Chapter 21: Detach




#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

AIERE'S POV

Nakasalpak ang earphones sa mga tenga na nananatiling nakatutok ang atensyon ko sa monitor sa harapan ko. Nakaupo ako sa isa sa mga lounger sa private pool dito sa presidential suite ng Conrad Manila. I can see from here the buzzing streets of Manila Bay but I can't focus on it now.

Lahat ng kasama ko ngayon ay nagpapahinga na maliban sa ilang mga kasamahan ko na iniikot ang parameter ng kinaroroonan namin; namely Nyx and Erebus. Although, I'm pretty sure that Nyx is working over time. Pambansang antukin si Erebus eh kaya siguradong nakahimlay na naman kung saan iyon.

I was supposed to be the one doing a check. Iyon nga lang busy pa ako sa ginagawa ko at mukhang nakahalata naman si Nyx kahit hindi naman ako nagpaliwanag sa kaniya. O sa kahit na sinong mga agent. Wala naman kasi akong inaamin o tinatanggi sa koneksyon ko sa mission tungkol kay Archer. All they know is that Dawn haven't hand out the mission to anyone formally. Kahit pa na nararamdaman kong may hinuha na sila na nasa akin na iyon.

I looked down on my phone when I saw it light up. Hininto ko muna ang pinapakinggan ko para basahin iyon. Binasa ko ang mensahe at nakita ko na kay Nyx galing 'yon na sinasabing tapos na silang mag check at tatambay muna daw sila ni Erebus sa bar area kasama ng iba pang mga agent.

Binaba ko ang phone at muli kong pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. Sigurado naman na may dalang key card sina Nyx at Erebus kaya anong oras naman ay pwede silang bumalik dito. Hindi ko na rin sila pinaalalahanan tungkol sa pag-inom gayong may trabaho kami bukas. Tambay sa inuman ang mga iyon mula ng tumapak sila sa legal age.

Nyx and Erebus are staying with us in the presidential suite. Kasama si Thunder, King, at Archer na natutulog na ngayon. Si Rushmore naman ay kasama ang asawa niya sa isa sa mga executive rooms na hindi na rin nakakapagtaka dahil kinakailangan naman talaga ng mag-asawa na iyon na hindi mapaghiwalay ng maraming privacy. Harmony on the other hand is staying with her parents' condo unit near Mall of Asia, the venue for tomorrow kung saan gaganapin ang fan meet nila.

The other agents; Hera, Adonis, Hermes, and Eris are staying at a twin executive room here at the same hotel.

Muli akong nagpokus sa pinakikinggan ko. It's a conversation recorded and transcribed years ago. Conversation between Christopher Chase and one of the perpetrators, Ramon Quiano. I listened to this when Dawn gave it to me two days ago but now I'm listening to it again. Nagbabakasali na may mahanap pa ako na kahit na anong lead kahit na nang unang marinig ko iyon ay wala naman akong napansin na kahit na anong kakaiba.

QUIANO: Limang milyon kapalit ng mga anak mo.

CHRISTOPHER: Ano bang ginawa naming masama sa inyo? Bakit niyo ginagawa 'to? Walang kinalaman ang anak ko sa kung ano man ang gusto niyo sa amin.

QUIANO: Limang milyon. Bibigyan kita ng tatlong araw para ayusin ang lahat. Makakatanggap ka ulit ng tawag mula sa akin pagkatapos ng isang araw para magkasiguraduhan tayong kumikilos ka. 'Wag kang magtangka na tumawag pabalik sa akin.

CHRISTOPHER: Sinong nag-utos sa inyo para gawin 'to? Ang mga Asterio ba?

QUIANO: Wala ka sa pusisyon para magtanong. Ibigay mo lang ang limang milyon at hindi tayo magkakaro'n ng problema. Suguraduhin mo din na hindi 'to aabot sa pulisya o isa sa mga anak mo ang magbabayad.

End call.

Ito ang pangalawang tawag. Ayon sa source ito ay nangyari apat na oras pagkatapos ma-kidnap sina Archer at Ace sa tapat ng school kung saan sila nag-aaral. Susunduin sila dapat ng nanay nila pero nang dumating ang ginang ay hindi nila mahagilap ang mga bata. Sabi ng isang nakakita ay sumakay daw ang dalawa sa isang itim na van na katulad din sa ginagamit ng pamilyang Chase.

Ang pinakaunang tawag ay recorded call lang ng kidnapper kung saan pinagbibigay alam niya na nasa kaniya ang mga bata. It was sent an hour after the children were kidnapped. Apat na oras pagkatapos no'n ay tumawag si Christopher Chase sa kidnapper dahilan para mangyari ang palitan ng pag-uusap kung saan kalalabas pa lang ng lalaki mula sa opisina niya. According to the police statement, Christopher Chase himself recorded the conversation because he thought it would be useful to the police. Almost an hour after that, Archer's father went to his wife and they filed a complaint.

