Chapter 8: Song
#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP
A/N: Hi guys, paki-note lang. Kasama si Adonis, Sky, Storm, at Hermes sa outing. Nagkamali ako ng na-post last chapter. Pag pasensyahan at lutang is me :3
HERA'S POV
Hinihingal na sinandal ko ang katawan ko sa konkretong pader habang ang isa kong kamay ay mahigpit na nakahawak sa maliit na climbing holds na nasa harapan ko. Ang isa naman ay winiwisik-wisik ko dahil kanina pa ako ngalay na ngalay.
"Hera! Sa kanan mo!"
I bite hard on the heel of the knife that I put between my teeth and I throw my body sideways when I heard Aiere's voice. Siniguro kon nakahanda na ang kanan kong kamay para humawak sa mga batong nakakabit sa pader para magawa kong i-angat ang sarili ko.
"Woo! Go, Hermes! I love you! You're the best!"
Hindi ko na kailangan lingunin ang nagsalita para malaman kung sino 'yon. Wala namang iba na number one fan ang kapatid ko kundi ang asawa niya na ngayon ay naghihihiyaw sa baba para i-cheer si Kuya.
"Hoy, Storm. Si Hera ang i-cheer mo. Team girls remember?" narinig kong saway ni Aiere na siyang tagabigay sa akin ng direksyon sa ginagawa ko.
"Woo! Go, Hera! Kuya mo 'yan! Tatay ng mga pamangkin mo!"
"Storm!"
"Woo! I love you everyone!"
Napapailing na itinukod ko ang tuhod ko sa pader bago ko itinulak ang sarili ko pataas. Kasabay no'n ay kinuha ko ang kitsulyo na nakaibit sa bibig ko at pagkatapos ay pinutol ko ang nakausling tali na may nakakabit na plastic sa dulo. Hindi ko pinansin iyon nang mahulog dahil alam kong sasaluhin na iyon ng mga kasama ko sa baba. Nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat habang hinihintay ang ilalawit na tali ni Nyx at Erebus na siyang nasa taas ng pader.
Who would have thought that wall climbing can be this hard? Bilang mga agent sanay kami sa mga aktibidad kung saan kinakailangan naming akyatin ang mga matataas na mga lugar. Iyon nga lang may tulong iyon ng mga gadget at devices na gawa ng Experiment Department namin. Wala kaming gano'n ngayon.
It could be manageable if we just need to climb the wall. Pero dahil likas na pahirap si Dawn sa mga buhay namin ay binigyan niya kami ng challenge; hindi namin goal ang makaakyat sa tuktok ng mabilis kundi paramihan sa mapuputol na tali na may nakakabit na piece ng puzzle na bubuuin ng mga kasamahan namin sa baba. Dahil do'n ay kailangan manatili ng mga representative sa pader hanggang hindi nakukuha ang limang puzzle piece. Kapag nakuha na ang lima ay papalit naman ang susunod na representative. Paulit-ulit iyon hanggang sa mabuo ang puzzle na siyang may nakasulat na tanong na sasagutin ng team.
Isa pang catch ng palaro ni Dawn ay wala kaming harness o tali man lang. We're not jut climbing but we're also bouldering. Tanging malaking inflatable landing mat na may net sa mga gilid ang nasa ibaba na siyang sasalo sa amin kung sakaling mahuhulog kami.
My brother and I are the last players. Ako ang pang lima na nabunot sa team namin habang sa team naman ng mga lalaki ay si Thunder ang nakuha kanina. Thankfully, my brother step in to do it for him. Masyado kasing straining ang partikular na activity na ito para sa lalaki.
"Damn it, E! Put it down!" asik ng kapatid ko.
