Chapter 15: Promise

#BHOCAMP3TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV

Napapahikab na itinigil ko ang ginagawa at umayos ako sa pagkakaupo ko. Mahinang napaungol ako nang maramdaman ko ang pagapang ng sakit sa likod ko dahil sa matagal na pagkakayukyok sa lamesa. Grabe. Sign of aging na ba ang tawag dito?

"Restaurant kasi 'to hindi tulugan."

Nilingon ko ang nagsalita at nang makita ko si Ocean na nakatayo ro'n ay pinaningkitan ko siya ng mga mata, "Hindi ako natutulog. Nag-iisip ako."

"Wow."

Hindi ko pinansin ang sarkastiko niya na komento at dinampot ko na lang ang cellphone kong nakapatong sa lamesa. Kanina kasi ay ka-text ko pa si Thunder. Ang kaso nagsimula na ang banda nilang mag practice kaya natigil kami sa pag-uusap. Dahil dito rin naman kami sa Craige's magkikita mamaya kung saan ako nag almusal ay nag desisyon ako na hintayin na lang siya rito. Wala rin naman akong ibang pupuntahan.

Iyon nga lang nakatulog ako. Puyat na puyat kasi ako kagabi dahil tumambay ako sa experiment department. Patuloy pa rin kasi ang pag-aaral sa karamdaman ni Thunder at ang pagbuo sa planong nagsimula lang sa isang konseptong hindi pa namin alam kung posible. Hindi masisiguro iyon hanggang wala pa ang kailangan namin pero habang hindi pa iyon nangyayari ay patuloy pa rin sa pagdidiskubre ng paraan ang experiment department. Hindi naman kasi pwedeng walang gawin habang hinihintay-

Natigilan ako sa iniisip at malalim na napabuntong-hininga. This must be hard for Thunder's family. Iyong para bang iniintay na lang nila ang paghugot ng huling hininga ng taong importante sa kanila. Pamilya nila. I can't imagine the pain they must be going through.

"Hoy, saan ka pupunta ate Hera? Hindi ka pa nagbabayad!"

Napatigil ako sa akmang pag-alis sa lugar na kinaroroonan nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ocean. Nilingon ko siya at tipid na nginitian, "Libre mo na lang ako. May pinagdadaanan ako ngayon."

Napaawang ang mga labi niya pero hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglabas. Para bang may sariling isip ang mga paa ko dahil kusa ako no'n na dinala patungo sa iisang direksyon. Lugar kung saan pilit kong iniiwasan na pumunta. Hindi dahil natatakot ako sa maaari nilang sabihin kundi natatakot ako sa maaari kong idulot pa na sakit sa kanila. I'm a reminder of what they're going to lose.

Napakuyom ako ng mga kamay at sandaling napahinto ako nang makarating ako sa tapat ng BHO CAMP Hospital. Bago pa magbago ang isip ko ay pilit na pinahakbang ko ang sarili para tuluyan ng pumasok sa loob.

Bawat hakbang ko ay para bang ang bigat pero nagawa ko pa ring makarating sa pakay kong puntahan. Iyon nga lang ay ng matanaw ko ang room number ng sadiya ko ay napatigil ako. This is not right. I shouldn't do this. Lalo lang silang mahihirapan.

Muli ay napabuntong-hininga ako at akmang tatalikod na ako para umalis nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Napaharap ako sa pinanggalingan ng boses at natigalan ako nang matanaw ko ang asawa ni Draco Night na si Venice na ngayon ay naglalakad palapit sa akin.

Nilipat na si Draco sa BHO CAMP Hospital para masigurong malapit siya kay Thunder. Hindi iyon iminungkahi ninuman maliban sa kanila mismong mag-asawa. Pagkatapos namin na manggaling sa bahay nila ay kinabukasalan lang tumawag na sila para sabihin ang desisyon nila. And now they've been hear for almost two weeks. They want to be close...in case anything happens.

