Chapter 23: Fairytale

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: 'Wag advance. Wala pang sumasakabilang mundo. Fake news 'yon :3

HERA'S POV

A few years ago...

Isang malakas na sigaw ng pinakawalan ko bago ko binato ang hawak ko. Kaagad lumikha iyon ng ingay nang mabasag iyon pero wala akong pakielam. Ang gusto ko lang ay mailabas ang galit ko hanggang sa mawala na iyon. Pero imbis na makatulong ang ginawa ay parang mas lalo lang nag-apoy ang nararamdaman ko na inis.

Lukot na lukot ang mukha na binalingan ko ang basaruhan na namataan ko sa gilid at bago ko pa magawang pigilan ang sarili ko ay nagtatagis ang mga ngipin na pinagsisipa ko iyon.

"How dare you break up with me you piece of shit?! Naawa pa naman ako sa'yo dahil mag pa-pasko na tapos ikaw wala kang pakielam at basta na lang nakipag-break sa akin samantalang Pasko na bukas?! Dapat ako ang nauna!"

Napahiyaw ako ulit pero sa pagkakataon na ito ay hindi na sa galit kundi dahil sa paa ko na ngayon ay may sumisigid na kirot. Kasabay nang paghagis ng basurahan na puro dahon lang naman ang laman ay napaupo ako sa damuhan ng wala sa oras at tinanggal ko ang suot ko na sandals bago naluluhang sinapo ko iyon.

"Fuck, fuck, fuck!"

Pasalamat na lang ako at nasa daan ako na malapit na sa headquarters. Kung hindi siguro ay naririnig na ako ng mga guest sa BHO CAMP na nagsisisigaw. Baka ako naman ang sipain ni Dawn kapag nawala kami ng guest dahil sa akin.

"This is that fucker's fault! How dare he break up with me? How dare that man with a common name but a usual name for serial killer break up with me?! Alam niya ba kung ilang mamamatay tao na ang may pangalan na John?!"

"May point ka. You know, my grandmother Kat got kidnapped when she was pregnant by a man named John? If you ask me I don't like that name too."

Nakahawak pa rin sa paa na nilingon ko ang nagsalita at napasimangot ako nang makita ko si Thunder na nakatayo malapit sa akin. May dala siyang paper bag na may pamilyar na tatak at nakangiting ngumunguya lang siya ng hawak niya na fries.

"Tantanan mo ako. Wala akong balak makipagkuwentuhan sa'yo ngayon. Busy ako!"

"Sa?"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin, "Basta busy ako!"

Ngumisi ang lalaki at muling sumubo ng fries, "Busy saan? Sa paninipa ng basurahan na nananahimik naman at walang ginawa sa'yo? Kapag nakita ka ng kapatid ko na tambay sa control room lagot ka ro'n."

Alam ko naman na maraming nagkalat na security cameras sa buong BHO CAMP. Nawala lang sa isip ko dahil sa sobrang pagkainis ko. I need to pick-up all that thrash or Freezale will punish me to pick-up every thrash here in BHO CAMP or something.

Mukhang naiintindihan naman ni Thunder ang naglalaro sa isip ko dahil lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Lalo tuloy umiinit ang kumukulo ko na nga na dugo.

"Umalis ka na. Ayokong makakita ng mga kalahi mo ngayon dahil lumalabas lahat ng murderous cells ko sa katawan kaya kung gusto mo pang mabuhay lumayas ka na."

"Gusto ko pang mabuhay."

Natigilan ako sa sinabi niya at sandaling nawala ang sakit na nararamdaman ko sa paa ko. Alam ko kasi na hindi ang pinag-uusapan namin ngayon ang tinutukoy niya. Nakarating na kasi ang balita sa akin tungkol sa sakit niya.

Hindi ko magawang paniwalaan iyon noong una kong marinig sa mga agent. Mukha naman kasing malakas si Thunder. Masayahin din siyang tao at parang walang pinoproblema. Kaya nang kumalat iyong tungkol sa sakit niya na namana niya pa sa tatay niya ay hindi lang ako ang nagulat kundi maraming mga tao.

"Pero hindi ko kalahi ang boyfriend mo-"

"Ex." muling bumalik ang galit na pagtatama ko sa kaniya.

"Hindi ko kalahi ang ex mo kaya hindi ka magkakaroon ng allergic reaction sa akin. Mabait ako siya hindi at guwapo ako siya hindi."

"Guwapo rin siya." naniningkit ang mga matang sabi ko. Nang umangat ang kilay niya na para bang tinatanong kung bakit ko pinagtatanggol ang ex kong tukmol ay pinaikot ko na lang ang mga mata ko. "At parehas lang kayong hindi mabait. Parehas kayong mga mapanakit sa mga kalahi ko! Dapat sa inyo hindi na nagkakaroon ng girlfriend!"