Nilingon ko siya at napangisi ako nang makita ko na hindi pa niya nakukuha ang pang-apat na puzzle piece. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakapalumbaba pa si Erebus habang parang walang pakielam sa mundo na ibinaba ang huling tali. Lahat kasi iyo ay iba-iba ng sukat at iba-iba ng distansiya. Depende sa kung anong na-tripan ni Dawn nang ayusin niya iyon. O mas tamang sabihin inayos ng asawa niya. Hindi rin madali para kay Erebus at Nyx na maibaba ang mga tali dahil binuhol-buhol iyon na kailangan nilang kalagin para mailagla sa direksyon namin.
"Ready, Nyx?" tawag pansin ko sa babae.
"Almost there!"
"E!" sigaw uli ni kuya sa Pambansang Antukin slash Hari ng Katamaran na si Erebus. "Kapag hindi mo binilisan isisigaw ko ang pangalan ng girlfriend mo ngayon."
Kasabay ng pagbaba ng tingin ni Erebus para bigyan ng matalim na tingin ang kapatid ko ay napalingon naman sa kaniya si Nyx na kita ang gulat sa mga mata. Mula kasi mga bata pa lang kami magkabuntot na silang dalawa ng lalaki. Kahit pa na madalas din silang magkagulo. Looks like Nyx doesn't know about Erebus having a girlfriend. Huh.
Naagaw ang atensyon ko nang makita ko na bumibilis na si Erebus sa ginagawa habang nananatiling nakatingin lang si Nyx sa lalaki at walang ginagawa. "Nyx! Hurry up!"
Napapitlag ang babae na tila nahimasmasan at pagkatapos ay nagmamadali na siyang kumilos ulit. Hinanda ko ang sarili ko at bahagyang umakyat pa ako para masigurong maabot ko kung saan man niya ibabagsak ang tali. But to my dismay, the last string is situated in the far end on my right. Ramdam man ang pagod sa buong katawan ay pinilit kong lumipat pakaliwa para magawa kong maabot iyon.
Butil-butil na ang pawis ko habang pinipilit kong itutok ang buong pokus ko sa ginagawa. I can feel my fingers digging on the climbing holds, my legs straining, and my arms tight with tension as I moved towards my right. Dahil bahagyang nakaumbok ang parte na iyon ay mas lalong nagpahirap iyon para magawa kong makalipat.
Three things happened when I was finally on the perfect distance; inalis ko ang kutsilyo mula sa pagkakaipit no'n sa mga ngipin ko at pinutol ko ang tali sa pamamagitan ng paghagis no'n pakanan kung saan naputol ang tali habang kutsilyo ay bumagsak sa malayong lokasyon, I heard the screaming of my team mates, and third I felt my hand slipped from its hold.
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko ang sarili kong mahulog habang hinahanda ko ang katawan ko sa magiging pagbagsak niyon. A loud thud rung around us the moment my back touched the inflatable landing mat but before I can even open my eyes, I felt the mat lean towards my right side and then my body started to fall sideways.
Iminulat ko ang mga mata ko at sa pagkagulat ko ay nakita ko ro'n si Thunder na kasalukuyang tinutukuran ang net para magawa kong makababa. Kaagad niya akong sinalo at inalalayang tumayo bago pa ako bumagsak sa lupa.
"You gave me a fright." he whispered quickly.
"What-"
"Kuya! No befriending the enemy! Lezgaw!"
Tumingin siya sa likod ko kung saan tinatawag na siya ni Ocean. Nagbaba siya ng mga mata sa akin at tinanguhan ko siya at pagkatapos ay mabilis na niyang pinuntahan ang mga ka-team niya habang ako ay tumakbo na sa kinaroroonan ng mga kasamahan ko.
Natagpuan ko silang tutok na tutok ang atensyon sa binubuong puzzle habang nagkakagulo para magawang maayos kaagad iyon. Ganoon din sa gawi ng mga kalalakihan na mukhang malapit na rin matapos sa ginagawa kahit na mas nauna akong nakababa kesa sa kapatid ko. Base sa natatanaw ko ay mukhang lahat sila ay nakapalibot sa pigura ng nasisiguro kong si Wilhelm.