"Si Draco ba ang sadiya mo? Kakagising lang niya." tanong niya nang makalapit sa akin. "He's actually been looking for you. Hindi kasi natatahimik ang kwarto dahil lagi siyang pinupuntahan ng mga agent. Ikaw na lang ang hindi pa dumadaan."

"I-I...I don't want..."

Hindi ko maapuhap ang tamang sabihin sa kaniya. Ano bang pwede kong sabihin sa isang babae na hindi birong hirap ang pinagdadaanan ngayon? She fell in love, married the love of her life, gumawa ng pamilya kasama ang lalaking pinakamamahal, at ngayon ay bawat galaw niya ay pinapaalala sa kaniya kung paanong maaari na kunin sa kaniya ang taong iyon sa isang kisap lang ng mga mata.

"I understand." she said with a small smile. "Naiintindihan kita kaya hindi mo kailangan matakot. Walang mali sa gusto mong makasama pa ang taong mahal mo."

"In the expense of your husband."

"You're not the one killing him. Ang sakit niya ang unti-unting humihila sa kaniya palayo sa akin. What he's doing is for his family and there's nothing wrong with that. Natanggap ko na. Matagal ko ng natanggap ang maaaring kahinatnan lahat. What I want is the same thing that husband wish for and that is to save Thunder and the generation to come. Bagay na hindi namin nagawa sa mga anak namin...at sa kaniya."

Hindi ko magawang makapagsalita sa tinuran niya. Mukhang hindi naman niya hinihingi iyon sa akin at sa halip ay umangat ang kamay niya at ginagap niya ang sa akin. "But be ready. It's always good to be ready. Hindi masamang umasa pero kailangan din natin na maging handa. That's the only way we can fight together with them without losing ourselves when we're the only one left fighting."

Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko bago niya ako nilagpasan at naglakad na paalis. Nagbaba ako ng tingin sa kamay kong hinawakan niya habang naglalaro sa isip ko ang sinabi niya. Para bang sinasabi niya na kailangan kong ihanda ang sarili ko sa posibilidad na maaaring huli na rin ang lahat.

Pilit na naglakad ako patungo sa kwartong kinaroroonan ni Draco Miguel Night kahit pa buong sistema ko ang hinihila na ako para umatras. I pushed through the initial feeling and opened the door. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay pumasok na ako at marahang isinarado ang pintuan.

Namataan ko si Draco Night na kasalukuyang ibinababa ang librong hawak at tumingin sa akin. Bahagyang bumakas sa mukha niya ang pagkagulat bago siya ngumiti, "Are you checking if I'm still alive."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Hindi-"

"I'm kidding." he said with a chuckle. "Come in. Thank goodness you didn't bring any fruits. Malapit ng maging grocery store ang kwarto ko dahil sa dala ng iba."

Mukhang tama nga ang sinabi niya base na rin sa nakikita kong mga naka-basket pa na mga prutas. Kung saan-saan na iyon mga nakapatong dahil sa dami niyon at wala ng mapagpatungan pa na iba. "Pasensya na po kung hindi ako nakapagdala ng kahit na ano. Biglaan din kasi ang pagpunta ko."

"It's okay. Hindi ko rin naman makakain lahat ng iyan." sabi niya bago iminuwestra ang isa sa upuan malapit sa kinahihigaan niya. "Sit here."

Nag-aalangan man ay sinunod ko ang utos niya at umupo na ako sa bakanteng upuan. Kung saan-saan ko ipinagala ang paningin ko maliban na lang sa taong nararamdaman ko ang tingin sa akin ngayon. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin sa kaniya. Kung tutuusin ay hindi ko rin naman alam kung ano ang ginagawa ko rito.

"Kamusta si Thunder?"

Napatingin ako sa lalaki at pagkatapos ay muli akong nagbaba ng tingin sa magkasalikop ko na mga kamay, "He's okay. Or at least he's trying to look okay. Gano'n naman 'yon. Hindi pinaparamdam sa kahit na sino kahit nahihirapan na siya."

