Billionaire's Guardian Angel #1
Title: Billionaire's Guardian Angel.
Parts: ONE SHOT
Genre: Fantasy/Romance
Author: ChiMoBby
Quote: Use your smile to change the world. But never let the world change your smile.
⏩ Story ⏪
Gabrielle's POV
"Gabrielle Siya ang una mong Misyon. Ang kanyang pangalan ay Jake Miller. Kilala bilang Ruthless at walang awang Bilyonaryo. Marami na syang nagawang kasalanan at patuloy syang nalilihis sa maling landas." Seryusong sabi ni San Pedro saakin habang hinihimas ang Kanyang manok.
Agad kong tiningnan ang umiilaw sa tubig naroon ang mukha ng isang napaka gwapong lalaki ngunit wala kang ekspresyong makikita sa kanyang mga mata.
"Paano po kung mabigo ako? Bagohan lang po ako at kulang pa sa kakayahan para maging Gabay" nangangambang sabi ko.
"Mabibigo kalamang kung ikaw ay susuko at hindi susubok" Nakangiti pero makahulugang sabi ni San Pedro.
"Ano po ang Misyon ko sakanyan?" Patuloy na pag tanong ko.
"Malalaman mo ang tunay mong Misyon. Kapag nakasama mo na sya. Mag handa kana at bababa ka sa lupa ngayun din. Bibigyan kita ng 1 buwan para mapagtagumpayan mo ang misyong iniatas sayo" Sambit ni San Pedro.
"Sandali ano pong misyon ko sakanya--" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may nakakasilaw na liwanag na nagmula sa taas. Napapikit ako sa sobrang liwanag.
*BEEEEEEEP*
Agad akong napamulat ng marinig ko ang isang nakakabinging busina ng sasakyan. At kunting kunti nalang ang distansya sa pagitan namin.
"Mahal na Panginoon Gabayan nyo po ako" sabi ko ng nakapikit.
"What the Fuck is wrong with you woman! Are you fucking out of your mind!"
Sa halip na malakas na pag tama ng bagay saakin ay Malakas na sigaw ko ang narinig ko. Agad akong napadilat at napatingin sa Galit na lalaki na kabababa lang mula sa sasakyan.
"Nasa lupa na ako" sabi ko habang lumilinga linga. Natuon ang pansin ko sa isang lalaking sumisigaw sa harapan lalaking naka busangot at tiim bagang.
"Are you Crazy? Kung magpapakamatay ka pwede ba? Wag kang mandamay. I suggest Tumalon kanalang sa Tulay o iminum ng lason" gigil na sabi nung lalaki na ikinangiwi ko. Pero dineadma ko ang sinabi nya at ngumiti ng sobrang lapad.
"Jake Miller. 28 years Old isang sikat na Doktor at Bilyonaryong negosyante. Solong anak at namumuhay mag isa." Nakangiti kong sabi habang tinitingnan ang lalaking misyon ko.
"Stalker kaba? Who the fuck are you. At bakit naka Costume ka tanghaling tapat baliw kaba?" Tiim bagang nyang sabi saakin. Napangiwi ako ulit sa pag mumura nya.
Napatingin ako sa sarili ko. Nakaputing damit may pakpak na puti at Halo sa taas ng ulo ko. All in all dati lang.
"Una sa lahat wag kang magmura-"
"And Who The Fucking fuck are you para utusan ako?" Walang kaemo-emosyong sabi nya.
"Shh! Sabing wag mag mumura ei! Ako Si Gabrille ang Iyong Guardian Angel" malapad na ngiting sabi ko habang tinataas baba ang kilay ko.
"Miss nag dadrugs kaba?" Seryusong tanong ni Jake.
"Hindi noh! Masama kaya yun!" Sabi ko habang nanlalaki ang akong mga mata.
