Chapter 29: Cadence


#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: Mula ng simulan ko ang kwento na ito ay pinipigilan ko talaga na iwasang banggitin kung ano ang mangyayari kapag dumating ang kabanata na ito. Though I did slip with a few people :3 You see, this is the very first chapter that I've written for this book. I've written it before even starting The Cadence's prologue. May mga nabago man at nadagdag ay nakatakda na itong mangyaring lahat.

Please do tweet the hashtag #HeDerCadence as we are nearing the 30th mark of this book.

HERA'S POV

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang tahimik ng paligid, wala halos makikita na mga tao sa daan...kung meron man ay pasalubong sa amin at nagmamadaling makaalis. Malayong-malayo sa unang sumalubong sa amin nang umalis kami sa Tagaytay.

A few hours ago everything seems normal. Except of course for the fact that thick smoke is forming in the air. Sa Tagaytay ay parang mas lalo pa iyong nakadagdag sa interes ng mga guest. I mean, to witness a volcanic eruption is a pretty big deal.

We saw a lot of tourists taking pictures and marveling at the falling ash from the sky. If only they will open the news so they can see how bad ashfall can be for the health instead of taking pictures that they can post on social media. Dawn even made an announcement for the entire BHO CAMP so everyone can be alert and also so we can know who wants to leave. Iyon nga lang parang walang gustong putulin ang supposed to be bakasyon nila kahit na willing naman ang BHO CAMP na mag refund.

Worse comes to worst, the remaining agents will need to force evacuate everyone. We're hoping it won't come to that since according to Dawn's contacts we're not on the list of the eight susceptible barangays in Tagaytay.

"The ash is getting thick."

Hindi nagkakamali si Triton na kasalukuyang nagmamaneho. Hindi katulad kanina ay di hamak na mas makapal ang bumabagsak na abo na kita sa windshield ng sasakyan. Lalo kaming lumalapit sa tinutumbok na lugar ay mas lalo iyong bumibigat.

"We should have waited at the location when it's not dark yet." I told him as I looked outside. Kung hindi lang sa mataas na ilaw ng sasakyan ay baka hindi na namin makita ang sasakyan na nasa unahan namin. Kung nagkataon na maaga pa lang ay bumyahe na kami ay mababawasan ang panganib para sa amin. Now we're here when it's dark and there's too low of visibility. Idagdag pa ang patuloy na pagyanig na nararamdaman namin maya't maya.

Sandaling nagkatinginan kami ni Triton pero wala ni isa sa amin ang nagdugtong sa sinabi ko. Gano'n pa man alam kong iisa lang ang nasa isip namin. Damn that Government-Organization Alliance.

There's no question that we will help no matter what. Pero dahil sa kasunduan na iyon at sa tulong na hinihingi ng gobyerno ay kinakailangan namin na makipag-kapit bisig sa kanila. That includes obeying to their rules and guidelines.

Kaya nga imbes na dumiretso kami sa Batangas kung saan mas marami tao ang apektado sa nangyayari ay kinakailangan pa naming pumunta sa Maynila para lang humarap sa kinauukulan. For a painful few hours we need to listen to their rules, listen to them explain about the things we need to know about, and a few hours of feeling like we're all being choked to death.

It's not because the government is in the wrong. It's just that we're two different institution. Para lang dalawang bata ang mga iyon na pinalaki sa magkaiba at napakalayong paraan.

May batas din ang BHO CAMP pero sa kabila no'n ay nananatili kaming malaya. We are bonded because we are family and we have trust. We're not united because of orders. We follow certain rules but we also can make decisions because the organization trust us not to put everyone in danger.

Kaya kulang ang sabihin na naninibago kami. Because right now, our communication is not only connected to the BHO CAMP's headquarters but also to the government's own rescue base.

Dawn and Triton made sure that they won't communicate to us except if it's needed. Kahit na naririnig nila ang pag-uusap namin ay siniguro nila Dawn na hindi kami magkakaroon ng distractions sa gagawing misyon. We're also commanded not to talk about the organization because we're being recorded.

"They need more rescue teams now that it's dark." Freezale said through the listening device. Naririnig ko rin ang nakatagalog mga salita sa sinabi niya. We are needed because it's dangerous.

"We also have more to evacuate now." Triton said and threw a glance at me. "Ngayong itinaas na ang alert level mas marami pang mga bayan ang kailangan ilikas."

I decided to keep my mouth shut. I have thousands of things to say but we don't have time to question anyone. Ang mahalaga mailigtas namin ang mga tao.

"We'll be having a bit of a problem with the connection. Kung sakaling mawala ang komunikasyon niyo rito sa headquarters, used your two-way radios so you can still talk to each other. Keep the buddy system."

The difference between a normal mission for us and this mission is that we usually have a laid out plan to study. Sa pagkakataon na ito ay kalikasan ang kalaban namin. And nature is very unpredictable. Buddy system is used to pair us up for our safety. Ibig sabihin no'n ay hindi kami pwedeng humiwalay sa kapareha namin hanggang sa matapos ang misyon.