"Hindi ko naman gusto magkaroon ng girlfriend. Ang ex mo nakipag-commit hindi naman mapanindigan. Kaya magkaiba kami. What you see is what you get from me, remember? Hindi ako komplikadong tao."

Naarinig ko lahat ng sinabi niya pero sa hindi malamang dahilan ay sa iisa loang napako ang atensyon ko, "Ayaw mong magka-girlfriend? Ilang taon ka na iyan pa rin ang kinakanta mo? Kailan ka magkakaroon ng matinong relasyon kung ganiyan ka lang ng ganiyan?"

Ngumiti ang lalaki at sumubo ulit ng pagkain, "I was young before. Ayoko ng drama sa buhay ko kaya mas pinili ko iyong madali na daan kung saan parehas kaming sasaya nang babaeng makakasama ko."

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya lalo na ng magtaas-baba pa ang kilay niya, "Gross."

"Ngayon hindi na ako bata. Before I had a choice but now I don't. Gustuhin ko man ng matinong relasyon hindi iyon magiging fair para sa babae na magiging girlfriend ko."

Muling nabagbag ang damdamin ko sa sinabi niya. Parang gusto ko na lang kalimutan na galit ako sa mga kalahi niya at pagkatapos ay yayakapin ko siya para aluin. Get a grip Hera Scott. Naiirita sa sarili na ginulo ko ang buhok ko at sinabutan ko ang sarili ko. Baka sakaling bumalik ang katinuan ko na lalon nadudurog dahil kay Thunder.

"Go away!"

"Ayoko nga. Reponsibilidad ko ito bilang mamayan na gustong pangalagaan ang kalinis ng kapaligiran. Mamaya ilang basurahan pa ang sipain mo at gawin mong soccer ball."

"Kapag hindi mo ko tinigilan ikaw ang sisipain ko at gagawin kong soccer ball."

Gaya ng inaasahan ay hindi man lang tinablan ang lalaki sa pagpapasaring ko. Para ngang mas lalo pa siyang naaaliw na nagagawa niya akong inisin. Napabuntong-hininga na lagn ako nang binaba niya ang hawak na paper bag sa bench at pagkatapos ay naglakad siya palapit sa akin.

"Alis! Shoo!" pagtataboy ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at umuklo siya sa kinasasadlakan ko. Nanglaki ang mga mata ko nang bigla na lang niyang hawakan ang paa ko at bahagya niyang inikot-ikot iyon na para bang tinutulungan ako para maibsan ang sakit na unti-unti naman ng nawawala. "Masakit pa?"

"A-Anong ginagawa mo?"

"Masakit pa ang paa mo?" ulit niya.

"Mas masakit ang nayurakan kong pride."

Bumakas ang amusement sa mga mata niya sa sinabi ko. Bago pa ako muling makapagsalita ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaangat na sa lupa at nasa mga bisig niya. Napasinghap na napakapit na lang ako sa mga balikat niya nang maglakad siya papunta sa bench di kalayuan at pagkatapos ay maingat akong binaba roon.

Walang salitang tumalikod siya at kinuha ang sandals ko bago bumalik sa tabi ko at isinuot sa akin iyon. Pakiramdam ko ako si Cinderella. Ang dadaigin ang haba ng buhok ni Rapunzel na Cinderella.

Nahugot ako mula sa pag-iilusyon nang lumayo na sa akin ang lalaki para lang umupo sa tabi ko. May kinuha siya sa paper bag at sa kabila ng lahat ay nakaramdam ako ng gutom nang makita kong burger na Champ iyon ng Jollibee.

"O. Hati tayo."

Umiling ako nang makita kong hinati niya ang burger at nilagay ang isang parte sa tissue bago inabot sa akin. "Wag na."

"Eat. Tulungan mo ko at bawal sakin 'to."

"Bakit ka bumili kung gano'n?" nagtatakang tanong ko.

"Kasi masyadong maikli ang buhay para hindi ko gawin ang gusto ko."

Sandaling nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay tinaasan ako ng kilay habang inginunguso ang hawak na burger. Pagkaraan ay napapabuntong-hininga na kinuha ko sa kaniya iyon at kumagot ako. Favorite ko talaga 'tong Champ.

"This is familiar you know? Kumakain tayo ng Jollibee habang masama ang loob mo sa mundo dahil nakipag-break sa'yo ang gago mong ex."

"Nang-aasar ka ba?"

"Hindi. Naalala ko lang." natatawang sabi niya.

What he said is the exact reason why I'm so annoyed. Mula kasi nang makipag-break sa akin ang boyfriend ko noong high-school ako ay talagang nagdala na ako. Hindi ko na hinahayaan na tapakan ng mga lalaki ang pride ko dahil kapag nakikilala ko na ang mga ugali nila ay ako na ang nakikipaghiwalay kaagad.