"Bat ganyan suot mo? June palang naka pang halloween kana" Nakataas kilay nyang sabi. Taray ng kuya mo. Hahah
"Anghel--" hindi na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang putulin ang sinasabi ko.
"Tsk" Sabi ni Jake saka ako tinalukuran at sumakay sa sasakyan nya saka pinaharurot paalis. Abat! Bastos to yun ah! Agad kong nilingon ang paalis na sasakyan at ngumiti.
Isang iglap lang ay nasaloob na ako ng sasakyan niya.
"San tayo pupunta?" Nakangiti kong tanong sa seryusong nagmamanehong si Jake.
"Holy Fuck!"
Napasubasob ako ng biglang nagpreno si jake.
Aray yung ilong ko huhuhu.
"How the fuck did you get in here?" Windang nasabi nya habang naka tingin saakin na para bang nakakita ng multo.
"Diba sabi ko sayo ako ang Guardian angel mo. Hindi ako pwedeng malayo sayo ng 3 metro at syempre ikaw lang nakakakita saakin" Nakangiti kong sabi habang hinihimas himas ang ilong ko.
"At pwede ba paki tigilan ang pag mumura ang sakit sakit sa Tenga" nakangiting dagdag ko sakanila.
"Unbelievable! Get out!" Sigaw na kaya dali dali naman akong lumabas sa sasakyan habang umiiling. Ang kulit!
Nang makalayo sya ng 3 metro ay may humila nanaman saakin at bago ko pa malaman nasa loob nanaman ako ng sasakyan nya.
"See? I told you" bigla kong sabi kaya napapreno nanaman sya.
"Holy shit"
"Ouch ilong ko" sabi ko habang hinihimas ilong ko for the second time around.
"Hello hihihi sabi ko naman kasi sayo! Kulit eh" bungisngis ko.
"Lumayo ka!"
"Hindi nga pwedeeee"
"Hays! What the fuck is happening to my life" punong puno ng prostrasyong sabi ni jake habang hinihila ang buhok nya. Saka nag maneho pauwi.
---♥---
1 week Later
"Hoy gising kapa" sundot ko sa tagiliran ni jake. At guess what? Tinalikuran ako ng bwesit.
"Hoy!" Sundot ko ulit sakanya.
Agad syang bumaling saakin para tingnan ako ng masama.
"Hindi ba sinabi ng Diyos mo na masamang mambulabog nag gustong matulog. Wag kang isturbo madami pa akong pipirmahang papeles para mapaalis na ang mga hampas lupang yun sa properties ko." galit sa sabi nya.
"Eh kasi ramdam kong hindi ka ok. Ramdam ko na nay bumabagabag sayo. Pwede mo naman--"
"None of your fucking business. Now get out!" Galit na sabi nya kaya dali dali namab akong lumayo sakanya.
"Hindi nga pwedeee" sabi ko sakanya. Saka nya ako inirapan at nahiga. Ilang minuto lang ay alam kong tulog na sya.
"Maria" Tulog na sabi ni Jake agad naman akong lumapit.
Sino si Maria? Isang linggo na kaming magkasama at sa tuwing natutulog sya parati syang binabangungot at tinatawag ang pangalang Gabby.
--♥--
2 weeks later.
"Oy Jake Ok kalang?" Tanong ko kay Jake habang inilalapat ang palad ko sa Noo nya. Sobrang init nya. Umuwi kasi kami galing sa kumpanya nya at sobrang lakas ng ulan sumulong kami sa ulan para makapunta sa sasakyan nya.
Sobrang busy sya nitong mga nakaraang linggo sa pag sasagawa ng pwersahang demolition sa isang squatter area halos hindi na sya nagpapahinga tapos nagpaulan pa sya. Na sobrang hindi ko maintindihan kong bakit nya ginagawa.
Sa dalawang linggo naming magkasama ramdam ko ang sobrang galit na nararamdaman nya sa nga taong nandun. At sa mismong area sa tuwing lalapit sya sa area na iyun ay biglang dumidilim ang kanyang aura na animoy kaya nyang pumatay sa ano mang oras. Sobrang natatakot ako na baka gawin nya yun.