QUIANO: Inahahanda mo na ba ang pera ko? Nauubos na ang oras mo. Sa susunod na tawag ko ay dapat na sa'yo na ang pera. Ipadadala ko ang pagbabagsakan mo ng pera.

CHRISTOPHER: Nasa akin na lahat. Kahit magkano ibibigay ko maibalik mo lang ng ligtas ang mga bata. Sabihin mo lang kung nasaan kayo o kahit makita ko lang ang mga bata kahit saglit.

QUIANO: Mukhang hindi naman talaga mahirap para sa'yo na ayusin agad ang gano'ng pero ano? Kaya napag-isipan namin...mayaman naman kayo. Bakit naman limang milyon lang ang hihingin namin sa'yo?

CHRISTOPHER: A-Ano?

QUIANO: Dalawampung milyon para sa mga anak mo.

CHRISTOPHER: H-Hindi iyan ang napag-usapan natin- ang sabi mo...ang sabi mo ibabalik mo na ang anak ko kapag nakuha mo na ang gusto mo!

QUIANO: Hindi lang limang milyon ang gusto ko.

QUIANO: Hindi nagbabago ang palugit kong mga araw. Naka-isa ka na. May dalawang araw ka na lang para ihanda ang perang kailangan ko.

CHRISTOPHER: Hindi ito ang napag-usapan natin!

End call.

Na gawang i-record ang pag-uusap na ito sa tulong ng pulisya. Hindi katulad ng unang audio ay mas malinis ang pag-uusap dito. Pero pakiramdam ko ay may mali sa mga audio. Pakiramdam ko ay may nakakaligtaan ako sa pagkakabuo ng mga ito. At higit sa lahat ay may kung anong bumabagabag sa akin sa pag-uusap nila na hindi ko makuha agad.

Inilagay mo muna sa likod ng utak ko ang kung ano man na bumabagabag sa akin at pinagpatuloy ko muna ang pakikinig.

QUIANO: May isang araw ka na lang Chase. Naihanda mo na ba ang lahat?

CHRISTOPHER: Hayup ka. Wala kang awa. Ibalik mo ang mga bata!

QUIANO: Mukhang hindi mo ata narinig ang tanong ko. Naihanda mo na ba ang pera ko?

CHRISTOPHER: Hindi gano'ng kadali na kumalap ng dalawampung milyon! Inutil! Sa tingin mo ba ay gano'n ko na lang magagawang pigaan ng pera ang kompanya ko?!

QUIANO: Sa tingin ko mas mapapadali ka sa pagdedesisyon pag narinig mo ang mga anak mo.

Pakiramdam ko ay nanindig lahat ng balahibo ko nang tumimo na sa utak ko ang kung ano ang nakakaligtaan ko. Kasabay pa n'yon ay ang sigawan na naririnig ko. Sigaw ng mga batang tinatawag ang ama nila. Umiiyak para tulungan sila.

Isa sa mga iyon ay boses ni Archer.

Tila paulit-ulit nadudurog ang puso ko sa mga sigaw niya na naririnig ko. Ang ilan ay tinatawag niya ang ama niya at ang ilan naman ay sumisigaw para sa kapatid niya na siyang mukhang inilapit sa telepono para kausapin ang ama niya.

ASHLEY: Papa! I don't want to be here anymore. I'm scared! They hurt kuya because of me!

CHRISTOPHER: Anak gagawa ng paraan si papa. Promise. Kukunin kita.

ASHLEY: Papa!

QUIANO: Siguro naman sapat na 'yan para ibigay mo sa akin ang hinihingi ko. Baka kapag hindi ako nakapagtimpi ay tuluyan ng masaktan ang mga 'to. Lalong lalo na itong babae mong anak na rinding rindi na ako.

Rinig ko sa recording ang humihinang sigaw ni Ashley dahil siguro sa inilalayo na siya sa telepono. Pero kahit gano'n ay malinaw ko pa rin nauulingan ang mga sigaw niya kasunod ng malakas na galabod. Her cries turned pain followed by Archer's voice calling out for her. Then the sound of running then another commotion. Ashley's next scream was different. It wasn't pained but like she was screaming for his brother who probably took a beating for her.

CHRISTOPHER: Wag mong gagalawin ang anak ko!

QUIANO: Dalawampung milyon. Sa lugar na sasabihin ko.

CHRISTOPHER: Sampung milyon.

QUIANO: Kapag hindi ka tumupad sa gusto ko, alam mo na kung anong mangyayari.

CHRISTOPHER: Sampung milyon lang ang kaya kong ibigay.

QUIANO: Sinasabi mo bang isang anak mo lang ang gusto mong iligtas? Sino ba sa kanilang dalawa ang gusto mong iligtas.

Nakakabinging sigaw ang nagmula mula sa audio. Sigaw ng ina nina Chase at Ashley. Walang maintindihan sa sinasabi niya maliban sa pagtawag sa pangalan ng asawa niya.

