Chapter 21: Princess
#BHOCAMP8TC #Heder #TeamMasokista #BHOCAMP
HERA'S POV
A few years ago...
"Seriously, Hera? Ganito ka mag celebrate ng graduation mo?"
Napangiti na lang ako sa nagrereklamo na si Athena habang kinakapa ko ang upuan ng backseat kung saan naroon ako. "Just drive."
"Bakit hindi na lang party? You love parties. I love parties."
I gave myself a mental pat on the back when I finally found the release lever so I can pull down the rear seat. May kailangan kasi ako sa trunk ng sasakyan na hindi ko nakuha kanina dahil nagmamadali kami sa pagtakas sa pinanggalingan namin ni Athena.
"Everyone okay?"
"Yep." I casually said to the mic pinned on my Chameleon Black Suit. Napangisi ako nang may mahablot ako na damit galing sa trunk. Kotse ko ang gamit namin kaya may ideya ako sa kung anong kalat ang meron ako sa likod ng sasakyan. "Shit. I love this blouse."
"She is not okay! She got shot!"
Napapabuntong-hininga na pinagpatuloy ko ang paghahalughog sa trunk ng sasakyan habang si Athena ay patuloy pa rin sa paglilitaniya. I should have known she would freak out. Dapat hindi siya ang pinadala para sumundo sa akin.
It's my graduation day and weeks before I asked Dawn and Freezale to give me my first solo mission as their graduation gift for me. Pumayag naman sila iyon nga lang saktong pagkatapos na pagkatapos ng graduation ko ay kailangan ko na iyong asikasuhin. The details was given to me two days ago.
My parents understood though they are both worried and my brother was pissed because he wanted us to celebrate together. And we will. Bukas na nga lang.
So with my three month old car, I drove to Makati, parked it somewhere and then I went to the target's location. Ang kailangan ko lang naman na gawin ay kunan sa aktong pangangaliwa si Mr. Samson, the husband of a British executive Mrs. Georgina Samson. Mayaman ang babae at dating manager sa kompanya ang asawa niya na mas bata sa kaniya. They fell in love, got married without having too much on their prenuptial agreement except for having an infidelity clause, and now they're having a rough patch. Ang nagpalala lang no'n ay napapansin ni Mrs. Samson kung paanong ang daming napapasok na investor ng asawa sa kompanya. All of them are females. Mrs. Samson is not stupid so she hired BHO CAMP.
Ang unang plano ay magpapapasok ng agent sa condominium ng bagong prospect investor at maglalagay ng security camera. Iyon nga lang iyon magagawa dahil ayon din kaila Freezale ay laging may tao sa condominium. As in laging may tao sa kwarto ng prospect investor. Sino bang makakaalam na iyon na ang bagong trip ng mga mayayaman ngayon? Sex as a bargaining deal for investment.
Because the agents can't put a security camera inside, we decided to do it in the traditional way. I need to break in and take the evidences of them doing the deed.
Madali lang naman iyon. Nakapasok ako kaagad at nakuha ko naman ang mga kailangan ko. Iyon nga lang hindi ko inaasahan na may dadating pa palang bisita ang prospect investor. Maybe one of those that want to make a deal with her and decided to visit her without telling her. It doesn't matter because at that moment I'm about to get caught.
I made a quick decision. Tinakbo ko ang balcony ng condo bago pa nila ako makita at tumalon ako roon. Of course I used BHO CAMP's rapel cord then I landed on the next balcony below. Iyon nga lang malay ko bang may tao roon na nakakita sa akin at akala siguro magnanakaw ako. That's when I got shot. So I used the cord again, jumped from the eight floor, and then I landed.
Kaagad kong tinawagan si Athena para sunduin ako dahil alam ko na siya ang pinakamalapit sa akin dahil may date siya sa Makati. Para hindi naman magulat ang date niya ay nanungkit ako ng damit sa laundry na bukas pa ng oras na iyon at isinuot ko ang nakuha kong jacket para magmukhang walang kakaiba sa suot ko. I just took off the CBS mask and then I casually waited for Athena to arrive.