"Don't touch me!" Marahas nyang iniwas ang noo nya sa palad ko.
"Sungit mo ang sama na nga ng pakiramdam mo sungit sungit mo padin. Araw araw kabang nireregla?" Tanong ko sa kanya. At agad naman akong naka tanggap ng masamang tingin mula sakanya.
"I am not feeling well kaya wag mokong ginagago manok! Baka gusto mong balian kita ng pakpak"
Sa sinabi nyang yun napangiwi ako. Sobrang brutal talaga ng taong to.
"Eh ano pala gagawin ko?" Tanong ko.
"Pagalingin moko" inaantok na sabi nya.
"Hala! Anghel po ako Hindi Genie" sabi ko. At patuloy na nag rereklamo nakita ko nalang sya na natutulog nang kunot ang noo. Ilang oras din ay inantok na ako at naramdaman kong may bumuhat saakin pahiga sa kama.
---♥---
3 weeks later.
Naasyus na ang lahat ng papeles na kailangan ni Jake para palayasin ang mga taong nandun sa Area.
"Jake. Seryuso kabang paaalisin mo sila? Kawawa naman sila wala silang malilipatan" yan ang mga katagang parati kong sinasabi sakanya.
"Hindi mo ba talaga ako tatantanan hah? Kelan kaba mawawala " Galit na asik saakin ni Jake. Nasa kusina kami ngayon at naghahanda sya ng umagahan nya.
Ayan galit nanaman sya.
"Hindi nga pwede! Hanggat hindi ka nagpapakabait!" Napufrustrate na ako sa lalaking to. Panginoon pakihabaan ang pasensya ko. Sa tuwing sasabihin ko sakanyang magpakabait na sya tinitingnan nya lang akong masama.
Sa tatlong linggong parati ko syang kasama ay parati nya akong sinusungitan at sinisigawan. Naririndi nadin ang tenga ko sa bawat murang lumalabas sa bibig nya.
Pero kahit papano ay nag iimprove na sya at minsan ay nakikinig na sya saakin. Pero as in minsan lang kadalasan dinedeadma parin nya ako.
Wala akong magawa lalo na pag nasa Area sya. Wala syang pinapakinggan at parating mainit ulo nya. Puno ng galit at pagkasuklam ang nararamdaman nya.
"Ano ba talagang kailangan mo para lubayan mo na ako!" Asik nya ulit saakin.
"Magpakabait ka. At hayaan mo na ang mga taong yun" nakangiti kong sabi.
"That will never happen" matigas nyang sabi.
"Edi hindi din kita lulubayan" sagot ko sa kanya.
"What?" Parang hindi makapaniwalang sabi nya.
"Bingi?"
Tiningnan nya ako ng masama.
"Hihi joke lang" pagak na tawang sabi ko.
"Gutom na ako" dagdag ko.
"The hell! Diba anghel ka? Bat gutom ka" parang abnormal na tanong nya.
"Duh! Pag anghel di na pwedeng magutom. Akala ko pamandin matalino ka -__-" mahinang sabi ko.
"ANO!"
"ay wala sabi ko ang gwapo mo. Pakilutuan na ako please." Inosente kong sabi.
"Magluto ka mag isa mo" Sabi nya at binalewala ako.
"Di nga ako marunong mag luto. Gusto mo bang masunog ko tong pent house mo" Nagpapanik na sabi ko.
"Subukan mo at tatanggalin ko lahat ng balahibo nyang pakpak mo!" Pagbabanta nya saakin.
"Hala! Bad manakot ng kapwa" sabi ko habang nanlalaki ang mga mana. Parang masakit yun huhu.