Isa na naman ang tumimo sa utak ko sa naririnig.

CHRISTOPHER: Sampung milyon lang.

QUIANO: Dalawampung milyon ang gusto ko. Hindi ikaw ang kumokontrol sa sitwasyon. Pero dahil natutuwa ako sa iyo...gusto kong malaman kung sino ba ang pipiliin mo.

CHRISTOPHER: Kill the boy and give me back my daughter.

QUIANO: Dalawampung milyon pa rin ang gusto ko. Ang sampung milyon ay ipadadala mo bukas ng umaga sa lugar na sasabihin ko sa'yo. Ang sampu pa ay sa oras na kukunin mo na ang mga anak mo.

End call.

Ayon sa source ay mismong pulisya ang tumigil sa tawag. Ayaw magpaawat ni Christopher Chase kahit na anong pigil nila sa ginagawa ng lalaki. Pero nang marinig nila ang sinabi nito sa huli ay sila na mismo ang kumilos.

It's a stupid thing to provoke the perpetrator. Pero mas lalong katangahan na bigyan sila ng ideya sa paggawa ng mas malalang kasalanan. Lalo na kung manggagaling iyon sa mismong panig ng dapat ay nagpoprotekta sa mga bata.

A day after the call, they were given a location to drop the money. The first location was in a public place and not even the police got to the man who claimed it. Ang pangalawang lokasyon ay sa mas liblib na lugar. The rescue were on stand-by. Nang maibigay ang pera, pagkatapos ng halos isang oras ay naglabas ang mga kidnapper ng dalawang malalaking crate ang mga kidnapper. Kinuha nila ang kalahati ng pera at nagtangkang tumakas pero hindi nila nagawa. Pinaulanan ng bala ang buong warehouse.

Inakala ng pulisya na laman ng dalawang crate ang dalawang bata. But they found Archer inside the warehouse inside of another crate. He was alive but barely. Ilan sa palitan ng mga bala ay tumama sa kaniya.

Outside of the warehouse the police retrieved Ashley's remains from two of the crates. Two because they sawed her in halves. Christopher Chase didn't gave them twenty million. He gave them two point five at the first location and another at the second.

Ang mga bata.

Anak ko.

Hindi ito ang napagkasunduan natin.

Hindi ikaw ang kumokontrol sa sitwasyon.

Tinanggal ko ang suot kong earphones at kinuha ko ang cellphone ko para tumawag ako ro'n. Hindi ko naman kinakailangan maghintay ng matagal dahil kaagad sumagot ang tinatawagan ko. I can feel cold creeping inside my body but it's not from the cool breeze but from something inside me.

"What is it?"

HIndi ko na pinansin ang phone etiquette ni Dawn dahil alam ko na alam niya na urgent para sa akin na tumawag ng ganitong ala-una na ng madaling-araw. "First, the kidnapper's van. Katulad ng van na ginagamit ng pamilya ni Chase kapag sinusundo sila."

"Yes. Naisip siguro nila na mas mapapasama nila ang mga bata kapag kamukha ng sasakyan nila ang gagamitin nila." sagot ni Dawn na kaagad nagawang sakyan ang tatahakin ng usapan. She must realized that I'm working on the files she gave me.

"It was a latest model, Dawn. This people are going after Chase's money. Bakit pa sila magsasayang ng pera para sa magarbong sasakyan na hindi naman nila magagamit ng matagal dahil siguradong tutugusin iyon ng pulisya?"

"Coincidence?"

Probably but not likely. "That's the first one. Second, iyong audio recordings. Is it possible to clean the second recording and match it to the first one?"

"I'll tell the experiment department to get to it now. Why?"

"Iyong first audio ay tunog kulob. Ginawa sa warehouse siguro. Iyong pangalawa maingay, parang sa publikong lugar. Iyong mga sumunod ay halo ng kulob galing sa kidnapper at isa na malinis dahil ginawa iyon sa pulisya."

"And?"

"I'll get to that later. Third thing I noticed. Ilang beses binanggit ni Christopher Chase ang salitang 'anak ko'. I didn't noticed it at first dahil sinasabi rin niya naman ang salitang 'mga bata' patungkol sa mga anak niya. But he said to Ashley that he will get her. 'Kukunin kita', iyon ang salita niya."

"Maybe because he was talking to her." Dawn said, playing the bad cop to see two different perspectives.

"Tatlong beses niya nabanggit ang mga salitang 'anak ko', Dawn. Pang-apat ay nang sabihin niya na pinipili niya ang 'daughter' niya."

Sandaling natahimik si Dawn na parang nag-iisip. Alam ko na sa iisang direksyon lang ang pinupuntahan ng mga utak namin kaya muli akong nagsalita. "This lead me to my theory. Archer's father is behind this."

"Why?" she whispered.