"Because of the upgrade?" I asked.

"Yes." She answered without explaining further. Freezale tried to stop the schedule update pero dahil nga nakatakda na iyon ay hindi na mapipigilan ang pag upgrade ng system. "We're also preparing if there will be a power outage."

Hindi malabo ang pagkawala ng kuryente sa ganitong sitwasyon. Usually we're not really affected by it. BHO CAMP built-in system has this energy storage that power up the whole place. Iyon ang dahilan kung bakit sa ilang beses nagkaroon ng black out sa Cavite ay hindi kami naaapektuhan. Pero dahil nagkataon na tumapat ang upgrade sa ganitong sitwasyon at sandaling mag re-restart ang system, we can rely on the heavy duty generators that we have back at the camp instead that we use in case of emergency. Tatlong oras lang naman siguro ang kailangan sa upgrade so it will be okay.

"We're taking the left turn here. See you guys, later."

Boses ni Nyx ang narinig ko sa listening device. Ilan kasi sila sa mga kasama namin sa misyon na ito. We have ten vehicles in total. Six of those are big cars that we can use to travel despite the mud from the ashfall and rain that we need to pass through. Sakay sa mga iyon sina Erebus at Nyx, Chlymate at Chalamity, Enyo at Eris, at ilang mga junior agents. Dala rin namin ang dalawang malaking bus ng BHO CAMP na ngayon ay minamaneho ni Phoenix kasama ang asawa niya na si Snow at ni Adonis na kasama ang asawa na si Sky. Stone on the other hand is driving one of the two trucks that the government lent. He's with his brother Blaze. The other truck is now being drive by Triton.

"Siguraduhin mo na kikilos 'yang si E." narinig kong sabi ni Chlymate.

"Kaya nga hinayaan ko ng matulog para mamaya wala na siyang choice kundi magtrabaho." salita ulit ni Nyx. "You know we can just let him sleep and dump his body somewhere."

Naiiling na tumingin ako sa labas ng bintana nang marinig ko ang tawanan ng ilan sa mga agent. Hindi pa sila titigil kung hindi nagsalita na rin si Dawn para patigilin sila. Right. We're not the only hearing the conversation.

Nagpatuloy kami sa byahe. Sa pagtagal no'n ay unti-unti na ring nawawala ang mga sasakyan sa harapan namin na lumiliko na sa daan na pupuntahan nila. Until there's only the two big bus and a truck in front of us.

Triton and I ride in silence. Mukhang ganoon din ang mga kasamahan namin dahil wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. I know we're all seeing the same thing.

It's like a ghost town.

Nararamdaman kong bumabagal ang kinasasakyan namin. We needed to drive slow because even the faint light coming from the vehicle in front of us is hard to see. Kung hindi lang dahil sa suot namin na Vision ay baka kanina pa kami nagkasanggian.

It feels eerie to look outside. There's nothing but dark and silence. Ang tangi ko lang naririnig ay ang malakas na ihip na hangin na sa bawat hagupit no'n ay para bang may panganib na ibinubulong. I can feel the fear in the air. I can almost taste it.

"Good luck guys. We're stopping here." narinig kong sabi ni Adonis.

"We're taking the next turn." sabi naman ni Phoenix. "Be safe."

When we saw the trucks earlier, I know that it's needed for the farthest place that we need to locate for rescue. Alam ko ng sumakay ako na mas malayo ang kinakailangan naming puntahan. I also know that it's more dangerous.

We're not new to danger. Hindi namin pwedeng sabihin na hindi namin hinahanap iyon. We trained to be put into a high-risk situation. It's like a drug. And right now, I can feel that being injected in my veins...only stronger.

Napahawak ako sa roof handle ng truck nang maramdaman ko ang bahagyang pag-ugoy ng kinasasakyan namin. Idagdag pa ang lubak sa daan ay para bang pakiramdam ko tataob ang kinasasakyan namin anumang oras.

I looked at Triton and I can see the determination in his eyes. His jaw is tight with concentration as he continue on driving.

"No heroes."

"What?"

Hindi lumilingon sa akin na muli siyang nagsalita, "No heroes. We go in there, we save the people we can save. But no acting like heroes. We're going home safe."

Tumingin ako sa labas ng bintana nang maintindihan ko ang ibig niyang sabihin. May pamilya siya. His wife is also pregnant with their three babies. No heroes.

Ilang sandali ay naramdaman kong huminto ang sasakyan. Walang salitang isinuot ko ang mask ko at pagkatapos ay dinampot ko ang isa sa dalawang pula na backpack na naglalaman ng first aid at ilan pang mga kakailanganin namin. Pagkaraan ay binuksan ko ang pintuan at tumalon ako para bumaba.

To say that I am surprise is an understatement. I've been to Batangas a couple of times but this is the first time I see the place like this. It's like the whole place has been painted in monochrome and it didn't mind to color the people with it.

There's mud everywhere. Grayish mud that I can see tainting the skin of the people waiting for us. Ilan sa kanila ay hindi na iniinda ang bumabagsak na abo at pinaghalong ulan na siyang dahilan kung bakit animo naligo sila sa putik.