"Whatever! Oh kumain ka. Patay gutom na manok"
"HINDI AKO MANOK! ANGHEL AKO!" Sigaw ko para marinig nya matapos nya kasing bigyan ako ng tinapay ay umalis na sya agad. Bastos din talaga.
Matapos kong kumain ay agad akong lumabas ng kusina. Para sundan sya.
Sa 21 na araw namin na magkasama at sa araw araw ko syang kinukulit. Napansin kong napaka salbahe at mainitin ng ulo nyan. Kaya napag isip isip ko marahil ang misyon ko sakanya ay pabaitin at baguhin sya.
"San tayo pupunta" nakangiti kong tanong sa naka busangot na si jake. Pero dahil bastos nga ang ugali nya hindi nya ako sinagot at nag patuloy sa pag lalakad.
Ilang minuto rin ang itinagal namin ni Jake sa sasakyan bago kami makarating sa isang Squatter area.
Ito na yung area na parating pinapacheck ni Jake. Ito yung area na sobrang galit sya.
Nakita ko na may dalawang pangkat ng tao isang pangkat ng mga mamamayang Squatter at pangkat ng mga Pulis.
"Hindi nyo kami mapapaalis dito!"
"Dadanak muna ang dugo dito bago nyo kami mapaalis dito."
"Lumayas kayo saamin ang lupang ito!"
Ilan lamang yan sa mga salitang naririnig ko.
"Jake anong nangyayare?" Tanong ko.
"Pinapalayas ko sila sa lupang pag mamay ari ko!" Sabi ni Jake ng hindi man lang ako nililingon.
"Bakit mo ba gagawin yun? Masama yun. Nakikiusap ako sayo itigil mo na ang karahasang ito." nag aalalang sabi ko.
"I dont care about them! Ang mahalaga sakin umalis na sila sa property ko or i'll sue all of them! At kung humantong sa patayan maalis lang yang mga hampas lupang yan dito so be it!" Gigil na sabi nya.
"Pero bigyan mo sila ng palugit para umalis. Wag mo silang ituring parang hayop" Nagmamakaawang sabi ko.
"NO! Nangdahil sa kanila. Nagkanda letche letche ang buhay ko! Nang dahil sa kanila nawala yung taong mahal ko na walang ibang ginawa kundi ang intindihin at protektahan yan mga hampas lupang yan!" Galit na galit na sabi ni Jake. Napansing kong pinag titinginan na sya ng mga tao at pulis.
Marahil nagtataka sila sa biglaang pag sigaw ni Jake ei wala naman syang kausap. Dahil hindi naman nila ako nakikita. Si Jake lang ang may kakayahang makakita saakin dahil si Jake lang ang misyon ko.
Sa sinabi nyang iyon ay napahawak ako sa ulo ko. Mga alala alang bumabalik. Mga ala alang sobrang labo at magulo hindi ko maintindihan.
"Argh!" Napahawak ako sa ulo ko habang hinihila ang buhok ko. Ano to? Ano tong nga bagay na sumisingit sa utak ko. Habang kapit kapit ko ang ulo ko ay bigla akong napa upo sa sakit.
Nakita kong Umalis agad si Jake at bumalik sa parking lot. Nang makalayo sya ay unti unting nawala ang sakit ng ulong nararandaman ko. Unti unti ring nawala ang mga malalabong imahe sa utak ko.
Agad kong sinundan si Jake. Kahit na sobrang nahihilo pa ako.
Nakita ko syang tumigil sa tapat ng isang poste. Lumapit ako para makita ko ang mukha nya.
Nakita ko ang nga luhang dahan dahang dumadaloy pababa ng kanyang pisngi.
Pinagsisipa nya at pinag susuntok ang isang poste na malapit sa kanya.
"J-jake" Nag aalala kong sabi.
Agad naman syang tumigil sa ginagawa nya at pumunta saakin.
"Let's go"
Hindi na ako nag salita at nanahimik nalang ako sa buong byahe namin.