"Kasi mas mahirap ang makitang nasasaktan ka dahil sa pinagdadaanan niya." sabi ng lalaki habang direktang nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha niya pero may kung anong kislap sa mga mata niya na nasundan ng pag-angat ng sulok ng labi niya, "Saka hindi bagay sa mga pogi ang mukhang kawawa. Even dying, we should remain cool."

Sunod-sunod na napakurap ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang manggagaling ang birong iyon sa kaniya na siyang mismong nakakaranas ng sakit na mayroon din si Thunder. Lahat kasi ng tao nag-iingat at kung maaari lang ay iniiwasan na pag-usapan iyon. Pero heto siya at kaswal lang na nababanggit ang sitwasyon niya.

"I mean, dying with a heart attack is not pretty you know? Look at me. Bumabagay na ang pangalan ko sa kulay ko. Baka nga daigin ko pa si Dracula sa sobrang putla ko. Pasalamat ka na lang rakista si Thunder kaya laging may make-up iyon." Napatigil ito sa pagsasalita at napatingin sa kisame na para bang may biglang naisip, "Should I wear make-up too?"

Mabilis na napatakip ako sa bibig ko nang maramdaman ko ang tawa na nais umalpas mula ro'n na hindi ko rin naman napigilan dahil kusang kumawala iyon. Hindi tama pero hindi ko mapigilan iyon dahil sa pinagsasabi ng lalaki. Hindi ko rin maimagine na naka make-up din siya katulad ng ginagawa nila Thunder kapag may concert sila.

"There you go. There's the woman my grandson fell in love with."

Napatigil ako sa pagtawa nang sabihin niya iyon. Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya na para bang ibang tao ang nakikita niya sa akin.

"Ang tagal na nang huli kong marinig ang tawa ng asawa ko. Losing our sons and losing me day by day...it's not easy but I know one day she'll be able to smile and laugh again. She's stronger than me. Ako 'yong mahina kasi ako 'yung mas natatakot. Ako 'yung kumukuha sa kaniya ng lakas na unti-unti ng nawawala sa akin." Nagbaba ng tingin ang lalaki sa sariling kamay kung saan suot niya ang sing-sing na naging tanda ng matagal nilang pagsasama ng asawa niya. "It's a bit selfish I know but having her made this battle a lot more bearable. Kaya kahit na dapat hindi ka magawang pakawalan ni Thunder. Kahit noong maaga pa. Kailangan ka niya. Because in this life where every breath he takes might be the last, you are the only person that's breathing life in him."

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang nakikita kong dumadaan sa mga mata niya ang tila isa-isang pagbalik ng mga alaala nang mga nangyari sa pamilya nila. Despite the strength he's trying to show, I can still see the unmistakable pain in his eyes as if everything just took place this very moment.

"Have a different ending, Hera Scott. I'll be rooting for you. Kahit saan pa ako naroon."

BAHAGYA akong napaigtad nang maramdaman ko ang malamig na bagay na dumikit sa braso ko. Nag-angat ako ng tingin mula sa cellphone ko at namataan ko si Athena na may hawak na bote ng malamig na tubig.

"Anong ginagawa mo dito buntis?" tanong ko at inabot ang binibigay niya.

Kasalukuyan kasi akong nakasandal sa bakal na harang nang kinaroroonan kong pwesto at sa iba pang mga tao na dumalo sa lugar na iyon na hindi magkamayaw sa pag-iintay sa magaganap na concert. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang concert ng Royalty.

"Bakit hindi ba pwedeng manood ng rock concert ang mga buntis?"

Tumingin ako sa relos ko. Mag a-alas nuwebe na ng gabi. "Para sa mga buntis na dapat matulog na, oo"

Painikot niya ang mga mata niya, "Daig mo pa ang magulang ko na manermon. Iyon ngang asawa ko suportado lang ako."