Dumating siya kasama ang date niya gamit ng isang motorsiklo at dahil maliit lang naman kami ay nagkasya kaming tatlo roon. Good thing it's not a car because I don't want to bleed out on someone's car. After that, nagpababa ako sa kung saan ako nag parking habang si Athena naman ay nagpaiwan na rin at kesyo sasabay na lang daw sa akin.
And now here we are. "I'm fine, Athena. It's just a graze."
"You got shot while wearing a CBS!"
May point naman siya. Hindi naman kasi basta-basta penetrable ng bala ang Chameleon Black Suit. Though hindi kasing kapal ng nasa chest area namin ang bullet proof material no'n pero halos buo no'n ay hindi magagawang pasukin ng bala.
"Sinong bumaril sa'yo?" tanong ni Freezale.
"An old man on the eight floor."
Rinig ko sa kabilang linya ng listening device ang pagtipa ni Freezale sa keyboard na nasa harapan niya tiyak. Malamang ay tinitignan niya ang makukuhang impormasyon sa lalaki.
I grimaced, not in pain, but because I can hear the fabric of my beautiful blouse tearing. Idiniin ko ang ibang parte ng tela sa sugat ko sa hita habang ang isa kong kamay ay ipinasok ko ulit sa trunk. I almost shout in exhilaration when my hand touched a familiar hard object.
"Tada!" masayang bulalas ko nang hugutin ko ang bote ng vodka. Sa pagkakatanda ko kasi may natira pa no'n mula sa pagtakas namin ni Athena three weeks ago sa BHO CAMP para mag-inuman kasama ng mga kaibigan namin.
"Omg! Don't tell me aalisin mo ang bala? Are you insane?! Sino ka? Si James Bond?!"
"Calm down. There's no bullet. It's just a graze."
"It's a deep graze!"
Hindi na ako sumagot sa kaniya dahil kilalang-kilala ko na si Athena. Siya iyong klase ng tao na dinadaan sa sigaw ang lahat kapag nag-aalala siya. Alam ko 'yon kasi iisa lang ang ugali namin. Parehas din kaming gano'n pag ang pinag-uusapan ay ang mga taong importante sa amin.
I applied a tourniquet on my wound because Athena's right. It's a deep graze. Nang magawa ko iyon ay binuksan ko ang bote ng vodka na hawak ko at ibinuhos ko 'yon sa paligid ng sugat. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang mapasinghap ng hindi maiiwasan na ilan sa mga iyon ay dumiretso sa mismong sugat ko. To stop myself from screaming in pain, I raised the bottle and drink straight out of it.
"Ugh! I don't like vodka without ice." lukot ang mukha na sabi ko.
"Akin na 'yan."
Bago pa ako makakilos ay hinablot sa akin ni Athena ang bote at tumungga doon bago muling inabot sa akin. "Hoy, itigil mo 'yan. Nagmamaneho ka."
"What I need is to have the strength to erase the image of you bleeding out and I didn't even know it until you entered your freaking car!"
Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko nang marinig ko ang pagsinghot niya na ilang sandali lang ay naging atungal na. Naiiling na tinakpan ko ang sugat ko bago ko itinaas ang sugatan kong binti. We're less than an hour away from BHO CAMP. Magmamadaling-araw na rin naman kasi.
"The man who shot you probably used an armor piercing bullet. It's illegal but he's a retired army. Akala siguro akyat-bahay ka." pagbibigay alam sa akin ni Freezale.
"I gather that."
"Are you going to let it go?"
"Yeah. Hindi naman niya kasalanan. He's just probably a crotchety old man who's protecting his home."
Nagpatuloy ang byahe namin ni Athena na mas marami pa atang beses na tumingin sa akin mula sa rear view mirror kesa ang mag pokus siya sa daan. Hindi pa rin natitigil ang pagluha niya kapag napapatingin sa akin. Ganiyan naman si Athena kahit noong mga bata pa kami. Iyakin na talaga.
"Stop crying. Okay lang ako. Maiintindihan mo rin kapag nagkaroon ka ng solo mission mo." sabi ko sa kaniya.
"Nauna ka lang sa akin saglit akala mo naman ang dami mo ng nalaman." sumisinghot pa rin na sabi niya.