I can feel my heart contracting with pain when I saw a man holding a sleeping baby covered with mud as well.

Naririnig ko sila Triton na kasalukuyang nagbibigay ng utos sa mga tao para magsimula ng maisakay ang mga ito sa truck pero hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa mag-ama. I can see the tears on the man's eyes as he continue to rock his baby to sleep. The baby looks peaceful despite what's happening around. He feels secured because he's in the arms of his parent.

I went here knowing that the rescue can be dangerous. I went here not caring because I have nothing to lose. But one look at the man and his baby...I know that I'm wrong. I should care because someone at home will be waiting for me. I have parents too.

I have a family too.

"Hera."

Nilingon ko si Triton at tumango. Kaagad akong lumapit sa ilang mga tao at iginaya sila papunta sa truck. Nalingunan ko ang isang grupo ng binatilyo na tinutulungan makaakyat ang mga matatanda at kaagad na lumapit ako sa kanila.

"Hello. Anong pangalan ninyo?" tanong ko.

"Ako po si Alex." sagot ng isang binatilyo at itinuro ang tatlo pa na kasamahan. "Sila po sina Macoy, Kiko, at Paolo."

Tumango ako at itinuro ko ang kabilang truck, "May dala kaming supplies ng tubig at mask. Pwede bang ipamigay niyo?"

"Sige po Miss Ganda!"

Binigyan ko ng maliit na ngiti ang binatilyo at lumapit ako sa kinaroonan ni Triton na may kausap na matandang babae.

"Hindi ko nga maintindihan sa matandang iyon! Mas pipiliin pang manatili rito. Ano ba ang magagawa namin? Alangan namang buhatin naman ang aming bahay?"

"Sige ho, nanay. Pupuntahan namin siya para kumbinsihin na sumama. Basta po tumuloy na kayo sa truck at nagsisimula na namang umulan." pagpapahinahon ni Triton sa matanda.

"Eh hindi naman niyo mapapasunod ang matandang iyon. Katigas ng ulo!"

"Wag kayong mag-alala nanay. Mas matigas ang ulo namin." sabi ko sa kaniya. "Sabihin niyo na lang sa amin kung saang direksyon ang bahay ninyo."

Ilang sandaling binigyan niya kami ng direksyon at ilang bilin tungkol sa asawa niya. Mukhang marami pa siyang sasabihin kung hindi lang may isa pang babae na sumulpot at hinila na ang matanda para makipila sa mga taong kasalukuyang sumasakay sa truck.

"Let's go." I said to Triton without looking at him.

Ilang mga tao pa ang nakasalubong namin. Base sa nakita kong bilang ay mukhang kaya naman namin silang ibyahe lahat. Marami na rin kasi ang sumama sa mga rescuer na nauna. Sana nga lang ay hindi na marami ang mga nagpaiwan.

Hindi naman sila masisisi. Hindi gano'ng kadaling iwan ang lahat. If you have money and you can replace everything instantly then there's no problem. But a lot of people spent blood and sweat to build their homes and everything they own. Mahalaga ang buhay pero hindi gano'ng kadali na bitawan ang isang bagay na naging parte ng araw-araw mo.

A house is more than just what it is. It's like an extension of a family. Everything happened there. Every tears, every happy memories, at maging ang mga pangarap na unti-unting binubuo ay doon nagsimula.

"Hey guys?" narinig namin na nanggaling kay Blaze.

"Yes?" Triton asked as we continued to carefully walk down the muddy path.

"May mga sibilyan na dala ang alaga nilang mga aso."

"And?"

"Hindi pinayagan na dalin nila ang mga aso kaya nagpaiwan ang karamihan sa kanila."

"Let them bring their dogs." Triton said. "We're here to rescue. Walang sinabi kung tao o hayop ang kailangan nating isalba."

Napangiti ako sa sinabi ng lalaki. Sa mga ganitong pagkakataon ko nararamdaman ang pagiging isa sa mga head ni Triton. He didn't mind giving the control to his wife but at the important times that it matters, his decision is final.

"Acknowledge."

Ilang minuto pa kaming naglakad ni Triton. Huminto lang kami nang sa kabila ng abo sa paligid ay natanaw namin ang isa sa palatandaan na ibinigay sa amin ni nanay kanina. Kulay dilaw na bakod.

Sa kabila ng abo at putik ay pansin pa rin ang bakod nila. Hindi lang dahil sa dilaw iyon kundi dahil neon iyon.

"That's actually a great idea." Triton said with a low chuckle.

"Subukan mong i-suggest sa asawa mo. Sigurado akong bibigyan ka no'n ng cotton buds para ipasubok sa'yo na pampinta."

"Right."

Lumapit kami sa maliit na bahay at bahagya naming itinulak ang nakabukas na gate. "Tao po?" tawag ko.

Wala kaming narinig na sagot pabalik ni Triton dahilan para magkatinginan kami. Usually sa mga ganitong klase ng sirkumstansiya ay mataas ang bilang ng casualties pagdating sa heart attack sa matatanda.