Tinuro niya ang kinaroroonan ni Fiere di kalayuan kung sa'n kausap ang ilang mga lalaking agent na nandito rin ngayon sa kinaroroonan namin. Ito na kasi ang huling concert ni Thunder dahil kinakailangan na niyang magpokus sa treatments niya. Mismong mga kabanda na niya ang nagsiguro na ito na ang huli. Lagi na lang kasi niyang sinasabi iyon pero nasusundan pa rin iyon ng nasusundan.

"Wala lang magawa si Fiere kasi alam niyang matigas ang ulo mo. Kaya imbes na makipagtalo sa'yo pinagbibigyan ka na lang talaga." sabi ko kay Athena pagkaraan.

"Ang bait ko kaya."

Pinaikot ko ang mga mata ko sa sinabi niya, "Kailan?"

"Kagabi." makahulugan na sagot niya at sinamahan pa iyon ng kindat.

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya dahil hindi ko na kailangan kumpirmahin pa sa kaniya kung anong ibig niyang sabihin dahil alam ko na ang psikot-sikot sa utak ni Athena. Ano pa at naging magkaibigan kami mula pagkabata? Lahat ata ng trip niya sa buhay ako na ang naging saksi at ganoon din siya siya sa akin.

Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang bigla na lang dumilim ang paligid. Hindi nagtagal ay pumainlang sa paligid ang malikot na tunog ng isa sa pamilyar na kanta ng Royalty dahilan para bumaha ang sigawan mula sa dagat ng mga taong nag-aabang sa kanila rito sa concert hall. Hidden was one of their very first songs. Animo praktisadong isa-isa na kumalat ang liwanag sa paligid nang buksan ng mga tao ang kani-kanilang mga dalang cellphone na siyang pinagmulan ng mga maliliit na liwanag.

Nagkatinginan kami ni Athena at sabay kaming napangiti. After all, kaming dalawa ang ultimate fan girl ng Royalty. Mahilig kasi talaga kaming umattend ng mga concert at dahil kilala namin si Thunder ay lagi kaming nakakalibre sa mga event nila. Dahil magaling naman sila ay hindi na nakakapagtakang naadik kaming magkaibigan sa kanila.

Sabay kaming napatili ni Athena nang bumukas na ang ilaw sa stage dahilan para masilayan na namin ang banda na ngayon ay para bang malayo sa mga lalaking nakikita lang namin sa BHO CAMP. Kapag kasi nasa entablado sila ay talagang parang ang layo nila sa pagkatao nila sa totoong buhay. Maliban sa suot nilang damit ngayon kung saan lahat sila ay may suot na itim na leather, mukha na nakaayos para sa rakista nilang persona, ay talagang iba ang aura nila kapag nasa harapan na sila ng napakaraming mga tao.

Rinig sa buong concert hall ang boses ni King na hindi naman maitatanggi na talagang maganda. Hindi katulad ng karamihan sa mga rock band, hindi lang niya basta isinisigaw ang kanta. His voice is the perfect balance of raspy and velvety that obviously are the reasons why the women in the crowd is still swooning despite the fact that he's been married for years.

Pero sa kabila niyon ay hindi sa kaniya natutok ang atensyon ko kundi sa lalaking nasa tabi niya. His voice usually rang out to second King's voice but each time he do that pakiramdam ko ay natutunaw ako sa kinatatayuan ko. The way his body move with each beat as if he's one with the music, his fingers moving so fast to play with the strings of his guitar, and the way he connects with the audience in front of him...every part of him and everything he do compels the crowd to worship him.

Nakita kong lumibot ang paningin niya na para bang may hinahanap hanggang sa tumigil ang mga mata niya sa direksyon ko. The corner of his lips curved up as he continued playing...but this time with his eyes fixated on me. Despite the thousands of people screaming their name, his eyes remained on me as if I'm the only person that he sees.

"Omg!" tili ni Athena at siniko ako.

Napangisi ako sa ginagawa niya at mahinang siniko ko siya pabalik. Pakiramdam ko ay bumalik kami sa panahon na bata pa kami at nag fa-fangirl sa Royalty kahit na kapag nasa BHO CAMP naman sila ay hindi namin sila pinagpapapansin. Back then, we just love them as Royalty. Now, I love one of them as he is.