Exemption lang si John dahil tinamaan ng kabaitan ang pagkatao ko dahil magpapasko na nga. Gusto ko na kasi talagang makipaghiwalay sa kaniya. Hindi ko kasi talaga gusto ang ugali niya lalo sa taong sa tingin niya ay mas mababa sa antas niya sa pamumuhay. Sa ilang beses kasi namin paglabas ay hindi iisang beses kong nakita kung paano niya itrato ang mga server sa pinupuntahan naming restaurant. He's just so rude.

"Alam mo hindi kita maintindihan. Maganda ka, sexy, matalino, mayaman, at may personality ka na hindi katulad sa ibang babae. You have depth and you also know how to have fun. You're not a stuck-up bitch who think that you're better than everyone else. Hindi mo rin tinatago kung ano ang totoo mong ugali sa mga taong nasa paligid mo. You're unapologetically you and that's a great thing. That's why I don't understand why you have shit taste in men."

Pakiramdam ko ay may init na gumapang sa puso ko sa mga sinabi niya. Ngayon ko pa lang kasing naranasan sabihan ng mga bagay na sinabi niya. Sa paraan kasi ng pagkakasabi niya ay para bang kilalang-kilala niya ako samantalang bihira lang naman kami magkasama. Unless may party at inuman sa Paige's kung saan lagi kaming nakukumbida.

I decided to get pissed instead of understanding the warmth I'm starting to feel. "Kung makapagsalita ka parang ang ganda ng taste mo sa babae ah."

"I know my taste. Women that I don't need to have attachments with. But you're not like me. You deserve stability. You don't deserve to be treated like dirt by men that are so out of your league. Don't settle for just a chapter when you deserve a complete fairytale. You're royalty remember? Don't let those scums convince you otherwise."

Umawang ang mga labi ko sa mga narinig kong sinabi niya. He's a playboy. Mula noon ay wala na akong nasaksihan kung paano siya makipaglaro sa mga babaeng dumadaan sa buhay niya. That's why I'm dumbfounded by his words.

I need to get a hold of my heart that I can feel beating so hard inside me that I wonder how he can't hear it. Puso ko na hindi naman ito ang unang beses na tumibok ng gano'n sa presensiya ng lalaki at sa mga pagkakataong naiisip ko siya. But I buried it because I know there's no use to think about it. Reason why I haven't acknowledge its presence. Until now.

"Fuck!"

Sunod-sunod na napakurap ako nang maramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Nanglalaki ang mga matang ipinilig ko ang ulo ko. What was that? Bakit ako naiiyak?

"Wag kang iiyak. Wag mong iiyakan ang walang kuwentang lalaking 'yon."

"Hindi ako iiyak-"

Naputol ang sasabihin ko nang tumayo siya at nanggigigil na isinumpal ang natitirang burger na hawak niya sa bibig niya bago mabilis na ngumuya. Nang matapos siya ay itinuro niya ako habang may seryosong ekspresyon siya sa mukha, "May gagawin tayo."

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"Pagbabayarin natin ang taong dahilan kung bakit naiiyak ka."

Mukhang iba ang akala niyang rason kung bakit bigla na lang ako naging emosyonal. Hindi naman si John ang dahilan kundi ang mga cheesy na linya na pinagsasabi niya sa akin kanina. Iyon lang talaga ang dahilan. Na-touch lang ako kaya parang may drummer sa loob ng dibdib ko. Iyon lang 'yon.

"Hindi naman-"

"Gaganti tayo." determinadong sabi ni Thunder.

Umm. What?





TINIGNAN KO ang hawak ko na susi na inabot sa akin ni Thunder bago ako muling tumingin sa makintab na pulang sasakyan na nasa harapan ko. Ilang beses nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa bago ko nilingon si Thunder na nasa tabi ko.

"Nasisiraan ka na ba ng bait?" tanong ko.

"This is a shit car. Ostentatious. Pangit na nga ang may-ari pangit pa ang sasakyan."

"Hindi nga siya pangit-"

Pinandilatan niya ako ng mga mata, "Wag mo siyang ipagtanggol."

Napapabuntong-hininga na inabot ko sa kaniya ang susi na ibinigay niya sa akin kanina. "Umalis na tayo. Wala akong balak drawingan ang sasakyan ni John."

"Just key his car so we can go."

Napakamot na lang ako sa ulo ko nang hindi kinuha sa akin ni Thunder ang susi na ibinibigay ko sa kaniya. Mukhang desidido talaga siya sa balak niyang gawin kong blackboard ang pinakaiingatan na kotse ni John.

"Thunder, I'm over him."