"Tao po?" ulit ko.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na tahol. Mabilis na lumapit ako sa pintuan ng harap ng bahay pero nakasarado iyon. Sinundan ko si Triton na tinakbo na ang papunta sa likod ng bahay at nakita kong tuloy-tuloy siya na pumasok sa isa pang pinto roon.

Sumunod ako sa kaniya at naabutan ko siyang dinadaluhan ang isang matandang lalaki na nakasalampak sa sahig.

"Tay, ano hong nararamdaman niyo?" tanong ni Triton. "May injury po ba kayo?"

Umiling ang matanda at itinuro ang narra na lamesa na nakatumba kung saan naroon ang kumakahol na aso. Nakasuot ang isang binti no'n sa lamesa na tila nadaganan. Tinakbo ko ang distansiya patungo roon at hinawakan ko ang lamesa para iangat. Hindi iyon naging madali dahil sobrang bigat no'n.

I felt Triton crouched beside me and then he pulled the dog fast before I let the weight of the table fell again.

"May masakit ho ba sa inyo, Tay?" tanong ko sa matanda nang kasalukuyang tinitignan ni Triton ang aso na nakatayo naman pero hindi magawang ibaba ang paa. "Hindi po ba kayo nabagsakan ng lamesa?"

"H-Hindi naman. Nanikip lang ang dibdib ko sandali."

"Sige po. Tutulungan po namin kayo na makaalis. Pinapunta kami rito ng asawa ninyo."

"Iyong...iyong alaga ko."

Tinignan ko si Triton na tinanguhan naman ako. May maliit na ngiti sa labi na tinulungan ko ang matanda para makatayo, "Wag kayong mag-alala, ako mismo ang magdadala sa kaniya."

Lumapit na si Triton sa matanda para alalayan ito habang ako naman ay umuklo para hawakan ang aso na sandaling inamoy ang kamay ko. Animals are smart. Alam kong nararamdaman niya na nandito kami para tulungan sila.

I took the weight of the dog and carried it with me. Nauna na akong lumabas ng bahay at tinahak ko ang direksyon na pinanggalingan namin. Nararamdaman kong nakasunod sila kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

As we carefully retrace our steps, my eyes caught something on my right. It was like a flicker of light but I'm not sure.

"Hera?"

"I think there's till someone inside that house." I said to Triton.

"Bahay iyan ni Beatrice. Ang alam ko sasama na siya sa rescuers pagdating ng asawa niya na mangingisda pa sa Taal."

Sandaling nagtama ulit ang mga mata namin ni Triton. Kung hindi pa siya umaalis ang ibig sabihin lang no'n ay hindi pa dumadating ang asawa niya.

"Can you carry the dog?"

"Hera-"

"I need to check. Susunod din ako sa inyo. Kaya mo bang kargahin ito at alalayan si tatay?" I asked again.

He didn't respond for awhile. I know he's calculating the possibilities. Maaaring namalikmata lang ako sa nakita ko. Pero kung hindi ko sisiguraduhin iyon ay may posibilidad din na may tao kaming hindi magagawang isalba.

"Babalikan kita." sabi ni Triton pagkaraan.

Tinanguhan ko siya at ipinasa ko sa kaniya ang dala ko. Hindi iniinda ang bigat na ipinatong niya iyon sa balikat niya habang ang isa niyang braso ay nakapaikot sa bewang ng matanda para matulungan iyon na makalakad.

Kaagad ko na silang tinalikuran at tinungo ko ang bahay na nakita ko kanina. Sinubukan kong itulak ang gate no'n pero namuo na ang putik sa loob at labas kaya hindi iyon halos gumagalaw sa pagtulak ko. Yumuko ako at wala ng pagdadalawang-isip na kinamay ko ang putik para hawiin iyon. Muli kong itinulak ang gate at bahagyang umawang iyon dahilan para magawa kong ilusot ang kamay ko at itulak din ang putik na nandoon.

Ilang beses ko pang ginawa ang paghawi sa putik bago ko tuluyang naitulak ang gate. Mabilis na tumayo ako at pumasok na sa loob. Saktong nakalapit ako sa pintuan nang makaramdam ulit ako ng pagyanig. Sa pagkakataon na ito ay mas malakas iyon na sinundan ng pagdagundong ng langit na kung saan ay gumuguhit na ngayon ang kidlat. Pero hindi ko nagawang pagtuunan ng pansin iyon nang magawa kong matanaw ang loob ng bahay.

Nagmamadaling binuksan ko ang pintuan nang makita ko ang pagkahulog ng gasera. I run inside but I didn't make it in time. Mabilis na kumalat iyon at dumampi ang apoy sa kurtina na malapit sa kinabagsakan no'n.

"Shit, shit, shit!"

"Status, Hera?" narinig kong pagsasalita ni Freezale sa kabilang linya ng listening device.