"Archer ang pogi mo!" malakas na sigaw ni Athena. Noon kasi ay talagang si Archer ang pinakapaborito niya sa banda. Bukod kay Comet na drummer noon. Kaya nga hindi tumanggi si Athena noon na maka-date si Archer. I mean...crush mo tatanggihan mo?

Iyon nga lang hanggang doon lang iyon. Bukod sa alam naman ni Athena kung sino talaga ang gusto niya ay alam din niya na iba ang gusto ni Archer ng mga panahon na iyon. Kahit pa na noong mga panahon na iyon ay hindi pa alam iyon ng lalaki mismo.

"Asawa ko 'yan."

"Asawa kita."

Napahalakhak ako nang makita kong nakalapit na sa amin ang magkapatid na Fiere at Aiere. Si Aiere na ang tinutukoy ay ang asawa niyang si Archer at si Fiere na ang tinutukoy ay ang asawa niyang napa-peace sign na lang.

"Walang personalan, fangirling lang." sabi ni Athena at muling itinaas ang cellphone niya at animo kikinsot sa sobrang likot. "Harmony we love you!"

Mukhang nakuntento naman ang magkapatid dahil tumabi na lang si Fiere sa asawa habang si Aiere ay tumabi sa kabilang panig ko. Hindi nagtagal ay hindi na niya pinapansin ang pag fa-fangirl ni Athena dahil mismong siya ay nakikisigaw na rin.

"Woo! I love you, Archer!" sigaw ni Aiere na kulang na lang ata ay tumalon sa harang para makapunta sa state. "Tumabi ka diyan, King! TInatakpan mo ang bebe ko!"

Nagpatuloy sa pagkanta si King na mukhang hindi naman narinig ang tinuran ng babae. Napapahalakhak na lang ako sa pinaggagawa nila. Wala rin akong balak magpatalo no.

Akmang ibubuka ko ang mga labi ko para isigaw ang pangalan ni Thunder nang maunahan ako ng isang babae na nasa bandang likuran namin. "Thunder, pakasalan mo ko!"

Matalim ang tingin na nilingon ko ang babae at sinimangutan ko siya. Mukhang nasindak naman iyon dahil natigilan siya sa pagsigaw at bahagyang nanglaki ang mga mata. "Ako nga na girlfriend ayaw pakasalanan tapos uunahan mo pa ko? Ako muna!"

Inaasahan kong makikipagtalo sa akin ang babae. Karamihan kasi sa mga fan ganoon. Parang lahat kinakaniya ang mga band members. Pero sabi nga noon ni Den, asawa ni Rushmore na rhythm guitarist ng banda, ang Royalty fans ay may class.

"Thunder, we love you! Pakasalanan mo na ang girlfriend mo, we support!" sigaw niya ulit.

Napangiti ako at nag thumbs up ako sa kaniya bago ako bumaling sa stage at sumigaw din. "May approval na ako ng fans mo!"

Dahil patapos na ang kanta ay bahagya ng humihina ang tugtog dahilan para mas umangat ang sigawan ng mga tao. Nakita kong napangisi si Thunder na mukhang narinig ang isinigaw namin. Imbes na mahiya ay ibinalik ko lang sa kaniya ang ngiti niya at pagkatapos ay muling isinigaw ang pangalan niya.

Sa kabila ng init ng paligid dahil sa napakadaming tao at nakakabinging ingay ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi namin na nanonood sa kanila nang magpatuloy sila sa pangalawa nilang kanta na 'Rough Sex'. Sa ilang taon na magkakasama sila ay hindi maitatagong konektado na ang bawat galaw at bawat bagsak ng tunog mula sa mga instrumento nila pero sa pagkakataon na ito ay para bang higit pa doon ang pinapakita nila. They're more than connected because they're moving as if they are a single entity. Ewan ko ba. There's something in the energy around the band that tells me that they're playing harder more than they usually do. Na para bang ibinubuhos na nila lahat ng kaya nila sa gabing ito.