"I found out a lot this night. Una, pakiramdam ko sasabog ang puso ko kasi ang saya ko. Pangalawa, iyakin ka pa rin."
"Hindi ako iyakin!"
Tinawanan ko lang siya habang inismiran naman niya ako. Hindi nagtagal ay narating naman namin ang tinutunton namin na lugar. Hindi binabagalan ang sasakyan na ipinasok niya iyon sa loob ng BHO CAMP. Imbis na itigil sa harapan ay tinuloy-tuloy niya iyon hanggang sa makarating kami sa tapat ng BHO CAMP Hospital.
"Wag ka ng lumabas. Take my car to the headquarters, call your date, and then sleep. Bukas sasama ka sa amin nila Kuya kasi mag ce-celebrate tayo ng graduation ko."
"Pero-"
"Seriously, I'm fine. Stop being mushy." I said to her and grabbed the bottle of vodka before opening the door. "Love you, best friend."
Sinipa ko ang likod ng upuan niya na ikinasimangot lang niya bago ako tuluyang lumabas. Hindi ko ininda ang sakit sa hita ko na naglakad ako papasok ng ospital. Bata pa lang ako natuto na akong maglakad na may suot ng high heels kahit na pakiramdam ko minamartilyo na ang mga paa ko. But still I can walk a mile in it and I would still smile. Beauty is pain. Kaya wala akong balak magpaika-ika kung kaya ko namang tiisin iyon.
Sinaluduhan ko ang head nurse ng BHO CAMP Hospital nang makita kong nakatingin siya sa akin. Bumaba ang mga mata niya sa kamay ko na may bahid ng dugo at sa hita ko bago walang salitang itinuro niya ang emergency room.
Nakangising tumuly ako ro'n. Ito ang gusto ko sa BHO CAMP Hospital. Hindi na masyadong big deal sa mga tao na makakita ng bullet wounds, knife punctures, at kung ano-ano pa na hindi normal makita sa isang ospital na bukod sa liblib ang kinaroroonan ay pare-parehas lang ng mga tao ang kinakikitaan no'n. One agent might walked in with a bullet wound and months later come back with another. That's not normal. Kaya as much as possible we want to be treated here. Mahirap na kasi iyong marami pang tanong katulad ng mangyayari sa ibang ospital.
"Yow!"
Napalingon ako sa nagsalita at napataas ang kilay ko nang makita ko sa isang gurney si Thunder. Nakahiga siya sa ibabaw no'n habang may ice bag siya sa mukha. Sa kamay niya ay may nakaturok na IV. "Why do you have a banana bag?"
"Utos ni Tita Autumn?"
Pinagmasdaan ko ang kabuuan niya. May tulo ng dugo sa puti niyang t-shirt, may sugat ang ibabang labi niya, at nangingitim ang gilid ng mukha niya sa bandang panga at sa kanang mata.
"Bar fight?" tanong ko.
"Parang gano'n na nga."
"Wow. You live rough."
Ngumisi ang lalaki at kumilos para umupo habang ako naman ay naglakad papunta sa gurney na katabi ng sa kaniya. Sinenyasan ko ang isang nurse na kaagad namang lumapit sa akin.
"What's wrong with you-"
Napatigil ang lalaki sa pagsasalita nang lumapit sa akin ang nurse para tanggalin ang nakabalot sa sugat ko. Nanglaki ang mga mata ng lalaki at napaangat ang tingin sa akin. I shrugged my shoulders as an answer to his silent question.
"Kailangan po nating tanggalin ang pants mo." sabi ng nurse sa akin.
She probably worked here awhile. Mukhang pamilyar siya sa suot ko. Hindi naman kasi basta-basta magugupit ito. Tumayo ako at sinimulan kong hubarin ang damit ko. Hindi na ako nag-alangan kahit pa nasa harapan ko si Thunder at nakatingin pa rin sa akin. Aminin ko man kasi sa sarili ko o hindi ay talagang masakit na ang sugat ko.
The nurse helped me unzipped the suit and the next moment, I stood in front of Thunder with nothing but my undies on. Mukhang hindi rin naman niya iyon napapansin dahil nakapako lang ang mga mata niya sa sugat ko.