Kahit ako ay hindi ko makuhang paniwalaan na maaaring maging posible ito. Sinong ama ang magagawa ito sa sarili niyang anak? "I found some information about Asterio. Kalaban sila ng mga Chase sa negosyo. Nakita ko sa files na meron din doon na tungkol sa Asterio pero wala naman silang nabanggit maliban sa magkalaban lang sila sa negosyo."

"Are you insinuating that Archer's father might not-"

"Christopher Chase might not be his father. Yes."

"And this Asterio? Maaaring isa sa mga Asterio ang ama niya dahil sa pagkakatanda ko ay ilan sa mga police report ang naglalaman ng mga pahayag ni Christopher Chase tungkol sa kanila."

"I think so. That's why I need the clean up version of the second audio. If it can be clean up then there's two location and I'm wrong. Dahil sa tingin ko ay sa iisang lugar lang ginawa ang pag-uusap ni Christopher Chase at Ramon Quiano."

"What?!"

Isa iyon sa mga napansin ko kanina. Masyadong distinct ang tunog ng audio recordings sa mga tawag ni Quiano lalo na sa parte kung saan pinakausap niya pa si Ashley kay Christopher Chase. Lahat magkakapareha maliban sa second recording na mukhang kuha sa publikong lugar. "An hour after his children we're kidnapped, the perpetrator left a voice message. Three hours after that, exactly four hours after the kidnapping, tumawag si Christopher Chase kay Quiano. When he called Quiano, he was in the office.

"Yes."

"Rinig sa background ang normal chatter ng isang opisina, Dawn. But I can't hear the familiar sound of the warehouse na obvious sa iba pang mga tawag."

"Ibig mong sabihin-"

"The conversation as done in the same place. Hindi malayo ang warehouse sa opisina ni Christopher Chase. Maaaring nag-iwan siya ng mensahe mula sa warehouse at pagkatapos ay nakipagkita sa lalaki. There's no CCTV footage from Christopher Chase's office collected by the police because it isn't needed. Dahil sinong mag-iisip na siya ang gagawa nito? But after the last call, the police did investigate him. Pero wala silang nakitang kakaiba. Sa dami rin ng naglalabas pasok sa opisina ng gma Chase, malabong makita pa nila si Quiano. It's the safest place for them to meet. Easy access and controllable environment."

"Hindi lang ito simpleng sitwasyon kung saan tinangka niyang isakprisyo ng buhay ng isang bata dahil hindi niya gustong magbayad ng mahal na halaga kung kaya't pinili niya ang buhay ng sarili niyang anak? Dahil bakit nga naman niya babayaran ang batang hindi kaniya."

"No." I answered.

"He's the one beside the kidnapping."

I bit my lip, pain seeping into me on that thought. But it's possible. It's highly possible that that's the case. Kung hindi niya anak si Archer at nalaman niya, maaaring iyon ang dahilan sa mga nangyari. Hindi nga lang siya nagtagumpay sa gusto niya dahilan para sarili niyang anak ang kinakailangan magbayad sa masama niyang balakin.

Marahas na napaangat ang ulo ko nang makaramdam ako ng paggalaw mula sa likod kasunod ng mahinang ingay mula sa pagbukas ng pintuan. Mabilis na sinarado ko ang laptop ko habang nakatingin pa rin sa pintuan kung saan iniluwa si Archer na kita pa rin sa mukha ang antok.

"I'll call you later. I need the clean version the sooner the better." I whispered.

"Noted."

Namatay ang linya pero hindi ko binitawan ang cellphone ko. "Siguraduhin niyo lang na hindi kayo magpapakalasing Nyx at may trabaho pa kayo bukas. Siguradong papagalitan kayo ni Dawn." Huminto sa tapat ko si Archer at bahagya ko siyang nginitian habang nagpatuloy sa pagpapanggap ko na may kausap. "Fine. You have your key card so I won't wait for you."

Ibinaba ko ang phone ko at tumayo ako para lumapit sa lalaki. Kaagad na pumalibot ang mga braso niya sa bewang ko at inaantok na sumubsob siya sa leeg ko.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko. "Kailangan mong magpahinga para bukas."

"Ang likot matulog ni Thunder. Saka hindi ko siya gustong katabi."

Bahagya akong natawa. "Pagtiisan mo na. Alangan naman si Nyx ang matulog sa sofa tapos si Erebus ang katabi ni Thunder para tayo ang magkasama."

"Hindi ba pwede?"

I spend almost everyday with him since that first night we shared together. It was more than a week ago if I'm right. And those days, we're inseparable.

I enjoyed being with him. Parang may sarili kaming mundo dahil hindi namin magawang pansinin ang mga taong malamang ay gustong malaman ang tungkol sa kung anong relasyon namin. But we stayed quiet and enjoyed each others company. Hindi namin kailangan tumanggi o umamin dahil wala pa naman kaming kailangan sabihin.

Kahit ako ay hindi ko alam kung anong stado ng relasyon namin maliban sa wala akong pangambang sabihin na akin lang siya. At gano'n din ako sa kaniya.