"We're done, we're done, we're done!" Chalamity exclaimed while showing us the piece. Lahat kami ay nakibasa do'n at sabay-sabay din kaming napakunot noo sa nakita roon.
"Ano raw?" naguguluhang tanong ni Enyo.
"A rival of the first person to resist a colonization in the country." dahan-dahang basa ng kakambal niya na si Eris. Nang mukhang hindi niya rin alam ang sagot ay kinalabit niya si Harmony na nakaupo lang sa lamesa habang nakatingin sa ginagawa namin. "Alam mo ba 'yan? Ikaw ang huling nag-aral dito dapat mas fresh sa'yo 'yan."
"I have no idea. Lagi naman akong absent dahil nag sasanay akong mag drums." sabi niya at itinaas ang hawak niya na drumstick na lagi niyang bitbit bilang pag e-emphasize sa sinabi niya. "And I hate history."
Napapakamot sa ulo na tumingin ako sa gawi ng mga lalaki at nakita kong nangangamote rin sila sa nabasa. Nagtama pa ang mga mata namin ni Thunder na nagkibit-balikat na parang sinasabing wala siyang ideya sa kung anong nakasulat ro'n.
"Oh my world! Bakit walang wifi signal?!" palahaw ni Ocean. "Paano ko masasagot ang chat ng mga babes ko?"
"Not the priority, Ocean!" asik ni Archer at binatukan ang lalaki.
"Anong akala mo sa akin hindi marunong mag multi-task? Mag se-search sana ako para sa sagot pero wala akong wifi! At hindi ko masasagot ang mga babes ko!"
Napatakip ako sa tenga ko nang pumainlang sa paligid ang malakas na pagpito. Gano'n din ang reaksyon ng iba pa naming mga kasamahan maliban na lang kay Freezale na kalmado lang habang katabi si Dawn na siyang gumawa ng ingay na iyon. Opposite ng reaksyon ni Triton na ngayon ay mukhang malapit ng umiyak habang tinataktak ang tenga niya.
"Clue one. Ang pangalan ng unang tao na lumaban sa colonization ay may katulad na pangalan ng isda kung saan salitang inuulit ito."
"Maya-maya!" sigaw ni Ocean.
"Lapu-lapu!" sigaw naman ni Harmony.
Nagtagisan ng tingin ang dalawa na para bang handa nilang ipaglaban ng patayan ang mga sagot nila. Kahit alam naman na ng lahat kung ano ang tamang sagot. Seriously. Sinong tao sa history ang may pangalan na Maya-Maya?
"Lapu Lapu is right." Dawn said with a not. "Pero sino ang rival niya na isa sa mga unang indigenous na nag convert sa Catholicism?"
"Haring Umambon!" sigaw ni Chlymate na tinapik pa ang dibdib niya at mayabang na tumuro sa amin. "Ano laban?"
"Ignorance myghas! Hindi "umambon" 'yon! Saka hindi hari 'yon." singit ni Ocean. "Rajah Rumambo 'yon! Palaban gano'n!"
Nagkatinginan kami ng mga babae dahil parang binigay na rin nila sa amin ang mga sagot nila dahil sa mga pinagsasabi nila. Halos sabay-sabay kaming napangiti bago lahat kami ay isinagaw ang sagot. "Rajah Humabon!"
The shrill sound of the whistle amplified through a megaphone boomed around us again b efore Dawn raised her hand towards our direction. "Correct."
Napuno ng hiyawan naming mga babae ang lugar habang ang mga lalaki ay napaupo na lang sa buhanginan maliban kay Thunder na napapangiti sa gawi namin, sa kapatid ko na inihihilamos ang kamay sa mukha, kay Wilhelm na naiiling na lang habang pigil ang ngiti, at kay Archer na kasalukuyang nililibing si Ocean gamit ng buhangin na ibinubuhos niya sa nakadapang lalaki.
"Boys, as a punishment you will cook dinner for everyone."