"Kanina halos yupiiin mo ang basurahan sa BHO CAMP sa galit mo sa kaniya tapos ngayon naka move-on ka na." naniningkit ang mga matang sabi niya. "Just key the shitty car!"

"Pero-"

"He have a car. A shitty one but an expensive one. Pero wala siyang pang-gas man lang para bumiyahe para puntahan ka at makipag-break sa'yo ng harapan?"

May point siya. Isa pa alam kong mahal na mahal ni John ang sasakyan niya. Kaya nga hindi isang beses na nakita ko siyang walang pakielam na basta na lang sumakop ng dalawang parking space para lang masigurong walang tatabi na sasakyan sa kaniya. Kahit din malayo ang parking hindi niya pinapakuha sa valet ang sasakyan dahil wala siyang tiwala sa mga iyon kaya kahit masakit na ang mga paa ko dahil sa mataas kong mga takong ay pinaglalakad pa rin niya ako ng malayo. There was also this time when he's picking me up from a mall and I saw him getting into an argument with a young woman that accidentally bumped her shopping bags on his car. What a douche. Why in hell did I ever dated him?

"It is a shit car." I whispered.

"Yes."

"A shitty car of a shitty person."

Umilaw sa kasiyahan at excitement ang mga mata ni Thunder, "Yes!"

Bago pa ako mabulungan ng anghel kong konsensiya ay parang may sariling buhay ang kamay na idinikit ko ang susi sa sasakyan at idiniin ko iyon. Pagkatapos no'n ay hinila ko ang susi hanggang sa makarating ako sa pinaka-unahan. Nang hindi pa ako nakuntento sa pagguhit ng mahabang linya ay sinulatan ko pa ang hood noon ng salitang shitty.

Nakangiting nilingon ko si Thunder at nakita ko siyang kasalukuyang nilalaslas ang gulong ng sasakyan. Inulit niya pa iyon sa ibang gulong. Naiiling na pinanood ko lang siya at sumandal ako sa kotse. Iyon nga lang mukhang mali ang ginawa ko dahil bigla na lang pumainlang sa paligid ang nakakabinging tunog ng alarm ng sasakyan.

"Uh oh." Thunder said with wide eyes when he straightened from his crouch.

"Anong ginagawa niyo?!"

Kaagad akong nagtago sa kotse habang si Thunder ay inangat ang hood ng suot niya na jacket. Lumapit siya sa akin at hinila ako pero hindi ako kumilos at sa halip ay hinila ko siya paupo. Nakarinig ako ng mabibilis na yabag at nang sa tantiya ko ay malapit na si John sa amin ay bigla akong tumayo at umikot habang ang isa kong paa ay umunat papunta sa direksyon ng lalaki. Kasabay na maramdaman ko ang pagkonekta ng paa ko kay John ay narinig ko ang malakas niya na sigaw.

Bulls eye! Kulang na lang ay sumayaw ako ng pambansang victory dance ng BHO CAMP nang makita ko ang lalaki na namimilipit sa sakit habang hawak-hawak ang hinaharap.

"Oh my gosh, John! Are you okay?"

Namataan ko ang isang babae na sa sobrang bitin ng suot na damit ay parang gusto kong kaawaan at bigyan ng pambili nang maayos na damit. Para kasing retaso lang ng tela ang suot niya. Pero bago ko pa makumbinsi ang sarili ko na gawin iyon ay naramdaman ko ang kamay ni Thunder na tuluyan na akong hinila.

Hawak ang kamay ko na tumakbo kami papunta sa pinaradahan niya ng sasakyan niya. Inihagis ko sa direksyon niya ang susi at kaagad niya namang nasalo iyon bago ako nagmamadaling pumasok na sa sasakyan. Hindi nagtagal ay parehas na kaming lulan no'n at pinasibad na niya iyon paalis.

"That was epic!" I exclaimed with exhilaration.

Lumingon si Thunder sa akin at tinapunan niya ako ng about hanggang tenga na ngiti bago ako kinindatan, "I'm getting you a key charm. You need to remember this day."

Dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko ay itinaas ko na ang mga kamay ko at sumayaw-sayaw ako sa kinauupuan ko. Humahalakhak na pinindot ni Thunder ang radiyo na nakakonekta sa cellphone niya. May hinanap siya roon at ilang sandali lang ay tumugtog na sa radiyo ang Teach Me How To Dougie. Ang national anthem ng BHO CAMP.

I won't forget that day even if I want to. Not just because of the feeling of satisfaction of getting even with my ex but also because it was fun to be with Thunder. To do the crazy dance with, to hear his laughter, and also because for the years to come, I will have the reminders of that day dangling on my precious bracelet.

A key charm and a small castle. A reminder that I should never settle. Never settle for things I don't deserve.

I don't deserve a chapter. I deserve a fairytale.

____________________________End of Chapter 23.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top