That's when it finally hit me.

This could be the last. Maaaring ito na ang huling beses na magkakasama sila bilang isang buo na banda. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay may posibilidad na babalik silang hindi na kumpleto ulit. That's why every one of them is giving their all...giving every bit of them as if this moment would be the last.

Napatingin ako sa tabi ko nang maramdaman ko na may humawak sa kamay ko. May pang-unawa sa tingin ni Athena nang marahan niyang pisilin ang kamay ko at pagkatapos ay umikot ang kamay niya sa bewang ko at patagilid na yumakap sa akin.

"Hey, Royalties!"

Umalingawngaw sa paligid ang boses ni King nang malakas siyang nagsalita sa mikropono pagkatapos na pagkatapos ng kanta nila. Lumakad siya hanggang sa nasa dulo na siya ng entablado at tumuro siya sa harapan niya. "Okay pa ba ang mga nasa likod?"

Nakakabinging hiyawan ang naging sagot ng mga tao na ikinangiti ni King bago siya tumingin sa gawi namin sa harapan. "Kamusta naman ang nasa VIP section namin? Nasaan ang asawa ko?"

Napuno ng tawanan ang lugar nang ilagay pa ng lalaki ang kamay sa noo na para bang pilit tinatanaw ang asawa niya na nakatayo lang naman di kalayuan sa amin. As usual, Freezale just waved as if telling him to carry on.

"That's my beautiful wife and the love of my life." he said with a proud smile. He turned away and scanned the crowd again. "And there's Aiere, Archer's wife na masama ang tingin sa akin dahil malamang nahaharangan ko na naman ang asawa niya. There's Rushmore's wife, Den, na masama rin ang tingin sa akin, and Hera ang official at exclusive na kaharutan ni Thunder, and...Oh! Wala si Ocean! Malamang nasa BHO CAMP pa iyon at busy sa pagluluto. If you don't know him siya lang naman ang crush ni Ha-"

Hindi naituloy ni King ang sasabihin niya dahil bigla na lang umalingawngaw ang tunog ng drums kung saan naroon si Harmony at masama ang pagkakatingin kay King na napangisi lang. Muli siyang naglakad papunta sa gitna ng stage at kumaway sa mga taong nanonood dahilan para muling mapatili ang mga iyon.

"Alright, we better get back to singing bago pa ako mapagalitan ng manager namin. We'll be singing your favorites tonight, some new ones, at iba na ngayon niyo pa lang maririnig. Alam niyo naman ang mga kabanda ko. Kapag mga naiinlove nakakalimutan na ang pagiging rock band namin."

"God! Just get it done with." reklamo ni Harmony sa sariling mic.

Nilingon siya ni King, "Ganiyan ba makipag-usap sa mas matanda sa iyo?"

"Just get it done with, Lolo!"

Nagtawanan ang mga tao habang si King naman ay naiiling na lang na bumalik sa puwesto niya. Kalaunan ay muli silang nagsimulang tumugtog. And again the crowd lose their mind as they immersed themselves with the band's music. Habang ako ay hindi mapigilang hindi mapatitig sa taong bumubuo sa mundo ko. The man playing his guitar as if he's on top of the world...like he belong there.

This is the Thunder I know. He's loud and he's fun. Lahat sa kaniya biro lang, lahat panandalian lang, lahat puro masaya lang. That's what it is between us before. Laro lang. But we changed. We changed and we became a permanent fixture in each others world.

"I love you, Thunder!"

Sa kabila ng ingay sa paligid ay napatingin sa gawi ko ang lalaki at kaagad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya. I saw him mouthed the same words that escaped my lips.

Hindi namin alam kung gaanong katagal at kung ilang kanta na ang lumipas. Sa mga oras na iyon parang huminto ang lahat at nakulong kami sa mundo kung saan lahat ng inaalala namin ay nililipad na lang ng hangin. As we threw our hands up and shouted the lyrics of the songs, so is our worries that faded into the background.