Napansin kong hindi papunta sa Pent house ang daang tinatahak namin.
"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"I'll visit someone. Kaya wag kang magulo" pagsusungit nya.
Napangiti nalang ako. Hahaha He's Back.
After ilang minuto ay napunta kami sa isang pribadong sementeryo.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko pero dahil isat kalahating bastos nga ang taong to hindi nya ako sinagot at dineadma nya ako.
Naglakad kaming dalawa ng bigla syang tumigil sa isang napakalaking puno sa ilalim ng puno ay mayroong kulay itim na lapid.
"Maria Gabriella Fuente"
Pagkabasa ko nung pangalang yun ay agad nanamang sumakit ang ulo ko. May mga imahe at alalang pilit na pumapasok sa utak ko. Ang sakit ng ulo agad akong napakapit sa ulo ko at hinila ang buhok ko.
"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko at sinasabunutan ang sarili. Napaupo ako sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Hoy ayus kalang?" Napalingon ako kay jake na halatang nag tataka sa inaakto ko. Saka nya iniladad ang kamay nya para tulungan akong tumayo.
Tinignan ko sya.
Nakatayo sya sa anggulong against the light kaya nung yumingala sya ay pumapalibot sa kanya ang sinag ng araw.
Bakit parang,
Bakit parang nangyare na to?
=======
4 weeks later.
Huling linggo ko na pero simula nung umuwi kami galing sa sementeryo ay hindi ko na inimikan si Jake.
Hindi ko alam pero sobrang naguguluhan ako sa mga pumapasok na imahe sa utak ko lahat yun ay malalabo at kumplikado. Habang nasa banyo si Jake ay sinamantala ko ang pag kakataon para libutin ang pent house nya. May isang pintong nakaagaw ng pansin ko.
Agad kong pinasok at pintong yun at lumantad saakin ang ibat ibang pictures ko.
"Ahhh!" Napahawak ako sa ulo ko.
Lahat ng balingan ko ay nakikita ko ang litrato ko. May naka ngiti, may naka simangot, may malungkot, may galit. Ang kwartong ito ay punong puno ng larawan ko.
"AAAAAHHHH!" Napasigaw ako sa sobrang sakit.
Napahigpit ang kapit ko sa ulo saka ako bumaling ulit sa mga larawan ko pinakatitigan ko ang mga larawan ko unti unting pumasok ang mga alaalang nakatago sa utak ko. Dahan dahang lumuwag ang pag kakakapit ko sa ulo ko.
Nang may biglang mag flashback sa utak ko.
***FLASHBACK***
2 years ago.
Gabrielle's POV
Nasa field ako ngayon dinadama ang simoy ng hangin ng biglang.
"Aray!" Napaupo ng may tumamang soccer ball sa ulo ko. Agad kong hinimas ang bahagi ng ulo kong tinamaan ng letseng bola.
"Hoy ayus kalang?" Tanong saakin ng isang antipatikong lalaki na naka soccee varsity uniform.
Tinignan ko sya.
Nakatayo sya sa anggulong against the light kaya nung yumingala sya ay pumapalibot sa kanya ang sinag ng araw.
***End Of FlashBack***
Natauhan ako bigla sa alaalang yun.
"J-jake" yung lalaki sa alala alala ko ay si Jake. Si jake na mas bata yun ang unang pagkikita namin. Hindi paman ako nakaka get over ay may nag flashback ulit.
****FLASHBACK****
Nasa pent house ako ng bestfriend kong si Jake para sugurin sya.
"Hoy J-jake! Bat mo ba kasi parating inaaway si Michael? Kaya walang nanliligaw sakin ei parati mong inaaway" Tanong ko sa kanya habang niyuyogyog sya.
"Pwede ba Gabby lubayan mo nga ako inaantok pa ako" sabi ni jake saka tinaklob yung unan sa ulo nya.