Bumalik ako sa pagkakaupo sa gurney at dahil nakakaramdam na rin ako ng panglalata ay humiga ako patagilid para hindi mahirapan ang nurse na mag aasikaso ro'n.
"You know, I have a friend who's working on the fashion industry. Mahilig ka sa fashion di ba?" tanong ni Thunder.
"Yeah. Why?"
"Gusto mong magtrabaho para sa kanila?"
Napakunot ang noo ako sa out of the blue niyang tanong. "Bakit? Naghahanap sila ng magtatrabaho para sa kanila?"
"Hindi. But I can ask them to open a position for you so you can leave this job."
Tulalang napatingin lang ako sa kaniya. Mukhang seryoso siya sa sinabi niya dahil wala siyang kangiti-ngiti habang tutok sa akin ang atensyon niya. Kung sasabihin ko siguro sa kaniya na payag ako baka bukas na bukas din may trabaho na ako kahit wala naman akong experience tungkol sa fashion industry maliban na lang sa mahilig akong bumili ng damit.
"Baliw." natatawang sabi ko sa kaniya.
Napapitlag ako nang makaramdam ako ng hapdi sa sugat ko. Nilingon ko ang nurse at nang makita kong nagsisimula na siya ay binalik ko ang tingin ko kay Thunder para libangin ang sarili ko. I hate gross stuff. Si Athena ang matibay ang sikmura sa gano'n. Iyon nga lang depende kung sino ang nasa sitwasyon dahil kung katulad ng nangyari sa akin ay may hi-histerikal lang 'yon.
"I'm serious."
"I want this life. Kahit na minsan nakakatamad, nakakapagod, at lagpas na sa normal na oras ng ordinaryong trabaho ang kailangan gugulin ko. I want this."
"You're young."
"Ikaw din naman bata pa noong nagdesisyon ka na ito ang gusto mo." sagot ko sa kaniya.
Bumaba ang tingin niya sa sugat ko na ngayon ay nararamdaman kong nililinis ng nurse. She's probably preparing for stitches. Imbis na pagtuunan ng pansin ang ginagawa sa akin ay itinukod ko ang siko ko sa kama para magawa kong isandal ang mukha ko sa kamay ko.
"What really happened to you?" Hindi kasi normal sa lalaki na makipag-away sa bar. Masayahing tayo si Thunder. Life of the party kumbaga. Halos kasundo niya lahat ng tao kapag dumadayo siya sa mga bar. Kaya nakakapagtakang napaaway siya ngayon.
"I hook up with a woman. Her fiance followed her at the bar and then he caught us on the back of the woman's car."
Hindi kaagad ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nararamdaman ko na naman kasi ang pamilyar na kirot sa dibdib ko na dumadating lang sa mga pagkakataon na nakikita ko siyang may kasamang babae. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang ibig sabihin no'n. But there's no way I will ever entertain those feelings. Hindi si Thunder ang klase ng tao na kayang tumagal sa iisang babae. Hindi rin siya ang klase ng tao na kayang manatili sa isang relasyon.
Sa loob ng maraming taon na nakilala ko siya ay bihira ko siyang makita na may kasamang babae na tatagal ng isang linggo na nakapulupot sa kaniya. Hanggang ganoon lang ang durasyon ng pakikipagsama niya sa isang babae. Everything is just casual and fun.
"Dapat nagpaliwag ka. Technically hindi mo naman kasalanan. Iyong babae ang mali dahil sa inyong dalawa siya ang nakakaalam kung anong status niya. Malandi ka pero hindi ka naman tanga para pumatol sa isang taong alam mo na taken na."
"Ouch."
Naniningkit ang mga matang tinignan ko ang lalaki. Alanganin na ang pagkakangiti niya at napapakamot pa siya sa ulo niya. He knew! "Dapat binalian ka na rin ng buto. Mga tatlong ribs."
"Para I Love You?" biro niya.
"Hindi. Para "Ang. Landi. Mo.". Alam mo 'yon?"