It wasn't just about sex. Kahit na lagi kaming magkasama ay hindi do'n umiikot ang mga araw namin. After than first night, we only did it once and that was yesterday. I know that he's been with a lot of women before. Alam ko rin at ilang beses kong nakita kung paano siya sa ibang babae noon. He's like Thunder but in a more tame version. I know that he slept with a lot of them. But he doesn't treat me like that. Hindi niya pinararamdam sa akin na iyon lang ang habol niya.

I feel that every time we kissed. Nararamdaman ko iyon sa bawat dampi ng balat niya sa akin.

Of course, us not using protection at out firs time was an issue. I told him about it. But he promise that he's always been careful and he will get an update so I can be sure. He didn't need to though. I trust him.

"Hindi pwede. Lagot tayo sa nanay ni Nyx kapag inapi natin 'yon."

He chuckled under his breath, its warmth hitting me, sending tingles all over my body. "Right. But once we get back..."

Hinaplos ko ang buhok niya. "Pagbalik natin, sa'yo lang ako."

Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko. Nag-angat siya ng mukha at umayos ng tayo habang nakapalibot pa rin ang mga bisig niya sa katawan ko. "Do you promise?"

"Oo naman. We don't need to leave your villa. Magdadala na ako ng madaming damit para maghapon tayong magkasama. Oh! And we can play Mobile Guardians!"

"That's not what I meant."

I looked at him with confusion in my face. "I don't understand-"

"Gusto ko akin ka lang."

This time, I'm the one who was taken off guard. It wasn't a confession. It's not even near an I love you. Pero kahit gano'n pa man...pakiramdam ko ay gustong sumabog ng puso ko sa sobrang emosyong pumupuno ro'n.

"Sa'yo lang ako. Kahit ga'no pa katagal na gusto mo." iniangat ko ang kamay ko at itinapat ko 'yon sa puso niya. "Basta akin lang 'to."

Ramdam ko ang takot ko sa sinabi ko sa kaniya. Takot na baka itanggi niya ang bagay na iyon. Na baka hindi niya magawang ibigay pa sa akin ang gusto kong makuha. I tried telling myself that I should just be happy loving him. But I can't.

Mahirap magmahal ng walang kasiguraduhan. Mahirap magmahal habang hinihintay mo na magawa niyang ibalik iyon sa'yo. Mahirap magmahal na hindi mo alam kung may dapat ka bang intayin sa kaniya. Kung may dapat ka bang panghawakan.

"Sa'yo lang."

Those two words means the world to me. It wasn't an I love you. It was no where near that. But it was enough.

I looked up in the night sky and smiled when I saw the the moon gracing us with the beauty of its light. In his arms under the moonlight, I cried a lot of times. In his arms under the same moon, I've been broken. But now in his arms...the tears had run dry, the pain healed, and there's nothing in my heart but the feeling of warmth and peace.








PINIGILAN kong tumaas ang kilay habang pinapanood ang nagkakagulong mga kababaihan sa harapan ng mga band member na ngayon ay nakaupo sa mahabang lamesa at pumipirma sa album at official poster ng banda. Marami ring mga lalaki na hindi magkamayaw sa pagtawag ng pangalan ni Harmony na hindi lang ngumiti kahit isang beses at parang nakikipagmarathon sa pagpirma at pagharap sa mga kamerang nakatutok sa kaniya kapag may gusto ng selfie.

I don't think the men even care. Parang mas lalo silang natutuwa sa babae sa katarayan niya.

I don't think Harmony's a snob. She just rarely smile. She's actually an adorable clumsy little rockstar. Iyon siguro ang nakikita sa kaniya ng fans niya kesa ang ipinapakita niyang aura. I can remember the days when she's her happy self. Pero matagal ng wala ang Harmony na 'yon. Like her laughter died the same day her brother did.

Dumako ang tingin ko kay Archer na maliit na ngiti lang ang binibigay sa mga kamera ng fans niya. Tahimik lang siyang pumipirma at tumatango lang siya sa kung anong sinasabi sa kaniya ng mga nasa pila. Si Rushmore naman ay gano'n din.

Exact opposite sila ng pila nina Thunder at King na all smiles talaga. Sa kanila rin ang pinakamaingay na pila. Kahit pa na sabihing alam ng mundo na taken na si King ay hindi ibig sabihin no'n ay tumigil na rin ang fans niya sa pagpapantasiya sa kaniya. Proven iyon sa isang babae na gustong magpapirma sa pinatato niyang pangalan ni King sa bewang niya na nakangiti at maayos na tinanggihan naman ng lalaki.

Good move in his part. Dahil sigurado akong nanonood si Freezale ngayon na nasa headquarters.

Besides the security cameras that all been hacked around the convention area, we also have Sky Chameleon everywhere. It's a controlled air device. Nagbeblend iyon sa enviroment no'n kaya kahit nakalutang lang sila sa ulunan naming lahat at kadalasan ay gumagalaw iyon para umikot sa paligid ay walang nakakapansin doo'n. Unless you know what you're looking for.