"Bakit nga kasi! Bahala ka di kita tatantanang buset ka!" Sabi ko ulit at niyogyog ulit sya.
Bigla syang bumangon at dinala ako sa isang kwarto ng penthouse nya. Napasinghap ako sa nakita ko nandun ang ibat ibang pictures ko.
"KASI MAHAL KITA! AYAW KONG MAY MANLIGAW SAYONG IBA. AYAW KONG MAY NAG PAPAKILIG SAYONG IBA. AYAW KONG TUMITINGIN KA SA IBA. GUSTO KO AKO LANG! AKO LANG ANG TITINGNAN MO! DAPAT AKO LANG KASI MAHAL NA MAHAL KITA" Sigaw ni Jake pagkatapos nun ay hinalikan nya ako.
***END OF FLASHBACK***
Muli akong nabalik sa realidad
"Si Jake ang---" hindi ko natuliy ang sasabihin ko ng biglang marealise ko kong ano ba kami ni jake. Napatakip ang mga kamay ko bibig at dahan dahang umagos ang mga luha ko.
***FLASHBACK***
"Jake yung bago mong Property may nga nakatirang tao. Bigyan natin sila ng bagong pabahay" nakangiti kong sabi.
"Sure, basta ikaw" sabi ni jake saka ako kinabig parahalikan.
"Yey talaga? Sige sige pupunta ako dun mamayang gabi para ipaalam sakanila na magbibigay tayo ng pabahay kaya wala silang dapat ipag alala" masayang sabi ko.
"Samahan kita" nakangiting sabi ni jake.
"Hindi na may Meeting kapa kay Mr. Cruz diba?" Natatawang sabi ko.
****END OF FLASHBACK***
"Y-yung Area. Y-yung squatter area" Humahagulhol na sabi ko. Nang may mag flashback nanaman sa utak ko.
***FLASHBACK***
Pumunta ako sa Area para ipaalam sa Kapitan nila na magbibigay kami ng pabahay. Kaso ginabi na ako hays si Jake kasi ayaw akong paalisin.
"J-jake p-parang may sumusunod saakin. Puntahan mo na ako dito sa Area pls." Sabi ko kay Jake sa telepono habang nag mamadaling naglalakad.
Ramdam kong may sumusunod saakin.
Maya maya lang ay may kumapit sa braso ko.
"Miss nag mamadali ka ata. Ang kinis kinis mo panaman sama ka samin pasasayahin ka namin" sabi ng isang mukhang adik na lalaki kasama ang 5 pang lalaki.
"No please im here to discuss some things kay Captain Naing" sabi ko. Pero binaliwala ako ng anim na lalaki at marahas akong hinila papunta sa madilim na iskinita.
"Help!"
"Help Please" nagmamakaawa kong sabi may mga ibang taong nakatingin pero wala silang ginawa. Wala silang ginawa para tulungan ako.
***END OF FLASHBACK***
Nagmakaawa ako. Habang binababoy nila ang katawan ko.
Nagmakaawa ako. Na buhayin nila ako.
Nagmakaawa ako sa kanila.
Patuliy ang pag iyak at pag hagulhul ko.
Namatay ako sa kamay ng 6 na lalaking pinagpasapasahan ang katawan ko. Nagmakaawa ako na tulungan ako ng mga tao pero wala silang ginawa kundi tingnan at baliwalain ang pag susumamo ko.
Nangyare yung lahat sa Area na yun. Yun ang dahilan kung bakit galit na galit si Jake sa Area na yun.
Mayamaya yang ay marahas na bumukas ang pinti ng kwarto. Tumambad saakin si Jake na halatang katatapos lang mag shower.
"J-jake" humahagulhol kong sabi. Dahil saakin kaga nagbago si Jake. Dahil saakin kaya pinili nyang maging masama.
"G-Gabby" parang hindi sya makapaniwala sa nakikita nya. Parang ngayon nya lang narealise na ako si Gabriella.
