's inhaler?" Tanong ni Yajin sa mga kasama ni Aera na nagdala sa kaniya sa lugar.

"Wala po ate, lahat po ng gamit niya ay naiwan po sa church" sabi nila tila naestatwa naman si Vione dahil sa nangyayari. Nagkakagulo na ngunit hindi parin siya makagalaw hindi niya inaasahan na mangyayari ito at unti-unti siyang nilulukob ng kaba at pati na rin konsensiya.

"Sinong may sasakyan? Umuwi na ba si manong?" Tanong ni Jelo sa kasama nilang pumunta dito.

"Opo kuya wala na po siya kasi sinabi ko po na okay na tayo dito" sabi ng isa sa kasama nila.

"Shit!" Sabi nito. kita ng dalawang mata ni Vione kung paano kapusin nang hininga si Aera at tila pinapamukha sa kaniya na maling mali ang ginawa nito.

"I have my car" presinta ni Yajin at agad na tumakbo kung saan naroon ang kaniyang sasakyan at sumunod ang iba habang hawak si Aera na hanggang ngayon ay naghahabol pa rin ng hininga.

Agad rin namang nakatakbo si Vione papunta sa passenger's seat ni Yajin at umupo roon sa likod naman ay sina Aera at Jabez na ngayon ay hindi na mapakali sa nangyayari sa dalaga.

"Sunod kayo roon, i'll take her sa SLU Hospital" sabi ni Yajin sa mga taong naiwan doon kabilang na rin ang malapit na kaibigan ni Jabez na si Jelo. Agad na pinaandar nang mabilis ang kaniyang sasakyan papunta sa malapit na ospital. Walang nagsalita sa buong biyahe ngunit sa loob loob ni Jabez ay nakaramdam siya ng galit sa dalawang dalaga dahil alam niyang sila ang may pakana nito.

Matapos ang ilang minuto ay agad rin nilang narating ang ospital at nilagay si Aera sa stretcher na wala ng malay. Sinundan nila ito ngunit pinigilan sila ng nurse na makapasok sa ER.

"J-Jabez, I-i'm s-sorry" nangingig at lumuluhang sambit ni Vione at hinawakan ang braso ni Jabez ngunit winaksi ito ng lalaki sa galit.

"Alam mo Vione matagal ko ng gustong sabihin sa iyo ito eh. Ayaw kita, hindi kita gusto! Ilang beses ko na itong sinabi sa iyo ngunit ayaw mong lumayo at ngayon balak mong sirain ang relasyon ko at balak mo pang patayin si Aera dahil sa kagagahan mo! We're done 2 years back Vione bakit hindi mo tanggapin!" Singhal ni Jabez kay Vione

"H-hindi ko naman inexpect eh. I-i'm s-sorry okay? Patawarin mo na ako please, mahal lang naman kasi kita kaya ko iyon nagawa" pagmamakaawa ni Vione kay Jabez at napaluhod

"Mahal? Kung mahal mo ako marunong kang magparaya! Minahal din kita noon pero wala na tayo hindi ba pwedeng magkaroon din ako ng chance na magmahal ng iba? Vione naman itigil mo na ito" Jabez said with pleading tone

Matapos ni Yajin na i-ayos ang parking ng sasakyan niya ay agad na pumasok ito at agad na hinanap ang kaibigan at agad nitong nakita na nakaluhod sa harap ni Jabez. Tumakbo naman siya at pinuntahan ang kaibigan.

"Tumayo ka diyan, huwag kang magpakababa masyado Vione! Sapat ng humingi ka ng tawad sa kaniya" sabi niya habang pinapatayo ang kaibigan

"Hayaan mo siya diyan bagay iyan sa kaniya, desperada kasi masyado, hindi ko nga alam kung magkasabwat kayo eh" sabi ni Jabez na ikinakulo ng dugo ni Yajin kaya agad siyang tumayo at sinampal si Jabez.