Isa-isang kinanta ng Royalty ang mga kilala nilang mga kanta. Mula pa noon at ang ilan na mas mellow kesa sa iba. They also played their latest song na si Archer ang gumawa at kumanta, ang Moonlight Dream.

When the last song finally ended, I saw King went to Thunder and clapped him on the back. Sandaling may kung anong namagitan sa kanila bago siya pinakawalan ni King. Sumunod na lumapit sa kaniya si Rushmore na kahit sa layo nila sa amin ay kita ko ang hindi maitatagong emosyon sa mukha. Then Archer followed by Harmony went to him, Archer doing the same thing King did while Harmony hugged him much to the crow's surprise. Hindi kasi si Harmony ang klase ng tao na gumagawa ng gano'n. She's every bit of the rockstar like her band members.

"You know the drill guys." narinig kong sabi ni Thunder sa mikropono. Nakasukbit pa rin sa kaniya ang guitara niya pero sa pagkakataon na ito ay siya ang nakatayo sa sentro ng banda habang ang iba ay nasa likuran niya lang. "Ako na umiiwas sa lahat ng kumplikasyon ng pag-ibig ay nandito ngayon because that's what exactly happened. I fell in love with a woman the clearly deserves more than I can give but luckily for me, she fell for me too."

Napangiti si Thunder nang kumalat ang pag "aww" ng mga taong nakikinig sa kaniya. "I'm not proposing. Alam niya rin iyon. I can't take advantage of her that much. Alam niya kung ano ang totoong nangyayari sa akin at alam ko na araw-araw ay pinahihirapan siya ng katotohanan na iyon."

"If anyone heard about the humor about me quitting the band that's not exactly wrong. I'm not quitting but I probably won't be playing again with them. Ito na ang huling beses na makakasama ko sila. The last time that I will be playing with the band that became like a family to me. These people that made me experienced what it's like to be someone that I want to be. Hindi maging isang tao na inakala na nakalatag na kung ano ang maaaring maging ako pagdating ng araw." Nilingon niya ang mga kabanda na ngayon ay hindi alam ang gagawin para itago ang bumabakas na emosyon sa mga mukha nila. I even saw Harmony turned away, acting as if she's fixing something on her instrument. "Music has been with me all my life. Pero ngayon kailangan ko na munang bumitaw para sa mga taong lumalaban para sa akin. Para harapin ko iyong bagay na matagal ko ng tinatakbuhan. I am sick and I am dying."

"I am sick and dying. Noon sabi ko sa sarili ko...maybe it wouldn't be so bad. Because the people around me won't need to suffer anymore. And who knows, baka makita ko pa si Comet kung nasaan man siya. But now I have so much to lose. So yes, maybe I am dying but I am also trying. Sinusubukan kong lumaban kasi gusto ko pang makasama ang mga taong mahal ko. I owe them that. I need to fight as long as I can because I owe it to everyone that I love."

Ang kaninang maingay na concert hall ay napuno ngayon ng katahimikan habang hindi makapaniwala ang lahat na pinapakinggan lang si Thunder sa pagsasalita. I bit down my lip as I looked at the man standing in front of me saying his goodbyes as if he's already leaving.

I felt Athena's hand tightened on mine but even that can't ground me on where I was standing. Pakiramdam ko ay unti-unting kumakawala ang lahat mula sa akin habang ang puso ko ay pinaghaharian ng takot.

Para bang nararamdaman ni Thunder ang sakit na gumugumon sa akin ay dumako ang tingin niya sa kinaroroonan ko. He gave me that smile he always give and I saw the subtle gesture of his hand where he tapped his fingers on his chest as if saying the words I keep on asking him to tell me. Keep it beating.

"To Hera Scott, the love that I don't deserve but still the heaven see fit to give her to me. Mahal na mahal kita. Kung kaya ko lang ibigay sa'yo lahat at ang ipangako ang mundo para sa'yo ginawa ko na. But I can only promise you that I will keep on fighting. Kahit gaano kahirap. Kahit parang imposible na. I will keep it beating as long as I can. I will never choose to leave you if it's in my power to make a choice because being with you was one of the greatest things that ever happened to me in this lifetime. But can you also promise me one thing?"

Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa direksyon ko pero nanatiling na kay Thunder lang ang atensyon ko. Kahit pa pakiramdam ko ay hindi ko magawang igalaw ang katawan ko ay pilit kong sinunod ang ulo ko para tumango.

"Promise me if I fail to fight through that you will try to be happy again. Miss me a little but not for too long. Please promise me that."

Umiling ako habang tuluyan ng kumawala ang luha mula sa mga mata ko. Nakita ko ang pag ngiti ni Thunder na para bang naiintindihan ang naging sagot ko. But that's the only answer that I can give because the truth. I don't know if I can be happy again. I don't know how I can when there's no him with me.

Hindi ko maintindihan. Alam niyang may paraan. Alam niyang gumagawa ang lahat ng paraan. Pero kung magsalita siya bakit parang tinatanggap niya ang posibilidad na maaring wala na? It's like he's fighting to live just so we can be ready for the moment that he won't be anymore.

Nakita kong lumingon si Thunder sa mga kasamahan niya at pagkatapos no'n ay nagsimulang pumainlang sa paligid ang hindi pamilyar na kanta. Sa malaking screen sa likod nilay ay may nakasulat na 'Beat' habang sa baba ay pangalan ni Thunder na siyang sumulat ng kanta.

"Always a second too late, running out of faith. Like lightning striking the sky the roar comes late with the question why. No matter how fast I run...I keep circling back to where I begun. No way to escape the doom of my life that has been set from the very start."

Tumingin si Thunder ng direkta sa akin na para bang sa kabila ng dami ng tao sa paligid namin ay ako lang ang nakikita niya. His eyes is full with so much love but there's also pain. Hindi ko maintindihan ang bagay na iyon. May iba sa nakikita ko sa mga mata niya.

"Then I found the love from the one I shouldn't have. As the clock keeps on ticking by and the hourglass lose its sand. With my head bowed down can someone hear my prayer?"

I watched him as he stopped playing the guitar and put it down on its stand. Kita ko ang pagtataka sa mga tao sa likod niya pero pinagpatuloy nila ang ginagawa. I saw King reached for a guitar of his own and started playing Thunder's part.

"Please keep it beating. Give me more time, stop the running. Stop the time, keep it beating. Keep it beating for the one I love."

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko kasabay na namataan ko si Freezale na napasinghap habang hawak ang sariling cellphone. Kunot ang noo na inilabas ko ang sa akin pero bago ko pa mabasa iyon ay narinig ko ang muling pagkanta ni Thunder. Pero sa pagkakataon na ito ay puno ng tila iniindang sakit ang boses niya.

"Thunder..." I said as fear grasped on my heart.

"S-Speeding so fast around me...I can't catch up yet I can't slow down. When the only time running out is mine...how can I keep it beating?"

"Thunder!"

Natabunan ang sigaw ko ng mga sigawan ng mga tao sa paligid ko nang sa isang iglap ay bumagsak ang lalaki sa sahig. Mabilis ang mga naging pangyayari. Agad siyang dinaluhan ng mga kasamahan niya habang sa magkabilang panig ng stage ay lumabas ang ilang mga tao para tulungan sila.

"Hera! Look at me!"

Wala akong maramdaman kundi panlalamig. Wala akong maramdaman kundi takot. Pakiramdam ko unti-unting nawawala ang lahat sa harapan ko na hindi ko na magawang makita kung ano ang totoo. It feels like the ground I'm standing on is starting to crumble...sending me to the pit of nothingness as I look at the man I love.

"Hera!"

Naramdaman ko ang kamay ni Athena na pilit hinarap ang mukha ko sa direksyon niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala pero wala akong maramdaman. Dahil takot...iyon lang ang meron ako.

"Draco Miguel Night died just a few minutes ago. We need to get back."

Miss me a little but not for too long.

____________________End of Chapter 15.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top