Tila nabuhayan si Ocean at kaagad na tumayo siya habang pinapagpag ang damit niya. "Oh yeah! I can do that! May bahay ba dito na may kusina? Nasaan?"
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Dawn at nakita kong yumuko si Freezale na pilit tinatago ang ngiti. For some that might be a miracle since their smiles are rare. But for us who know them better, alam namin na may kaakibat ang ngiti na iyon. Mukhang hindi naman naikubli 'yon kay Ocean na biglang nanlaki ang mga mata.
"Wait, wait. Don't tell me..."
HINDI ko mapigilan ang ngiti ko sa pagsilay no'n habang pinapanood ko ang mga lalaki naming kasama na hindi magkandatuto habang inaasikaso ang mga niluluto nila. Si Ocean na siyang namumuno sa pagluluto ay parang mag be-break down na any moment. Hindi na ako magtataka kung mamaya makita ko na lang siya na nasa isang tabi at nagsusumbong sa tatay niya na siyang dating chef sa BHO CAMP. This might be the worst nightmare of a chef like him.
"Fuck!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng salitang iyon at kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita ko si Thunder na hawak-hawak sa buntot ang isang isda at marahas na inihagis niya iyon sa plato na hawak naman ni King.
"Fuck." he muttered again while looking at his fingertips. Namumula na iyon dahil sa paghawak sa mainit na isda.
"Uso kasi gumamit ng kitchen tongs." sabi ni King na nakangisi pa at lumapit sa pinaglulutuan nila kung saan nakapatong ang tongs sa gilid ng lutuan kung saan nakapatong din ang isa pang niluluto na isda. Nagkatinginan kami ni Thunder nang walang babala na kinuha niya iyon. "Ito o- motherfucker!"
I pressed my lips together to stop myself from laughing. Malamang mainit. Kaya siguro hindi hinawakan ni Thunder iyon kanina dahil may angkamali na ipinatong iyon sa grill mismo. In short parang nag grill sila ng kitchen tongs. Galing.
"Sakit no?" pang-aasaar ni Thunder.
"Gago, ba't di mo sinabi?" angal ni King habang ipinapaypay ang nasaktang kamay.
"Ikaw ang naglagay diyan niyan nagtataka ka pa." sabi ng lalaki na binaligtad ang isa pang isda sa pamamagitan ng paghawak sa buntot no'n ulit. "Okay lang 'yan, hindi ka naman humahawak ng guitara."
Umismid si King at binigyan ng masamang tingin ang binata. "Mahalaga ang kamay ko no!"
"Mas mahalaga ang kamay ko."
"Mahalaga ang mga kamay ko at mga daliri para sa asawa ko!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at kaagad akong nag-iwas ng tingin. Sa ginawa ko ay napadako ang pansin ko sa kinaroroonan ni Freezale na natigalan sa ginagawa niya at parang biktima sa horror movie na dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon namin. Napaatras ako sa nakita kong ekspresyon sa mga mata niya lalo na ng mabibigat ang mga yabag na naglakad siya palapit sa amin.
"Gross. I don't want to think why your hands are important to my sister." Thunder said with a grimace.
"Hala kawawa naman pala si Freezale." singit ni Storm. "Hindi ata napapakinabangan 'yung isa."
Tuluyan na akong napahagalpak ng tawa nang mamula ang mukha ni King nang magbaba ng tingin si Storm sa 'hinaharap' niya. Bumuka ang bibig niya para marahil ipagmalaki ang dapat ipagmalaki pero bago pa niya magawa iyon ay nakalapit na si Freezale sa kaniya at malakas siyang hinampas.
"Aray! Lady!"
"I need to talk to you." Freezale said with gritted teeth.
"Am I in trouble?"
"Ano sa tingin mo?"