Napahalakhak ang lalaki habang ako naman ay pinaikot lang ang mga mata. Nilingon ko ang nurse at nakita kong naniningkit ang mga mata niya kapag napapatingin sa lalaki. Isang himala na hindi nagkakandarapa ang isang 'to kay Thunder. Mukha pa ngang galit.
"Tapos na po ako. Pupuntahan ka po ng doktor namin para na rin maresetahan ka niya ng gamot." pagbibigay-alam sa akin ng nurse at pagkatapos ay binigyan ng masamang tingin si Thunder bago umalis.
Sinundan ko ng tingin ang babae bago ko binalik ang atensyon ko kay Thunder na nahuli kong nakatingin din sa babae. Nang may maisip ako ay nanglaki ang mga mata ko. "Grabe ka! Ang landi mo!"
"What?"
"Hindi ka ba natatakot na kinakalantari mo ang mga nurse dito? Paano kung dinala ka rito at wala kang malay tapos may galit pala sila sa'yo at magdesisyon silang lasunin ka?"
"Ang morbid mo." sabi ng lalaki na nalukot ang mukha. "Saka dalawang nurse lang ang naging girlfriend ko rito."
"Girlfriend my ass. One-Week-Man ka kaya." Inginuso ko ang nurse. "Isa siya na siya ro'n no?"
"Uhh..."
"You don't even remember! What an ass!"
Imbis na mainis ay tumawa lang ang lalaki na parang wala lang sa kaniya ang mga bagay na ibinabato ko sa kaniya. Kung sabagay naman. Sa lahat ata ng babaerong agent siya iyong hindi marunong mahiya pagdating sa mga aktibidades niya.
Kung sabagay naman ay hindi niya naman kasalanan lahat ng iyon. Iyong mga babae rin kasi talaga ang kusang lumalapit sa kaniya. Kahit pa na sinasabi niya naman na hindi pa siya handa na makipagrelasyon ng pangmatagalan. He's just not the commitment type of guy.
Ang problema, para sa ibang babae ay isang challenge iyon. It's like they want to try their shot on fixing a playboy. And Thunder Night is not just a playboy. He's The Playboy. Ewan ko ba. Minsan ang mga babae na rin ang naghahanap ng bato na ipupukpok sa mga ulo nila. Men are simple creatures. When they say that they're not into commitment then they will not commit kahit pa anong gawin mo.
"Nasaan ang gift ko? Graduation ko na ah." sabi ko s alalaki pagkaraan.
"Nabigyan lang kita minsan naging abusado ka na."
"Minsan ka diyan."
Halos mapuno na nga ang bracelet ko sa mga charm na ibinibigay niya sa akin. Minsan pag may okasyon lang at minsan naman kapag may napuntahan siyang lugar at napagtripan niya akong uwian. Mahilig din naman kasi akong manghingi ng pasalubong.
Right now I have the crown charm, lip balm, burger and fries, ticket, a Merlion charm from Singapore, a stiletto charm that he gave me on my birthday a year ago, Eiffel tower charm and a Japanese fan charm.
"Here."
Mabilis kong sinalo ang binato niya sa akin na maliit na kahon. Napangisi ako at kaagad na binuksan ko iyon. Nag-angat ako ng mga mata sa kaniya nang makita kong toga cap charm iyon. He remembered my graduation even though I know he's busy with his own life.
Hindi naman kasi kami laging nagkikita. Hindi rin naman kasi kami magkaibigan talagang matatawag. Hindi ko siya pinupuntahan at hindi niya rin ako pinupuntahan. Pero kapag nagkikita kami sa headquarters o sa kahit saan nag-uusap naman kami. We're friend with each other we're just not friends. Pero hindi niya nakakalimutan na magpadala sa akin ng regalo kahit minsan na wala namang okasyon. It's just natural for him. Para ngang naging tradisyon na niya ang bigyan ako ng charms. Wala naman kasi akong dinadagdag sa bracelet ko. Sa kaniya lang lahat ng nakakabit doon.
Kapag ako naman, pinapadalan ko siya ng regalo kapag birthday niya. Bihira nga lang iyon dahil kalimitan siyang wala sa BHO CAMP at kung saan-saang lugar nagpupunta. Kaya ang ginagawa ko na lang kapag nakikita ko siya sa Paige's ay binibilan ko na lang siya ng inumin na gusto niya.