"We have a fire situation here." Inilibot ko ang paningin sa paligid. I stifle a gasp when I saw containers cluttered around the place. "I think there's a couple of gasoline in here. And oil. I think it's their business, I'm not sure."

"Ge-...t"

"I can't hear you." sabi ko at nagsimula ng umikot sa paligid. "May tao ba dito?"

"Get out."

I continued searching instead of following Freezale's order, "I think there's someone in here."

"Get the subject and get out. There's nothing you can do about the fire. Itatawag ko na lang iyan sa-"

Napatigil ako sa ginagawa nang hindi matapos ni Freezale ang sasabihin. Nawala rin ang pamilyar na ingay na nagmumula sa nakakonektang listening device. "Freezale?" Sandaling naghintay ako pero walang naging pagbabago. Nananatiling tahimik sa kabilang linya. "Damn it!"

Pilit na inignora ko ang init na nagmumula sa apoy na nagsisimula ng kumalat at ipinikit ko ang mga mata ko. I should be able to feel if there's someone else in this house. Even just a faint sound.

I put aside the heat, the sound of rain, and the thunder booming outside. I focused on my breathing, trying to pace it until there's no sound coming from me. It took me awhile but my eyes snapped open when I heard it. Like someone softly tapping the wooden floor.

Nagmamadaling tinungo ko ang ikalawang palapag ng maliit na bahay kung saan ko naririnig ang tunog. My jaw tightened with both relief and worry when I saw a heavily pregnant woman sprawled at the floor. Nakapikit ang mga mata niya pero patuloy siya sa mahinang paglikha ng tunog gamit ang kamay niya at ang sahig.

Kaagad ko siyang dinaluhan at nakita kong bahagyang bumukas ang mga mata niya. "Miss, I need you stay with me."

"A-Ang babies ko..."

Babies. "Magiging okay lang kayo. Basta hayaan mo kong tulungan ka. We need to get out of here immediately."

Nanghihina siyang tumango at hinayaan ako sa kailangan kong gawin. May inilabas ako sa bag na dala ko at isinuot ko ang mask na nakuha ko mula roon sa kaniya. Sandali ko siyang iniwan at hinila ko ang kumot na nakita ko sa kama at binuksan ko ang bintana para ilabas iyon doon. Dahil sa mabigat na bagsak ng tubig ay kaagad iyon na nabasa. Pagkatapos no'n ay binalikan ko ang babae at ibinalot ko sa kaniya ang basang kumot. Gamit ang buong lakas ko ay pilit ko siyang itinayo at inakay siya para magawang pumanog sa baba.

"A-Anong..." Kita ang takot sa mga mata ng babae nang makita ang nangyayari sa ibaba ng bahay niya. Kalat na ang apoy at nakikita kong palapit na iyon sa kinaroroonan ng mga container na nakita ko kanina.

"Don't look."

Halos kaladkarin ko na siya para lang magawa naming lumabas. Hindi ko ininda ang tila pagkapaso dahil sa pagdila ng apoy na nagawa akong abutin. I can't think about that now. I need to save her and the lives depending on her.

The moment our feet step on the muddy path and rain hit us hard, that's when I heard glass shattering inside the house. Hindi ko na pinansin ang bigat ng babae na para bang mas lalong dumepende sa akin at nagpatuloy ako sa paghila sa kaniya.

"Hera, I'm on way. Status. Over."

Isinukbit ko ang isang braso ng babae sa balikat ko at bahagya akong umuklo para mas dumagan siya sa akin. Ikinawit ko ang isa kong braso sa kaniya at nang masigurado kong hindi siya matutumba ay inabot ko ang two-way radio na nakasabit sa holster sa balikat ko.

"Pregnant woman. Immediate care needed, I think she's bleeding. Over."

Pinunasan ko ang suot ko na goggles na nagsisimula ng madikitan ng tila putik na ulan. Nagtatagis ang mga ngipin na nagpatuloy kami sa paglalakad. I endured the pain coming from the weight I'm carrying and the blisters I know I have on my arms.

"Y-Yung asawa ko..."

Bahagya kong nilingon ang babae nang marinig ko siyang magsalita. "Ano 'yon, Miss?"

"Yung asawa ko...mangingisda siya. A-Ang sabi ng mga kasamahan niya hindi...hindi pa raw siya nakikita. Hindi raw nila alam kung nakasama siyang umalis sa isla."

At that moment I really don't know what to say to her. Gusto kong sabihin na ayos lang ang asawa niya pero may isang parte sa akin ang alam ang posibilidad na maaaring hindi iyon totoo.

But I know I need to lie. That's what she needed right now. "May problema lang siguro sa signal. Siguradong ayos lang siya."

"A-Alam ko...alam kong hindi."

"Miss-"

"Ang mga anak ko. A-Anong mangyayari sa kanila kapag...kapag..."

"You'll be okay."

"H-Hindi ka nakakasigurado."

Bumuka ang bibig ko para magsalita. I wanted to assure her. "Miss-"

"M-Maganda siguro ang pangalan na Ash ano? H-Hindi pa kasi kami nakakapili ng asawa ko. Ang sabi niya...ang sabi niya lang pangalanan daw naming Taal eh ayoko naman. Mahal na mahal kasi no'n ang isla na 'yon. Iyon ang...ang bumubuhay sa amin."