Nagbaba ng tingin si King sa asawa niya na mukhang umuusok na ang bumbunan sa inis. Nagkatinginan kami ng mga agent at lahat kami napaatras para humanda kapag sumabog na ang babae. Nagyeyelo man ang personalidad niya ay daig niya pa ang bomba kapag napatid na talaga ang pasensiya niya. Alanganing ngumiti si King nang mapagtanto iyon at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ng asawa niya na nagpumiglas pa pero hindi siya bumitaw. "I love you, Lady."
"King." she warned.
"Lady, the love of my life, I love you."
"King!"
"The mother of my beautiful children, the love of my life, and the one I will search for in the next life so I can love her again. I love you."
And to the surprise of everyone, Freezale melted in front of us. Nawala ang galit sa mukha niya at pagkaraan ay inirapan lang ang lalaki bago naglakad na palayo pabalik kung saan naroon sila Dawn na ngayon ay nanonood din sa mga kaganapan. I saw Dawn threw a knowing glance at Freezale before she turned around.
Nakangising tumingin si King kay Thunder bago naglakad paalis. "Learn from me, kid."
"Under!" sigaw sa kaniya ng lalaki.
Lumingon si King at sa pagkagulat ko ay sa akin siya nakatingin. Saglit na tinitigan niya ako bago niya inilipat ang atensyon niya kay Thunder at pagkatapos ay kumindat. "Welcome to the club, Bro."
NIYAKAP ko ang sarili ko nang muling umihip ang hangin. Malamig pala talaga rito sa Zambales kapag gabi lalo pa at malapit sa dagat. Sobrang tahimik din ng lugar. Kahit pa sabihing malayo rin sa crowd ang Tagaytay lalo na ang kinaroroonan ng BHO CAMP ay di hamak na mas buhay ang mga tao sa gabi dahil sa mga bar at mga kainan na bukas pa.
"Here."
Bahagya kong nginitian si Thunder na inabot sa akin ang isang balabal. Kinuha ko iyon at ibinalot ko sa sarili ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Umupo siya sa tabi ni Harmony na kasalukuyang kausap ang katabi niyang si Chalamity.
"Sinong may gusto ng marshmallow? O hotdog? O both?" alok ni Ocean na may dala-dalang plato. May nakatali pang panyo sa ulo niya habang nakasando na lang siya. Mukhang naka move-on na mula sa pagiging maarte niyang chef. Mukha na siyang taga-rito.
"Gusto ko ng marshmallow." sabi ko sa kaniya.
Inabutan niya ako no'n at pagkatapos ay nag-ikot na siya ulit habang nag-aalok sa iba. Nang matapos siya ay umupo na siya sa tabi ni Erebus na nakapalumbaba habang titig na titig sa bonfire na nasa harapan namin. Pero for sure tulog na ang kaluluwa niyan. As usual.
"Anong gagawin natin ngayon? May special number ba?" tanong ni Chlymate. "Magsasayaw ba sa apoy si Ocean?"
"Bakit ako?" nakasimangot na tanong ni Ocean.
"Para mapakitaan mo kami ng abs mong imaginary."
"Hoy! Paninirang puri 'yan!" sabi ni Ocean na akmang iaangat ang sando niya pero napitigil siya nang tumama sa braso niya ang plato na kanina ay hawak niya. "Aray naman ate Dawn. Maawa ka sa muscles ko."
Nagbaba ng tingin si Dawn sa braso ni Ocean na talaga namang may muscles. He worked hard for it and he's clearly a man now. "Wala akong nakikita."
"Ate!"
"Hindi kita kapatid." masungit na sabi ni Dawn bago bumaling sa amin. May inangat siya na maliit na lata at inalog iyon. "Bubunot kayo rito. May nakasulat sa mga papel na nandito na Truth o Dare. Wala akong balak magpaikot ng bote o kung ano man dahil alam kong mandadaya kayo. Para rin madali na para sa inyo mag decide kung Truth ba o Dare."
"Paninirang puri 'yan." angal ko pero napanguso na lang ako nang ako naman ang samaan niya ng tingin. Guilty kasi. Tirador kami ng pandadaya ni Athena noon eh. Sa ayaw naming matawag dahil malakas ang trip ng mga agent.