"Thanks." I said with a smile.
"Next time I'll buy you a bullet charm. To commemorate your first gunshot wound."
Nginusuan ko lang siya sa sinabi niya at binalik ko ang tingin ko sa regalo niya sa akin. Marahang hinaplos ko iyon habang tinititigan iyon. Inalos ko lang ang tingin ko roon nang mag-angat ako ng mga mata kay Thunder.
Nakatingin lang siya sa akin na para bang may kung ano siyang malalim na iniisip. Lumipas ang ilang sandaling katahimikan sa amin at naputol lang iyon nang lapitan ako ng isa sa doktor sa BHO CAMP. The doctor didn't asked me to stay maybe because he knew that I will contest it. Niresetahan niya na lang ako ng mga gamot na kailangan ko.
Nang matapos kami sa pag-uusap ay tumayo ako mula sa pagkakahiga ko dahilan para bumaba ang kumot na kanina ay ipinatong sa akin ng nurse. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Thunder at nang lumingon ako sa kaniya ay nakita kong inaabot niya ang leather jacket niya. Hinagis niya sa akin iyon at kaagad ko namang sinalo.
Hindi na nagtanong na sinuot ko ang leather jacket na dahil di hamak na mas malaki siya sa akin ay halos lamunin ako no'n ng buo.
Napatingin ako sa lalaki at sa pagtataka ko ay nakita kong inaalis niya na ang IV niya. "Anong ginagawa mo?"
"Ihahatid kita sa headquarters."
"Hindi naman kailangan." sabi ko.
Tinignan niya lang ako at tumayo na siya. Inalalayan niya akong makatayo at sa pagtataka ko ay hinila niya ang kumot ko kanina. Ipinaikot niya iyon sa bewang ko at itinali hanggang sa matakpan ako no'n hanggang tuhod.
May nilingon siya at pagkatapos ay sinenyasan. Hindi naman nagtagal ay lumapit sa amin ang isang nurse na may tulak-tulak na wheelchair.
"Ayoko nga." angal ko ng makita ko iyon. "Pwede naman akong maglakad o kaya magpapasundo na lang ako. I can wait here for someone to take me home."
"Sit down, Hera."
"Ayoko. Masisira ang image ko. Mukha akong lola."
Malakas na bumuntong-hininga ang lalaki na para bang gusto na niya akong sakalin sa pinagsasabi ko. Sa ayoko talaga ng wheelchair eh. Kahit noong bata ako at nagkakasakit hindi ako pumapayag na sumakay doon.
Napasinghap ako nang walang salitang hilahin ako ng lalaki at marahang inupo sa wheelchair. Itinulak niya iyon pero huminto siya sa pintuan ng emergency room para sungkitin ang lobo na nakakabit sa stick na nakadikit sa dingding. Inilagay niya iyon sa gilid ng wheelchair na kinauupuan ko.
"O ayan. Hindi ka na mukhang lola. Mukha ka ng bata na umattend ng children's party. What do you think?"
I squinted my eyes at him and snarled, "I think I hate you."
"You'll get over it."
"Whatever. Hanapan mo na rin ako ng crown para kumpleto na ang pag-attend ko sa children's party. Patunay na ako ang prinsesa sa party." sarkastikong sabi ko.
"Bakit kailangan mo pa ng patunay kung prinsesa na kita?"
Marahas akong napalingon sa kaniya sa narinig kong binulong niya. Kunot na kunot ang noo na tinaasan ko siya ng kilay. Tama ba ang narinig ko? "Ano kamo?"
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at nagpatuloy lang siya sa pagtulak sa wheelchair ko. "Sabi ko bakit kailangan mo pa ng patunay na prinsesa ka? You said it before. You don't need proof because you're already a royalty."
Right. Iyon lang 'yon dahil imposible ang una kong narinig. Hindi ako pwedeng maging prinsesa ng isang lalaking katulad ni Thunder Night. He can never give me the things I dreamed of since I was a young girl.
My dream where a knight that will swept me off my feet.
A love story like no other.
______________________End of Chapter 21.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top