"You want to name your baby, Ash? Isn't just that a reminder of the disaster that is happening now?"

Naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa akin at pagkatapos ay tumingin siya sa langit kung saan patuloy ang pagbagsak ng abo at pinagsamang tubig. "Mapanganib na kagandan. G-Gano'n ang kalikasan. Tinuturuan tayo na maging mapagkumbaba sa lakas na kaya niyang ipamalas. Lahat naman...lahat tayo hiram lang naman ang buhay. Pinahiram sa atin para makita ang kagandan na nasa paligid natin at sa oras...sa oras na lumisan tayo, mag-iiwan tayo ng kagandahan."

I swallow hard as her words hit me so hard. Because she's right. Hiram lang naman ang buhay na meron tayo. Hindi natin alam kung kailan kukunin sa atin pabalik. And yet as we go we won't just leave pain and grief to the people's lives that we touched. We also will leave them with memories and the love that we shared.

Just like how Thunder touched my life with his warmth...his beauty.

"A-Ano sa tingin mo? Ano pang pangalan para sa kanila?"

"I'm not sure." I whispered as I keep on pulling her. "Ayaw mo talaga ng pangalan ng bulkan? Iyon ang gusto ng asawa mo."

"A-Ayoko." mahina niyang sabi ngunit may ngiti sa mga labi niya. "Ano bang pangalan mo?"

"Hera."

"S-Saan..."

"Saan nanggaling?" tanong ko sa kaniya. "It's a name of a Greek goddess."

"May pangalan ba na konektado sa nangyayari....na katulad ng sa iyo?"

I tried to rack my brain with names that I can still remember. Paborito ko kasing pag-aralan ang mythology noon dahil na rin sa pangalan ko at ng mga kababata ko. "I don't know...Vulcan perhaps? Roman iyon. The god of fire and volcanoes."

"Vulcan." bulong niya.

"Hey." tawag ko sa kaniya at inabot ko ang mukha niya para marahan siyang tapikin. I can't let her faint on me. Mas mahihirapan ako na ialis siya sa lugar na ito dahil mas magiging mabigat ang katawan niya. "You need to stay with me."

"O-Okay..."

"So Vulcan. Ash and Vulcan?"

"A-Ashfall."

"Right." I said with a small smile. I grew up with people with unique names and they are the most amazing people that I ever met. "So there you go."

"I-Isa pa..."

Kulang ang sabihin na nagulat ako sa sinabi niya. Sandaling napatingin ako sa tiyan niya. "Triplets ang mga anak mo?"

Tumango siya at hindi na nagsalita pa, sa halip ay umangat ang isa niyang kamay at lumapat iyon sa malaki niyang tiyan.

"I-I...what about Haze?" I asked.

"Hazel?"

"No. I mean Haze. Para iyong fog."

"O-Okay."

"There you go. You have your names. Kaya kailangan maging maayos ka para masabi mo iyan sa kanila. Kasi pagdating ng araw at matatanda na sila paniguradong marami silang tanong sa iyo kung bakit iyon ang pinangalan mo sa kanila."

"S-Sasabihin ko na nakuha ko ang pangalan nila dahil sa isang magandang babae. N-Na para siyang superhero na tinulungan...kami."

Hinigpitan ko ang hawak sa bewang niya at at ang pagkakahawak ko sa kamay niyang nasa balikat ko nang maramdaman ko ang bahagyang pagdulas niya paibaba. The burning I felt earlier is more intense now than before. Endure it, Hera. You need to endure.

I can feel my steps starting to shake but I ignored it. What I need is to bring her and her babies back to safety. I need to endure it as long as I can.

"Hera!" The relief was instant when I felt hands replaced mine. "I got her. Blaze!"

Naramdaman kong may mga kamay na umalalay sa akin pero lumayo ako roon at itinaas ko ang isa kong kamay. Nahahapong itinukod ko ang mga kamay ko at hinihingal na tinanaw si Triton na ngayon ay karga na ang babaeng nakilala ko.

"I'm fine. I just need a minute." I said to Blaze.

"You have burns."

"I'm fine." I repeated. Dumiretso ako ng tayo at malalaki ang mga hakbang na sumunod ako kaila Triton.

Naabutan ko sila Triton na kasalukuyang tinutulungan ang babae na mahilamusan ang matanggap ang mga putik na kumapit sa mukha at ulo niya. Naramdaman kong may basang tumama rin sa akin at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Blaze na kasalukuyang binubuhusan ako ng tubig galing sa bote ng mineral water.

"She should ride with Triton. She's in no state to ride at the back of the truck. Ako na lang ang sasakay sa likod." sabi ko sa lalaki.

"No. You ride with Stone, I'll ride at the back."

"Blaze-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang umuklo siya hanggang sa magkatapat ang mga mukha namin. "No heroes, Hera. You're injured too."