"Ako ang magsisimula." sabi niya at pagkatapos ay bumunot. Walang pag-aalinlangan na binuksan niya ang papel na nabunot at ipinaktia sa amin. "Truth. Anong tanong niyo?"
Nagkaniya-kaniyang turuan ang mga agent kung sino ang magtatanong at natigil lang nang mag kusa si Storm. Malamang takot iyong iba dahil baka bugahan sila ng apoy ni Dawn pag hindi nagustuhan ang tanong nila. "May posibilidad ba talagang tatlo ang magiging anak niyo ni Triton?"
"Gusto ni Triton." sabi ni Dawn at pinaningkitan ng mga mata ang nakangiting asawa niya. "Sabi ni tita Autumn lagi naman daw may chance sa aming magkakamag-anak. Nasa lahi rin kasi."
"Anong gusto niyong ipangalan?"
"Pangalawang tanong na 'yan." Dawn said without a hint of a smile on her face. Pero kita ko sa mga mata niya na nagniningning iyon. She's happy even though hindi pa rin nababago ang katarayan niya. "Cross, Ram, and Belaya."
Napangiti ang ilang mga agent habang ang iba naman ay sumisipol at nagpapalakpakan. Lahat naman kami excited talaga sa pagdating ng bagong adisyon sa panibago na namang henerasyon. And of course we're excited to see the first triplets if ever. Wala pa kasing nagkakaro'n no'n sa mga agent na may mga pamilya na.
Binigay ni Dawn ang bunutan sa gawi ni Freezale. She picked dare and Dawn asked her to smile. Ginawa niya naman pero parang walang natuwa sa nangyari dahil nakakatakot na ngiti ang ipinakita niya. Suffice to say talagang si King lang ang madalas magpalabas ng totoong ngiti niya. Palibasa may lahi atang clow ang isang iyon. The can continue to rotate until it stopped with Wilhelm.
Walang takot na bumunot siya doon at iniharap sa amin. Kita namin doon ang salitang 'Dare' at imbis na kabahan ay nagkibit-balikat lang siya. Hindi pa kasi niya nakikita iyong mga malalang kayang ipagawa ng mga agent. Last time ata na ginawa namin 'to nautusan akong manghingi ng barya sa mga guest na lumalabas ng Paige's.
"Ako, ako!" sabi ni Ocean na nagtaas pa ng kamay. "Halikan mo ang pinakagusto mo na babae-"
"Tumahimik ka." putol ni Enyo sa sasabihin ng binata at sinupalan pa niya ng marshmallow ang bibig niyon para hindi na makapagsalita pa. "Kumanta ka ng tagalog na kanta para sa babaeng gusto mong kantahan no'n. You don't need to tell us who she is."
"Ang corny." angal ni Chlymate.
"Ako ang huling bumunot kaya ako ang mag-uutos."
"Kailan pa naging rule 'yan?"
"Ngayon." sagot ng babae at pinanlakihan pa ng mga mata ang lalaki na nakaismid na tumahimik na lang.
Bumaling si Enyo kay Wilhelm na mukhang malalim ang iniisip. Mukhang nag-iisip na siya ng kakantahin. Infairness naman sa kaniya mukhang ready siya sa lahat ng ipagawa sa kaniya kahit pa na ngayon pa lang naman niya kaming nakasamang lahat.
"Hindi ako pamilyar masyado sa kanta dito." napapakamot sa ulo na sabi niya.
"Kahit chorus lang." sabi naman ni Enyo.
Sandaling nag-isip pa siya habang si King naman ay saglit na umalis. Pagbalik niya ay may dala na siyang guitara.
"Ano, Bro, may naisip ka na? Tutugtugin ko." sabi niya sa lalaki.
"Alam mo 'yung Halaga?"
"Sinong kumanta? Alam mo ba?" Nang umiling si Wilhelm ay nagsimulang tumugtog si King. "Ito ba? Parokya ni Edgar 'to."