"Huwag na huwag mong sasabihan ng ganiyan ang kaibigan ko dahil nagmahal lang siya. Alam kong masama ang ginawa niya and I know it's selfish of her but you are so heartless to do this to her. I understand that you are angry because of what happened pero Jabez, tinatapatan mo 'yung ginawa niya sa'yo which means you are also doing something wrong right now. She's asking for forgiveness and even though she'll ask it, she already knew that you are not going to forgive her kaya lumuhod siya!" Galit na tugon ni Yajin kay Jabez

"Forgive? Hindi ko nga alam kung patatawarin ko 'yan eh, tandaan mo ito Vione ha?! Kapag may nangyaring masama kay Aera hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo" duro ni Jabez kay Vione ngunit agad din itong tinapik ni Yajin

"Huwag mong duruin ang kaibigan ko!" Sigaw ni Yajin at umalis na si Jabez dahil hindi niya maatim na makita si Vione dahil nga sa kaniyang ginawa.

"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ni Jabez? Anong meron sa inyong dalawa ha?" Tanong ni Yajin sa kaibigan pertaining to what Jabez told her earlier.

"Yajin I'm sorry dahil hindi kita pinakinggan kaya ngayon galit na galit na silang lahat sa akin wala na akong mukhang ihaharap Yajin. I should've listened to you" sabi ni Vione sa kaibigan ngunit agad din naman siyang niyakap ng kaibigan.

"Shh, tama na" nasabi na lang niya sa kaibigan

VIONE
"Promise mo sa akin na ako lang ha? Kapag may hindi tayo pinagkaintindihan aayusin natin okay?" Sabi niya sa akin, kaya mahal ko ito eh.

"Of course" nasabi ko at hinalikan niya ako sa noo. Asset ko iyan eh HAHAHA shining shimmering kaya maakit siya para halikan ang noo ko.

Makaraan ang isang linggo ay naging busy ako sa studies ko kaya hindi ko siya nakikita. Hindi alam ng mga magulang ko na may boyfriend ako kaya kung pupwede ay hindi ko siya dinadala sa apartment ko dahil minsan ay napaparoon ang mga magulang ko. I don't know how to tell them that's why as much as possible gumagawa ako ng paraan para hindi nila ito makita.

*KRIING*

"Hello?" Sagot sa tumatawag

[Can we meet? Ang tagal na nating hindi nagkita eh. I miss you already] sabi niya while me feeling giddy again. His sweet voice always gave me butterflies, boses pa lang nakakakilig na eh saan ka pa?

"Uhm sige pero hindi sa ganitong oras pwede? Mamayang gabi nalang meet mo ako sa bahay" sabi ko at narining ko naman siyang um-oo at binaba ang tawag. I'm still on my second to the last period at medyo matagal pa ito kung matapos.

Makalipas ang ilang oras na discussion ay natapos rin ito bandang alas sais ng gabi kaya agad akong nag-ayos at nagmadali ng umalis sa classroom.

Agad akong pumara ng taxi at nagtungo sa apartment at nakita ko na siya. He's waiting for me. I run into him and hugged him tight, then he kissed me on my cheek.

"Kanina ka pa? Magpapalit lang ako ha? Pasok ka muna" aya ko ngunit ngumiti lang siya sa akin.

"Hintayin na kita dito" sabi niya kaya napangiti ako dahil sa sinabi niya, he is very charming, gosh, i can't even let go of this man.

"Sige" sabi ko ngunit pagpasok ko ay hindi ko inaasahan na nandito ang mga magulang ko, nanlalaki ang mata ko na nakatingin sa kanila, habang sila ay nagtataka na nakatingin sa akin.

"M-Mama? P-Papa ahaha, kailan pa kayo dumating?" Kinakabahan at awkward na nasabi ko at aatras na sana para sabihan si Jabez na sa labas lang siya pero nandito na siya sa tabi ko at nakangiti sa mga magulang ko

"Anong ginagawa mo? Diba sabi mo hihintayin mo ako sa labas" sabi ko sa kaniya na may halong inis sa aking tono

"Narinig ko kasi na nandito ang mga magulang mo gusto ko lang mag-hi sa kanila" sabi niya habang nakangiti sa akin. Oo nga pala hindi ko sinabi sa kaniya na ayaw ng mga magulang ko na may boyfriend ako habang nag-aaral, ayaw ko rin namang masaktan ang ego niya dahil sa ganung rason.