Nyx is handling the control as well as Eris. Ang ibang mga agent ay nagpapaikot-ikot para masiguradong walang makakaligtas sa sensor namin. We're looking for anyone who brought any kinds of offensive devices and arms.

"Masanay ka na. Pag-aari sila ng mundo."

Nilingon ko si Hera na nagsalita mula sa listening device na suot ko. Nasa kanang parte siya ng venue at nakasandal sa pader habang pinapanood ang mga kaganapan habang ako ay nakaupo sa isa sa mga upuan malapit sa stage. Katabi ko ang manager ng banda na si Locke.

Alam ni Archer ang dahilan kung bakit maraming agents ang kasama namin ngayon. Ang alam niya rin ay hindi ako kasama na on-duty. Because I was not supposed to be here out in the open. Supposed to be ay patago akong pupunta rito. But he invited me to go as his.

I want you to be there for me.

How can I even refuse that?

"Alam ko." bulong ko sa mic na nakaipit sa damit ko.

Pag-aari man sila ng mundo bilang mga miyembro ng Royalty pero pag-aari ko si Archer bilang siya. Sa'yo lang.

"Kaya pala parang aabot na ng kabilang planeta ang kilay mo." natatawang sabi ni Hera.

Bahagya kong nilingon si Locke na hindi naman sa akin nakatingin dahil tutok ang mga mata niya sa banda. "Bakit ikaw, okay lang sa'yo na halos sumampa na ang mga babaeng 'to kay Thunder?"

"Oo."

My eyebrow raised again but this time for a different reason. "It's okay with you? Ikaw na numero unong selosa?"

"Sampahan nila kung gusto nila. It's not like they can get him naked here." she said shrugging. "Meanwhile, I'll make sure that I can get him naked later. Sinisiguro ko ring hindi ko siya sasampahan dahil lang gusto kong magpapicture. If you know what I mean."

Umarte akong nasusuka at binigyan ko siya ng matalim na tingin na kinatawa niya lang. Kahit kailangan talaga ang bibig ng babaeng 'to.

Hera is known for her princess attitude. Lahat nakukuha niya basta gusto niya. She's vain, she's extravagant, but most of all she don't go for sugar coated words. Kung anong gusto niyang sabihin ay sasabihin niya.

Nawala sa kaniya ang atensyon ko nang mamataan ko ang nasa unahan ng pila ni Archer na ngayon ay tinatanggal ang suot niya na jacket. Sa pagkagulat ko ay tanging tank top na lang ang suot ng babae at halos lumuwa na ang dibdib niya na hindi na ata kayang takpan ng masikip na damit na suot niya. And those things are humongous.

Nagbaba ako ng tingin sa sarili kong dibdib. It's above than average for my petite body and they suit my curves but...

Pakiramdam ko ay gusto kong mawala sa katotohanang wala akong binatbat sa babaeng nasa harapan ngayon ni Archer. Kahit si Thunder na nasa kabilang dulo ay nanlalaki ang mga matang napatingin sa mga iyon.

I know these kind of situation. They're rock stars. Hindi iilang beses na may nagpapapirma na mga babae sa iba't-ibang parte ng katawan nila sa mga band member. But Archer is not like King. Hindi naman kasal si Archer.

Nakita kong umangat ang kamay ni Archer na may hawak na pentel pen pero bago niya pa maidikit iyon sa balat ng babae ay ibinaba niya rin iyon at tumingin sa gawin ko. Pigil ang emosyon na nakatingin lang ako sa kaniya habang ang mga kamay ko ay mahigpit na nakakuyom.

I saw amusement lit his eyes then he turned to the woman and whispered at the woman. Nang marinig ng babae ang sinabi ni Archer ay nakangiting sunod-sunod na tumango siya na para bang nasiyahan sa sinabi ng lalaki.

To my surprise, Archer started taking off the Royalty's merchandise hoodie his wearing. It's a new one because his old one is in my suitcase. I don't want him to sign that woman's cleavage but that's mine.

That gesture is mine.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nailagay ko na ang dalawa kong daliri sa bibig ko at malakas akong pumito. Napatigil si Archer sa ginagawa niya at gulat na napatingin sa akin. Gano'n din ang babae at ilang mga fan na napatingin sa pinanggalingan ng tunog. Maging si Locke ay nagtatakang nag-angat sa akin ng tingin ng tumayo pa ako.

Humalukipkip ako at direktang tumingin ako kay Archer at umiling. This time, not only his eyes smiled with amusement. He flat out smiled dahilan para lalong magkagulo ang mga nasa pila at magtilian. He rarely smiles.

Muling sinuot ni Archer ang hoodie at may sinabi sa babae na lumingon sa akin. Hindi naman mukhang nainis ang babae at nag thumbs up pa sa akin na parang sinasabing 'Congrats, your man is hot.'.