Tinanggal ko ang mask na hindi na kulay puti dahil sa putik at inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. I shrugged the wet away from my body, "Fine. But just so you know that woman called me a superhero just now."

His usual dead eyes glinted for one moment before he shook his head and turned his back on me. Hindi ko naman na siya pinansin at sa halip ay muli kong tinanaw ang kinaroroonan ng babae.

After this tragedy, she will face a day that with a lot of uncertainties. But I hope that she can make it through knowing that the lives inside her would be safe. I hope the wind can blow her tears that will surely fall, and that the clouds will light a path for her and Ashfall, Vulcan, and Haze.





KINAGAT ko ang ibabang labi ko para mapigilan na mapasinghap habang may kung anong ipinapahid sa balat ko ang isa sa mga nurse na volunteer na naririto sa evacuation center. Maayos niyang nilagyan ng bandage ang sugat ko sa braso na mas malaki pala kesa sa inaasahan ko.

Puno ng tao ang evacuation center. Tanging mga emergency light at kandila lang ang nagbibigay liwanag sa lugar dahil sa black out.

Balak ko sanang mamigay ng mga supply na natanaw kong ginagawa ng ibang mga agent na nandito. Mukhang nag deliver kasi Ocean ng pagkain kasama si Wilhelm na may dalang sariling supplies ng pagkain galing sa bar niya. Iyon nga lang nakita ako ng isang nurse kaya bago pa ako makapagpakita sa kanila ay ngayon nandito ako sa isang tabi at ginagamot.

"Wag mong hayaan na walang bandage iyan. Baka ma-impeksyon pa iyan dahil sa dumi na nakalap niyo mula sa putik."

"Okay."

Tinanguhan ako ng babae at binitbit na ang mga dala niya kanina para pumunta sa iba na kailangan pa ng tulong. Tumayo na ako at bahagya kong inunat ang braso ko dahilan para mapangiwi ako nang makaramdam ako ng hapdi.

Hawak ang nasaktang braso na naglakad ako papunta sa kinaroroonan nila Ocean. Iyon nga lang bago pa ako makalapit sa kanila ay nahagip ng paningin ko ang kinaroroonan nila Snow. O mas tamang sabihin na narinig ko ang boses niya.

Her voice was full of anguish and I can see the horror striking her face before she ran out of the door. Sinundan siya ng asawa niya habang ako ay naguguluhang sinusundan lang siya ng tingin.

"Why are you still here?"

Nilingon ko ang nagsalita at ang bumungad sa akin ay ang nag-aalalang mukha ni Wilhelm. "I just got here. Binigyan lang ako ng first aid no'ng nurse-"

"Kailangan mong bumalik sa BHO CAMP."

Naguguluhang tinignan ko siya. Para bang may kung anong bumabagabag sa kaniya na hindi ko magawang maintindihan. "Anong nangyayari? Is everyone okay back there? Hindi pa rin bumabalik ang connection so I guess hindi pa tapos ang upgrade."

"There's at least an hour before the upgrade is finish according to Ocean." Hinilamos niya ang kamay niya sa mukha niya na para bang na-fu-frustrate siya sa sitwasyon. "Nagkaroon ng black out."

"Inaasahan na namin but it's fine since we have generators-"

"The ash and rain clogged the generators thirty minutes ago. They're trying to fix it pero hindi nila alam kung gaano katagal bago maayos-"

Hindi ko na nagawang patapusin ang sinasabi ng lalaki at kusang humakbang ang mga paa ko. I can feel the same horror on Snow's painting my face as I realized what's happening. There's still an hour for the upgrade to finish, an hour before the BHO CAMP's stored energy can help the place to have power until the main source goes back. The generators were supposed to help us until the upgrade is done and until the power comes back. Pero maging iyon ay nagkaroon ng problema.

"Hera!"

Hindi ko pinansin ang tumatawag sa akin at kaagad na lumapit ako sa isang pulis na pasakay na sana sa motor niya. Malakas ko siyang itinulak at bago pa siya may magawa ay nakasakay na ako at pinaharurot ko ang motor paalis.

I ignored the ash burning my eyes, forcing them to well up with tears. I didn't mind. Because I can feel my heart starting to numb and the tears are helping to still make me feel.

Thirty minutes. That's how long BHO CAMP doesn't have power. That's how long the hospital lost it's power. Ospital kung saan naroon si Thunder. Si Thunder na nananatili lang humihinga dahil sa mga makernaryang tumutulong sa kaniya para mabuhay.

"No." I whispered at the wind as if it can carry my plea up at the heavens. "No. Not yet. He need to wait for me."

Keep beating.

I can see his face whenever he will say those words or when he will hear me say them. I can see him giving me that smile as if he know something that I don't. And I can hear the pain in his voice whenever he said I love you after saying those words.

As if those three letter words can assure me that he can keep his promise.

As long as he can.

As long as this life will give him.

And whenever I hear that promise...a promise that he will keep it beating, I can hear the lie behind that. Kasi alam naming pareho na mahirap. Alam namin parehas na walang kasiguraduhan kung gaano katagal lang ang natitirang oras para sa amin.