"Yes, that's the one."
Bahagyang kumunot ang noo ko habang nakikinig sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila na kanta dahil parang hindi ko pa narinig. Pero base sa reaksyon ng mga taong nakikinig sa usapan nila ay mukhang alam nila iyon. Nakita ko pa si Aiere na napatingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
"What?" I mouthed.
She nodded towards Thunder. Tumingin naman ako sa lalaki at nakita kong nakayuko siya habang nilalaro ang stick sa mga daliri niya.
"Umiiyak ka na naman. Langya talaga wala ka bang ibang alam. Namumugtong mga mata, kailan pa ba kaya ikaw magsasawa? Sa problema na iyong pinapasan, hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan. May kwento kang pandrama na naman. Parang pang TV na walang katapusan. Hanggang kailan ka bang ganyan? Hindi mo ba alam na walang pupuntahan ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka."
He's clearly not a singer but he's hitting the right notes. Gano'n pa man ay nakakakuha ng atensyon ang boses niya na malalim. But that's not what captured my attention...but the lyrics of the song. And the way he's looking at me now.
I looked at him pointedly but instead of stopping he just smiled as if teasing. Habang si King naman na patuloy sa pagtugtog ay nagpapalipat-lipat ang tingin sa kaniya, sa akin, at kay Thunder. Mabuti ngang nakatugtog pa siya dahil mukhang wala ang 'atensyon' niya sa ginagawa kundi sa 'tensyon' na namumuo na sa paligid.
"Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama iilang ulit palang kitang makitang masaya. Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya. Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong tunay na halaga." He looked at King and laugh. "That's it. Hanggang do'n lang ang natatandaan ko."
Pumalakpak ang mga agent habang ang mukhang walang kamalay-malay sa nangyayari ay sumipol pa. Habang ako ay pakiramdam ko nahulog ang puso ko kung saan habang nakatingin kay Thunder na ngayon ay hindi ko na makita ang mukha dahil sa pagkakayuko niya. I'll bite this German hard until he bleed the next time I see him. Pasaway. Halata namang nag-aasar lang.
Muling umikot ang can pero halatang napipilitan na lang ang mga agent na iligaw ang atensyon namin at para mabawasan ang bigat ng atmosphera. Unti-unti namang bumalik ang tawanan pero saglit lang iyong nagtagal nang mapunta na ang bunutan sa tapat ni Thunder.
Everyone went silent while Thunder fished a paper out of the can. Hindi mabasa ang emosyon sa mukha na hinarap niya iyon sa amin at pinakita ang papel na may nakasulat na 'Dare'.
Bumuka ang bibig ni Harmony na siyang huling bumunot pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Wilhelm.
"Pwedeng ako ang mag dare? I'm sorry. Nakalimutan ko kasi kanina na mag command sa sumunod sa akin. Kung okay lang naman." tanong ng lalaki kay Harmony.
Sandaling nakatingin lang ang babae kay Wilhelm. The man smiled at her and I saw a flicker in her eyes. Kesa mag-iwas ng tingin gaya ng ginagawa niya lagi pag malapit si Wilhelm ay tumango lang siya. Maybe she's starting to accept that he's a different person from her brother. Na hindi niya kailangan maalala si Comet at patuloy na masaktan kapag nakikita si Will dahil magkaibang tao sila.
"Sing a song for the most important person in your life." Will said to Thunder.
"Ang corny-"
Muling binara ni Enyo ang kung ano pa mang sasabihin ni Chlymate pero sa pagkakataong ito ay lahat na ng babaeng agent ang sabay-sabay na nagsalita. "Quiet."
"Ang sama niyo sa'kin."
"Best-friend?" tawag ni Chalamity sa lalaki.
"O?"
"Dito ka sa tabi ko."
Natigil sa pagmamarkulyo ang lalaki at kaagad siyang tumayo para lumapit sa kinaroroonan ni Chalamity na kaagad may binulong sa kaniya nang makaupo siya sa tabi ng babae.