Mabilis na pinirman ni Archer ang dibdib ng babae na hindi man lang dumadami ang kahit na anong parte niya roon at talang tip lang ng pentel pen ang dumikit sa balat ng babaeng ngiting-ngiti lang na umalis sa pila pagkatapos.

Naalala ko ang laging sinasabi ng asawa ni Rushmore na si Den. Ang tunay na Royalty member daw may class. And class is not about what clothes you wear, the words that came out of your mouth, but your attitude to a situation. Tinuturing man nilang pag-aari ang Royalty members pero hindi nila kinakanya ang mga miyembro bilang sila.

Iyon nga lang ay talagang hindi mawawala minsan ang ibang mga babaeng salungan sa gano'ng ugali na talagang makikipag-away pa sa current girlfriend ng miyembro kung meron man. Dahil kahit si Freezale ay hindi miminsang nakatanggap ng mga salitang hindi magaganda mula sa mga klase ng fans na iyon. Usually it's the new ones. The Royalty newbies.

As I stand there with the fans looking at me, I can see that. May ilan na parang kinikilig...pero marami rin ang parang gusto akong gutay-gutayin.

"You better seat down, Aiere." naiiling na sabi ni Locke. "Those boys. Bakit ba hindi nila ako sabihan muna kapag may babae na sa buhay nila?"

Mahinang tinapik ko sa balikat ang koreanong hilaw na manager ng banda. "Masyado ka kasing cute kaya hindi ka nila masyadong binibigyan ng burden."

"Mas matanda ako sa kanila."

Napakurap ako sa lalaki. Hindi halata. Parang mas matanda pa nga ako sa kaniya. "Anyway. Hindi ba't lagi namang may babae ang mga 'yan?"

"Hindi iyong klase ng babae na alam ng fans na hindi na maaalis sa buhay nila. They know the difference between a fling, a temporary arm candy, and the kind of woman that they will give their surname to."

Wala akong nagawang isagot sa sinabi ni Locke at dumako lang ang tingin ko sa kinaroroonan ni Archer. I can faintly hear his voice saying those words to me again. Sa'yo lang.

We have a long way to go. Marami pa kaming kailangan ayusin sa mga sarili namin. I know I'm in love with him and I continue to fall each day I learn more about him. Matagal ko man siyang nakikita sa BHO CAMP pero kailan lang kami nagkakilanlan. But despite that, my heart just knows him.

I know I need to wait for him. And as far as I can see, he's not so far from where I'm at. Kaya sana lang hindi mahinto. Sana magtuloy-tuloy. Sana mahanap niya agad kung ano ang hinahanap niya para makarating siya sa akin.

I'm willing to wait for him as long as I know that I have a reason to wait.

"There's a man on his line."

Napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni Freezale mula sa listening device. She's been listening and watching from the control room.

Tinignan ko ang linya at nakita kong meron nga. Hindi naman kakaiba iyon dahil meron din namang nakapilang ilang mga lalaki sa ibang mga miyembro. But this particular man on Archer's line is sending me a different vibe.

"He's wearing bulky clothes." I said to the mic.

"I'm gonna close in." Hera said. "But I have no triggers on my sensors. Sa inyo?"

"Negative." sagot ni Adonis. "Lahat ng pumasok na-scan ko. Imposible na may makalusot kahit pa kutsilyo 'yan."

"Same." Hermes confirmed. "I've even received alarm from forks and bread knife from the nearby coffee shop when I passed by. Kaya kung ano man ang dala niyan dapat kanina pa lumabas sa atin."

"Negative din dito." sabi ni Erebus.

Hindi ko magawang mapanatag sa sinasabi nila dahil iba talaga ang nararamdaman ko. Alam kong gano'n din si Hera dahil nagpatuloy siya sa paglapit sa lalaki na tutok ang atensyon sa kinaroroonan ni Archer.

"Freezale?" I called.

"Yes."

"Natapos na ba ng experiment department ang Claw detector?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang device na ginagawa ng experiment department para tapatan ang kakayahan ng Claw na ma-detect ang mga kagamitan namin.

Matagal iyon bago nasimulan dahil sa mga impormasyon na kinakailangan namin makalap. Bukod pa doon ay puno na ang mga kamay ng experiment department para masiguradong enhanced lahat ng mga gamit namin para hindi na kami magawang ma-detect ng Claw. It was the number one reason why we failed against Claw the first time BHO CAMP encountered them. Iyon ang naging dahilan kung bakit nagawa nilang dakipin ang pinsan ko noon na si Storm na nagresulta sa mga masasakit na pangyayari sa organisasyon namin.

But Claw has been destroyed long ago. Enough to rattle them and make sure that they won't be operating. Akala namin noon ay kasama sa mga namatay sa naging paghaharap noon ay si Wyatt Claw, ang head ng Claw. But we learned through Phoenix' ex-wife that he's alive.

Matagal na panahon na silang wala. But we're not fools to think that they will be gone forever. That's why we've been readying.