"Labas ka na. Hintayi-"

"Sino siya?" Tanong ni mama sa akin na dahilan kung bakit naputol ang sasabihin ko. I gulped before answering her.

"Ma si Jabez kaib-"

"Boyfriend niya po" sabi niya sa mga magulang ko kaya gulat na gulat akong napatingin sa kaniya at agad na pumikit, I know what will be the next scenario.

"Pinagloloko mo ba kami ha Vione? Diba napag-usapan naman na natin ito diba? Hindi ka magboboyfriend hangga't nag-aaral ka pa! Kaya ba hindi ka umuuwi ng bahay kasi mas gusto mong kasama iyang boyfriend mo sa apartment na ito?" Tanong ni mama tumingin naman ako sa mata ni Jabez at kita ko na nagtataka na ito. I looked at my mom with pleading eyes.

"Ma! Hindi ko naman siya pinapatulog dito at malaki naman ang respeto niya sa akin. Hindi siya ganong tao ma" sabi ko ngunit nakataas lang kilay ni mama

"Kahit na! Dahil ang usapan natin hindi ka magboboyfriend. Sige! Since nandito naman na tayong lahat, ngayon mo na kami tapatin dito rin" My heart is thumping so fast that i can barely breath, kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari, knowing my mom, she is very strict.

"M-ma what do you mean? M-mama huwag naman ganiyan" pagmamakaawa ko ngunit nakatingin na siya kay Jabez at muling tumingin sa akin ng matalas.

"Vione! Mamili ka! Boyfriend o aral?!" Sigaw ni mama na ikinagulat ko, No! Not like this! Tinignan ko naman si papa pero nakikinig lang siya sa amin, I looked at him with pleading eyes but he just swerved his gazes on me.

"M-ma hindi naman sa porke nagkaboyfriend ako hindi ko na aasikasuhin ang pag-aaral k-"

"Mamili ka na lang Vione dahil alam kong kahit sabihin mo iyan hindi no gagawin. Ganiyan ang sinabi ng mga kapatid mo at mga pinsan mo pero mas inuuna nila ang pakikipaglandi nila! Ngayon mo sabihin, Boyfriend o Aral?" Tanong muli ni mama sa akin. I can't decide, I don't know what to say.

"M-ma nam-"

"Boyfriend o Aral?!" Putol nito sa sasabihin ko ngunit wala akong nasagot kundi iyak lang. I don't want to look at Jabez because I know that at this moment, he is already confused and speechless.

"Ano na?! Boyfrien o Ar-"

"Aral!" Sabi ko at hinarap si Jabez at hinawakan ang magkabilang kamay niya

"J-Jabez I'm s-sorry, I love you so much but I do need to choose, i'm very sorry" sabi ko pero at tinignan siya at kita ko ang sakit sa kaniyang mata. Inalis niya ang kamay ko sa kamay niya at tumalikod na siya at umalis kaya napaluhod na ako pero agad ko siyang sinundan.

"J-Jabez please?! Intindihin mo naman 'yung desiyon ko please" pagmamakaawa ko sa kaniya at humarap siya ngunit nakita kong umagos ang mga luha sa kaniyang mata.

"Alam mo Vione okay lang naman pero nagtago ka sa akin. Hindi mo sinabi sa akin na may kundisyon ang mga magulang mo edi sana nakapaghanda ako pero Vione, nagmukha akong tanga sa loob at ngayon pinapili ka na nila wala man lang akong nasabi. I think Vione, we should need to give spaces to each other" sabi nito at umalis na, I know that he's hurt base from how he spoke. I don't know what to do.