"Ako na ang tutugtog-"
"Ako na." putol ni Thunder sa sasabihin ni King na hindi na nakipagtalo pa at inabot na lang ang instrumento sa lalaki.
My entire being focused on Thunder when he started strumming the guitar. As always, everything sounds different when he's the one playing. It's not just he's holding an instrument and moving the string but he's actually becoming one with the music.
I can feel my heart starting to warm when the sound fully hit me because I know the song he's currently playing.
"Looks like we made it. Look how far we've come my baby. We mighta took the long way. We knew we'd get there someday. They said "I bet they'll never make it". But just look at us holding on. We're still together still going strong."
I want to believe every word he's singing. Gusto ko dumating ang araw na magawa naming sambitin ang mga salitang binibigkas niya ngayon. That we can say that we made it.
"You're still the one I run to. The one that I belong to. You're still the one I want for life. You're still the one I love. The only one I dream of. You're still the one I kiss good night."
Nag-angat siya ng mukha at nagtama ang mga mata namin. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko nang makita ko roon ang mga salitang hindi niya kayang sabihin ngayon sa harap ng maraming tao.
"Ain't nothin' better. We beat the odds together. I'm glad we didn't listen. Look at what we would be missin'. They said "I bet they'll never make it" tut just look at us holdin' on. We're still together still goin' strong. You're still the one I run to. The one that I belong to. You're still the one I want for life. You're still the one I love. The only one I dream of. You're still the one I kiss good night."
Nang matapos siya at huminto sa pagtugtog ay wala man lang pumalakpak. Lahat sila ay nanatiling nakatingin sa lalaki na para bang hindi nila magawang ialis ang mga mata nila sa kaniya. Because he didn't just sing. He didn't just play.
He poured his heart.
"Message."
Lumingon si Thunder kay Blaze na siyang nagsalita. "What?"
"Tell that special someone a message."
"Ang corny!" si Ocean na siya namang umangal ngayon. "Anong akala niyo ba nasa Wowowin kayo?"
"Tumahimik ka o tutusukin ko 'yang hangin mong muscles." sikmat ni Harmony.
"Hoy hindi 'to-"
Hindi na natapos ni Ocean ang sasabihin niya dahil muli siyang hinampas ni Dawn. Aangal pa sana siya pero nang makita niya ang masasamang tingin sa kaniya ng mga agent ay umaarteng iiyak na sumubo na lang siya ng pagkain na para bang kinawawa siya.
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Bago pa magsumbong sa nanay niya si Ocean, bumunot na iyong susunod-"
"I'll do it."
Natigilan ako nang magsalita si Thunder habang diretsong nakatingin sa akin. Everyone's attention returned to him but he didn't look away. Pakiramdam ko ay may kung anong mahika ang nagpapanatili sa akin na manatiling nakatingin sa kaniya.
I tried to speak with my eyes, asking him what he's doing, but he continued looking at me as if looking away will take me away from him.
"Gusto kong sabihin sa kaniya na siya ang dahilan kung bakit araw-araw pakiramdam ko may rason pa ako para gumising. I want to tell her that even though my heart is not strong to live forever, it's strong enough to hold my love for her until the end."
I can feel my heart thumping loudly in my chest as if it want to burst out. As if someone is calling for it. Na para bang isang salita lang ni Thunder ay walang dudang kilala ng puso ko na siya ang nag mamay-ari no'n.
"Hindi namin kailangan aminin sa lahat. Hindi namin kailangang itanggi. What we have is real. What we feel is real. That's what matters for us. And for the rest of my life, I wouldn't want anyone else but her. Dahil kahit na ano pang isipin ng iba ay wala akong hinahangad kundi magawang makasama siya hanggang sa makakaya ko. I want to tell her that my heart will keep beating for her as long as it could and when the time it stops it will be her name that it will remember last."
_________________End of Chapter 8.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top