But what are the chances that Archer's father asked for the help of Claw years ago to take revenge of those men? And what are the chances that they are here now?

"No. But it's nearly done-"

Hindi na niya natapos ang susunod niyang sasabihin dahil rinig ko sa listening device ang pagkakagulo ng mga agent na lahat ay tinatakbo ang papunta sa kinaroroonan namin ngayon. Even Thunder stopped what he's doing, his eyes alert.

Kinuyom ko ang mga kamay ko at nanatili lang ako sa kinauupuan ko habang nakatingin ako sa kinaroroonan ni Hera na siyang pinakamalapit sa lalaki. Hinawakan niya ang braso ng lalaki na kaagad inatake ang babae dahilan para magsigawan ang mga nakakita.

Hera immediately kick him on the chin, grab him on the shoulders and used her upper body to pinned the man on the floor.

Kaagad na kumilos ang security ng banda para tignan ang komosyon habang ang ilan sa kanila ay lumapit sa kinaroroonan ng mga miyembro.

"He's desperate." I whispered.

"He's not moving." Hera said at the listening device. She was a bit out of breath. "Hindi ko alam kung tumama ba ang ulo niya sa sahig-"

"He's dead." I felt Locke's hand wrapped around mine and he pulled me towards the band's security. Iginaya nila kami sa likod ng venue kung saan may daan palabas. "Look at his arms for me Hera."

Naramdaman kong binitiwan ni Locke ang kamay ko na kaagad napalitan ng pamilyar na kamay. Kumurap ako at tinignan ko si Archer na ngayon ay nasa harapan ko na. Nanatili akong nakatingin sa kaniya pero pakiramdam ko ay hindi ko siya nakikita.

"Anong kailangan kong makita?"

"A scratch. Just one line of scratch sa kaliwang braso."

I saw Archer's eyes hardened when he heard me speaking. Alam niyang nakakonekta ako sa mga kasamahan ko. And by just the few words I said, I know he realized now that I know more than I should. That I'm involved more than he wants me to be.

"Affirmative." Hera said again. "Anong ibig sabihin nito?"

"That scratch is similar to the scratch found on every dead members of the syndicate group that took the Chase children."

"Dumating si Kelsey dala ang pinapagawa mo kay Dawn kagabi, Aiere." pagbibigay alam ni Freezale.

Lumapit sa kinatatayuan namin si Thunder na kita ang kaguluhan sa mga nangyayari. Alam ng lahat na nandito ang mga agent para dagdag na proteksyon kay Archer maging sa mga miyembro. Pero wala pang nakakaalam sa mga bagong impormasyon na pinag-usapan namin ni Dawn.

"What the hell is happening?" Thunder asked me directly.

"What's the result?" I asked Freezale instead of answering him. Nag-angat ako ng tingin kay Archer na humigpit ang pagkakahawak sa akin. I can see the anger and betrayal in his eyes.

But I needed to. This is my job. This is what I do.

"They said that they can't clean it up. It's been recorded at the same location." Freezale said.

"Roqas, anong nangyayari?" ulit ni Thunder.

Nanatili akong nakatingin kay Archer. I can hear his words telling Dawn why he don't want me to be on this job. Naririnig ko siyang sinasabi na ayaw niyang madungisan ako ng dumi na meron ang buhay niya. I can hear him telling me that he doesn't deserve me.

Because he knew all along what I've been trying so hard to look for. Nasa kaniya ang sagot. Alam niya ang katotohanan.

He didn't just want to shield me from the dirt his past have because of his father. He want to shield me from him. He want to shield me from seeing what he think he is.

So I won't see how that man broke him. So I won't be tainted by his past. Para hindi magbago ang tingin ko sa kaniya.

What he don't understand is that this is not because of him. Ashley didn't died because of him. He didn't make his father came up with that decision.

Nothing changed in my eyes except he's been wronged.

"It's not your fault." I whispered, so quiet that I can't even hear my voice. "Why are you protecting him?"

Muling humigpit ang kamay niyang nakahawak sa akin. "You said you'll stay away."

"I never promised." I said in a strangled whisper. "Why?"

Gumihit ang sakit sa mga mata niya. "Because it is my fault. I caused all of this."

"Hindi mo nakikita ang nakikita ko."

"I want you to stay away." he whispered again touching my cheek with the gentle touch. "And now you know why I don't deserve you. Now you know why I don't want you to be tainted by my life. "

Pagkasabi no'n ay binitiwan niya ang kamay ko at naglakad paalis. Sandaling nagbaba ng tingin sa akin si Thunder bago niya tinakbo ang pinuntahan ng lalaki.

The way he said those words...it's like he's making sure that I won't continue to be touched by the things in his life. His words were so final...so detached. Like he's not just telling me to stay away from the mission.

Hindi siya ang may mali. Hindi siya ang may kasalanan. All he done is suffer from the things that are not his fault.

I just know don't know if I can ever make him see that.

___________________End of Chapter 21.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top