"Jabez! No please!" Sigaw ko ngunit wala parin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Iniyak ko lahat ang nararamdaman ko bago pumasok sa loob ng bahay na pulang pula ang mata dahil sa kakaiyak.

Nakita ko si mama na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Now she already feel so superior. I looked at her with a cold stare.

"Masaya na po ba kayo ma? Okay na, wala na kayong dapat ipag-alala. Sana nga masaya na kayo ha? Kung tutuusin ma, ganon ang ginawa mo eh, ang aga mong nagka-asawa tapos makabakod ka sa amin. Sige sana masaya ka ma ha?" Sabi ko at tumalikod na at tumungo ng kuwarto pero agad niya akong pinigalan.

"Huwag mo akong sumbatan ng ganiyan. Hindi mo ba mahalata na ginagawa ko lang ito para hindi kayo matulad sa akin pero sa'yo lang ako naghigpit kasi alam kong mataas ang pangarap mo at ganiyang ganiyan rin ang sinabi sa akin ng mga kapatid mo. Sa tingin mo ba hinihigpitan kita dahil wala lang?" Sabi ni mama at may lumabas muling luha sa mga mata ko.

"Matatanggap ko naman na ganiyan ang rason niyo eh pero hindi naman sana sa puntong pagpipiliin niyo ako sa harapan niya. Makakaya ko namang gumawa ng paraan ng hindi sinasabi sa kaniya pero pinagmukha mo siyang tanga ma! You also judge him so easily without knowing his background, he cared for me, he always cheer me up, he would always try to make me smile and he was the one who helped me a lot, bagay na hindi niyo maipakita sa akin dahil malayo ako sa inyo at hindi ko isi-sisi sa inyo dahil naiintindihan ko ang sitwasyon. Now look he's gone and I don't know where to start now that he's gone, hindi ko alam kung magiging masaya pa ako." Sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak at sinara ang pintuan ng kwarto ko.

"Vione gising na" sabi ng isang boses kaya binuksan ko ang mga mata ko at agad na umupo. Hindi ko inaasahang may tutulo na luha sa mga mata ko thinking about those things that happened.

"May napanaginipan ka ba? Napanaginipan mo ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Yajin sa akin. Bigla namang bumukas ang pintuan at niluwa doon si Daniela, Jemaica, Jed at si Dazz.

They had their day-off that started a week ago and they planned to have it nang sabay sabay para may bonding kami and when they heard about what happened last night, they came rushing towards my apartment. Doon ko na rin kinuwento ang tungkol sa amin ni Jabez.

"Ayos ka na ba?" Nag-aalalan tanong nila sa akin ngunit tumango lang ako kahit ramdam ko pa rin ang sakit.

"Alam mo Vione ang panget mo pero nagawa mo paring maghabol" sabi ni Dazz na ikinatingin ko sa kaniya ng masama, he would always do this kahit hindi magand ang sitwasyon, he is so insensitive.

"Alam mo hindi ka talaga nagbabago Dazz. Hindi ka marunong umintindi ng sitwasyon, ang dami mo ng napuntahang mga lugar but your attitude is so very embarassing sana hindi ka ganiyan doon no?" Galit na sambit ni Yajin na ikina-irap lang nito. Agad naman silang umupo sa kama ko at nilapitan nila ako.

"Nandito naman kami eh. Hindi mo naman kailangan ang isang lalake para sumaya eh" sabi ni Daniela at um-oo silang lahat at niyakap ako, shempre maliban kay Dazz taas ng pride niyan eh.

Niyakap ko rin naman sila ng mahigpit at muling naiyak. Salamat Lord, kahit hindi niyo pa ako binibigyan ng taong para sa akin, nagbigay pa rin naman kayo ng mga kaibigan na magmamahal sa akin na hindi matutumbasan ng iba.

So ano na? Malapit lapit na ang ending magpadedicate na kayo! Sa mga nakarelate comment lang mga behh--->>

Alam ko madami sa inyo eh. VOTE, COMMENT, FOLLOW!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top