But we accepted it. Or we try to at least. Making each beat so precious. Making each moment something I will treasure for the rest of my life.

"You need to wait." My voice cracking as I whispered again. "Keep it beating, Thunder Night. Please...please."

Hindi pa humihinto ng tuluyan ang sinasakyan ko nang tumalon ako pababa. Naramdaman ko ang pagtama ng mga bato sa tuhod ko nang mapasadlak ako sa lupa pero hindi ko ininda iyon at sa halip itinulak ko lang ang katawan ko paitaas upang makatakbo ako.

I barge into the hospital, ignoring the voices calling my name, and instead I just ran. Tinakbo ko ang natitirang distansiya sa pagitan namin ng taong alam kong mamahalin ko hanggang dulo. Hanggang sa dumating ang oras na magkita kami ulit.

"Please..."

I was almost out of breath when I reached the right floor. Mula sa kinatatayuan ko ay kita kong nakabukas ang pintuan ng kwarto ni Thunder. I pushed my legs to move, willing it to walk forward even though it feels like as if my entire being is stopping me...protecting me from what I about to see.

Ramdam ko ang pagkawala ng lahat nang hangin sa katawan ko nang magawa kong makalapit at makita ko ang loob ng kuwarto.

Naroon ang buong pamilya ni Thunder. Kita ko ang nanay niya na nakasadlak sa sahig habang yakap ng asawa niya. I can see his sisters, holding on to each other while their husbands stayed behind them, waiting to catch them any moment they can't stand anymore.

And I can see him.

So peaceful. Like he's just asleep. Like just the man I used to see beside me whenever I opened my eyes at night with this arms around me.

I can see that but I also know.

I know that when I go to him, I won't be able to feel the beat of his heart under my hand. The man I love, Thunder Night, can no longer keep his heart beating.

I can feel the numbness surging into every bit of my system until it reached my heart. Para bang may sariling buhay ang mga paa ko na humakbang ang mga iyon palayo. Palayo sa taong nag mamay-ari ng buong puso ko.

I didn't know where my steps took me. Until I stopped at a familiar place that I recognized and from the huge window I can see my friend with her husband. He's holding something that is helping their babies breathe.

Tila nararamdaman niya ang tingin ko dahil nag-angat ng tingin si Athena sa direksyon ko. I saw pain crossed her face when she saw me. She immediately stood up but I lost sight of her when my knees buckled and I fell to the floor.

It feels like I'm being pulled to a different place. Or maybe not. Maybe I was left where I'm at while the world continue circling on its own orbit while I remain stuck.

I felt arms suddenly wrapped around me so tight that I can't breathe. I didn't mind because it's the only thing keeping me together. It's the only thing that is keeping me from shattering.

Then I heard it. The scream that feels like so far away from where we at. I can only hear the ringing...the echo, but it's nowhere near me. Athena didn't appear to hear it, she just continue to hold me in her arms.

That's when I know that it's just me that can hear the scream. Because it's coming from inside me...trapped...locked, so it won't be able to hurt me anymore.

"No."

Nag-angat ako ng mga mata para salubungin ang kay Athena. Walang kahit na isang patak ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay nangyari na ang inaasahan ko. Ang tuluyang maubos ang luha na hindi maampat noon.

"No, Hera." I shook my head as if telling her that I don't understand. I opened my lips but no words came out. "You're going to feel this. Every bit of it. Hindi mo pwedeng ikulong ang sarili mo. You can't do that. Kahit na alam kong pakiramdam mo mas mabuti iyon. You can't trapped everything inside you or you're going to drown."

"I-I can't..." I whispered with a broken voice.

"I know." she whispered back.

Nanatili akong nakatingin ng diretso sa mga mata niya na ngayon ay nanlalabo dahil sa luha. I look at her and I saw everything. When she fell in love, when she had Ainsley, when she got her heart broken, when she fell in love again, got married, when she found out she's pregnant again. I can see in her eyes that one moment that I saw her with her husband while she was holding her second baby.

I can see all that and I know what I've lost. I know what I won't ever have.

"You have me." she promised as if reading my mind. "You can get through this, Hera Scott. I know you can."

"I-I...he's gone."

"Naalala mo 'yung lagi niyong pinapangako ni Thunder. 'Yung kinukuwento mo sa akin. Ngayon ikaw naman ang magsasabi no'n hanggang sa dumating ang oras na makabalik na kayo sa isa't isa."

"I can't."

"You can." Nilagay niya ang kamay niya sa tapat ng puso ko at marahang tumango. "Keep it beating, Hera. Until you can find him again."

My eyes shuttered close and I felt her tightened her grip around me as I'm being pulled away from consciousness. I didn't fight the pull...I let it carried me until I was enveloped by the safety of the dark. So I can pretend that everything will be okay once I wake up.

Once I wake up in the world that my heart lost its other half. In the world where Thunder's melody finally stopped...reaching the cadence of his life.

Keep it beating.



_____________________End of Chapter 29.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top