Agad akong napatingin sa kamay ko. At pati sa likod ko. Walang pakpak. Walang Halo at ang damit ko ay ang damit ko nung araw na pinatay ako.
"J-jake!" Agad akong tumayo at niyakap sya ng sobrang higpit.
"Gabby. I-ikaw yung... ikaw yung.. Guardian angel ko?" Hindi makapaniwalang sabi nya. Saka ako niyakap ng sobrang higpit.
"Alam ko na ang misyon ko. Jake matuto kang magpatawad. Patawarin mo na ang mga tao sa Area na yun. Patawarin mo na ang sarili mo" lumuluhang sabi ko. All this time inisip kong ang misyon ko sakanya ay baguhin sya.
Nagbago si Jake simula nung nangyare saakin nayun. Hindi nasya ang makulit at pasaway na Jake. Naging walang puso at walang awang Jake sya ng dahil saakin.
"Pano? Pano ko papatawarin ang sarili ko. Kung wala man lang ako sa oras nayun para protektahan ka. Paano ko mapapatawad ang mga taong pinabayaan kang mamatay!" Sabi nya.
"Jake dont let the world change your smile. Let your smile change the world" sabi ko saka ko sya hinalikan sa labi.
===========
3 years Later
Jake's POV
Matapos ang halik na yun 3 years ago dumilat ako ng wala na si Gabby sa paningin ko hinanap ko sya. Pero wala na sya.
Sa tatlong taong lumipas sinunod ko ang payo ni Gabby. Hindi ko na pinatuloy ang demolition sa Area na yun. Tinanggap ko na ang nangyare at nagpatawad.
Sobrang hirap pero nagawa ko ring patawarin ang ang sarili ko.
Nandito ako ngayon sa puntod ni Gabby. At inilapag ko ang binili kong bulaklak sa tabi ng lapida nya saka umupo sa damuhan at ininandal ang likod ko sa malaking puno.
"I love you so much Gabby" saka ipinikit ko ang mata ko saka huminga ng malalim.
"I love you so much too Jake"
Napamulat ako ng marinig ko ang boses nang taong inaasam asam kong makita.
Nasaharapan ko ang isang babaeng naka Floral Dress may hawak.na kulay puting balloon at malapad na nakangiti saakin.
Para akong pinako sa kinauupuan ko.
"G-Gabby?" Hindi maka paniwalang sabi ko saka marahas na pinikit ang mata ko saka sumilat ulit. Pero nandun padin yung babae.
"Its Penny now."nakangiti nyang sabi.
"W-what? H-how?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi ko parin maalis ang tingin ko kay Gabby na nagpakilalang Penny.
"I was given a chance to live again. To live and be with you again. New life, new name, new experience but has the same heart. Same heart na nagmamahal sayo" nakangiti nyang sabi. And with that agad akong tunayo para yakapin sya.
"Holy shit! Thank God!" Masayang sigaw ko.
"Hep sabing wag magmumura masakit sa tenga" reklamo nya na ikinatawa ko lang.
"I love you Gabby-Penny Whatever" sabi ko habang binabaon ang mukha ko sa buhok nya.
"Haha I love you too Jake" sabi ni Penny/Gabby na tumatawa.
Words: 3688 words
Code: 00862
------------
Thank you so much sana magustuhan nyo ang aking first try na One shot Story. Masyado kasi akong busy kaya hindi ko na kakayanin kung 3 ang Ongoing ko. Kaya sorry na in Advance huhu ❤
Again Ladies and Gentlemen First Draft po ito kaya asahan ang nakakalokang typos Ok? Hahaha
This is Dedicated to UnknownxxAngel NsyncCrow Kell_river11 Kimineah_YoonAh ms_kathe ViaL_24 Danlans Michielokim PeacexAndxUnity AkoSiTeryo Fighter_Fumi yhuri_12 Thank Youuuu. 💋
-ChiMoBby. 👑💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top